You are on page 1of 2

Konklusyon

Ito ay maaaring mga hinuha, mga paglalahat o mga implikasyong hinango sa naging
resulta ng isinagawang pag-aaral. Tulad ng lagon ang kongklusyon ay inilalahad sa
pamamagitan ng maikling pahayag na gumagamit ng mga tiyak at payak na salita.
Pakatandaan na ang kongklusyon ay hango lamang sa maging resulta ng mga
suliraning sinikap tugunan ng mananaliksik sa kaniyang isinagawang pag-aaral, Hindi
ito pag-uulit ng kalabasan ng pag-aaral, bagkus, paglalahad ito ng mga napatunayan sa
isinagawang pag-aaral.
Ang paghihinuha at paglalahat ay isang gawaing kakambal na ng pagiging
mananaliksik. Dito masusukat kung gaano nauunawaan ng mananaliksik ang mga
implikasyong kaakibat ng kinalabasan ng kaniyang pag-aaral. Kaugnay nito,
kinakailangang naunawaang mabuti ng mananaliksik kung ano ang mga nais ipahiwatig
ng naging resulta ng isinagawang pananaliksik, nang sa gayo’y makabuo siya ng isang
mainam na paghihinuha at paglalahat na siyang lalamanin ng kongklusyon.
Ang pagbuo ng kongklusyon ay nakatuon lamang sa paghihinuha o paglalahat ng
mananaliksik batay sa naging resulta ng pag-aaral at hindi na ito nangangailangan pa
ng pangsuportang literatura at pag-aaral. Sa madaling sabi, hindi na kailangan pang
ipaliwanag ang kongklusyon sa tulong ng iba’t ibang hanguan.
Methods of Research and Thesis Writing nina Calderon at Gonzales (1993, sa Garcia,
et al., 2012).
1. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong
nakalap

2. Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa


Layunin ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga
katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.

3. Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga factual na napag-alaman sa


pagsisiyasat.

4. Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implied o di-direktang epekto ng


mga datos o impormasyong nakalap.
5. Gawing maikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang
maihayag ang mga kailangang impormasyong resulta ng pag-aaral na hinihingi ng mga
tiyak na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.

6. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga


mananaliksik na silay may pagdududa o alinlangan sa validity at reliability ng
pananaliksik. Iwasan ang mga salitang siguro, marahil, baka at iba pa
7. Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.

8. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang
bahagi ng sulating pananaliksik. Samakatuwid, ang isang diwang una ng
Nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa
konklusyon.

You might also like