You are on page 1of 50

 

Republic of the Philippines


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Political Science and Public Administration
Department of Public Administration

ANG NEGATIBONG EPEKTO NG PROYEKTONG “NEW CLARK CITY” SA

PAMUMUHAY NG MGA MAGSASAKA AT MGA KATUTUBO SA PROBINSIYA NG


CAPAS, TARLAC

Presented by:
Bumagat, Julie Ann O.
Cabal, John Rey S.
Gonzales, Sherry Mae M.
Tadeo, Adrea Lee L.

Presented to:
Prof. JM Lanuza
Adviser
 

CHAPTER I

The Problem and its Background

This chapter presents the Introduction, Background of the Study, Statement of the Problem,
Significance of the Study, Objectives of the Study,
S tudy, Hypothesis, Theoretical Framework/
Conceptual Framework

INTRODUCTION

Maraming mga proyekto ang tinangkang isagawa at buuin ng ating gobyerno upang mapaunlad
ang ating bansa. Isa na dito ang kasalukuyan at pinakamalaking proyekto ngayon na  New Clark

City. Ang  New Clark City  ay binubuo ng 36,000 ektaryo ng lupain na matatagpuan sa Capas,
Tarlac na kung saan, ang lupain ay mainam tamnan ng mga pangunahing produktong pang-
agrikutural. Masasakop ang labing-isang barangay sa Capas, Tarlac at tatlong barangay ng
Bamban, Tarlac. Sa pangkasalukuyang panahon kung saan ang sistema ng lungsod na ating
ginagalawan na napag-iiwanan na ng panahon, nagkakaroon ng matinding pangangailangan ang
mga bansang kabilang sa Underdeveloped Countries na makasabay sa modernisadong mga bansa
na may Smart Cities na siyang may malaking ambag sa takbo ng ekonomiya kung kaya’t
nagdesisyon ang ating gobyerno na magtayo ng  smart city na makikila natin bilang  New Clark
City. Alam natin na ang Pilipinas ay kabilang sa underdeveloped countries kung kaya’t gumawa
ng hakbang ang gobyerno upang matugunan ang pagnanais na makasabay sa modernisasyon ng
ibang bansa. Subalit kasabay ng pag-usbong ng proyektong ito ay ang pag-usbong din ng mga
isyu at problemang maaaring kaharapin ng ating mga kababayang magsasaka at katutubo na
lubos na maapektuhan ng nasabing proyekto.

Tatalakayin sa pag-aaral na ito ang mga negatibong epekto ng proyekto na  New Clark
City partikular sa lugar ng Capas, Tarlac kung saan, libu-libong katutubo at magsasaka ang labis
na maapektuhan. Nakasaad din sa pag-aaral na ito ang mga isyung konektado sa usaping ito.
Katulad na lamang ng isyu sa lupain, kabuhayan, at seguridad ng mga maapektuhang
 

mamamayan. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay magbibigay linaw sa
mga katanungang nasa isip ng mga tao lalo na ng mga magsasaka at katutubo sa Capas, Tarlac

Ang paksa na ito ay mahalagang pag-aralan sapagkat buhay ng mga mga local na
mamamayan ang pinag-uusapan sa isyung ito partikular ang buhay ng mga magsasaka at mga

katutubong naninirahan sa Capas, tarlac na lubos na maaapektuhan.

Ang lupain ng Capas, Tarlac ang siyang pangunahing pinagkukunan ng mga produktong
agricultural partikular ang mga produktong palay at mais. Bago pa man simulan ang pananaliksik
 patungkol sa proyektong NCC, batid ng mga mananliksik ang lupain sa lugar na ito ay ginagamit
na sakahan ng mga lokal na mamamayan. Inakala rin ng mga mananaliksik at nang nakararami,
na ang proyektong ito ay magdudulot lamang ng positibong epekto sa lahat ng larangan. Lingid
sa kaalaman ng mga mananaliksik at nakararami na ang lupaing ito ay may suliraning
kinakaharap sa kasalukuyan kasabay ng sinasabing kaunlaran ng ating gobyerno.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik patungkol sa proyektong ito ng gobyerno, batid ng mga


mananaliksik na may mga pagkukulang at pagkakamali ang proyektong nais isagawa kung
kaya’t nagdesisyong bigyang pansin ng mga mananaliksik ang isyung ito nang sagayon ay
mahinuha ng mga tao ang masamang dulot ng proyektong ito lalo na sa buhay ng mga
magsasaka at katutubo na naninirahan sa lugasr na ito. Bukod pa dito, layunin din ng pag-aaral
na ito na magbigay kaalaman ang gobyerno at mga susunod pang mananaliksik patungkol sa isyu
na ito.
 

BACKGROUND OF THE STUDY

Bawat bansa ay may kani-kanilang paraan upang mapaganda at mapayabong ang


kanilang aspeto pagdating sa ekonomiya. Isa rin sa mga humuhubog ng magandang koneksyon
ng isang gobyerno sa lipunan ay ang pagbibigay ng serbisyo at tugunan ang pangangailangan
tungo sa pagkakaroon ng kaginhawaan sa lupang sinasakupan nito. Isa sa mga paraan na naisip
ng bansang Pilipinas ay ang pagkakaroon o pagtatatag ng isang makabago o modernong siyudad
o ang “ smart, green, and disaster-resilient metropolis”.
metropolis”. Sa kasalukuyang panahon, patuloy na
isinasagawa ng administrasyon ang pagtatayo ng kauna-unahang “smart, green, and disaster -
resilient metropolis” na matatagpuan sa bayan ng Tarlac na tinatawag ngayon na “New Clark
City”. Ayon sa BCDA o Bases Conversion and Development Authority, ang “New Clark City”
ay nagsisilbing tugon sa problema sa isyu patungkol sa dami ng populasyon sa Metro Manila.

Sinasakupan din nito ang layunin na magkaroon ng mainam na kalakalan pagdating sa industriya
at agikultura at ang pagpapalaganap ng konsepto ng imprastraktura katulad ng mga pabahay,
transportasyon, gusali na angkop sa pagpapalago ng negosyo at mga pasilidad pagdating sa
edukasyon. Ayon din sa kanila, ang ganitong stratehiya ay naglalayong pataasin ang antas ng
 pamumuhunan sa bansa, turismo at maging paraan ng pagtaas ng oportunidad ng trabaho sa
 bansa. Ang konsepto ng pagbuo ng  New Clark City ay inihalintulad sa mga bansang may
 progresibong ekonomiya
ekonomi ya katulad na lamang ng  New Songdo
S ongdo City  ng South Korea at ng  Dholera 
ng bansang India.

Bagama’t may positibong epekto ang pagbuo ng kau na-unahang  smart city  sa bansa, ito
rin ay may malaking epekto sa mga taong pumapalibot nito partikular na sa mga magsasaka at
mga katutubo. Malaking usapin sa pagbuo ng  New Clark City  ay ang isyu patungkol sa pag-
angkin ng lupain. Ang mga katutubo at magsasaka ay sa lupain lamang na kanilang sinasaka
umaasa para sa kanilang mga ikabubuhay. Ang lupang tatayuan ng proyektong  New Clark City 
ay pinaniniwalaang ninunong-lupain ng mga katutubo na patuloy nilang ipinagalaban upang
mapanatili ito sakanilang puder at mas mapayaman pa. Subalit dahil sa ang lupain ay kabilang sa
 socio-economic zones, walang magawa ang mga residente upang ipaglaban ang kanilang mga
karapatan dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman.
 

 Ang socio-economic zone ayon sa RA 7916, ay tinatawag na ecozones na kung saan ang
mga piling lugar ay mayroong mataas na antas ng kaunlaran o may potensyal na maging
maunlad sa larangan ng agro-industrial, industrial tourist/recreational, commercial, banking,
investment, at financial centers. Kabilang ang lupain ng pagtatayuan ng makabagong siyudad o
 New Clark City  bilang isang special economic zone. Ang lupain na binanggit ay minsan nang
ginawang isang base militar ng mga amerikano noong panahon ng mga Amerikano kung kaya’t
ang bansag dito ay Clark Air Base. Dahil sa pagpapalawig ng aspeto ng pagpapa-unlad, ang mga
 base militar noon ay ginagawa na bilang isa sa mga sangkap upang mapalago ang ekonomiya ng
 bansa. Isa rin sa magandang halimbawa ng pagpapalit ng layunin ng lupain ng base militar na
naging ekonomikong lupain ay ang lugar na matatagpuan sa siyudad ng taguig na tinatawag na
ngayon bilang Bonifacio Global City.

 Nagkaroon na ng mga malawakang pagtuligsa at protesta laban sa nasabing proyekto


ngunit tila hindi nasindak ang gobyerno sa mga dahilang ibinahagi ng mga katutubo at
magsasaka kung kaya’t ang pagpapatayo ng NCC ay tuloy na tuloy parin. Ang pangunahing
dahilan kung bakit may kahirapan sa ating bansa ay dahil ang mga taong pangunahing taga-gawa
n gating kinakain ay siya ring nagugutom. Kung iisipin, ang pagkokonvert ng lupang mainam
sakahan para sa isang proyektong makasisira lamang sa ating kalikasan ay dagdag pasakit pa sa
mga mahihirap sa ating bansa lalo na sa mga karatig lugar ng proyektong itatayo. Hindi lamang
dugo’t pawis ang iniaalay ng ating magsas aka para ipaglaban ang lupain sa Capas, mayroon na
ring napabalitang napatay dahil lamang sa pagtuligsa para sa dapat ay sakanila (magsasaka at
katutubo). Nagbigay komento rin ang ilang kinatawan ng mga partidong sumusuporta sa mga

karapatan ng ating mga k atutubo


atutubo ukol sa isyung ito. Ang mga pakikibakang ito’y tila wala
naming kinahahantungang mabuti para sakanila bagkus ay sila pa ang mga napaahamak at
napasasama. Ang mga katutubo ay nagbahagi rin ng kanilang hinaing kung saan kanilang
nabanggit ang kanilang mga karapatan na hindi naman nila natatamasa. Ang mga katutubo ay
kilala sa pagtira sa mga kabundukan at dahil rito, matiim silang tumataliwas sa NCC dahil ayon
sa kanila, ang buhay nila’y roon sa kabundukan at hindi sa kapatagan.  

Ang komersalisasyong isinasagawa ng gobyerno sa kalupaan ng Capas sa lalawigan ng Tarlac


ay isang pangitain ng pagkakaroon ng mas progresibong na pag-unlad na nais ilunsad ng

gobyerno para sa ikakabuti ng mga mamayanan ng Capas at makakatulong rin sa ekonomiya ng


 

 bansa. Sinasabi ng kasulukuyang gobyerno na ang pagtatayo ng “New Clark City” ay isa sa
solusyon para mabawasan ang sobra-sobrang polusyon sa metro manila ganun rin na bigyan daan
ang pag-unlad sa mga iba’t-ibang probinsya ng bansa. Sinasabi na ito ay magbubunga ng
maraming oportunidad hindi lamang sa mga mamayaman malapit sa  New Clark City kung hindi
na rin sa pagpapataas at pagpapaganda ng ekonomiya ng bansa para makipag-sabayan sa mga
 progresibong mga bansa, sapagkat ang pagbuo ng kauna-unahang  smart city  sa lalawigan ng
Tarlac ay magbibigay daan sa mas marami pang mga dayuhan na mamumuhunan. Pero sa
samu’t-saring magagandang epekto idudulot nito sa bansa, ay mayroon mga isyung hindi tayo
nakikita na maaring mas kailangan bigyan ng pansin at paglaan ng oras. Ang malakawang land
conversion, displacement, ng mga katutubo at magsasaka pati na rin ang isyu maaring kaharapin
ng bansa sa food security.

Ang kaakibat ng patatayo ng isang  smart city  ay ang pagkawala ng mga lupain sa lalawigan
ng Tarlac at ilan pang isyu na makaka-apekto sa mga katutubo at magsasaka nating mga
mamayanan. Ang pagkawala ng lupa ay isa sa mga pinakamalaking nadaranas ng mga
magsasaka sa buong mundo. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit patuloy ang paghihirap ng mga
nasa agrikultural ng sektor ng bansa. Sa bansang Indonesia, espesipiko sa bayan ng Tomohon,
gumawa ng pag-aaral kung saan naganap ang land conversion, ang pagkamkam ng mga lupain
ay dahil economic factor, landscape factor, at  food security  na nais matamasa ng bansang
Indonesia.  Nakikita ng gobyerno nito na mas magiging epektibo ang pagkakaroon ng   land
conversion  na gagawing  Industrial sapagkat mas magkakaroon ng mga iba’t-ibang produksyon
na maaring gawing hanapbuhay ng mga nasa siyudad nito. [Benu:2013] Pero sa mga katutubo at

mga magsasaka isa itong paraan ng pagpapaalis sa kanilang tirahan at nakasanayang araw-araw
na pamumuhay. Ayon din sa nalagap na datos ng Department of Agriculture na 9.77% ng
Central Luzon o halos 3,937.55 hektarya na ang nagamit para sa land conversion. Nangunguna
naman ang CALABARZON na halos 66.34% o 26,739,03 hektara na ang nagamit sa
kombersyon para magpasok ng mga industrial, economic, at mga high-tec zones  na mas
makikinabang ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa. Malaking ang epekto ng land
conversion sa isang bansa, kahit na ang pangunahing mungkahi ng gobyerno ay mapaayos ang
isang komunidad. Hindi pa rin maalis sa mga maapektuhan nito ang problem nila na puwede pa
nilang kaharapin. Mula sa pagkamkam ng mga lupain ng gobyerno, dito papasok ang
 

displacement ng mga mamamayan na nakapalibot o nasasakupan ng lupa na gagamitin para sa


 proyekto ng gobyerno.

Patuloy ang displacement o pagpapa-alis sa mga katutubong nakatira malapit sa  New Clark
City  at pagpapalipat sa ibang bayan dahil na rin sinisimulan na ng gobyerno ang  Phase 1 ng

 proyekto sa Capas. Isang malaking pangamba


pan gamba ng mga mamamayan
mamam ayan at magsasaka ng Capas ang
maaaring malawakang displacement dahil na rin sa proyekto isinasagawa ng gobyerno. Kung
tayo ay magbabalik tanaw sa proyekto ng gobyerno na San Roque Dam sa lalawigan ng
Pangasinan at Benguet, naitala na marami ang mga pamilyang napaalis sa kanilang kinatitirhan.
Kasama sa mga malaking na epektuhan nito ay ang mga katutubong Ibaloi ng Pangasinan, na ang
 pangunahing gawi ng pamumuhay ay ang pagtatanim at pagsala ng mga ginto para ibenta sa
merkado. Mariing itong tinutulan ng mga katutubong mamamayan at mga grupo na
nangangalaga sa mga karapat pantao ng mga katutubo sa kanilang lupain. Naghain din sila para
maayos at mapag-usapan ng mas maagi ang nasabing proyekto dahil nakasaad sa  Indigenous
 Peoples Right Act   na dapat bigyan dapat ng mga impromasyon at pahintulot sa kanilang
ancestral land  pero
  pero ito ay ipinag-walang bahala at nagpatuloy sa pagtatayo ng San Roque Dam.
Ayon sa datos, halos 4,400 indibidwal o mahigit 200 pamilya ang na  displaced dahil sa
 pagsasagawa ng San Roque Dam. Marami ang nawalan n
ngg kabuhayan at lupa ng walang maayos
na kompensasyon mula sa mga pribadong companya at sa gobyerno. Ito ang isang maaring
kaharapin ng mga katutubong Aeta sa Capas, Tarlac. Noong 2013, nasa proseso pa lamang ng
 paggawa ng master plan ang  New Clark City  marami ng mga grupo ng magsasaka at mga
katutubo ang nagnanais ipahinto ang proyekto. Nasambit ng lider ng samahang Alyansa ng

Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) na si Joseph Canlas na patuloy ang pangigipit ng mga
Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Ayta kung kaya’t hindi maipabatid at mabigyang
 pansin ng
n g mga Pilipino ang kasalukyang dinaranas ng mg
mgaa kababayang
kab abayang Ayta. Sinabi rin nito na
ang proyektong  New Clark City ay walang kahulugan kundi pribatisasyon at malawakang land
conversion  at ipagbibili sa mga dayuhang mamumuhunan. Dahil din sa displacement na
magaganap ay ang patuloy na paghirap at walang kabuhayan ang mga magsasaka at mga nasa
agrikultural na sektor. Kahit na ang Pilipinas ay kinokonsiderang agrikultural na bansa dahil sa
likas na yaman nitong maipagmamalaki at naayon na klima para sa mga binhi, hindi pa rin natin
maitatanggi na itong sektor pa rin na ito ang pinakamahirap sa lahat. Isa na nga sa mga kasabihan
ng mga Pilipino ay kung sino pa ang nagbibigay produksyon ng bigas at palay, ay sila pa itong
 

walang makain at kapos ng pera pangtustos sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan.


Patuloy ang ganitong pamamaraan ng gobyerno para lamang maipakita na mayroon silang mga
hakbang ginagawa para mapaayos at mapasagana ang buhay ng bawat mamamayan pero ito pa
ang lalong nagpapalala ng sitwasyon sa estado ng buhay ng bawat mamamayan.

Ang pahirapan rin makahanap ng trabaho ang isang problema ng mga magsasaka at
katutubong maapektuhan ng proyekto dahil sa displacement na naganap, obligadong maghanap
ng trabaho ang bawat isang naapektuhan. Sinasabi na maraming oportunidad ang maibibigay ng
 proyekto pero kung susuriin maigi ang mga pribadong kompanya ay may kanya-kan
kanya-kanyang
yang
 pamantayan sa pagpili ng mga tauhan, lingid naman sa kaalaman ng lahat na
n a ang mga magsasaka
at katutubong ito ay salat sa kaalalaman at hindi nakapagtapos ng pag-aaral kaya sila ay napipilit
magtrabaho bilang kontraktual ang kumikita ng mababang sahod o below minimum wage kung
kaya’t patuloy silang naghihirap dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa
merkado na hindi kayang tustusan ng kakarimpot nilang mga sahod.

Ang maaring kakulangan sa reserba ng pagkain o isyu sa  food security  ang isa pang-
nakikitang hamon sa gobyerno at mga katutubong magsasaka. Kinikilala ang Pilipinas bilang isa
sa pinakamalaking nagluluwas ng mga bigas at palay dahil sa programang Masagana 99. Ang
Masagana 99 ay proyekto noong 1970’s kung saan nakapokus ang gobyerno sa magsasaka at
nagresulta ito ng magandang resulta sa bansa, dahil mas nagging  sufficient ang bansa sa
 produksyon ng mga bigas, kaya natanghalan ang Pilipinas
P ilipinas bilang pangatlo sa mga distributor ng
mga panahong iyon. Kaakibat ng national security ang pagpapanatili ng mga reserba sa pagkain
 para maiwasan ang pag-angkat pa ng pamahalaan ng mga p
pagkain
agkain gaya ng bigas sa ibang bansa.
Ayon sa United Nations Food Authority na ang  food security ay ang pagkakaroon ng bawat
mamamayan ng access sa sapat, ligtas, at masustansyang mga pagkain na tugma sa kanilang
 pang araw-araw na pangangailangan para mapanatili nila ang kanilang aktibo at malusog na
 pamumuhay. Kung sakaling hindi nabigyan access ang mga ito maari itong magresulta sa
 panlipunang krisis gaya na lamang ang nangyari noong 2008 kung
k ung saan ang pagtaas ng presyo ng
mga bilihin ay tumataas dahil sa kakulangan ng suplay at patuloy ang pang-angkat sa ibang
 bansa. Ang  food security ay mahirap maitamasa na sa panahon ngayon dahil sa maraming
kadahilanan. Una ay ang patuloy na land conversion, nawawalan ng mga lupang tataniman ang

mga magsasaka lalo na ang mga  small scale farmer  na


  na ang pagsasaka ang kanilang kinasanayan
 

mula pa noon pa man. Isa pa ang kawalan ng Interes ng mga kabataan sa pagsasaka, dahil sa
impluwensya ng makabagong panahon at pati na rin ang kakulangan ng pag-aaral patungkol sa
 pagsasaka. Sinasabi nga
n ga sa ibang
iban g datos na pagsapit ng taong 2020 maaring iilan na
n a lamang ang
magsasaka matitira sa bansa sapagkat ang mga kabataan ay nakatuon sa mga siyentipikong
eksplorasyon dahil sa mas malaki ang kanilang kikitain rito kesa sa pagsasaka. Malaking
 problema rin ng mga magsasaka ay ang kakulangan ng subsidiya ng sariling gobyerno para
mapalakas ang produksyon ng bigas at maibalik ang estado ng agrikutural na sektor ng bansa.

SCOPE AND LIMITATIONS

 Nakatuon ang pananaliksik na ito sa pag-aaral ng New Clark City. Saklaw din ng
 pananaliksik na ito ang mga kinakaharap at kakaharapin na suliranin ng mga magsasaka at
katutubo mula sa tatlong barangay sa Capas, Tarlac partikular sa kanilang hanapbuhay o trabaho,
kita, makakain, tirahan at maging sa kanilang seguridad dahil sa mga negatibong epekto ng NCC
Project. Layunin din ng pananaliksik na ito na masukat kung gaano katindi ang negatibong
epekto ng NCC para sa mga magsasaka at katutubo. Ang magiging respondante ng pananaliksik
na ito ay mga magsasaka at katutubo mula sa Ang tatlong barangay na pinili ng mga
mananaliksik ay ang Brgy. Aranguren, Cutcut 2 nd at Maruglu dahil ang dominanteng residente sa
mga barangay na ito ay mga magsasaka at katutubo. Ang layuning mainterbyu ng mga
mananaliksik ay mula sa seksyon ng mga magsasaka at katutubo na nakakatanda, kabataan,
 pinuno ng isang kumonidad, opisyal ng goyerno, organisasyong tumututol sa New Clark City at

kawani ng BCDA.

Ang magiging negatibong epekto ng NCC sa iba pang mga barangay ng Capas, Tarlac ay
hindi maipapaliwanag ng pananaliksik na ito dahil sa ilang mga balakid tulad ng limitasyon sa
oras, panahon at problemang pinansiyal.Sisimulan ng mga mananaliksik ang pananaliksik na ito
mula buwan ng Mayo hanggang buwan ng Setyembre lamang.
 

STATEMENT OF THE PROBLEM

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang mga negatibong epekto ng


 proyektong New Clark City sa buhay ng mga magsasaka at katutubo na nakatira sa Brgy.
Aranguren, Cutcut 2nd at Maruglu sa bayan ng Capas, Tarlac.

Ang mga espisipikong tanong na nilalayong masagutan ng mga mananaliksik ay ang mga
sumusunod:

1.  Anu-ano ang mga negatibong epekto ng New Clark City sa buhay ng mga magsasaka at
1. 
katutubo?
a.  Trabaho o Hanapbuhay
a. 
 b.   Kita
 b.

c.  Pagkain
c. 
d.  Tirahan
d. 
e.  Proteksyon o Seguridad
e. 

2. Higit ba na kinakailangan ng mga magsasaka at katutubo ang New Clark City?

3. Ano ang maaaring maidulot nito sa produksyong agrikultural sa bayan ng Capas, Tarlac?

4. Ano ang papel na ginagampanan ng Non-Government Organizations, lokal na pamahalaan


ng Tarlac at BCDA sa proyeketong ito?

5. Anong proseso ang ginagawa ng BCDA upang madinig ang mga hinaing ng mga
magsasaka at katutubo na maaapektuhan ng proyekto?

6. Paano nakabuo ng desisyon na sa Capas, Tarlac ipatayo ang proyektong NCC?

7. Nagsagawa ba ng konsultasyon ang BCDA sa iba’t ibang mga sektor o mga stakeholders


mga stakeholders
na dawit sa usaping ito?

8. Ano ang plano ng gobyerno para sa mga matatamaan (magsasaka at katutubo) ng nasabing
 proyekto?
 

9. Bakit hindi lubos na sinasang-ayunan ng mga magsasaka at katutubo ang pagtatayo ng


 NCC?
 

SIGNIFICANCE OF THE STUDY

P ara sa mga M
Magsasa
agsasakk a a
att Kat
K atutubo.Makakatulong ito upang magbigay kaalaman at
utubo.
kaliwanagan o magdagdag ng impormasyon na maaaring maging katibayan ng kanilang
karapatan sa lupain.

Para sa Gobyerno.Makakatulong ito upang magkaroon ng komprehensibong batayan na


nagbibigay kaliwanagan sa magiging epekto ng proyekto at magsagawa ng mga alternatibong
 paraan na makakatulong sa pagbibigay ng serbisyo sa mga taong maaapektuhan.

P ara sa ahe
ahensi
nsiya
yang
ng humahaw
humahawak
ak n
ngg proyek
proyekto
to..Makakatulong ito upang maging susi na bigyang-
 pansin ang mga magsasaka at mga katutubong maaapektuhan ng proyekto at maitama ang mga
negatibong maidudulot ng nasabing proyekto.

P ara sa m
mgga Org
Or gani
nisasy
sasyong
ong sum
sumusupo
usuporr ta sa mga
mga M
Magsasa
agsasakk a a
att m
mgg a Ka
K atutub
tutubo.
o. Makakatulong
ito upang maipamungkahi ang bagong ideya na nakalap sa kanilang mga nagdaan na pag-aaral.

Para sa Lipunan.Makakatulong ito upang ipaalam ang mga negatibong epekto na maaaring
maidulot ng paglulunsad ng nasabing proyekto.

Para sa mga susunod pang mga mananaliksik. Makakatulong ito upang magsilbing basehan at
ang mga natuklasan ay maging gabay sa kanilang mga magiging pag-aaral na may kinalaman sa
 paksa.
 

OBJECTIVES OF THE STUDY

General Objective:

Ang pananaliksik na ito ay higit na naglalayon na ipahayag ang hindi mabuting epekto o
ang negatibong epekto ng proyekto na  New Clark Citysa kabuuang kabuhayan ng mga taong
maapektuhan partikular na sa mga magsasaka at mga katutubong nakatira sa lugar at mga naka-
depende sa mga lupain na kanilang pinagkukuhanan ng pangangailangan.

Specific Objectives:

a.  Upang malaman ang mga pagbabagong madudulot ng proyekto sa mga magsasaka at mga
katutubo. 
b.  Upang matukoy ang relasyon ng pagbubuo ng  New Clark Cityproject  sa
 sa pagbaba ng antas
ng karapatan ng mga magsasaka at mga katutubo.  

c.  Upang masuri ang relasyon ng konsepto ng  Land Conversion  kasabay ng pagbuo ng  New
Clark Cityproject. 
d.  Upang masuri ang kahalagahan ng SEZ’s (Special Economic Zones) sa antas ng
kabuhayan ng mga taong maaapektuhan. 
e.  Upang magbigay-linaw sa mga institusyon at mga ahensiya ng mga posibilidad na epekto
ng proyekto at magbigay ng mga alternatibong sagot sa mga problemang ikinahaharap ng
mga taong maaapektuhan. 
f.  Upang ilarawan kung anu-ano ang mga naging dahilan ng mga magsasaka at mga
katutubo sa pagtuligsa sa nasabing proyekto.  
g.  Upang matukoy ang relasyon ng konsepto ng pag-unlad sa karapatan ng mga magsasaka
at ng mga katutubo.
 

HYPOTHESIS

Ang kaunlaran ay mayroong direktang epekto sa kalagayan ng kalakalan, kabuhayan, at sa


estado ng isang bansa at sa kaniyang mga nasasakupan. Binibigyang representasyon ang
kaunlauran o maunlad na bansa sa pagkakaroon ng mga matataas at maraming mga
Imprastraktura at pagkakaroon malayang kalakalan sa bawat dako ng isang espesipikong lugar o
 bansa. Ang pagtatayo ng isang  smart city  ay isang mukha ng pagpapakita ng kaunlaran, hindi
lamang sa kanilang nasasakupan kundi na rin sa buong mundo na mayroon kapasidad ang
gobyerno na makipag-kompetensya sa malalaking bansa at higit na mauunlad. Ang  New Clark

City  sa lalawigan ng Tarlac ay isang bagong mukha nais iparating na mayroon kaularan nais
ipakita ang gobyerno sa kanayunan. Ang pagbubuo ng isang komersalisadong pamayanan sa
isang agrikultural na lugar ay lubhang hindi makatwiran at may lubhang hindi magandang resulta
sa mamamayan nasasakupan nito higit na ang maapektuhan ay ang mga magsasaka at
katutubong mga naninirahan sa lugar. Masasabi ng mga mananaliksik na higit ang mararanasang
nila ay negatibong epekto nito kesa sa magandang maidudulot nito sa mamamayan. Una na ang
kawalan ng agrikultural na mga lupain na maaring pagtamnan ng anumang uri ng binhi ng mga
magsasaka, sunod na rito ang paghina ng produksyon ng mga produkto gaya ng palay, prutas, at
iba pa. Ang mga ito ay magreresulta ng kawalan kabuhayan ng bawat isa. Ang paglabag rin sa
mga karapatang pantao ng mga katutubo ay mayroon kinalaman sa proyektong  New Clark City.
Malaki rin ang kinalaman ng proyekto sa malawakang panlabag sa karapatang pantao ng mga
katutubo sa pagbubuo ng New Clark City.
 

THEORETICAL FRAMEWORK/CONCEPTUAL FRAMEWORK

Kapansin-pansin ang mga nagiging pagbabago kung tatalakayin ang ekonomikong


usapin. Alinsunod dito, malaki din ang relasyon ng pagbabagong ekonomiko sa usapin ng mga
karapatan ng mga sibilyan.
sibilyan. Ayon kay Armatya Sen ((1999)
1999) sa kaniyang inilathalang libro na ang

 pamagat ay “Development as Freedom”, sinabi niya rito na ang pagbabagong nagaganap sa


usapin ng pagpapaunlad ng isang bansa ay nakakaapekto sa mga karapatan at kalayaan ng mga
iilan o ng mga ibang grupo. Sa kaniyang pananaw, ang konsepto ng pagpapa-unlad ng isang
 bansa ay
a y nan
nangangahulugan
gangahulugan ng pag-alis ng iba’t ibang karapatan at ng mga kalayaan ng mga tao
na nag-iiwan ng limitadong oportunidad at ng pagpipilian. Batay din sa kanyang
 pagpapaliwanag, ang mga kilos ng gobyerno ay dapat siyang bumabatay sa kung ano ang
kahihinatnan nito sa lipunan. Mahalaga rin tignan ang malawakang sakop ng kalayaan ng isang
indibidwal bilang isa sa mga susi at isa sa mga paraan ng pagkakaroon ng mga pulisiya,
 programa, at proyekto sa usapin ng pagpapa-unlad ng isang bansa. Binigyan tuon rin sa
 pananaliksik na ito ang epekto sa mga naturang paksa kabilang ang kita at kabuhayan na
nagbibigay diin sa relasyon ng kahalagahan ng indibidwal na karapatan, kakayahan at kalayaan.

Maaaring gamitin ang pananaw ni Sen sa kasalukuyang pananaliksik dahil tumutugma ito
sa maaaring persepsyon ng mga taong maaapektuhan sa konsepto ng pagpapa-unlad. Maaari rin
itong gamiting batayan upang malaman ang paniniwala ng mga magsasaka at ng mga ibang
katutubo na maaapektuhan na nasabing proyekto. Kung susuriin ang konsepto ng kalayaan at
karapatan, maaaring maging basehan kung paano ang isang produkto ng pag-unlad ay
tinatanggalan ang kalayaan at ang bawat karapatan ng mga taong sinasakupan nito at ng mga
taong maaaring maapketuhan kung sakali magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga nilakhan
 bunga ng malawakang pagpapaunlad. Nagkakaroon din ito ng karagdagang
karagdag ang kamalayan sa usapin
ng paggalang sa karapatang-pantao upang matamo ang pagkaroon ng maayos na sosyo-
ekonomikong resulta sa bansa. Ang karapatan ng mga magsasaka at ng mga katutubo ay
mahalagang batayan upang malaman ang konkretong pagbabago na maaaring maganap patung sa
konsepto ng kaunlaran. Isa sa maaaring maging paraan upang masuri kung makabubuti ang
 prinsipyo ng kaunlaran sa isang lugar ay ang pag-tiyak kung alinsunod ba ito sa cultural at
sibilyang interes ng mga katutubo at ng magsasaka.
 

  Sa tulong ng pananaw ni Sen, matutulungan ang mananaliksik upang mas mabigyan ng


konkretong kalinawan ang konsepto ng kaunlaran. Ang kanyang konseptong ibinahagi ay
nagsisilbing direksyon patungo sa tunay na kahulugan ng kaunlaran. Ang konsepto ng pag-unlad
ay hindi nakabatay sa ekonomikong tagapaghiwatig nito katulad na lamang ng GDP, infalation
rate at iba pa ngunit mula kay Sen, ang konsepto ng pag-unlad ay nakabatay sa kung paano ito
nagagamit sa pamumuhay ng isang indibidwal  –  kung
 kung paan ito natutugunan ang mga pangunahin
at sekondaryang pangangailangan ng isang tao. Ang konsepto ng pag-unlad ay siyang
nagpapahiwatig ng pagkawala o pagkakaroon ng limitasyon sa kalayaan ng isang indibidwal na
nagreresulta ng kahirapan, mahinang oportunidad hinggil sa pag-usbong ng kita at produksyon at
 pagkakaroon ng agawan at hidwaan pagdating sa mga aktibidad
ak tibidad ng gobyerno na tinitignan bilang
isang mapanupil na paraan sa lipunan.

Development Political Transparency


Tool/s Economic
Opportunities freedoms  Social  
facilities guarantees 

No Financing Absence of assessments


require dto inform Constraints Protective
of shelter policy makers
about capabilities and
to school security 
and human
potentials of attendance
settlements development

No Laws on Development
disclosure of Aggression Actual presence
potential conflicts
of interest of Development

Figure 1: Ang ilustrasyon na nasa itaas ay nagpapatunay ng relasyon ng limang instrumento na


isinambit ni Sen sa kanyang akda na siyang magkakaugnay bilang gabay upang suriin ang antas
ng pag-unlad na natatanggap ng bawat indibdwal, komunidad o ng isang bansa. Dito rin
sumasalamin kung ang proyekto ng gobyerno ay maituturing bilang isang estratehiyang paraan
sa pagtugon ng pangangailangan at interes ng bawat indibidwal sa kaniyang nasasakupan. Ang
 paggamit ng limang instrumento upang umangkop sa halaga ng presensya ng pag-unlad ay

siyang isa sa nagiging batayan kung ang layunin nito ay natutugunan. Ngunit, maaaring
 

 pagmulan din ito ng samu’t saring mga hadlang kung ang isang instrument ay hindi nasusunod at
doon magmumula ang konsepto ng development aggression sa isang bansa.

Maaaring gamitin ng mga mananaliksik ang konsepto na ito upang malaman kung
ang layunin ng New Clark City ay siyang humahanay sa mga instrumentong nakasaad. Maaaring

magkaroon ng hadlang sa kinalabasan ng proyekto kung ito ay hindi natugunan ang limang
instrumentong nakasaad. Halimbawa na lamang dito ay pagbukod sa usapin ng economic
 facilities na siyang dapat magbibigay ng oportunidad ng indibidwal na gamitin ang mga
 pinagkukunang-yaman sa bansa at pagmulan
pa gmulan ng produksyon at pag
pag-konsumo
-konsumo ay siyang magiging
taliwas at hadlang sa layunin ng proyekto at tuluyang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan at
malawakang pagsalakay at pagbabago sa pumumuhay ng isang komunidad.

Mula sa ideyang ibinahagi ni Sen, nabuo din ang konsepto na gentrification sa


 paksang ito. Ang ideyang gentrification ay nangangahulugan na proseso ng pagpapalit-anyo at

kultura ng isang kanayunan upang magbigay daan sa pagkakaroon ng pagtaas ng kita sa


 pamamagitan ng pagbubuo ng mataas na kalidad na kabahayan at negosyo na ipapamahagi sa
mga taong may kakayahan na manirahan sa isang lugar na siyang magpapakayas sa mga tao na
nakatira sa lugar na matatamaan nito (Rodriguez, 2016). Maaaring gamitin ng mga mananaliksik
ang ideyang gentrification sa usapin na ito dahil una, ang pagkakagawa ng smart city ay siyang
dumadaan din sa gentrification process na nag-uudyot ng malawakang paglisan sa mga taong
nakatira sa lugar na matatamaan ng konsepto ng gentrification.

Batay sa sinabing depinisyon, ang proseso ng gentrification ay may tuluyang epekto sa

mga taong nakapalibot sa lugar na pagdadarausang ng nasabing proseso. Sinasalamin ng mga


mananaliksik na ang independent variable na pagtatatag ng New Clark City ay makakaapekto sa
 pamumuhay ng mga taong maaapektuhan ng nasabing proyekto gaya ng pagpapaalis sa mga
taong nakatira sa lugar na tinuturing bilang nasa antas ng laylayan - halimbawa na lamang ay ang
mga magsasaka at mga katutubo. Ang pagkakaroon ng proseso ng gentrification ay patuloy din
ng pagkakaroon ng malawakang epekto sa pamumuhay ng mga apektadong tao sa naturang
lugar.

Ang konsepto na ibinahagi ni Sen at ang ideyang gentrification ay siyang magkaugnay

upang masuri kung ano ang tunay na konsepto ng pag-unlad. Magagamit ng mga mananaliksik
 

ang mga konsepto nito upang masuri ang maaaring magiging epekto ng New Clark City sa
 pamumuhay ng mga tao sa mga nasabing lugar na nakahanay sa mga konseptong ibinigay ng
alawan manunulat hinggil sa proseso ng pag-unlad ng isang bansa.
 

Definition of Terms

New Clark City. Kauna-unahang smart, green, and disaster-resilient metropolis na itatatag sa
Pilipinas.

B ase
asess Conv
C onve
er si
sion
on a
and
nd D
Deeve
velop
lopm
ment A
Autho
uthorr i ty.
ty. Ahensya ng gobyerno na humahawak ng
 pagpapatayo ng makabagong siyudad o ng “New Clark City” 
City” 

 Spe
 Special
cial E cono
conom
mi c Zo
Zone
nes.
s. Tinatawag na ECOZONES na kung saan ang mga piling lugar ay
mayroong mataas na antas ng kaunlaran o may potensyal na maging maunlad sa larangan ng
agro-industrial, industrial tourist/recreational, commercial, banking, investment, at financial
centers.

Land Conversion. Pag-momodernisa sa isang produktibong lupaing pansakahan upang gawing


industriyalisadong lipunan.

 Mga
 M ga K atutub
utubo
o. Mga tao na may kultura na hindi nahaluhan o nasakop ng mga kolonyal na
kultura o interes.

 Mga
 M ga M agsa
gsasa
saka
ka.. Mga tao na ang panguhaning pinagkukuhanan ng kanilang mga
 pangangailangan sa pamamagitan ng pagtatanim o pagsasaka sa isang lupain.
 

CHAPTER II

REVIEW OF RELATED LITERATURE

CHAPTER II

REVIEW OF RELATED LITERATURE

I.  Effectiveness and Ineffectiveness of Smart-Green City

1.1 Concept of Smart City

Ang pagtatag ng  smart city ay isa sa mga paraan ng isang gobyerno upang punan at
matugunan ang mga problema na ikinahaharap ng isang bansa pagdating sa aspeto ng
urbanisasyon at pagdami ng mga naninirahan o ng populasyon ng isang bansa [Ojo, Adegboyega
at Curry: 2014]. Isinaad pa ng mga naturang mga manunulat na ang pagkakaroon ng smart city
ng isang bansa ay may malaking epekto sa ekonomikong aspeto at sa pag-unlad ng aspetong
sosyal ng isang lipunan. Dito rin lumalabas ang pagkakaroon ng oportunidad upang mapabuti
ang kabuhayan ng mga indibidwal na nakapalibot sa lipunan at makapanghikayat ng mga
negosyante na mamuhunan sa naturang siyudad upang magkaroon ng positibong epekto sa
 pagitan ng dalawang sektor na maaapektuhan: negosyante at mga mamamayan [Vasseur at
Dunkels: 2010]. Sa kabilang dako, may maituturing na mga elemento na kailangang itatag upang
maging mabisa ang pagpapatupad ng  smart city. (1) pagpapatayo at pagkakaroon ng mga

imprastraktura na ang layunin ay mapaganda ang ekonomikong batayan ng isang bansa at


 pagkakaroon ng oportunidad pagdating sa aspetong panlipunan at pagdating sa kultural (2)
 pagkakaroon ng dominanteng pananaw na ang mga negosyante ay kinakailangan mamuhunan sa
isang siyudad upang mapunan ang mga magiging pagkukulang ng gobyerno at ang panghuli (3)
ang pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan pagdatimg sa aspetong panlipunan at kalikasan
[Nam Taewoo at Pardo Theresa A. :2011]. Bagama’t ang ganitong pananaw ay maitutur
maituturing
ing na
 positibo sa pagtatag ng makabagong siyudad, naging isa rin ito upang magbigay ng makabagong
ma kabagong
 persepsiyon na ang pagtatag at pagbuo ng  smart city ay isang paraan upang bigyang-daan ang
mga posibilidad na magamit sa hinaharap na panahon sa halip na bigyang-pansin ang mga
 problema sa realidad. Layunin din n
nito
ito na magkaroon
magka roon ng p
perpekto
erpekto at organisadong pama
pamayanan
yanan –  
 

 binubuo nito ng perpektong gobyerno na layuning punan ang mga suliranin ng isang
organisadong lipunan. May malaking papel ang paggamit ng makabagong teknolohiya at mga
kagamitan sa pagbuo ng isang makabagong siyudad. Nagkakaroon din ng persepsiyon na ang
 pagkabuo nito ay kasabay ng pagkabuo ng  smart government   na kung saan ang paggamit ng
teknolohiya ng gobyerno upang matugunan ang mga problema ng bawat indibidwal ng isang
lipunan sa mabilis na paraan. Kabilang na rin dito ang pagkakaroon ng  smart building, smart
transport, at smart utilities.

1.2 Patterns of the Smart Cities in the World

Sa bansang South Korea, matatagpuan ang isang makabagong siyudad na tinatawag


 bilang  New Songdo City. Kinikilala ito bilang  smartest of all smart cities  [Christoph
 Neidhart:2018] na kung saan ang ideyang teknolohiya ay dominanteng ginagamit sa partikular na
siyudad. Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon at pagtatatag ng mga gusali na mayroong automatic

climate control   at ang bawat aspeto sa kapaligiran nito, kabilang ang mga daan, daluyan ng
kuryente at tubig at paggamit ng naturang waste system ay siksik sa paggamit ng electronic
 sensors upang suriin at masubaybayan ang bawat kilos ng bawat tao na naninirahan sa nasabing
siyudad o pagkakaroon ng 24-hour surveillance camera sa bawat sulok ng isang lugar.
Halimbawa na lamang pagdating sa ideyang waste system, na kung saan masusubaybayan ng
mga local na ahensya kung naitatapon ba at napaghihiwalay ang kanilang mga basura sa wastong
tapunan sa tulong ng paglalaganap ng mga surveillance camera. Mahigit 300 na surveillance
camera ang makikita sa loob ng Songdo, Incheon South Korea at umabot sa 300,000 na
mamamayan ang patuloy na naninirahan sa siyudad. Nagbigay din ng 60,000  job opportunities
sa bawat mamamayan ng South Korea upang mapunan ang layunin na mapaganda ang
 pamumuhay ng bawat indibidwal.

Sa bansang Brazil, nagtalaga din sila ng makabagong siyudad na tinatawag bilang Smart
Curitiba City. Ito rin ay isa sa mga nanguna sa pagpapaganda ng transportasyon na makakaabot
at magagamit ng bawat tao kasabay ng pangangalaga ng kalikasan  –  bunga
 bunga nito ang pagkakaroon
ng low- carbon transport services at oaggamit ng mga e-car, e-taxi, e-bike at iba pang paraan ng
transposrtasyon na ginagamitan ng kuryente. Itinalaga din ang pagkaroon ng bus-based rapid
transit system na kasalukuyang ginagamit ng 70% residente sa Brazil [Kotkin: 2009]. Layunin
nito na gamitin ang mga lupang maapektuhan bilang paraan o daluyan ng mga iba’t -ibang
 

transportasyon partikular na ang dominanteng paggamit ng mga buses. Kinikilala din ang Smart
Curitiba City bilang pinakamagandang siyudad na matatagpuan sa Brazil.

Talamak din ang pagsasagawa ng smart cities sa bansang Japan. Sa katunayan, apat na
 pangunahing smart cities ang matatagpuan sa bansa at isa na dito ang Yokohama smart city.

Pangunahing layunin ng pagsasagawa ng smart city sa partikular na bansa ay ang pagkakaroon


ng iba’t ibang paraan na madagdagan ang mga pangunahing pinagkukunan ng pagdaloy ng
kuryente kung kaya’t ang mga paraan nila upang maisakatupad nito ay ang pagpapa -usbong ng
mga electric grids or smart grids. Nagsimula ang ganitong persepsiyon dahil sa mga hindi
inaasahang sakuna na nagdudulot ng pagkawala ng kuryente sa bansa  –   isa na rito ang
nangyaring lindol sa Japan, Great East Japan Earthquake  (2011) na nagdulot ng tsunami sa
 buong kalakhan at naging resulta ng pagpapatigil ng proseso ng  Fukijima Powerplant. Ang
nasabing poerplant ay may malaking ambag sa pag-daloy ng kuryente sa bansa kung kaya’t ang
 pagpapatigil ng proseso nito kahit panandalian lamang ay may making epekto sa bawat
indibidwal sa Japan  –   ang pagkakaroon ng kuryente sa bansang Japan ay isa sa mga
 pinakaimportanteng batayan upang mamuhay ang isang indibidwal. Dahil sa kakulangan ng
suplay ng elektrisidad, ang konsepto ng  smart city  ay kinakailangan upang maging daan na
mapalawak ang mga posibleng paraan ng pag-suplay ng kuryente sa bansa.

Ilan lamang na makikita sa taas ang mga bansang nagpatupad ng pagpapatayo ng smart
cities sa kanilang lupain at ang kani-kanilang mga naging konsepto sa pagpapatupad nito.
Makikita rin ang mga smart cities sa isinagawa ng mga ibang bansa at ilan lamang dito ay ang
Smart Amdsterdam (Amsterdam, Netherlands), Climate-Smart Malmo (Oresund, Sweden), smart
city  Malta (Malta, Malta), Masdar  smart city  (Abu Dhabi, United Arab Emirates), Plant IT
Valley (Paredes, Portugal),  smart city  Singapore (Singapore, Singapore) at Tianjin eco city 
(Binhai, China). Isinasagawa ito upang maging isa sa mga mabilis na paraan upang matugunan
ang mga problemang urbanisasyon sa isang bansa at mapataas ang antas ng ekonomikong aspeto
sa isang partikular na bansa. Sinasalamin din ng  smart city  ang pagkakaroon ng organisadong
 pamayanan na may organisadong pamumuhay na maaaring mapakinabangan ng bawta
indibidwal at malaking daan upang matupad nito ay ang pagkakaroon ng advanced na pananaw
ng bawat ahensya na magpapatupad nito at sa tulong ng makabagong teknolohiya.

1.3 Incapability on the concept of Smart City


 

  Umusbong din sa usapin na ito ang iba pang interes na tila sumasalungat sa mga
magiging epekto ng  smart city o ng makabagong siyudad. Ang pagtatag
pagtatag ng  smart city  sa isang
 bansa ay naglalayon na mapataas ang pulitikal na interes ng iilan. Magandang maging senaryo
senar yo ay
ang patuloy na pag-usbong ng mga dominanteng negosyante na maaaring maging dahilan ng
 pagkawala ng ibang karapatan ng mga mamamayan sa loob na ito. [Griffiths: 2013] Salungat ito
sa isinambit nina Vasseur at Dunkels sa kadahilanang maaaring magkaroon ng oportunidad ang
ibang mamamayan ngunit kasabay na rin dito ang negatibong epekto ng makabagong siyudad na
maaaring maging isa sa mga sangkap upang mamantala ng buhay ng bawat tao hinggil sa kani-
kanilang mga aspeto  –   kultura at panlipunan. Ang dominanteng interes ng mga negosyante ay
maaaring maimpluwensyahan hinggil sa pagbubuo ng desisyon ng gobyerno sa partikular na
 bansa.

 Nakasaad din ang epekto ng pagtatata


pagtatatagg ng  smart city  ay nangangahulugan ng pagkawala
ng kalayaan ng isang indibidwal. Ang  smart city  kung ilalarawan ay may materyales na kalakip
ng mga makabagong teknolohiya at sa paraan na ito, nagkakaroon ng operating system  sa
 partikular na lipunan [Poole:2014]. Isang magandang maging batayan nito ay ang sandamakmak
na pagkakaroon ng  surveillance cameras na layunin na masubaybayan ang bawat kilos ng mga
taong sinasakupan nito. Hinggil sa ganitong usapin, nagkakaroon ng pagkawala ng  privacy ng
isang indibidwal dahil lahat ng kaniyang kilos ay patuloy na sinusubaybayan at tila lahat ng
gagawin ng isang indibidwal ay kontrolado ng ahensiyang namamalakad dito. Sumasalamin din
dito na kahit gaano katibay at kapaki-pakinabang ang mga operational system sa isang
makabagong siyudad, hindi pa rin mawawala na magkakaroon pa rin ng problema sa aspetong

teknikal at maaaring magdulot ng masamang epekto sa buhay ng bawat indibidwal [Hill: 2015].
Iwinawaksi din na ang pagtatatag ng  smart city  ay malabong i-ugnay sa isang perpektong
komunidad. May mga nabuong persepsiyon na nagtutuligsa sa pagkabuo ng konsepto ng  smart
city  sa partikular na bansa, Ang maaaring argumento ay ang hindi angkop pagtatayo ng  smart
city  dahil sa impormal na karakter ng isang lungsod. Ang  smart city  ay pabor sa mga
makapangyarihan at mga malalaking korporasyon at ito ay nagsusulong ng hindi pantay-pantay
na panlipunang aspeto at urbang pamumuhay ng bawat indibidwal. Naglalayon din ito na
 pagkakaroon ng hindi tamang pag-tingin sa mga taong bumubuo nito at maaaring gamitin ang
kanilang mga kasanayan upang mapataas ang interes ng mga dominanteng naghahari sa isang
makabagong siyudad: ang malaking pamumuhunan ng mga pribadong negosyo sa bansa.
 

1.4 Dark Sides on the Idea of Smart City


1.4.1 Landless Farmers

Talamak din ang pagkakaroon ng negatibong epekto ng  smart city  o ng makabagong


siyudad sa usapin ng mga karapatan ng mga taong maaapektuhan ng nasabing proyekto at higit

na sinasalamin dito ang mga boses ng mga taong naninirahan sa lupain na pagtatayuan o ng
 buhay ng mga magsasaka.

Malaking epekto ang konsepto ng  smart city  sa bansang India. Isa sa mga plano ng
naturang bansa upang mapaganda at mapataas ang antas ng ekonomiya ay ang pagpapatayo ng
mga makabagong siyudad, humigit-kumulang 30 smart cities ang nasa plano ng gobyerno ng
India upang maisakatupan ang mga layunin nito. Isa rin sa tinatalagang  smart city sa India ay ang
tinatawag na  Dholera. Gayunpaman, tuluyan din nagbukas ang mga posibilidad ng pagtutol sa
naturang proyekto at isa na rito ang alyansang  Jameen Adhikar Andolan Gujarat (JAAG)  na

nagsisiwalat ng masamang epekto ng  Dholera sa mga magsasaka na mga lupaing maaapektuhan.


[Datta: 2014]. Magkakaroon ng malawakang pagkuha ng mga lupain upang magamit sa
 pagpapatupad ng proyekto kung kaya’t  hudyat din ito ng pagkawala ng mga lupain ng mga
magsasaka at maaaring maging resulta upang mabawasan ang kanilang paraan na
 pinagkukuhanan ng kanilang mga pangangailangan. Naniniwala din ang grupo na ito na ang
nasabing proyekto ay may kaakibat na paglabag sa batas patungkol sa karapatan ng magsasaka sa
kanilang mga lupain. Magkakaroon din ng pagkalikas sa kanilang mga kinalakhang lugar at
mababawasan na maaaring tuluyang pagkawala ng kanilang pang-kabuhayan.

Matiim din ang pagtuligsa ng mga katutubong Aeta sa proyekto ng rehimeng Aquino, ang
Clark Green City sa bansang Pilipinas. Walang natamasang pagbabago mga stratehiya ang
administrasyong Aquino sa administrasyong Marcos. Ito ay dahil hindi parin nila natatamasa ang
dapat ay kanilang mga karapatan, mapa sa lupa man o kabuhayan. Ang punto ng mga katutubong
Aeta ay madami ang maghihirap kasabay ng pag-unlad na kanilang sinasabi dahil mas marami
 parin ang mga magsasakang nakadepende ang buhay
buha y sa pagsasaka. [Endriga: 2016].

1.4.2. Displacement: Inadequate compensation and rehabilitation

Hindi lamang umiikot ang problema sa pagpapaalis sa tirahan ng mga taong


maaapektuhan kundi kabilang din dito ang hindi pagkakaroon ng pulisiya pagdating sa konsepto
 

ng maaaring maging kabayaran sa mga taong nakapalibot sa lugar [Ghatak & Mookherjee:
2009]. Kabilang ang mga bansang India at China na nagkaroon ng malawakang problema hinggil
sa usapin ng pagkakaroon ng sapat na kabayaran sa mga pinaalis upang maitatag ang kanilang
 proyektong pang-industriya. Ang problema hinggil sa hindi sapat na kabayaran ay
a y nag-resulta ng
malawakang pagtutuligsa laban sa gobyerno. Sa katunayan, 17,000 na kaso ang inihain sa
gobyerno ng China ukol sa malawakang epekto ng paglipat ng industriyal na aspeto sa
agrikultural na lupa sa lugar at tinatayang 385,000 na mga magsasaka sa China ang tumuligsa sa
mga programa at proyekto ng kanilang gobyerno. Ang pagkakaroon ng hindi sapat na bayad sa
mga magsasaka ay may direktang epekto sa paraan ng pamumuhay ng mga nabanggit na
indibidwal sa kadahilanang ang pagpapaalis sa kanila sa kanilang tirahan ay nangangahulugan ng
 panibagong paraan ng pagkakaroon ng kita at ilang buwan at taon pa ang gugugulin upang
maging matatag ang kanilang pamumuhay. [Cao, Feng & Tao: 2008].

1.4.2 Forced changes within the livelihood of the farmers

Hindi na rin bago ang persepsiyon na ang pagpapalit ng agrikultural na lupa


 bilang isang paraan upang magkakaroon ng mga makabagong siyudad at pagpapalawig sa
konsepto ng industriya. Hindi na rin maikakaila na ang mga ganitong persepektibo ay siyang
nagpapa-angat sa ekonomikong aspeto ng isang naturang bansa [Tr
[Tran:2013].
an:2013]. Ang pagkakaroon
ng ganitong pagbabago ay naglalayon na umusbong ang pamumuhay ng bawat mamamayan ng
 bansa na siyang nagbibigay ng bagong
b agong oportunidad upang masanay
masa nay ang kanilang mga kakayahan
k akayahan
at kaalaman na maaari nilang magamit habang patuloy ang proseso ng pagbabago ngunit hindi
ito nagiging maganda sa pamumuhay ng mga taong maagawan ng lupa lalo na ang mga
magsasaka. Ang pagbabago sa lupain ng mga magsasaka ay maaaring mahalintulad bilang isang
nakakabiglang problema at pagbabago sa kanilang mga pamumuhay. [Nguyen: 2009]. Ang
 pagkakaroon ng pagbabago ay may direktang epekto sa kanilang pamumuhay halimbawa na
lamang ay maaari itong maging batayan upang pwersahang mabago ang kanilang paraan ng
kanilang pamumuhay na kung saan ang karaniwang aktibidad nila ay ang pagsasaka kung kaya’t
inaalis din ito ng kanilang mga kakayahan na noon pa man ay kanila na nilang isinasagawa.
Halimbwa na lamang ang pagpapalit ng trabahong pang-agrikultural sa aktibidad na pang-
kalakalan. Nagkakaroon ng hindi pagsang-ayon sa ganitong pagbabago kung kaya’t ang iilan ay

nahihirapang isabuhay at tuluyang lisanin ang kanilang dating gawi [Duong: 2013]. Ang bigat na
 

dala ng urbanisasyon ay may malawak na epekto sa mga tao na nasa kanayunan sa aspeto ng
 panlipunan.

1.4.3 Mismanagement of Solid Waste

Ang pagkakaroon ng makabagong siyudad ay hindi na naiiba sa konsepto ng


urbanisasyon. Sa patuloy ng pagdami ng mga tao na maninirahan sa makabagong siyudad ay
lalaki din ang posibilidad ng hindi wastong pangangalaga sa kalikasan. [Aijaz:2016]. Isang
katangian ng pagkakaroon ng smart cities ay ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at
mausbong na indutriya na kung saan ang paggamit ng mga makina na naglalabas ng mga
kemikal na napupunta sa mga lupa at katubigan. Ito rin ay nagiging dahilan na maaaring
 pagmulan ng mga sakit sa katawan.

1.4.4 Extension of Slums

Hindi lahat ng smart cities ay natutugunan ang problema pagdating sa pagdami ng


 populasyon. Alinsunod dito, mas dumarami ang mga taong walang sariling bahay at walang
sapat na pinagkukunan na tugon sa kanilang pangangailangan. Ang mga taong ipinaalis sa lugar
ay isa sa mga taong maaaring makaranas nito [Aijaz:2016]. Umiiral sa bandang India ang
ganitong sistema na kung saan ang mga kabataan ay nakikibahagi sa iba’t ibang aktibidad. Kahit
na patuloy ang pagdami ng smart cities sa India ay patuloy din ang pagdami ng mga taong
walang permanenteng tirahan at tinatalagang 9% ang itinaas noong 2011 hanggang sa ngayon
ang populasyon ng ganitong antas ng mga tao sa lipunan [Monzon: 2015].  

1.4.5 Worsen Governance

Ang pagkakaroon ng smart cities ay nakakapagpalala ng pagkakaroon ng masahol


na pamamahala sa isang lugar. Ito ay nakabatay sa tatlong katangian: (1) ang pagkakaroon ng
ibang aktor na magpapataas ang antas ng korupsyon sa bansa. Maaari itong mapagmulan ng
korupsiyon dahil sa pagpasok sa mga pribadong sektor na ang layunin ang ay mapataas ang
kanilang kita kung kaya’t maaaring maging dahilan ng pagtupad ng mga proyekto at programa
katuwang ang mga opisyales na mambiktima ng mga indibidwal. (2) maaaring mapagmulan ng
mga hindi epektibong programa sa siyang dapat makikinabang ng lahat. Ang pagtatag ng  smart

city ay nangunguhulugan ng mataas na cost of living na higit na hindi matatamasa ng mga taong
 

hirap sa buhay at ang tanging makikinabang lamang ng benepisyo ng  smart city  ay ang mga
 piling tao at ang mga kumpanya. Sa ganitong sistema, ang pamamahala sa isang lugar ay
humihina at tumataliwas sa layunin na mapaganda at mapabuti ang kalagayan ng lahat
[Hamilton:2016].

II. Land Conversion and its Effects

2.1 View of stakeholders on Land Conversion

Ang patuloy na pagkamkam sa mga lupain upang patayuan ng mga impastraktura at


gusali ay isa nang kasanayan na mayroong partisipasyon ng mga  stakeholder ng isang bansa.
Ang lupa ay isang parte ng likas na yaman ng bansa, ito ay may malaking gampanin sa
 pamumuhay ng bawat tao. Ang lupa may malaking ambag sa bawat aktibidad ng mga tao,
sapagkat ito ang maaaring gawin bilang paninirahan, pang-agrikultura, livestock, pagmiminina,
 para sa mga kalsada at mga imprastruktura, mga aaktibidad
ktibidad na nakaugna
nakaugnayy sa ekonomiya at iba pa.
[Benu et al., 2013] Ngunit ang pagpapatuloy ng kasanayan sa Land conversion ay isa sa mga
aspeto na may malaking epekto sa buhay ng mga bawat mamamayan ng isang lugar o bansa. Ito
rin ay malawakang kinikilala na proseso para mailarawan ang paglipat ng isang lupain mula sa
isang klase patungo sa isa pang klase. Sa karamanihan ng datos ito ay makokonsiderang isang
conversion ng isang lupain bilang isang agrikultural na lupain para gawing isang industrialized
na sektor upang gamitin para sa mga dayuhang namumuhunan. [Azadi et al., 2011] Sinambit rin
na ang Land Conversion ay isang hindi pangkaraniwang bagay na hindi maiiwasan dahil sa
 patuloy na pag-unlad ng ekonomiya at paglobo ng populasyon ng isang bansa.
ban sa. [Tan et al.,2009]

Sa mga namumuhunan, Malaki ang naitutulong ng mga dayuhang namumuhunan sa


 pagpapalakad ng magandang ekonomiya at isa ito sa mga paraan para makapagbukas ng mga
 bagong oportunidad para sa mga taong may kulang sa kwalipikasyon. Ang karaniwang mga
lupang ginagamit sa land conversion ay ang mga Special Economic Zones (SEZ) ng mga bansa.
Ang Special Economic Zones (SEZ) ito ay naitatayo sa iba't-ibang pamamaraan; maaring sa
 pamamagitan ng "foreign ties", pagbibigay ng espasyo sa mga dayuhan para gamitin para sa
ikakalunsad ng isang bansa, o sa kolaborasasyon ng mga pribadong kumpaya sa gobyerno para
mapalawak nito ang paghahatid ng serbisyo. Kasalukuyang mayroon na mga natatag na SEZ sa

mga bansa gaya ng China, Philippines, Jordan, Poland, Kazakhstan, Russia at India.
 

[Guruprasad:2015] Gaya na lamang ang sa bansang pilipinas ang mga lupain na nakuha ng mga
namumuhunan sa bansa ay naitaguyod ito sa pagiging maunlad ng siyudad. Isa sa mga lupain na
nakilala dahil sa pag-usbong nang kaunlaran ay ang "Fort Bonifacio Military Reservation" na
dating base militar noong panahon ng amerikano na kilala na ngayon sa tawag na "Bonifacio
Global City" at umuusbong ngayon ang isyu patungkol sa isa pang kombersyon ng lupa sa
lalawigan ng Tarlac na kung tawagin ay "New Clark City" na dating Clark Air Base.
[Mundo:2014] Paraan din ito ng mga namumuhunan para magkaroon ng mas malaking kita ang
kanilang kompanya. Kung pagsusumahin, malaking magiging epektibo ang pagkakaroon ng
“smart city” sa isang base military dahil mas makakatulong ito sa pag-usbong ng ekonomiya ng
 bansa. Isa rin ito sa mga “long-investment plans” o pang-matagalang proyekto ng pamahalaan.
 Ngunit, ang pang-matagalan na proyekto
p royekto ay nagiging resulta ng isang mabagal na pag
pag-usbong
-usbong ng
kabuhayan ng ibang tao, kabilang na rito ang mga magsasaka. Isa ito sa mga magiging rason ng
 pagkawala nila ng mga tanim o kabuhayan sa lupain ng base military.

Sa pananaw ng gobyerno ang patuloy na  Land Conversion  ay isang mukha ng kaunlaran.
Paraan ng pagpapa-abot ng tulong para sa mga kabuhayan ng mga nasa kanayunan. Ang rason
kung bakit patuloy pa rin ang paggamit ng lupa ito ay dahil sa ang mga mauunlad na lugar ay
inaasahang mas uunlad pa at patuloy ang paglaki, kaabkibat nito ang inaasahan rin na pagtaas ng
 populasyon na higit sa 120 milyon sa susunod na 50 taon. [Alig et al: 2004] upang
upan g maging hindi
lamang nakasentro sa mga mauunlad na lugar ang mga oportunidad.

Sa pananaw ng mga magsasaka na nakakaranas ng panggigipit sa gobyerno dahil ang


 pagkamkam ng kanilang mga lupain ay magkakaroon na malaking pagbabago kanilang sa
kanilang nakagisnang kabuhayan sapagkat sila ay napuwersa na mag-iba ng kanilang kabuhayan
dahil ang kanilang kinasanayang pagtatanim ng mga binhi ay maaring hindi na tugma sa mga
lupain. [Duong et al., 2013; Dung, 2010; Van denBerg et al., 2003; Tran and Steven Lim, 2013].

Ang epekto nito ay maaaring pangmatagal o panandalian lamang na dapat bigyan pansin
at importansya ng bawat tagapagpatupad at tagagawa ng mga polisiya patungkol rito. Ang land
conversion ay may dalawang maaring epekto sa lipunan. Ang una ay maaring itong magdulot ng
magandang epekto sa komunidad at ekonomiya ng bansa o ang pangalawa na maaari rin itong
maging masamang epekto sa mga komunidad na nasasakupan nito. Sinasabi rin na ang Land
Conversion ay maaring makaapekto sa “Economic factors”, “Landscape factors”, at “Food
 

security” ng isang lugar. [Benu et al., 2013] Ang tatlong aspeto na ito ay maaaring maging
 benepisyo sa bawat isa o isang malaking sagabal para sa kanilang kinasanayang gawi ng
 pamumuhay. Kinikilala ito na isang magandang estratehiya ng pamahalaan upang mas
mapalawak at mapaayos ang ekonomiya ng isang bansa at makipagkumpitensya sa iba pang mga
 bansang progresibo. Ginagawa itong bantayan upang maipakita na ang isang bansa ay mayroon
na magandang at sustainable na ekonomiya

2.2 Convenience of Land Conversion

Hindi natin maitatanggi na ang nais ng bawat bansa ay ang pagpapaunlad ng kanilang
nasasakupan upang maiparamdam ang kanilang intensyon na tumulong sa lahat. Ang paglalatag
ng mga proyekto ay isa sa mga paraang isinasagawa ng gobyerno para mabigyan pansin ang mga
hinain ng mga mamamayan. Kaakibat ng mga development na proyekto ng mga ahensya ng
gobyerno ay ang mga magagandang resulta sa ekonomiya at sa mga indibidwal na mamamayan.

Maaari nating masabi na ang paglalatag na ganitong mga proyekto ay isang hakbang lamang para
sa pagpapaganda at pagsasaayos ng ekonomiya ng isang bansa.

Gaya sa bansang Korea ang pagkakaroon ng mga ganitong proyekto ay naglalayon


 palakasin pa ang kanilang ekonomiya sa pandaigdigan merkado at dahil halos ang mga
 proyektong isinasagawa sa mga lupain na nasasama sa land conversion ay ginagawa nilang mga
Agricultural complex, Industrial Complex, Tourism and leisure complex, International business
complex, Science and research complex, New and renewable energy complex, Residential
complex, at Ecological and environmental complex. [Agentscha]Isang magandang halimbawa na

rin ang pagsa-aayos ng Fort Bonifacio sa bansang Pilipinas, na ngayon ay kinikilala na sa bansag
na "Bonifacio Global City" kung saan malaki na ang naganap na pagbabago sa larangan ng
komersyo at kalakan. [Guruprasad:2015]na nagresulta sa maraming oportunidad para sa lahat.
Marami ang nagkaroon ng maayos na trabaho at ang resulta ito sa ng magandang epekto dahil
kinikilala na rin ang “Bonifacio Global City” bilang produktibo at sentro ng komersyo gaya na
rin ng Ayala sa lungsod ng Makati. Ang pagsisimula sa phase 1 ng New Clark City ay isa rin
halimbawa ng pagkakaroon ng pag-unlad sa kanayunan, isang magandang proyekto ito sapagkat
maaari mabawasan ang sobra-sobrang populasyon sa Metro Manila at sinasabi rin na ito ay isang
disaster resilient kaya malaki ang kalamangan nito sa iba pang mga proyekto ng gobyerno.
 

[Maglalang:2017] Ito na ang magiging sentro ng komersyalisasyon sa hilagang parte ng


Pilipinas.

2.3 Disadvantages of Land Conversion

Ang mga internasyonal na karanasan ay nagpapakita na ang mabilis na pataas ng antas ng


ekonomiya ay laging may kaakibat na paglipat ng mga lupa mula agrikultural patungko sa mas
masagabong industriya, mga inprastruktura at mga tirahan. [Ramankutty et al., 2002]Sa mga
kabila-kabilang magandang epekto nitong mga proyekto na ito para sa ekonomiya ng bansa, ay
hindi pa rin natin maitatanggi ang mga side effectsnito sa mga sa kapaligiran at mga tao na
maaring mawalan ng pamumuhay at lupain. Ang patuloy na pagkombersyon ng mga lupain para
makamit ang sinasabing sustainable economy ay may mga hindi inaasahang epekto na maaari
lamang madama makatapos ang ilang taon ang lumipas. Ang pag-aakala na isa itong long-term
na solusyon ay may posibilidad na pangsandalian lamang matatamasa. Ang urban expansion sa

siyudad ng Hue sa bansa ng Vietnam ay nakaapekto ng malaki sa bukiran ng mga kanayunan at


halos sa panahon sa pagitan ng 2000 at 2012 halos labing dalawang taon ay humigit sa 393 na
hektarya na ang nagamit para sa mga urban development na mga proyekto ng bansa Vietnam.
Dahil rito sa kasanayan na ito ay halos 2770 ang nawalan ng kabahayan. [Fazal:2001] Kanyang
ipininaliwanag kung paano ang urbanisasyon ay makakaapekto sa Agricultural Land Conversion
(ALC) ng bansang Indiya. Ayon sa kaniyang argumento na ang mga pattern para sa urbanisasyon
at mabilis na paglaki ng populasyon sa mga developing at underdeveloped na bansa ang
nagbibigay presyon sa mga lupain. Itong urban expansion ay naghimasok sa mga mayabong at
malalagong lupain pang-agrikultural. Gaya na lamang ang nangyari sa bansang India kung saan
nakaranas sila ng malaking pagkawala ng mga lupaing pang-agrikultural dahil sa mabilisang
urbanisasyon at expansion ng mga urban na lugar para sa lumalalaking populasyon.

Ang paggamit o pagrereporma ng mga lupa ay may kaakibat na kabayaran o pangit na


epekto sa isang bansa o lugar. Gaya na lamang ang mga ginagawang conversion sa iba’t -ibang
 bansa sa kanilang mga kabukiran at mga kagubatan. Ginagawa nila ito upang ang mga lupain na
ito ay magkaroon ng tinatawag na urban developmentkung saan magandang estratehiya sa
 pagpapalaganap ng kaunlaran sa mga kanayunan. Pero lingid sa kanilang kaalaman na ang
 pagkakaroon nitong urban development ay magdudulot lamang ng kabawasan sa lupang
 pwedeng pagtamnan ng
n g mga pagkain
pa gkain at timber para sa produksyon ng kanilang bansa,
ban sa, isa pa rito
 

ang mga posibilidad gaya na lamang ng pagkaguho ng lupa resulta ng pagkamkam ng mga
lupain at salinization, desertification, and other soil degradationsna magreresulta sa kakulangan
ng mga mapagkukunan ng agrikultural na produksyon ng bansa sa mga hinaharap na panahon.
[Lubowski et al.,2006] Ang patuloy rin na pagpapaunlad sa mga kanayunan ay may kaugnayan
sa maraming problema sa kapaligiran gaya na lamang ng polusyon sa hangin, tubig, at kawalan
ng mga natitirhan ng mga hayop sa kagubatan. Isang malaking kasiraan ng mga likas na yaman
ang mga proyektong isinasagawa sa mga kanayunan na maaring mapagkunan ng mga
 pamumuhay ng mga taong naapektuhan ng proyekto.
pro yekto. [Czech et al., 2000]

Ang isa pang malaking kinakaharapng pamahalaan ay ang food security ng bansa. Ang
food security ay isang mahalagang talakayan na dapat bigyan pansin at priyoridad ng bawat
 bansa kahit na sila ay developing o developed na. Sapagkat ang pagkain ay ang pinakadapat
meron ang bawat isa at kailangan ito na masuplayan ang kanilang populasyon. [Brenee:2016]. Sa
 bansang Vietnam ay kailangan na magkaroon sila ng reserba na halos 3.8 na milyong hektarya
ng pagtatamnan ng bigas upang maabot ang kailangan ng kanilang bansa pagdating sa konsumo
at para rin na matupad nila ang kanilang export demand sa taon na 2020. Sa bansang Pilipinas
dahil sa malawakang land use sa mga kalapit na siyudad ng Metro Manila, naging alarma ang
reserba ng bigas kung kaya pa ba nitong suplayan ang kailangan ng bansa at para rin maiwasan
 pa ang pang-angkat sa ibang bansa ng mga bigas. Ito ay
a y patulo
patuloyy na nararanasan ng agrikultural
sektor ng bansa.

III. Socio-economic Status of Indigenous Peoples & Farmers

Sa pag-aaral na ito, mahalaga ring isaalang-alang ang mga maapektuhan at makikinabang


sa nasabing smart city. Nabanggit sa ilang parte ng pananaliksik na ito ang mga dulot ng
 pagkakaroon ng isang smart city kasama na ang kagalingan at kahinaan nito. Nagkaroon na rin
ng kaalaman ukol sa mga magiging epekto nito sa mga buhay ng mga residenteng nakatira sa
nasabing lokasyon ng lugar. Marami sa ating mga kababayan na ang nag-pataw ng kani-kanilang
 pag-asa sa proyekto upang matugunan ang matinding pangangailangan
pan gangailangan ng bawat isa partikular na
ang konsepto ng pagkakaroon ng trabaho. Bagamat nag-iwan ito ng napakaraming oportunidad,
hindi rin maikakaila na marami rin ang dismayado sa proyekto. Sa kabila ng tuwa at galak na
dala nito sa mga naghahanap ng trabaho, hindi rin maiiwasan ang lungkot na hatid nito sa mga
katutubo o mas kilala sa tawag na IP (Indigenous People) at mga magsasakang naka-depende at
 

umaasa sa buhay pagsasaka.Hindi lamang dapat nakatuon ang pansin ng gobyerno sa iisang
 panig. Kinakailangan din nitong ilangkap ang kanyang mga nasasakupan partikular ang mga
mamamayan nito.

Isang malaking suliranin ng proyekto ay ang pag-aalis ng mga katutubo at magsasaka sa

lugar na kalalagyan ng smart city. Ang nasabing lokasyon ay kabilang sa itinuturing ng bansa
 bilang special economic zone na kung saan may isang naka-atang na lugar na nakapailalim sa
mga natatanging lugar ng bansa upang matugunan ang pang-ekonomiyang pangagailangan nito.
Ang mga regulasyong ito ay magsisilbing pang-hikayat sa mga dayuhan upang mamuhunan sa
n a bansa. Kung kaya’t, ang pagkakaroon ng negosyo sa isang special economic zone
 partikular na
ay karaniwang nagpapahiwatig na ang kompanya ay makakatanggap ng mga insentibo sa buwis
at ang pagbabayad ng taripa ay mababawasan. Nagsisilbi rin ito bilang isang matibay na dahilan
ng gobyerno sa mga tumutuligsa sa pagpapatayo ng proyekto.

Sa kasalukuyan, hindi parin malinaw sa kalakhang bahagi ng mamamayang Pilipino kung


ano at sino nga ba ang mga katutubo (indigenous people) at magsasaka. Ito ang dahilang nag-
udyok sa pananaliksik na ito na mabigyan kaalaman at kalinawan ang tunay na depinisyon ng
indigenous people at magsasaka. Napakaraming pag-aaral ang nagbigay ng iba’t ibang
 pakahulugan sa pag-aaral na kung ano at sino nga ba ang mga katutubo at magsasaka.
Tatalakayin sa pananaliksik na ito ang mga bukod tanging depinisyon sa mga indigenous people
at magsasaka.

Ayon saisang pag-aaral, walang pangkalahatang kahulugan ang mga salitang indigenous

 people.Subalit gayunpaman,
ga yunpaman, kinilala parin ng Convention an
angg indigenous people bilang 1)mga
taong nainirahan sa mga tribo ng mga bansang Malaya na may sariling kutura at pamamaraan ng
 buhay, at 2)mga mamamayan sa mga malayang bansa na itinuturing na katutubo dahil sa
kanilang pinagmulan mula sa mga populasyon na naninirahan sa bansa, o isang heograpikal na
rehiyon na kung saan ang bansa ay nabibilang, sa panahon ng pananakop o kolonisasyon o ang
 pagtatatag ng kasalukuyang mga hangganan ng estado at, nang walang pagtatangi ng kanilang
legal na kalagayan, panatilihin ang ilan o lahat ng kanilang sariling mga institusyon sa
 panlipunan, ekonomiya, kultura at pulitika. Ayon pa saConvention, ang pagkakakilanlan ng
n g sarili
 bilang katutubo o panlipi aay
y dapat isaalang-alang bilang isang pangunahing pamantayan para sa
 pagtukoy sa mga pangkat na kung saan ang mga probisyon ng Convention ay nalalapat.
 

[International Labour Organization Convention No. 169: 1989-present] Gayunpaman, ang


indigenous people ay kinikilala pa rin bilang benepisyaryo ng mga karapatang nakapaloob sa
[UN Declaration on the Rights of Indigenous Peoples: 2007] at maging ang organisasyon ay
walang depinisyon sa salitang ito. Ang pagkakakilanlan sa isang indigenous people ay mayroon
ding pamantayan. Ilan na lamang dito ay ang pagkakaroon ng sariling lengguwahe, kakaibang
sistema ng pulitika, pagkakaroon ng mga pinaniniwalaang pamahiin, kultura, balor, at
makasaysayan na pagpapatuloy sa mga kapistahang pre-kolonyal.

Ang mga indigenous people na ito ay mayroong kanya-kanyang mga lokasyon ng


tahanan. Ang International Union for Conservation of Nature [(IUCN):2004] ay nagbigay
komento ukol sa mga nasabing ‘protected areas’ na kung saan may matatagpuang indigenous
community. Ang mga ‘protected areas’ mga lugar ng lupa at dagat na nakatuon sa proteksyon at
 pagpapanatili ng byolohikong pagkakaiba-iba, at ng likas at nauugnay na kultural na
mapagkukunan, at pinamamahalaan sa pamamagitan ng legal o iba pang epektibong paraan.
 Nagpapahiwatig ito ng matinding pangangailangan ng indigenous people sa mga lugar n
naa ito na
sila’y nangangailan din ng atensyon mula sa gobyerno. Ang pagbibigay karapatan sa m ga
indigenous people ay isa nang malaking bagay upang sila ay maprotektahan din.

Ayon naman kay [Anaya; Indigenous Peoples in International Law: 2004], sila ay
itinuturing na indigenous dahil ang kanilang pinagmulan ay umusbong sa mga lupaing kanilang
kinalalagyan. Para sakaniya (James Anaya), ang mga nabubuhay pang inapi sa panahon bago pa
sumalakay ang mga nananahanan sa mga lupain ay sakop na ng iba.

Sa bansang Congo, inilarawan naman ni [Bikaba: 2014] ang mga “pygmies” bilang mga
indigenous people at ang mga iba rito ay tinatawag na “local communities” batay rin sa kung ano
ang lokasyon ng mga ito, kung sila ba ay nasa lugar ng urban o rural. Sa pangkalahatan, ang
“local communities” ay tumutukoy sa mga tribung “non - pygmy”
 pygmy” na matatagpuan sa rural. P ar a
Par 
kay Bikaba, ang mga katutubo ay binubuo ng mga komunidad o grupo ng mga indibidwal na
may isang karaniwang etniko, kultura at relihiyosong pamana na nauugnay sa isang ibinigay na
(bagaman maluwag na demarcated) na lupain at ito ay nakikilala mula sa iba pang mga
indibidwal (mga pangkat ng mga indibidwal) na dumating upang lupig
lupigin
in ang mga teritoryo bago
ang pagdating ng mga mananakop batay sa kanilang pamumuhay, kaugalian, kultura, paniniwala
atmga anyo ng pang-ekonomiyang, pampulitika at panlipunang organisasyon.
 

Para naman sa pananaw ng [Food and Agriculture Organization of United Nations:


2017], ang indigenous people ay tumutukoy sa mga katutubong mamamayan na may iba’t ibang
grupo ngunit nagkakatugma sa napiling paraan na pinagkukunan ng kanilang pangangailangan at
 pagkakaroon ng angkop na kahalagahan ng kalikasan bilang tugon upang sila ay mamuhay.
mamuha y. Ang
mga indigenous people na ito ay namumuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pagtatanim at
ang grupo ay umaasa sa mga kagubatan, lawa, ilog, atbp. Ayon naman sa isang balita para sa
[Biological Diversity
Diversity in the Arctic: 2013],kinikilala ng mga naturang indigenous people ang
kanilang mga sarili bilang isang hiwalay at malayang grupo mula sa lipunang kanilang
ginagalawan. Ang mga lupain na matatagpuan sa isang partikular na heyograpikong lugar ay
 bumubuo ng isang sentral na elemento sa kanilang kasaysayan at pagkakakilanlan at may
kinalaman sa kanilang mga kontemporaryong pangangailangan sa pulitika. Binanggit rin ng mga
katutubo na kung wala ang mga lupa at ang kaalaman sa paggamit nito, sila ay hindi mabubuhay.
Maaring ito’y dahil sa paniniwala nilang sila ay nilikha upang pangalagaan ang kapaligiran at

gamitin ito sa wastong pamamaraan.

Mula naman sa [United Nations Permanent Forum on Indigenous Issues: 2008], ang
indigenous people ay tumutukoy sa mga taong tagapangalaga at propesyunal pagdating sa
 pagpapalago ng kanilang kultura, paniniwala, pamamaraan ng pamumuhay. Sa kabila ng
 pagkakaiba-iba sa sistema na mayroon ang bawat pngkt etniko, sila ay nagbabahagi
nagbabahag i parin ng
iisang problema at ito ay may kaugnayan sa kanilang proteksyon at mga karapatan bilang mga
tao.

Sa usaping magsasaka naman, ipinaliwanag ni [Edelman: 2013] ang apat na anggulo ng


 pagiging magbubukid. Una, inilarawan niya ito sa pamamagitan ng makasaysayang
 pagpapaliwanag. Ang pagkakaroon ng mga limitasyon at kawalan ng karapatan sa madaling
salita, ang mga magsasaka ay nakararanas ng pananamantala ng mga mas may kapangyarihan at
naka-aangat sa buhay. Pangalawa ay ang paggamit ng mga depinisyong maka-agham mula sa
sosyolohiya at antropolohiya pati narin sa pag-aaral ng agrikultura. Pangatlo, ang paggamit ng
mga depinisyon mula sa mga aktibista na may kinalaman sa pagpapaunlad sa sektor ng
agrikultura partikular ang Vía Campesina. Ang Vía Campesinaay isang organisasyon ng mga
magsasaka na itinatag noong 1993 mula Europa, Latin America, Asya, Hilagang America, at

Africa. Layunin ng organisasyon na matigil na ang karahasang nararanasan ng mga kababaihan,


 

kampanya upang maipagtanggol ang mga binhi ng mga magsasaka, kampanya para sa pagkilala
ng karapatan ng mga magsasaka, at ang malawakang kampanya para sa reporma sa agraryo. At
 pang-apat, normatibong mga kahulugan katulad ng mga iminungkahing depinisyon ng
organisasyon ng sibil na lipunan at Advisory
Advisor y Committee of the Human Rights Council.

Mula naman kay [Rao:2016], kalakip na ng salitang magbubukid ang pagiging trabahador
 pang-agrikultural. Binigyan kahulugan rin ni John Duncan Powell ang salitang magsasaka na
mula sa kanyang ideyang nakuha sa mga nailathalang kahulugan nina Julian Steward, Karl
Wittfogel, Eric Wolf: Ang isang lipunan ng magsasaka ay binubuo ng mga taong naninirahan sa
 bukid, nakikibahagi sa karamihan sa produksyon ng agrikultura, na ang mga produktibong
aktibidad at kakaibang mga katangian ng kultura ay naiimpluwensyahan, nahuhubog, o
natutukoy ng makapangyarihang mga tagalabas. Naging hudyat din nito na ang pag-aaral ng mga
magsasaka ay naging pag-aaral na rin ng mga taga-nayon.

Binigyan kahulugan rin ni Dalton ang salitang magsasaka. Ayon sakanya, ang mga
magsasaka ay legal, pulitikal, sosyal at mga mababang uri lamang noong panahon ng medyebal
sa Europa. Ayon sakanya, nakabatay ang pagsusupil ng magbubukid at hindi magbubukid sa
napakaraming paraan, nandiyan ang de jure at de facto, maging ang paglilimita ng kanilang mga
kilos at galaw at sa kung ano ang nararapat na kagamitan na kanilang gagamitin. Maging sa
kasuotan sila ay pinaghihigpitan pati na rin sa uri ng pagkain na kanilang kakainin.

Ang mga nasabing pakahulugan at depinisyon ng mga propesyunal ay nagpapakita


lamang ng koordinasyon sa kung ano nga ba at sino ang mga indigenous people at magsasaka.

Isa lamang ang kanilang pinupunto, ito ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatang pantao ng
mga magsasaka at katutubo katulad ng mga normal na tao.

IV. Development; Adverse Domino Effect to Farmers and Indigenous People

Ang mga proyekto ng gobyerno ay may mabigat na epekto sa mamamayan. Nararanasan sa


 buong mundo ng mga taong pwersahang napaalis sa kanilang lupang
lupan g tinitirahan ang mas mahirap
na kalagayan kumpara sa dati nilang buhay bago sila mapaalis at ito ay nakadadagdag pa sa
 pagtaas ng bilang ng kahirapan. Hindi maitatanggi na prayoridad ng bawat bansa ngayon ang
 pag-unlad ng kanilang
kanilan g ekonomiya. Ang positibong pagbabago sa ekonomiya ay d
dahil
ahil din sa mga
 pagbabago ng polisiya pang-ekonomiya. Paulit-ulit na binabago ang mga pang-ekonomikong
 

 polisiya at batas upang tumugma sa nais ng mga mamumuhunan o investors. Ngunit kasabay ng
mga paulit-ulit na pagbabago, hindi na nabibigyang pansin ng gobyerno ang mga pangunahing
 pangangailangan ng kaniyang mamamayan partikular ng mga magsasaka na mawawalan ng
hanapbuhay dahil sa pagpapahintulot ng gobyerno na maibenta ang mga lupang sakahan sa mga
negosyante na nangangailangan ng lupain (McCully 1996; Robinson 2003).

Sa pagnenegosyon, lubos na kinakailangan ng lupain. Unang una upang mapagtayuan ng


mga gusali para sa negosyo. Mas malaking negosyo, mas kinakailangan ng mas malawak na
lupain. Ngunit ang lawak ng lupain ay nakabatay pa sa kung anong klase ng negosyo mayroon
ang isang negosyante. Ang pangangailangan ng mga negosyante sa mas malawak na lupain ay
tanda ng mas mataas na bilang ng mga magsasaka na mapapaalis sa kanilang mga lupang
sinasakahan. Hindi maitatanggi na may malaking ambag sa pagtaas ng ekonomiya at kaunlaran
ng bansa ang mga maipapatayong negosyo ng mga negosyante, halimbawa sa India, ang mga
naipatayong Smart City.  Ngunit hindi maaring ipagsawalang bahala an
angg mga masamang epekto
nito sa lipunan (Mathur 2011).

Magkasalungat ang tunay na ibig sabihin ng kaunlaran sa kung ano talaga ang gusto nitong
mangyari kung sa proseso ay mas makadadagdag pa ito sa pagtaas ng bilang ng kahirapan (Black
2002). Halimbawa ay ang “Climate Smart Agriculture”. Ang “Climate
“Climate Smart Agriculture”
Agriculture” ay
isang kalokohan. Ito ay pagpapatuloy lamang ng Green Revolution  na nasimulan noong 1940
hanggang 1980 bilang proyekto ng World Bank   sa paglutas ng problema sa kahirapan. Ang
nasabing proyekto ay may halong pansariling interes ng mga korporasyon na higit na
makikinabang sa proyekto. Ang mga ganitong proyekto ay napakaraming winasak na kabuhayan
ng mga magsasaka partikular sa mga magsasaka na nasa Timog na bahagi ng bansang Amerika.
Ang “Climate
“Climate Smart Agriculture”
Agriculture” ay parte lamang ng mas malaking proseso ng pagbabago sa
istraktura ng mga ganitong proyekto na hinihingi ng sistemang ekonomikal at ng mga politikal
na interes. Kung kaya’t dapat husgahan ang mga proyektong pangkaunlaran ng gobyerno batay
sa masusing obserbasyon higit pa sa kung ano lamang ang gusto nitong mangyari. Dahil may
mga bagay na nagbabalat kayo upang umayon sa kung ano ang nais ng mamamayan ngunit may
nakatago pa ring makasariling interes ng mga naghaharing
n aghaharing uri (La Via Campesina 2014).
2014 ).

Ang pinaka higit na naaapektuhan ng displacement  ay


 ay ang mga katutubo at magsasaka. Dahil
sa displacement , sapilitan silang nilipat sa isang lugar na hindi sila pamilyar, nawala sa kanila
 

ang kanilang orihinal na tahanan, lupain, kabuhayan at ugnayan na mayroon sila sa kanilang
kumonidad. Wala silang magawa kundi magpatuloy sa kanilang buhay, maghanap ng
 panibagong mapagkukunan ng hanapbuhay at umangkop sa bagong lipunan na kanilang
ginagalawan. Halimbawa sa naging buhay ng mag tribong na paalis sa kanilang orihinal na
tirahan, kinilala nila ang displacement  na
  na nakadagdag sa hirap ng kanilang buhay (Mathur 2009;
Padel at Das 2010 at 2011). Iniulat ng Women Corporate Directors (2000) na halos 6-7 milyong
katutubo sa Pilipinas ang higit na naapektuhan ng malalaking proyekto ng gobyerno para sa
 pagpapatayo ng mga dam.  Katulad ng nangyari sa 40-50 porsyento ng napalayas na tribo sa
India, ito ay dahil din sa mga proyekto ng gobyerno na sinasabing mag bibigay ng kaularan sa
 bansa.

Sa India, ang mga kaso ng displacement   na sanhi ng kaunlaran ay may napaka lawak na
 pinsala. Ayon sa mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral patungkol sa mga kaso ng
displacement sa India, humigit kumulang 65 milyong tao na napaalis sa knilang tirahan ay dahil
sa mga proyektong pangkaularan ng gobyerno sakalagitnaan ng ika 1950-2005. Ito ay isyu na
dawit ang bawat isang mamamayan ng bansang India at itinuturing ito na national crisis.
Sinasabi na ang kaularan ay patuloy na magiging sanhi ng displacement at ito ay mas lalala pa sa
 paglipas ng panahon. Ang plano ng India na magpatayo ng mas marami pang  smart city  na
sinasabing mas makapagbibigay ng disenteng tahanan at gawi ng pamumuhay sa mga tao at
makapagbibigay ng matalinong solusyon sa mga pagsubok ng modernisasyon sa sektor ng urban
na pamumuhay ay pinaniniwalaan na sa kalaunan, makapagdadagdag sa bilang ng mga kaso ng
displacement  (Walicki;
 (Walicki; Swain, 2016).

Sa Ethiopia at Bangladesh, kung saan ang resettlement assistance  ay hindi ibinibigay ng


gobyerno, nakaranas ang mga tao ng pagbaba ng antas ng kanilang pamumuhay matapos silang
mailipat sa resettlement. Halimbawa, sa Addis Ababa, Ethiopia, 1,320 na pamilya ang napaalis
sa kanilang tirahan upang magbigay daan sa sinasabi ng gobyerno na proyektong pangkaunlaran.
Ipinakita sa  survey, 66 sa napaalis na tao, 29 porsyento ay kumikita lamang ng kulang-kulang
500  Ethiopian Birr (ETB) (higit kumulang 23$) kada buwan. Ayon din sa  survey, 103 mula 133
na kabahayan (77 porsyento) sa distrito ng Tangail, Bangladesh, sinasabi na bumaba ang antas
ng kanilang pamumuhay sa resettlement s (Tagliarino 2016).
 

Mula sa mga pag-aaral at pananaliksik na ginawa ng mga mananaliksik patungkol sa


resettlement,  mayroong nakakagalit na kalidad ang mga ipinatayong paglilipatan na bahay ng
mga taong na-displace. Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ay magbibigay lamang ng
mataas na bilang ng kahirapan sa lugar kung nasaan ang resettlement area na kung noon ay wala
namang eksistensya ng kahirapan (Mathur 1998; Downing 2002). Ipinakita rin ng mga
 pananaliksik na ito na ang kaunlaran ay
a y may mabigat at salungat na epekto ang sa buha
buhayy ng mga
tribo mula sa iba’t bang panig ng mundo (Mahapatra 1991; Colchester 1999 ; Chatty and
Colchester 2002; Perera 2009).

Ang mga proyektong pangkaunlaran ay karaniwang isinasagawa sa mga lugar na hindi pa


maku-konsiderang maunlad ngunit mayaman sa mga likas na yaman. Ang mga ganitong lugar ay
kalaunan aangkinin ng mga taong naghahangad ng lupa para sa kanilang personal na interes.
Halimbawa ang nangyari sa 7 milyong katutubo sa Pilipinas na napaalis sa kanilang lupain dahil
halos lahat ng mga dam project ay ipinatayo sa lugar kung saan karaniwang tirahan ng mga
katutubo. Ayon sa pandaigdigang pananaliksik, napakabigat ng naging negatibong epekto ng
displacement sa mga katutubo. Nawala sa kanila ang kanilang pangunahing asset , at ito ay ang
kanilang lupa, nawalan sila ng trabaho, nabaon sila sa utang, kagutuman at pagkakawatak-watak
ng kultura (Walicki; Swain 2016).

Si Cernea (1996) ay nagbigay ng walong katangian na nag-aambag sa kahirapan. Ito ay ang


kakulangan sa lupa, (landlessness), kawalan ng trabaho (joblessness), kawalan ng tahanan
(homelessness), pagbaba ng uri ng tao (marginalization), kakulangan sa pagkukunan ng panustos
sa pagkain (food insecurity), pagtaas ng bilang ng mga maysakit at namamatay (increased
morbidity and mortality), kawalan ng pag-aari ng isang komunidad (loss of access to common
 property), at pagkakawatak-watak ng isang lipunan (social disarticulation). Ang hindi
nagbabagong mukha ng kahirapan ang pinakamalinaw na naging epekto sa mga taong napaalis
sa kanilang orihinal na tahanan. May pagkakataon din na mas nagiging mabuti ang kalagayan ng
mga taong napaalis sa kanilang orihinal na tirahan matapos silang mailipat sa resettlements 
ngunit hindi pa rin maitatatwa na mas maraming pagkakataon na mas lumala ang kahirapan dahil
sa displacement (Cernea 1996; Mathur and Marsden 1998).

Para sa milyong mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nakaekspiryensya ng
kaunlaran, ito ay nangangahulugan ng paglayo nila mula sa lugar at buhay na kanilang
 

nakagisnan. Ang  Development induced displacement and resettlement   (DIDR) ay klarong


 pagpapakita ng estado ng pagmo-monopolyo nito sa pamamahala sa kalupitan at karahasan, sa
 pamamahala sa mga ma-ambisyong pang-inhinyerong mga proyekto at kakayahang makontrol
ang mga lokasyon at magiging lokasyon ng mga tao nito na nasa kaniyang teritoryo (Bauman
1989: xiii). Ang mailipat ng tirahan ay isa sa mga pinakatalamak at malubhang pagpapahiwatig
ng kahinaan dahil ito ay naghihirang ng kawalan ng kontrol ng mga pangkaraniwang
mamamayan sa kanilang mga tirahan o personal na espasyo. "The most powerless people have
no place at all" (Rodman 1992:650).

Iba’t iba man ang digri ng negetibong epekto ng kaunlaran sa bawat isa, ipinapakita ng
mga pananaliksik na ang mga katutubo ang lubos na nakakaranas ng paghihirap dulot ng
displacement dahil nahihirapan silang makibagay sanhi ng iba ang kanilang tradisyon, kultura at
gawi ng pamumuhay (Walicki; Swain 2016). Ang matalinong pagsang-ayon at pangtanggi ng
 publiko sa mga desisyon ng gobyerno ay may direktang epekto sa buhay ng pangkaraniwang tao
(Yurton 2002). Kung kaya’t, dahil sa maraming beses na pagtatangka ng gobyerno na palayasin
ang mga mahihirap, katutubo, at iba pang mga kabilang sa marginalized groups, mas pinipili na
nila na tumanggi at lumaban kaysa makipagkoopera sa mga aksyong ito ng gobyerno sa pag-
asang mas magiging epektibo ang paglaban upang maprotektahan ang kanilang pangmatagalang
interes (Fisher, W.F. 1999).
 

CHAPTER III

METHODOLOGY

This chapter includes the research design, area of the study, data collection plan which includes
the sample of the population to be used, sampling technique, instrument for data collection,
validation of the questionnaire, administration of the instrument and the data
dat a analysis plan.

3.1 Research Design

Ang pananaliksik na ito ay sumasalamin bilang isang descriptive researchna kung saan
ipapaliwanag ng mga mananaliksik ang mga nakuhang impormasyon sa tema ng pagbubuo ng
konsepto ng  survey research – 
research  –  layunin
  layunin nito na matukoy ang relasyon ng mga variables sa mas
kongkreto at matatag na paraan na ayon sa nasabing phenomena(Axinn & Pearce, 2006;
Camfield, Crivello, & Woodhead, 2009; Knodel, 1997). Kalakip nito, ang mga mananaliksik ay
may planong maisagawa ang kanilang mga paraan sa pagkuha ng mga datos sa pamamagitan ng
 pagsasama ng konseptong quantitative at qualitative approach. Isang pamamaraan upang
makasagap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik, sila ay may planong magsagawa ng
mga  surveys  o mga  questionnaires  na kinakailangang masagutan ng mga napiling mga
respondante sa bayan ng Capas Tarlac. Magsasagawa ang mga mananaliksik sa paraan na  semi-
 structured questionnaires. Magsasagawa din ng mga mananaliksik ng mga paraan na qualitative
sa pamamagitan ng interviews sa mga napiling mga respondante.

Isasagawa ang malawakang pagsasagap ng impormasyon upang matugunan ang mga


ideyang nais ng kasagutan ay magmumula sa piling barangay na makikita sa bayan ng Capas,
Tarlac. Kinabibilangan nito ang barangay ng Aranguren, Cut-Cut 2 , Maruglu. Sa nasagap na
impormasyon na galing sa mga organisasyon na tumatalakay sa nasabing isyu, gagamitin ang
mga mananaliksik bilang mga respondante ang barangay ng Aranguren at Cut-Cut 2 na kung
saan ang karamihan ng mga tao na nakatira sa bayan na ito ay mga magsasaka at ang barangay
ng Maruglu na kung saan ang karamihan ng mga tao na naninirahan ay mga katutubo. Ninanais
na maisagawa ang pagkakalap ng mga impormasyon sa buwan mula Mayo hanggang Setyembre
 

sa kadahilanang ang Tarlac ay isang malayong lugar na kinokonsidera ng mga mananaliksik at


maaaring magkaroon ng mga limitadong paraan (oras at mapagkukunang paraan at mga bagay).

 Ninanais ding magamit ng mga mananaliksik ang dokumento na halintulad sa  project


evaluation na kung saan maaaring matukoy ang epekto habang isinasagawa ang nasabing

 proyekto (New Clark City) sa mga bayan na kalapit sa pagpapatayo


pagpapata yo nito. Ang mga sekondaryong
datos (artikulo at news) mula sa online at mga naisapublikong dokumento ay gagamitin ng mga
mananaliksik bilang magiging batayan upang masuportahan ang mga kosepto na nakapaloob sa
 pangunahing pinagkuhanan ng mga impormasyon.

Layunin ng mga mananaliksik na maipahiwatig ang epekto ng NCC sa mga taong


nakapalibot nito sa pamamagitan ng kanilang mga sagot na nagsasalin ng mga tunay nilang
kwento noong hindi pa naisasakatuparan ang paggawa nitong proyekto at ang kanilang pananaw,
 persepsyon at buhay habang isinasagawa ang NCC.

3.2 Data Collection Plan

3.2.1 Population of the Study

Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa mga napiling mga barangay sa loob ng


munisipalidad ng Capas, lalawigan ng Tarlac na lubhang maapektuhan sa proyekto ng gobyerno

na  New Clark City, kung saan ang mga magsasaka at katutubo ang siyang pangunahing
maapektuhan ng proyekto. Sila rin ang pangunahing magiging respondante sa pag-aaral na ito.
Ang tatlong barangay na higit maapektuhan ng proyekto ay ang Aranguren, Cutcut2nd, at ang
Maruglu sa Capas. Ang magiging respondante  ay ang mga karaniwang magsasaka, mga
katutubong magsasaka, at ang mga karaniwang katutubo sa barangay na nabanggit.

Ang gagamitin na panukat upang tukuyin ang dami at sukat ng magiging   respondante sa
 pananaliksik na ito ay ang Slovin’s Formula. Ang paggamit ng ganitong panukat ay upang
alamin ang posibleng magiging respondante sa gaganaping pag-aaral mula sa tinansiyang

 populasyon. Sa tinantsiyang sukat na lumalabas na labing-pitong libo (17,000) ang bilang ng


 

 populasyon sa tatlong barangay na nasambit. Ang margin of error   or confidence level   na 0.08
ang gagamiting panukat sa pagtukoy ng mga respondante. Upang ikonsidera ang mga hindi
inaasahang pangyayari at mga pangangailangan ng mga mananaliksik dahil limitadong
 pagkukunan. Ang kompyutasyon gamit ang  slovin’s formula ay ipapakita sa ibaba.

 = 17,000 (Aranguren - 7,000; Cutcut2nd - 5,000;


5,00 0; Maruglu –  5,000)
 5,000)

 = 0.08% 

  
=  
+ 

17,000
=  
1  17,000(0.08)2

17,000
=  
1  17,000(
17,000(0.006
0.0064)
4)

17,000
=  
1  108
17,000
=  
109

 = 156 

Lumalabas na mayroong kabuuang isang daan at limampu’t anim (156) respondante 


respondante   ang
mula sa tatlong barangay ang dapat hingian ng mga impormasyon. Ang table 1 ay nagpapakita
ng representasyon ng bilang na mga karaniwang magsasaka, mga katutubong magsasaka, at ang
mga karaniwang magsasaka sa barangay ng Aranguren, Cutcut2nd, at Maruglu.

Table 1: Ang populasyon ng mga karaniwang magsasaka, mga katutubong magsasaka, at ang
mga karaniwang magsasaka sa barangay ng Aranguren, Cutcut2nd, at Maruglu sa munisipalidad
ng Capas, lalawigan ng Tarlac.
 

 Numbers of  Number of  Number of


S/N Affected Barangays in Capas, Tarlac Common Indigenous Common
Farmers Farmers Indigenous people

1. Aranguren 22 10 20

2. CutCut2nd 24 11 17

3. Maruglu 8 19 25

Total 54 40 62

Ang mga ito ay kinagisnan na ang paninirahan rito at mayroon ng mga kaalaman
 patungkol sa
sa m
mga
ga isyu sa kanilang
k anilang lugar na malaki ang magiging epekto sa kanilang
kanilan g araw
araw-araw
-araw

na pamumuhay. Sila ay nasa posisyon na makapagbibigay ng mga impormasyon at sagot sa mga


katungan sa aming pag-aaral sa lugar at higit na makakatulong sa pananaliksik na ito.

3.1.1 Sample of the Population

Ang pagkaroon ng sapat na respondante na ay mahalaga upang matiyak ang


kasiguraduhan ng impormasyon na kailangan sa isang pag-aaral.

Ang  sample of the population ng pag-aaral na ito ay mayroong kabuuang 54 na


karaniwang magsasaka, 40 na katutubong magsasaka, at 62 na karaniwang katutubo na bumubuo
sa kabuang 156 na magiging respondante ng pag-aaral na ito.

3.2.3 Sample Techniques

Gagamit ng  stratified random sampling  na


 na pamamaraan ang mga mananaliksik sa
kuha ng mga respondante sa pananaliksik na ito. Ang pamamaraan na ito ang gagamitin upang
masiguro ang kawalan ng kinikilingan ng pananaliksik at magkakaroon ng pantay na
representasyon ang bawat baryabol. Ang  stratification ay nakabase sa mga magsasaka at
 

katutubo mula sa tatlong barangay sa Capas, Tarlac, At ito ay ang barangay Aranguren,
Cutcut2nd at Maruglu.

Upang makakuha ng tamang palambang na bilang ng populasyon na magiging


respondante ng pananaliksik hahatiin ng mga mananaliksik sa tatlong kategorya o  strata  ang

kabuuang bilang ng populasyon upang mas maging madali para sa mga mananaliksik ang
 pagkuha ng samplo na data na gagamitin sa pagpili ng mgamagiging respondante. Ang tatlong
grupo o strata na ginawa ng mga mananaliksik ay kung sila ba ay mga pangkaraniwang mga
magsasaka, katutubo at kung sila ba ay mga magsasaka na katutubo dahil napag-alaman ng mga
mananaliksik na mayroong mga pangkarinawang magsasaka at pangkaraniwang katutubo at mga
katutubo na magsasaka.

Upang maisakatuparan ang pamamaran gagamitin ng mga mananaliksik, bukod sa


gagawa ng tatlong  strata ang mga mananaliksik, hahatiin nila muli ang bawat  strata at kukuha

ng random sample mula sa mga ito. Sa pagsasakatuparan ng plano na ito, gagawa ang mga
mananaliksik ng  strata  base sa kasarian, gulang at lugar na pinagmulan ng mga magiging
respondante. Ang random sample na kukunin ay nakabase sa laki ng populasyon ng bawat
 stratum. Ang mga  subset na magmumula sa bawat  strata ang siyang bubuo upang makakuha ng
random sampol.

3.2.4 Research Instruments

A. Semi-structured surveys

Mula sa pagbatay sa pananaliksik ni Wu at Li na pinamagatang  Land Use


Change and Agricultural Intensification, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng  semi-
 structured surveysna angkop upang makasagap ng mga persepsyon hinggil sa quantitative
approach. Ninanais gawin ng mga mananaliksik na makabuo ng mga tanong na nakalagay sa
mga papel at paraang gagamitin ay ang konsepto ng likert questions  na kung saan magiging
 batayan ito upang malaman ang persepyon o nararamdaman ng mga respondante patungkol sa
isang serbisyo o sa isang paksa (Tran, 2013). Ang paggamit ng likert questions sa pananaliksik

na ito ay makakatulong sa mga mananaliksik upang malaman ang boses ng mga ng mga napiling
 

repondante: magsasaka at ang mga katutubo hinggil sa usapin sa pagtatatag ng NCC sa Tarlac.
Ipapamahagi ang mga mabubuong questionnaires sa mga respondante sa bilang ng mga
magsasaka, mga katutubo at sa mga katutubong magsasaka na matatagpuan sa tatlong barangay
na nabanggit.

Magsasagawa ang mga mananaliksik ng mga questionnaires na kung saan


nakapaloob ang mga tanong na nakabahagi sa bawat seksyon.

Section A: binubuo na mga tanong patungkol sa demographic profile/personal


data ng mga respondante.

Section B: binubuo na mga tanong hinggil sa nakikitang problema ng NCC sa


kapakanan ng mga mapipiling respondante at ang kanilang persepsyon patungkol sa usapin na
ito.

Section C: binubuo ng mga tanong hinggil sa maaaring alternatibong paraan


upang matugunan ang mag suliraning haharapin o hinaharap sa mga napiling mga respondante.

Gagamitin ng mga mananaliksik ang konseptong agreement-disagreement type sa


konsepto ng likert questions na kung saan ang mga respondante ay malayang makakapagpili ng
kanilang kasagutan sa bawat tanong. Ito ay paraan upang malaman ang bilang ng antas kung sila
ay sumasang-ayon o hindi sa naturang paksa.

B. Structured, open-ended interview (In-depth interview)

Magiging batayan din upang makakalap ng malawakang impormasyon ay,


magsasagawa din ng in-depth interview sa piling mga tao (Ghatak, 2009). Dito pumapasok ang
mga taong maaaring makatulong upang makahagilap ng karagdagang impormasyon tungkol sa
usapin ng NCC. Dito nabibilang ang mga taong kinakatawan ng iba’t ibang organisasyon:

(1)  Isang kinatawan na magmumula sa BCDA (Bases Conversion Development Authority) -


(1) 
Director o sinuman na may malawak na kaalaman tungkol sa nasabing proyekto  
(2)  Mga kapitan na nakatalaga sa bawat barangay: Aranguren, Cut-Cut 2 at Maruglu 
(2) 
(3)  Mga lider ng mga organisasyon:  
(3) 

  Aeta Association 
 

  Tribe Leaders 
  Kamandag Organization

Ang mga interview na makakalap ng mga mananaliksik ay siyang mag-uugnay sa mga


sagot na mahahagilap ng mga mananaliksik sa nabuong mga questionnaires. kanilang pag-aaral

na “Land Use Change and Agricultural Itensification”. Napapabilang dito ang mga gabay na
tanong sa pananaliksik: 

Ang Interaksyon sa pagitan ng pagsisidhi ng agrikultura, ekonomikong aspeto at ng


kalikasan

1.  Paano nakaka-apekto ang pagbabago sa aspetong agrikultura sa aspeto ng kita ng


1. 
 pagsasaka, ekonomikong rural at maging sosyo-ekonomiko ng mga rural na lugar.
2.  Paano nakaka-apekto ang konsepto ng pagpapa-unlad (mula sa agrikultural na bansa
2. 
hanggang sa maging mid-income na bansa)? 
3.  Paano nakakaapekto ang pagbabago sa agrikultural na lupa sa aspeto hinggil sa
3. 
kalikasan? 

Kahirapan, hindi pantay na kita, at ang pagsidhi ng agrikultura

1.  Ano ang magiging epekto ng pagbabago sa agrikultural na lupa o ang konsepto ng
1. 
kaunlaran sa antas ng kahirapan at hindi pantay na kita sa naturang bansa?

Gampanin ng konsept ng pagbabago sa agrikultural na lupa

1.  Maituturi bang matalinong estratehiya ang pagbabago sa aspeto ng agrikultural na lupa


1. 
upang matugunan ang mga problema hinggil sa usapin pagdating sa aspeto ng
 pakikipagkalakalan at ang mga problemang makikita sa kapaligiran at kalikasa
 

C. Flow Chart of the Study

Entering the field by understanding


the problem of peasant’s Micro Level Field Work

3.2.5 perspectives.
Guide Questions

Kabahagi ng pagkukuha ng datos sa mga napiling lugar ay ang mga tanong na


nagkakalap ng mga kasagutan hinggil sa isyung pinag-uusapan. Gagamiting batayan ng mga
mananaliksikand
Identification upang magkaroon ng matatag na mga tanong
Explore socio-economic na ilalagay
Peasant sa bawat questionnaires
perception Govt. & CIDCO  
Selection of Three
at sa pakikipanayam background
ay ang naisambit of the of Displacement
sa pag-aaral nina Wu at Li (2013) &sa dynamics of the
Village village Land Acquisition peasant Project

Household Survey In-depth Interview


 

Qualitative/Quantitative Qualitative/Quantitative

Flow Chart of Field Work

Figure 1: Flow chart of Primary Data Collection

Eksplanasyon:

Ang Ang tsart na ito ay nakuha mula sa pag-aaral nina Rahul Rajak at Dr. Archana K.
Roy na may pamagat na  Development Induced Displacement and Rehabilitation: The Study of
 Navi Mumbai International Airport Project, India  at ni-modify ng mga mananaliksik ang tsart
upang mas umangkop sa pokus ng pananaliksik.

Ang tsart ay nagpapakita na sisimulan ng mga mananaliksik ang pag-aaral mula sa


mababang lebel ng paksa upang mas maintindihan ang mga suliranin ng mga magsasaka at
katutubo na maapektuhan ng proyektong NCC. Sa pananaliksik, uunahing tukuyin at piliin ng
mga mananaliksik ang mga maapektuhan ng proyektong NCC, sunod ay pipili ng tatlong mga
 pinaka maapektuhan na barangay. Matapos makapili ng tatlong barangay, gagalugadin ng mga
mananaliksik ang sosyo-ekonomikong kondisyon ng mga maapektuhang barangay. Sa
 

 pangalawang hakbang, makikipag-usap ang mga mananaliksik sa mga magsasaka, katutubo at


mga magsasakang katutubo patungkol sa kanilang persepsyon sa proyektong NCC at ang huling
hakbang ay aalamin ng mga mananaliksik ang papel na ginagampanan ng gobyerno at BCDA sa
 proyektong ito at upang malaman kung anu-ano ang hinaing ng mga magsasaka at katutubo,
gagamit ng  semi-structured survey at in-depth interview  ang mga mananliksik. Ang lahat ng
magiging interviews ay qualitative at quantitative. 

3.3 Data Analysis Plan

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga hakbangin kung paano isasagawa ng mga
mananaliksik ang pag-aaral ukol sa New Clark City pati na rin ang pagkalap pa ng mga datos na
maaaring makapagpalawak sa research questions.  Ang pag-aaral ay gagamitan ng qualitative at
quantitative na pagsusuri.

Para sa qualitative  na pagsusuri, ang mga mananaliksik ay gagamit ng coding method .


Ang coding method ay tumutukoy sa pagsasa-ayos at pag-uuri ng mga datos. Nagsisilbi itong
 palatandaan, kalipunan, at pagbubuo ng mga datos. Nagsisislbi ring daan ang coding sa
 pagbubuod at pagbuo sa mga kaganapan sa mga makakalap na datos. Ang mga mananaliksik ay
magsasagawa muna ng  storyline  kung saan ito ang magbibigay ng kaliwanagan sa susunod na
hakbang na kanilang isasagawa. Ang  storyline ay binubuo ng mga pangungusap o maikling talata
na maglalarawan sa pangkalahatang ebalwasyon. Kaakibat ng coding ang pagsasagawa ng mga
 pakikipanayam sa mga mapipiling respondante at mula sa kanilang mga kasagutan ay
magkakaroon ng transcript. Mula sa transcript   na ito, magkakaroon ang mga mananaliksik ng
code o palatandaan sa bawat salita o pariralang sasabihin ng mga respondante.

3.3.1 Data Coding

Ang paraang napili ng mga mananaliksik ay ang pagbibigay palatandaan sa


 pamaamgitan ng isang salita at/o parirala na may kaniya-kaniyang kahulugan. Ang kanilang
gagawin ay sasailalim sa sistematikong paraan at kung saan ang mga ideya, konsepto, at tema ay
na-code na nang sa gayon ay matukoy ang kategoryang kanilang kabibilangan.

3.3.2 Creating of Coding 


 

  Magmumula ang konsepto ng codes sa mga interbyu na isasagawa ng mga


mananaliksik. Maari ring magmula ang konsepto nito base sa espesyalisayon ng mananaliksik
ukol sa nasabing asignatura o isyu.

3.3.3 Coding based on the system of arranged data

Isang paraan na gagamitin ng mga mananaliksik ay ang pagsagot sa mga sumusunod na


katanungan upang maituring na isang sistematikong paraan ang pag-code ng mga datos:

  Ano ang ipinapahiwatig nito?


  Ano ang halimbawa nito?
  Ano ang nakikinita kong nangyayari dito?
  Ano ang tunay na nangyayari dito?
  Anu-anong uri ng kaganapan ang may problema?


  Ano ang ipinaparating nito?

Ang mga mananaliksik ay magsagawa rin ng pagbabawas, pagpapalawak, at pagbabago


ng mga kategorya. Ito ay sa kadahilanang may mga pagkakataon na nagkukulang ang mga datos
at impormasyong nakalap kung kaya’t ito ay pinapalawak, may mga pangyayari ring ang mga
datos ay sumusobra sa inaasahang kasagutan ng mga mananaliksik kung kaya’t kinakailangan
ito’ng hatiin sa mas maliliit pang dibisyon o  sub-codes nang sa gayon ay maging mas maayos
ang mga datos. Ang pamantayang panghahawakan ng mga mananaliksik ay ang code ay
kinakilangang umayon sa mga datos at hindi ang pagsubok na paayunin ang datos sa code.

3.3.4 C
 Coodi ng N ot
ote
es 

Magkakaroon ang mga mananaliksik ng talaan ng kani-kanilang mga reaksyon at ideya


ukol sa transcript na kanilang gagawin. Ang mga ideyang ito ay maaaring magbigay ng mga
 bagong interpretasyon sa mga datos na nakalap.

3.3.5 I llustr
llustr ati on of
of C odi ng and M ar gi na
nall R emar ks

Sa pagtatapos ng qualitative analysis, magkakaroon ang mga mananaliksik ng hardcopy


sa nasabing transcription ng pakikipanayam. Dito magkakaroon ng mga pagpuna at komento na
 

 bibigyan eksplanasyon ng mga mananaliksik. Pagkatapos ng prosesong ito, gagawa na ang mga
mananaliksik ng sarili nilang dokumento gamit ang mga code na kanilang ginawa. Ang coding
analysis na isinagawa ng mga mananaliksik ay magpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, at
kasalimuotan ng pag-aaral na kanilang gagawin na magiging basehan ng qualitative methods.

You might also like