You are on page 1of 17

KABANATA 4

MGA RESULTA AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang mga datos na nakuha mula sa

palatanungan upang mabigyang kasagutan ang mga suliranin ng pag-aaral na

ito. Ang mga datos ay sinuri alinsunod sa gamit ng nararapat na mga istatistikal

tools. Ang mga datos na nakuha mula sa palatanungan ay nilista, ginamitan ng

mga istatistikal na tools, at ipinakita sa mga tables.

Mga Profile ng mga Respondente

Ang unang layunin ay tukuyin ang profile ng mga respondente sa mga

tuntunin ng kasarian, baitang at edad na naipapakita ng table 1.

Pinapakita ng table 1 na mula sa 40 na mag-aaral na naging respondente

sa pag-aaral, 20 ang babae na nirerepresenta ng 50 porsyento mula sa grupo at

20 din ang lalaki na nirerepresenta ng 50 porsyento na mula sa grupo.

Sa baitang naman, pinapakita ng table 1 na mula sa 40 na mag-aaral na

naging respondente sa pag-aaral, 10 estudyante na mula sa grade 7 ay

nagrepresenta ng 25 porsyento mula sa grupo ng respondente na piniling

maging parte ng pag-aaral. 10 estudyante mula sa grade 8 na nirerepresenta ng

25 porsyento ay ang piniling maging parte ng pag-aaral, gayundin sa grade 9 na

nagpapakita ng 25 porsyento o 10 estudyante mula sa grupo ng respondente ng

pag-aaral ang naging parte. At sa panghuli 10 estudyante sa grade 10 o 25

porsyento mula sa grupo ang pinili bilang respondente sa pag-aaral.

Pinapakita din ng table 1 ang edad ng mga respondente. Mula sa 40 na

mag-aaral na naging respondente sa pag-aaral, 24 na mag-aaral na


nagrerepresenta ng 60 porsyento ang nasa edad ng 14 pababa, habang 16

naman na mag-aaral na nagrerepresenta ng 16 porsyento ang nasa edad na 15

pataas.

Table 1. Profile ng mga Respondente

Variable Categories Frequency Percentage (%)

KASARIAN Lalaki 20 50%

Babae 20 50%

Total 40 100%

BAITANG Grade 7 10 25%

Grade 8 10 25%

Grade 9 10 25%

Grade 10 10 25%

Total 40 100%

EDAD 14 at Pababa 24 60%

15 at Pataas 16 40%
Total 40 100%

Table 2. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain ng


mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School batay sa
Pagkopya ng mga Aralin

Aytem Mean Interpretasyon

Pagkopya ng mga Aralin

Kumokopya ng mga aralin na nakasulat 3.7250 High


sa pisara

Kumokopya ng mga na-miss na aralin 3.3000 Moderate


mula sa kaklase

Kinokopya ang mga mahahalagang 3.8500 High


detalye ng aralin at hindi lahat ng
impormasyon

Nakatuon ang atensyon sa pagkopya at 3.6250 High


pakikinig ng mga aralin

Average 3.6250 High

Nakalagay sa Table 2 ang extent ng mga kalahok sa gawaing akademiko

tungo sa pagkopya ng aralin. Ayon sa table makikita na ang average mean score

ay 3.625. Ito ay nangangahulugang high or mataas ang extent ng mga

estudyante sa pagkopya ng mga aralin.


Ang aytem namang may pinakamataaas na mean score ay ang “Kinokopya

ang mga mahahalagang detalye ng aralin at hindi lahat ng impormasyon” na

may mean score na 3.85, ito ay may high na extent. Nagpapakita ito na ang mga

estudyante ay mabiss sa pagkopya ng mga impormasyon sa pisara. Subalit, ang

may pinakamababa na mean score ay ang aytem na “Kumokopya ng mga na-

miss na aralin mula sa kaklase” na may mean score na 3.30 na

nangangahulugang may moderate extent. Ang ibig sabihin nito ay minsan-

minsan lang sila kumokopya ng mga na-miss na aralin o lektyur kapag sila ay

hindi nakapasok sa paaralan.

Table 3. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain ng


mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School batay sa
Sariling Pag-aaral

Items Mean Interpretation

Sariling Pag-aaral

Nakakapag takda ng oras sa pag-aaral at 3.5750 High


pagawa ng mga proyekto

Pinipiling gumawa ng takdang aralin 3.5000 High


kahit mabawasan ang oras ng pagtulog

Pinipiling mag-aaral at gumawa ng 3.1250 Moderate


proyekto sa bahay kesa sa paaralan

Nag-aaral tuwing gabi para sa pagsusulit 3.1000 Moderate


sa susunod na araw
Average 3.3250 Moderate

Nakalagay sa Table 3 ang extent ng mga kalahok sa gawaing akademiko

tungo sa sariling pag-aaral. Ayon sa table, makikita na ang average mean score

ay 3.325 at ito ay nangangahulugang bilang moderate ang extent ng mga

estudyante sa sariling pag-aaral.

Ang aytem na may pinakamataaas na mean score ay ang “Nakakapag

takda ng oras sa pag-aaral at pagawa ng mga proyekto” na may mean score na

3.57, ito ay may interpretasyong moderate na extent. Nagpapakita ito na ang

mga estudyante ay laging nag-iskedyul ng kanilang oras para sa paggawa ng

mga proyekto. Subalit, ang may pinakamababa na mean score ay ang aytem na

“Nag-aaral tuwing gabi para sa pagsusulit sa susunod na araw” na may mean

score na 3.1 na ma-interpret na bilang moderate extent. Ang ibig-sabihin nito ay

minsan-minsan lang sila nag-aaral sa gabi para sa pagsusulit sa susunod na

araw.

Table 4. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain ng


mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School batay sa
Partisipasyon sa Klase

Items Mean Interpretation

Partisipasyon sa Klase
Aktibo sa pagsagot ng mga katanungan sa 3.0000 Moderate
klase

Hindi nakakatulog sa klase o tuwing 3.3500 Moderate


naglelektiyur

Hindi nakakaramdam ng antok tuwing 2.4000 Low


klase o lektiyur

Nakakapag lahad ng ediya sa klase 3.2500 Moderate

Average 3.0000 Moderate

Nakalagay sa Table 4 ang resulta ng mga kalahok sa gawaing akademiko

tungo sa partisipasyon sa klase. Ayon sa table, makikita na ang average mean

score ay 3.0000 at ito ay nangangahulugang bilang moderate ang extent ng mga

estudyante tungo sa partisipasyon sa klase.

Ang aytem na mayroong pinakamataas na mean score ay ang “Hindi

nakakatulog sa klase o tuwing naglelektiyur” na may mean score na 3.35, ito ay

nangangahulugang bilang moderate na extent. Pinapakita nito na nakikinig at

aktibo ang mga estudyante sa klase at hindi nakakatulog tuwing may leksyon.

Ngunit, ang may pinakamababa na mean score naman ay ang aytem na “Hindi

nakakaramdam ng antok tuwing klase o lektiyur” na may mean score na 2.4, ito

ay nangangahulugang bilang low na extent. Ang ibig sabihin nito ay

nakakaramdam din ng antok ang mga estudyante tuwing may klase at leksyon.
Table 5. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikon Gawain ng
mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School batay sa
Gawaing Pangpaaralan

Aytem Mean Interpretation

Gawaing Pangpaaralan

Nakagawa at naipasa ang mga takdang 3.7500 High


aralin sa kahat ng asignatura sa tamang
oras

Malinaw na naiintindihan ang mga 3.4500 High


paalala o tagubilin sa mga gawain

Nakakapag-ambang ng mga bagong ideya 3.5750 High


sa grupo upang makakatulong sa gawain

Nakakapokus gawin ang mga 3.7750 High


kinakailangan para sa mga gawain sa
anumang akda

Average 3.6375 High

Nakalagay sa Table 5 ang pagkalawak ng mga kalahok sa gawaing

akademiko tungo sa sariling pag-aaral. Ayon sa table, makikita na ang average

mean score ay 3.325 at ito ay nangangahulugang bilang moderate extent ang

mga estudyante sa sariling pag-aaral.


Ang aytem na may pinakamataaas na mean score ay ang “Nakakapokus

gawin ang mga kinakailangan para sa mga gawain sa anumang akda” na may

mean score na 3.775, ito ay ma-interpret bilang high na extent. Nagpapakita ito

na ang mga estudyante ay laging nakakapokus at inuuna ang mga

kinakailangan sa mga gawaing akademiko. Subalit, ang may pinakamababa na

mean score ay ang aytem na “Malinaw na naiintindihan ang mga paalala o

tagubilin sa mga gawain” na may mean score na 3.45 na ma-interpret na bilang

high na extent. Nagpapakita ito na halos malinaw naman ang pagkaintindi ng

mga estudyante sa mga tagubilin ng mga gawain sa mga anumang akda.

Variable
Mean Std. Deviation Interpretasyon

Kahabaan ng 3.1250 1.04237 Moderate


tulog

Resultang Imperensyal
The following will be used in table 7 to 17 analyze the data on each illustration.

a. Reject the null hypothesis if the p-value is less than or equal to 0.05 level of significance.

b. Accept the null hypothesis if the p-value is greater than 0.05 level of significance.

Objective 1 - Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa kahabaan ng oras


sa pagtulog kapag ang mga respondente ay pinangkat sa kasaraian, edad at
baitang?

Table 7. Ang Pagkakaiba ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain ng


mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa
Kasarian

Variable Category Mean t-value p-value Alpha Interpretation

Kasarian Lalaki 3.25 0.754 0.455 0.05 Walang


Kabuluhan

Babae 3.00

Ang Table 7 ay ginamitan ng independent sample t-test upang malaman

kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kahabaan ng pagtulog ng maaga

sa mga kalahok kapag sila ay pinangkat ayon sa kasarian.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.455. Ito ay pinapakita na

walang makabuluhang pagkakaiba ang kahabaan ng oras sa pagtulog kapag ang

mga respondente ay pinangkat ayon sa kasarian. Samakatuwid, balido o

tatanggapin ang null hipotesis.


Table 8. Ang Pagkakaiba ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain ng

mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa Edad

Variable Category Mean t-value p-value Alpha Interpretation

Edad 14 pababa 3.1250 0.000 1.000 0.05 Walang


Kabuluhan

15 pataas 3.1250

Ang Table 8 ay ginamitan ng independent sample t-test upang malalaman

kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kahabaan ng pagtulog ng maaga

sa mga kalahok kapag sila ay pinangkat ayon sa edad.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 1. Ito ay pinapakita na walang

makabuluhang pagkakaiba ang kahabaan ng oras sa pagtulog kapag ang mga

respondente ay pinangkat ayon sa edad. Samakatuwid, balido at tatanggapin

ang null hipotesis.

Table 9. Ang Pagkakaiba ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain ng


mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa
Baitang

Variable Category Mean f-value p-value Alpha Interpretation

Baitang Grade 7 3.6000 0.939 0.432 0.05


Grade 8 3.0000 Walang
Kabuluhan

Grade 9 3.0000

Grade 10 2.9000

Ang Table 9 ay ginamitan ng independent sample t-test upang malalaman

kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa kadalasan ng pagtulog ng maaga

sa mga kalahok kapag sila ay pinangkat ayon sa baitang.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.432. Ito ay pinapakita na

walang makabuluhang pagkakaiba ang kahabaan ng oras sa pagtulog kapag ang

mga respondente ay pinangkat ayon sa Baitang. Samakatuwid, balido at

tatanggapin ang null hipotesis.

Objective 2 - Mayroon bang malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa

akademikong gawain ng mga mag-aaral?

Table 10. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain


ng mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa
Pagkopya ng Aralin

Variable Mean r-value p-value Alpha Interpretation

Kahabaan ng 3.1250 -0.048 0.768 0.05 Walang


Tulog Kabuluhan
Pagkopya ng 3.6250
Aralin

Ang Table 10 ay ginamitan ng bivariate upang malalaman kung mayroong

malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain tungo sa

pagkopya ng aralin.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.768. Ito ay pinapakita na

walang malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain

tungo sa pagkopya ng aralin. Samakatuwid, balido at tatanggapin ang null

hipotesis.

Table 11. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain


ng mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa
Sariling Pag-aaral

Variable Mean r-value p-value Alpha Interpretation

Kahabaan ng 3.1250 0.087 0.594 0.05 Walang


Tulog Kabuluhan

Sariling Pag-aaral 3.3250

Ang Table 11 ay ginamitan ng bivariate upang malalaman kung mayroong

malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain tungo sa

sariling pag-aral.
Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.594. Ito ay pinapakita na

walang malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain

tungo sa sariling pag-aral. Samakatuwid, balido at tatanggapin ang null

hipotesis.

Table 12. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain


ng mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa
Partisipasyon sa Klase.

Variable Mean r-value p-value Alpha Interpretation

Kahabaan ng 3.1250 0.109 0.502 0.05 Walang


Tulog Kabuluhan

Partisipasyon sa 3.0000
klase

Ang Table 12 ay ginamitan ng bivariate upang malalaman kung mayroong

malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain tungo sa

partisipasyon sa klase.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.502. Ito ay pinapakita na

walang malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain


tungo sa partisipasyon sa klase. Samakatuwid, balido at tatanggapin ang null

hipotesis.

Table 13. Ang Kaugnayan ng Kahabaan sa Pagtulog sa Akademikong Gawain


ng mga Mag-aaral ng Junior High School ng Trinity Christian School ayon sa
Gawaing Pangpaaralan.

Variable Mean r-value p-value Alpha Interpretation

Kahabaan ng 3.1250 0.150 0.355 0.05 Walang


Tulog Kabuluhan

Gawaing 3.6375
Pangpaaralan

Ang Table 13 ay ginamitan ng bivariate upang malalaman kung mayroong

malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain tungo sa

gawaing pang-paaralan.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.355. Ito ay pinapakita na

walang malawak na epekto ang kahabaan ng pagtulog sa akademikong gawain


tungo sa gawaing pang paaralan. Samakatuwid, balido at tatanggapin ang null

hipotesis.

Objective 3 - Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa gawaing akademiko


kapag ang mga kalahok ay pinangkat sa Kasarian, Edad, at Baitang?

Table 14. Pagkakaiba sa gawaing Akademiko kapag pinangkat ayon sa


Kasarian

Variable Category Mean t-value p-value Alpha Interpretation

Kasarian Lalaki 3.3865 -0.162 0.872 0.05 Walang


Kabuluhan

Babae 3.4100
Ang Table 14 ay ginamitan ng independent sample t-test upang

malalaman kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa paggawa ng mga

gawaing pang-akademiko sa mga kalahok kapag sila ay pinangkat ayon sa

kasarian.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.872. Ito ay pinapakita na

walang makabuluhang pagkakaiba ang paggawa ng mga gawaing akademiko

kapag ang mga respondente ay pinangkat ayon sa kasarian. Samakatuwid,

balido at tatanggapin ang null hipotesis.

Table 15. Pagkakaiba sa gawaing Akademiko kapag pinangkat ayon sa Edad

Variable Category Mean t-value p-value Alpha Interpretation

Edad 14 3.3654 -0.558 0.580 0.05 Walang


pababa Kabuluhan

15 pataas 3.4475

Ang Table 15 ay ginamitan ng independent sample t-test upang

malalaman kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa paggawa ng mga

gawaing akademiko sa mga kalahok kapag sila ay pinangkat ayon sa edad.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.580. Ito ay pinapakita na

walang makabuluhang pagkakaiba ang paggawa ng mga gawaing akademiko


kapag ang mga respondente ay pinangkat ayon sa edad. Samakatuwid, balido

at tatanggapin ang null hipotesis.

Table 16. Pagkakaiba sa gawaing Akademiko kapag pinangkat ayon sa


Baitang

Variable Category Mean f-value p-value Alpha Interpretation

Baitang Grade 7 3.4320 0.089 0.965 0.05 Walang


Kabuluhan

Grade 8 3.4130

Grade 9 3.3330

Grade 10 3.4150

Ang Table 15 ay ginamitan ng independent sample t-test upang

malalaman kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa paggawa ng mga

gawaing akademiko sa mga kalahok kapag sila ay pinangkat ayon sa baitang.

Ayon sa datos, ang kinompyut na p-value ay 0.965. Ito ay pinapakita na

walang makabuluhang pagkakaiba ang paggawa ng mga gawaing akademiko

kapag ang mga respondente ay pinangkat ayon sa baitang. Samakatuwid, balido

at tatanggapin ang null hipotesis.

You might also like