You are on page 1of 2

Kongklusyon

Ang Konklusyon ay paglalahad ng mga tuklas sa pananaliksik na kaugnay ng layunin ng pag-aaral.

Lahat ng konklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.

Sa pagbubuo ng konklusyon, nararapat lamang na lahat ng impormasyong ididikta ay nakapaloob sa


kabuoan ng mga impormasyong nakalap, upang maging kapanipaniwala at makapagbigay ng tama at
sapat na impormasyon sa mga mambabasa.

Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa layunin ng pagaaral.

Isang mahalagang hakbang sa isang pananaliksik ang makapagbigay ng kasagutan sa pangkalahatang


isyu ng pagaaral. Mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi
malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.

Dapat matukoy sa kongklusyon ang mga paktuwal na napag-alaman sa inkwiri.

Isang layunin sa pananaliksik ay ang pagbibigay ng tama at paktuwal na impormasyon sa mga


manbabasa, nararapat lamang na ibahagi ang nakolektang impormasyon ng buo at sapat na walang
kinikilingan at tapat na sasagot sa isyu ng pagaaral.

Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirektang epekto ng mga datos o
impormasyong nakalap.

Sa pananaliksik isa sa mga katangian na dapat taglatin ng mga mananaliksik ay ang katapatan at tapat na
paglalahad ng impormasyon, ang pagaaral ng isang isyu ay sadyang hindi madali, ngunit hindi ito isang
dahilan upang bastahin na lamang at magbigay ng maling impormasyon sa mga mambabasa.

Gawing maikli at tuwiran ang mga kongklusyon.

Dahil ang konklusyon ay isang uri ng sintesis ng mga nakalap na datos, mas katanggap tanggap kung itoy
concise at maikli lamang, ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang impormasyong
resulta ng pag-aaral na hinihingi ng mga tiyak o ispesipikong tanong sa layunin ng pag-aaral.

Maging tiyak at totoo sa paglalahad ng mga kongklusyon.

Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na silay may pagdududa o alinlangan sa baliditi at
relayabiliti ng kanilang pananaliksik. Kailangan kung gayong iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng
walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil, malamang, baka at iba pa.

Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.

Upang maging concise at accurate ang inyong kongklusyon nararapat lamang na umikot ang kabuoan
nito sa paksa saklaw at panahon ng pagaaral.

Ang mga konklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng
pamanahong papel.

Samakatuwid, ang isang diwang una nang nabaggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang
kaparaanan sa kongklusyon.

You might also like