-angbahaging ito itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng
pananaliksik
-Sapagkat ito ang nagpapakita ng kontribusyon ng mananaliksik
sa pag-unlad ng kaalaman sapagkat binibigyan niya ng panibagong pagsususri ang mga orihinal na datos sa nalikom sa pananaliksik
Ayon kina Catherine Marshall at Gretchen Rossman (1990) sa
aklat na "Designing Qualitative Research", ang pagsusuri ng datos ay binubuo ng pagsasaayos, kategorisasyon, at pagsisiyasat ng mga ebidensya upang mapatunayan o mapasubalian ang inisyal na proposisyon ng pag-aaral Presentasyon ng Datos Bago ang presentasyon ng datos, mahalagang gawin muna ang proseso ng tabulasyon o pagsasaayos ng mga impormasyon nakalap Pangunahing hakbang ang paglikom at pagbilang ng mga bumalik na datos mula sa ibinahaging talatanungan, transkrisyon ng naganap na pakikipanayam o pag-aayos ng mga tala mula sa obserbasyon Pagkatapos ng pagsasaayos ay maaari nang simulan ang tallying sa pamamagitan ng paglalapat ng datos sa working tables.
Pagkatapos nito ay ginagawa ang pinal na talahanayan,
chart, o anumang uri ng presentasyon ng datos. * Sa kwantitatibong pananaliksik, ang mga paraan ng presentasyon ng datos ay sa pamamagitan ng graph, talahanayan o chart Grap at Chart- biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na maaaring magpakita ng kabuuang padron, ugnayan, o kalakaran batay sa uri nito. Bar graph- nagpapakita ng mga datos na nasa iba't-ibang kategorya o kaya ay paghahambing Pie chart - nagpapakita ng bahagdan o pagkakahati-hati ng bawat bahagi *Anumang paraan ng presentasyon ng datos ay kinakailangang maging paya at madaling maunawaan ito. kailangang ilagay ang: titulo pinagmulan ng datos Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos *Ang interpretasyon ay isang paraan kung saan ang mananaliksik ay umuusad mula sa deskripsyon ng kung ano ang kaso tungo sapagpapaliwanag kung bakit naging kaso ito. *Kung sa presentasyon ay sinasagot ng mananaliksik ang mga tanong na "ano" mas binibigyang-diin naman sa interpretasyon ang tanong na "bakit". Sa bahaging ito, kailangang isaalang alang ang: - kabuluhan ng mga impormasyong natuklasan - potensyal na mga mga dahilan ng nagbunsod sa impormasyon - posibleng susunod na hakabang o rekomendasyon *Binibigyang-kahulugan ang impormasyon * Bumubuo ng ugnayan at paghahambing * Binibigyang-diin ang mahahalagang impormasyon na ipinakikita ng mga ebidensyang nakalap *Ipinaliliwanang ang mga pagkakaugnay ng mga ebidensyang nakalap * Kailangang idagdag ang mga dahilan at epekto at kung kinukumpirma nito o hindi ang haypotesis ng pag-aaral *Mahalaga ring iugnay ng mananaliksik ang kaisipan sa iba pang isinasagawang pag-aaral *Iwasan ang mapanlahat na pahayag o SWEEPING STATEMENTS sapagkat ang mga ito ay mga pahayag na walang basehan. *Mahalaga ang cross-referencing o pag-uugnay ng mga resulta mula sa iba't-ibang bahagi ng pagtalakay * Binibigyang-diin ang mahahalagang impormasyon na ipinakikita ng mga ebidensyang nakalap *Ipinaliliwanang ang mga pagkakaugnay ng mga ebidensyang nakalap * Kailangang idagdag ang mga dahilan at epekto at kung kinukumpirma nito o hindi ang haypotesis ng pag-aaral *Mahalaga ring iugnay ng mananaliksik ang kaisipan sa iba pang isinasagawang pag-aaral *Iwasan ang mapanlahat na pahayag o SWEEPING STATEMENTS sapagkat ang mga ito ay mga pahayag na walang basehan. *Mahalaga ang cross-referencing o pag-uugnay ng mga resulta mula sa iba't-ibang bahagi ng pagtalakay