You are on page 1of 197

Rebyu sa mga Batayang

Kaalaman sa
Pananaliksik

MAGPATULOY
Nilalaman
Panimula
Mga Layunin
Lunsaran
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
Proseso ng Pananaliksik
Mga Bahagi ng Pananaliksik
Dokumentasyon
Listahan ng mga Sanggunian
Pasulat na Presentasyon
Talasanggunian

BUMALIK SUNOD
Panimula

BUMALIK SUNOD
Galileo Galilie
 sa kaniya nagsimula ang pananaliksik

BUMALIK SUNOD
Dahilan ng Pag-usbong ng mga Suliranin
 paglago ng ekonomiya
 pag-unlad ng teknolohiya
 mga pagbabago sa mga patakaran sa larangan ng
edukasyon

BUMALIK SUNOD
Pananaliksik Bilang Kasangkapang Pang-intelektwal
malaki ang papel na ginagampanan para sa pagtuklas ng mga
makabagong kaalaman, mga datos, at mga katotohanan para sa
ikauunlad ng pamayanan, pulitika, kalakalan, edukasyon at
siyensya upang matamo ang inaasam na pagbabago
layon nito ang humanap ng mga solusyon sa mga suliraning
kinakaharap sa ibat’ ibang larangan ng sa gayon ay mapabuti
ang buhay ng tao at ng pamayanan
nakapagpapayaman ng kaisipan at nakapagdaragdag ng
kaalaman

BUMALIK SUNOD
Pananaliksik Bilang Kasangkapang Pang-intelektwal
nangangailangan ng ibayong pagbabasa at malalim na pag-
unawa sa mga konsepto at pag-aaral
humuhubog sa kamalayan ng isang mananaliksik tungo sa
isang mahusay na paglalapat ng interpretasyon
pinalalawak ang karanasan ng isang manunulat sa
pamamagitan ng pagsinop ng mahahalagang datos at
paghahanap ng mga kaugnay na literature
napatataas ang respeto ng mananaliksik sa kaniyang sarili lalo
na kung naging matagumpay ang kinalabasan ng kaniyang
pag-aaral

BUMALIK SUNOD
Mga Layunin

BUMALIK SUNOD
1. Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto ng pananaliksik
2. Nakabubuo ng makabuluhang paksa ng pampananaliksik at
naibibigay ang kaligiran nito
3. Natutukoy ang kahalagahan ng pananaliksik sa edukasyon,
pamahalaan, siyensya, pamilya at lipunan

BUMALIK SUNOD
Lunsaran

BUMALIK SUNOD
Basahin at unawain ang abstrak ng isang
pananaliksik (Karanasan ng Isang Batang Ina:
Isang Pananaliksik nina Gisella Mari A Averion,
Florentino L. Elic, Fernando A. Garcia). Tukuyin
ang layunin ng isinagawang pag-aaral batay sa
abstrak.

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Vol. 2. No. 2 (2015)

BUMALIK SUNOD
Mga Batayang Kaalaman
sa Pananaliksik
BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik
Layunin ng Pananaliksik
Katangian ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
Mga Uri ng Pananaliksik
Katangian ng Mananaliksik
Mga Pananagutan ng Mananaliksik
Mga Kasanayan sa Pananaliksik

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 sistematiko, matalino, at etikal na pagkalap ng impormasyon
upang masagot ang isang tanong o malutas ang isang
suliranin.

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 Sistematiko dahil hinihingi nito ang pagsunod sa isang
planadong proseso. May mga hakbang na kailangang sundin
upang matiyak na tama at maaasahan ang mga resultang
makakalap, at naaayon sa pondo at oras ang gawain, lalo pa
at nililimitahan ng mga usaping ito ang pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng
mananaliksik. Naiintindihan niya dapat ang paksang
sinasaliksik niya; alam niya kung paano pipiliin ang mga
impormasyong pakikinabangan niya at hindi; kaya niyang
lapatan ang mga ito ng malalim na pagsusuri; at kaya niyang
ipaliwanag sa mundo ang kabuluhan ng kaniyang
pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng
mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at iwasan
hangga’t maaari ang paglabag sa karapatan ng ibang taong
maaaring masangkot sa pananaliksik, gaya ng mga kukunin
niyang respondent o ang mga awtor ng mga sangguniang
gagamitin niya.

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 isang pamamaraang sistematiko, pormal at masaklaw na
pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa
pamamagitan ng matiyaga at hindi apurahang pagkuha ng
mga datos sa mga pangunahing maaaring pagkunan, inaayos
ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at iniuulat ( Sauco,
1998)

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 isang maingat, kritikal, disiplinadong pag-alam sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at/o resolusyon nito ( Good, 1993 )
 sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
( Aquino, 1994 )

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon
upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang
siyentipikong pamamaraan ( Manuel at Medel, 1976 )

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 isang masistemang pag-aaral ng kahit anong paksa sa
layuning masagutan ang mga katanungang itinatanong ng
mananaliksik ( Parel, 1973 )
 puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa
nalalaman ( Sanchez, 1998 )

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga
suliranin; pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong
sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon
( E. Trece at J.W. Trece, 1993 )

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bernales, et al., 2018)
 Formulated in a more comprehensive form, research may be
defined as a purposive, systematic and scientific process of
gathering, analyzing, organizing, presenting and
interpreting data for the solution of a problem, for
prediction, for invention, for the discovery of truth, or for
the expansion or verification of existing knowledge, all for
the preservation and improvement of the quality of human
life ( Calderon at Gonzales, 1993 )

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bansuelo, n.d.)
 isang maingat, masistematiko at obhetibong imbestigasyon
na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong
katotohanan, makabuo ng konklusyon at makalikha ng mga
simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba’t
ibang larangan o disiplina (Clarke at Clarke, 2005)

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bansuelo, n.d.)
 isang lohikal na proseso ng paghahanap na obhetibong sagot
sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa
suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng
maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa
pangangailangan ng tao at ng lipunan (Nuncio, et al., 2013)

BUMALIK SUNOD
Kahulugan ng Pananaliksik (Bansuelo, n.d.)
 sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin (Aquino, 1994)

BUMALIK SUNOD
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon
at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Wika nga
nina Good at Scates (1972), “The purpose of research is to
serve man and the goal the good life.”

Bernales, et al.,2018

BUMALIK SUNOD
 Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa
mga batid nang penomena.
Halimbawa:
Ang alkohol ay isa nang batid na penomena at sa
pamamagitan ng pananaliksik, maaring makalikha ng isang
fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina
(Calderon at Gonzales, 1993).

BUMALIK SUNOD
 Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa
ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon
Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa
nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng
mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay
maaaring malunasan na sa hinaharap (Calderon at Gonzales,
1993)

BUMALIK SUNOD
 Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng
bagong instrumento o produkto
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik sa komunikasyon at
teknolohiya, napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang
mga makabagong kagamitan tulad ng kompyuter, cellphone, fax
machine at iba pa. Inaasahan na bunga ng patuloy na
pananaliksik sa larangang nabanggit, higit sa sopistikado at
episyente ang mga kagamitang maiimbento at gagamitin sa
hinaharap(Calderon at Gonzales, 1993)

BUMALIK SUNOD
 Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements
Halimbawa:
Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang
(92) elements, ngunit bunga ng pananaliksik, mayroon na
ngayong higit sa isandaan (100)(Calderon at Gonzales, 1993)

BUMALIK SUNOD
 Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang
kilalang substances at elements
Halimbawa:
Bunga ng pananaliksik, napag-alaman ang mga
negatibong epekto ng metamphetamine hydrochloride sa
katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong
isang ipinagbabawal na gamut (Calderon at Gonzales, 1993)

BUMALIK SUNOD
 Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan,
industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan
Halimbawa:
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga
mag-aaral sa hayskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging
isa sa mga dahilan upang ipasya ng DepEd na baguhin ang
kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y
ipinatutupad ang Basic Education Curriculum o BEC
(Calderon at Gonzales, 1993)

BUMALIK SUNOD
 Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik
Halimbawa:
Naging misteryoso kay Thomas Edison kung paano
nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa
bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng
tinatawag na incubator (Calderon at Gonzales, 1993)

BUMALIK SUNOD
 Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda,
maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga kaalamang
una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya
nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman
hinggil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na
maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal
at maging mga mamimili (Calderon at Gonzales, 1993)

BUMALIK SUNOD
 Upang umunlad ang sariling kamalayan sa pali-paligid
Halimbawa:
Sa patuloy na pananaliksik na kaakibat ng pagbabasa,
napupukaw ang kamalayang pansarili. Ang walang kahala-
halagang bagay sa kanya, ngayon ay napagtutuunan na ng
pansin at nakikita ang importansya ( Ordoñez et al., 2007 ).

BUMALIK SUNOD
 Upang umunlad ang sariling kamalayan sa pali-paligid
Sa patuloy na pananaliksik na kaakibat ng pagbabasa,
napupukaw ang kamalayang pansarili. Ang walang kahala-halagang
bagay sa kanya, ngayon ay napagtutuunan na ng pansin at nakikita
ang importansya (Ordoñez et al., 2007).
Halimbawa:
Dapat palang maglunsad ng pananaliksik upang makita ang
pagkakaiba-iba sa maraming larangan katulad ng mga itinayong
kainan sa paligid ng kabayanan ang Jollibee, McDonald’s,
Greenwich, KFC, Max’s at iba pa.

BUMALIK SUNOD
 Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
isang partikular na bagay
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik mababatid ang lawak
ng kaalaman ng mga mag-aaral at maging ng mga gurong di-
nagtuturo ng Filipino sa 2001 Revisyon ng Alfabetong
Filipino o ng 1987 Ortograpiya na ibinalik lamang
kamakailan ( Ordoñez et al., 2007 ).

BUMALIK SUNOD
(Best, 1981)
 Sumasaklaw sa pangangalap ng mga bagong datos o
impormasyon o kaya naman ay paggamit ng dati nang mga
datos para sa bagong layunin; kakambal ang pangangalap ng
datos at makatwirang pagsusuri kung saan ang hinuha ay
nabubuo
 Nakatuon sa pagbibigay-kalutasan sa isang suliranin
 Kadalasang nilalapatan ng maingat na pamamaraan at laging
gumagamit ng mga lohikal na pagsusuri
 Nangangailangan ng kasanayan, katapangan at lakas ng loob
 Nangangailangan ng tiyaga at hindi nagmamadaling gawain
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2008)
 Sistematik - may sinusunod na proseso o magkakasunod-
sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.
 Kontrolado - lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang
mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, ano mang
pagbabagong nagaganp sa asignatura na pinag-aaralan ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-
kailangan sa mga eksperimental na pananaliksik.
 
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2008)
 Empirikal - kailangang maging katanggap-tanggap ang mga
pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na
nakalap.
 Mapanuri - ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang
kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng
interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasang
gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang
pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal
ang pananaliksik. 

 
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2008)
 Lohikal, obhetibo at walang pagkiling - lahat ng tuklas o
findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na
nakabatay sa mga empirikal na datos at walang pagtatangkang
ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang
puwang dito ang sariling pagkiling.
 Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo -
ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal
at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang
matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.

 
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2008)
 Isang orihinal na akda - ang mga datos na nakalap ng
mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas
o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay
kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-
hand.
 Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon -
bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa
nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa
pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Lahat ng
kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
 

BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2008)
 Matiyaga at hindi minamadali - upang matiyak ang katumpakan o
accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat
hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa ng walang
pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na
kongklusyon at paglalahat.
 Pinagsisikapan - walang pananaliksik nang walan pagsisikap.
Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging
matagumpay.
 

BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2008)
Nangangailangan ng tapang - kailangan ang tapang ng isang
mananaliksik sapagkat maaaring makaranas ng mga hazards at
discomforts, gayundin ng di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan
at di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik
habang nananaliksik.
Maingat na pagtatala at pag-uulat - lahat ng datos na nakalap
ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay
makaaapekto sa tuklas ng pananaliksik. Kailangan ding maiulat
sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik para
sa angkop na dokumentasyon at kadalasan ay sa pasalitang
paraan o oral defense.
 
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2013)
Mapagkakatiwalaan - ulitin man ang pananaliksik gamit ang
parehong pamamaraan, nararapat ay maging magkatulad ang
resulta na siyang pinupunto ng pagiging mapagkakatiwalaan.
Ang pabagu-bagong resulta ay tanda ng hindi lubusang
mapagkakatiwalaan ang resulta ng pananaliksik at mainam na
makabuo ng ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng
pananaliksik. 
Kawastuhan - tumutukoy sa kaangkupan ng mga kagamitan ng
pananaliksik sa isinasagawang pananaliksik. Dapat ay maaaring
pag-ugnay-ugnayin ang lahat ng kasangkapan sa pananaliksik
upang matiyak na wasto ang pananaliksik.  
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2013)
Kredibilidad - kailangang maingat na piliin ang mga hanguan
ng impormasyon. Tiyaking ang mga pinagkunan ay
mapagkakatiwalaan at kung may nakapanayam man,
kailangang matiyak na siya ay taong kinikilala sa larangan ng
pinag-uusapan.
Generalizability - mahalagang tiyakin na ang resulta ng
pananaliksik ay maaaring maikapit sa mas malalaking
populasyon kung kaya’t sa pagpili ng sample size, kailangang
tiyakin na ito ay maaaring kumatawan sa mas malalaking
bilang.
 
BUMALIK SUNOD
(Bernales et. al., 2013)
Validity - pagiging tama o mali ng resulta ng pananaliksik at
tumitiyak kung maaari bang maging kapaki-pakinabang ang
pananaliksik. Maaring mabisa nga ang instrumento ng
pananaliksik ngunit sa uri ng pananaliksik ay hindi ito angkop.
Itinuturing ng nakararami na magkaugnay ang validity at ang
pagiging mapagkakatiwalaan ng pananaliksik ngunit higit na
mahalaga ang validity dahil kung hindi valid ang mga
isinasagawa sa pananaliksik, mawawalan ng saysay ang
gawaing pananaliksik. 
 
BUMALIK SUNOD
(Ordoñez et al., 2007)
Pampayaman ng kaisipan - yumayaman ang kaisipan ng
mananaliksik dahil patuloy siyang nagbabasa, nag-iisip sa
panunuri at pagbibigay-interpretasyon ng resulta ng kanyang
pag-aaral.
Lumalawak ang karanasan - sa maraming nakakasalamuha sa
pangangalap ng datos, sa maraming nababasa, at sa mismong
pagbuo ng pag-aaral, naiibang karanasan ang nadarama ng
mananaliksik.
 

BUMALIK SUNOD
(Ordoñez et al., 2007)
Nalilinang ang tiwala sa sarili - ang sinumang tao, kapag
maayos na nagampanan ang tungkuling hinarap at ito’y naaayon
sa tamang resulta, nakasisigurong nalilinang ang pagmamalaki
at tiwala sa sarili.
Nadaragdagan ang kaalaman - bagong kaalaman ang dulot sa
mananaliksik ng gawaing pananaliksik at mabigyan ng
interpretasyon, bagong pagkatuto sa mananaliksik ang mga
pangyayari.
 

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Inkwiri (Bernales et al., 2018)
Rasyonalistik – nagsisimula sa isang umiiral na iskolarling
teorya gamit ang mga pormal na instrumento ng pangangalap
ng mga datos. Sa pananaliksik na ito, ang teorya ay tinatawag
na take-off point ng inkwiri. Isang mahalagang konsiderasyon
ng mananaliksik ay mabalideyt o masulit ang teorya nang may
pagsasaalang-alang sa mga pala-palagay ng teorya.
 

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Inkwiri (Bernales et al., 2018)
Naturalistik – pag-unawa sa ugaling pantao ang pangunahing
konsern ng mananaliksik kung kaya iniimbestigahan niya ang
mga iniisip, pagpapahalaga, persepsyon, aksyon ng isang
indibidwal o mga pangkat ng indibidwal.
 

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Inkwiri (Bernales et al., 2018)
Debelopmental – gumagamit ng mga sistematikong teknik at
nagpapakilala ng mga inobasyon batay sa mga siyentipikong
tuklas ng pananaliksik. Layunin ng mananaliksik na
makalinang ng mga bagong materyales, kagamitan o serbisyo
upang mapabuti ang pamumuhay ng tao.
 

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Layunin (Bernales et al., 2018)
Batayan – tinatawag ding puro o pundamental na

pananaliksik. Ang mga praktikal na aplikasyon ng mga
tuklas sa pananaliksik na ito ay hindi konsern ng uring ito ng
pananaliksik. Sa halip, isinasagawa ang pananaliksik na ito
upang malinang lamang ang buong siyentipikong kaalaman.
 

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Layunin (Bernales et al., 2018)
Aplayd – isinasagawa upang makatuklas ng mga sagot sa

mga suliraning pampananaliksik at nang maiaplay ang mga
iyon sa mga tiyak na sitwasyon. Isang tipikal na halimbawa
nito ay ang aksyong pananaliksik sa pananaliksik na ito, ang
mananaliksik ay nag-aaral ng penomenon, nag-iintrodyus ng
interbensyon at nag-aaplay ng bagong kaalaman.
 

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Pamamaraan o Metodo (Bernales et al., 2018)
Kwantiteytib – layunin nito na obhetibong sukatin ang paksa

ng pananaliksik gamit ang matematika at estadistika. Madalas,
ang mga datos sa pananaliksik na ito ay sinusuri sa tulong ng
spreadsheet software program tulad ng Microsoft Excel o
kaya’y ng statistical package tulad ng SPSS. Gamitin sa
pananaliksik na ito ang instrumentong sarbey-kwestyoneyr.

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Pamamaraan o Metodo (Bernales et al., 2018)
Kwaliteytib – tipikal na walang estruktura at may kalikasang

eksploratori. Sa pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay hindi
interesadong tukuyin ang obhetibong estadistikal na kongklusyon o
kaya’y subukin ang haypotisis. Sa halip, layunin ng mananaliksik na
makakuha ng mga insayt tungkol sa isang tiyak na paksa. Ilan sa mga
karaniwang teknik nito ang FGD, interbyu, at obserbasyon.

BUMALIK SUNOD
Ayon sa Pamamaraan o Metodo (Bernales et al., 2018)
Magkahalo – kung gumagamit ng mga tradisyon ng dalawa.

Maraming nagkakamali na nagpapalagay na kapag ang pananaliksik
ay gumagamit ng mga tekstwal at numerikal na datos ay
magkahalong metodo na ang pananaliksik. Mali ang palagay naito.
Sa katotohanan, ang magkahalong metodo ay nagkokombayn ng
paggamit ng mga kwantiteytib at kwaliteytib na datos, lapit,
pamamaraan, at paradigma.

 
BUMALIK SUNOD
Ayon sa Disenyo (Bernales et al., 2018)
Eksperimental –may dalawang kategorya: purong

eksperimental (makikilala sa tatlong bahagi –
manipulasyon, randomisasyon, at kontrol na madalas
ginagamit sa eksperimentasyon) at kwasi-eksperimental
na disenyo (kapag ang partisipant ay hindi pinili nang
pa-random o walang ramdomisasyon).
 
BUMALIK SUNOD
Ayon sa Disenyo (Bernales et al., 2018)
Di-eksperimental – may sumusunod na sub-kategorya:

deskriptib, historikal, korelasyonal, ex post facto, at ebalwasyon.
Inilalarawan lamang ang mga katangian ng isang populasyon o
penomenon sa deskriptib na disenyo. Kritikal na imbestigasyon
naman ng mga nakaraang pangyayari, debelopment o karanasan
ang historikal na disenyo. Ginagamit naman ang korelasyonal na
disenyo kung layunin ng mananaliksik na tukuyin ang relasyon
ng dalawa o higit pang set ng datos.

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et .al., 2008)
Palarawan (Descriptive) - sinasaklaw nito ang kasalukuyan.
Pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan
at kalagayan. Halimbawa: pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-
aaral na naninirahan sa mga boarding houses at ang nagiging
epekto nito sa kanilang pag-aaral.
Pangkasaysayan (Historical) - sinasaklaw ng uring ito ang
nakalipas. Sinusuri rito ang mga pangyayari, ang pag-unlad,
ang mga dahilan ng bagay-bagay, at sanhi at bunga.
Halimbawa: pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating pambansang
wika.

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et .al., 2008)
Eksperimental - ang pinag-uukulan nito ng pansin ay ang
hinaharap at kung ano ang mangyayari. Halimbawa:
eksperimentong gagawin ng isang guro upang malaman kung
aling paraan ng pagtuturo ang gagamitin upang madaling
matuto ang kanyang mga mag-aaral; tinatawag itong action
research - isang uri ng pananaliksik na ang karaniwang layunin
ay mabigyan ng ebalwasyon ang kasalukuyang kalakaran at
humanap ng mas mabuting alternatibo.

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et .al., 2008)
Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study) - isang malawak na
pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang
pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman, o kaya’y isang
mabigat na suliranin. Halimbawa: pag-aaral sa kaso ng
isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na naging dahilan
ng pagkakapasok niya sa rehabilitation center.
Genetic Study - pinag-aaralan at sinusuri nito ang
pagsulong at pag-unlad ng isang paksa. Halimbawa: pag-
aaral sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ng isang tao.

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et .al., 2008)
Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan (Normative) -
dito’y inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang
umiiral na pamantayan. Halimbawa: paghahambing na
nagampanan sa Ingles ng mga nasa ikatlong baitang sa isang
dibisyon sa Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa
ikatlong baitang.
Hambingang Pamamaraan (Comparative Analysis) -
ginagamitan ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga
datos. Halimbawa: pag-aaral ng bunga ng edukasyon sa mga
mag-aaral ng paaralang publiko at paaralang pribado.

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2013)
Paghahambing at Pagkokontrast - nagpapakita ng kalakasan
o kahinaan ng dalawang bagay o paksa. Kinakilangang
magsagawa ang mananaliksik ng sapat na pangangalap ng
datos sa dalawang paksa upang makapagbigay ng mapanuring
paghahambing at pagkokontrast.
Analitikal - naglalaman ng samu’t saring impormasyon na
nagsusuri ng iba’t ibang pananaw kaugnay ng isang paksa.
Malawak ang pagtalakay ng mananaliksik at naghahain siya ng
isang pangkalahatang kongklusyon sa katapusan ng
pananaliksik. 

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2013)
Sanhi at Bunga - karaniwang ginagamit sa larangan ng
edukasyon at pangangalakal. Sinusuri ng mananaliksik ang
mga posibleng kahihinatnan o bunga mula sa isang partikular
na aksyon sa isang lohikal na pagkakasunud-sunod (Oliver,
2008).
Report - isang uri ng pampropesyonal na pananaliksik.
Kabilang sa uring ito ang project reports, annual reports,
quarterly o half-yearly reports, at focus group reports.

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2013)
ARGUMENTATIVE PAPER - naglalaman ng mga argumento, mga
personal na pananaw ng mananaliksik at mga solusyon. Karaniwang
natutungkol sa mga kontrobersyal na usapin. Naglalaman ng walang
pagkiling na pagtalakay ng dalawang panig ng isang isyu. Ang isang
mahusay na argumentative paper (Oliver, 2008) ay naglalaman ng
in-text citation mula sa mga mananaliksik na naghaharap ng lohikal
na mga impormasyon mula sa dalawang panig ng isyu at sa
katapusan ay naghaharap ng isang kongklusyon kung saan sinuri
niya ang kalakasan at kahinaan ng bawat argumento.

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2013)
Subject-based Reports - pinakakaraniwang uri ng pananaliksik na
isinasagawa ng mga mag-aaral sa paaralan at karaniwang
natutungkol sa mga paksang ibinibigay ng guro. Isinasagawa ng
mag-aaral upang makapangalap ng impormasyon bago isulat ang
mismong ulat.
Survey Research - nangangalap ang mananaliksik ng impormasyon
pagkatapos ay susuriin niya ang datos na nakalap at iuulat ang
anumang resulta ng pag-aaral. Nabibilang dito ang public opinion
polls, mall surveys, telephone surveys, at consumer surveys.

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2008)
Masipag - kailangan niyang maging masipag sa pangangalap
ng mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig na
pinapaksa ng pananaliksik. Hindi
Prepare, post, and assign maaaring
task to classes doktorin ng
mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung
magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng
kanyang datos, kakulangan sa katibayan para sa kanyang mga
pahayag at mga hindi mapangangatwiranang kongklusyon. 

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2008)
Matiyaga - kakambal ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap
kasi ng mga datos, kailangang maging pasensyoso ang isang
mananaliksik. Kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man
iminumungkahi ng tagapayo, ang pangangalap ng mga datos
mula sa iba’t ibang hanguan tulad ng mga aklat, magasin,
pahayagan, journal, tisis, disertasyon, manuskrito, manipesto,
polyeto, praymer, imbestigasyon, obserbasyon at mga website
sa internet.

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2008)
Maingat - sa pagpili at paghihimay-himay ng mga makabuluhang
datos, kailangang maging maingat ang isang mananaliksik. Lalo na
sa dokumentasyon o sa pagkilala sa pinagkunan ng datos at
pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang
maging kapani-paniwala ang resulta ng pananaliksik. Kailangan
ding maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng paksang sinisiyasat
at maingat na tiyaking may sapat na katibayan o balidasyon ang
anumang posisyon o interpretasyong ginawa sa pananaliksik.. 

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2008)
Sistematik - kailangang sundin ng mananaliksik ang mga hakbang
nito ayon sa pagkakasunud-sunod. Kailangang maging sistematiko
upang di maiwaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na niya ng
mga ito.
Kritikal o mapanuri - ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain
na pinaglalaanan ng buhos ng isip. Kailangang maging kritikal o
mapanuri sa pag-ieksamen ng mga impormasyon, datos, ideya o
opinyon upang matukoy kung ang mga ito ay valid,
mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Kailangang timbang-
timbangin ang katwiran ng mga impormasyon upang kanyang
mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang
mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.
BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2008)
Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang
mananaliksik na kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng
pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o
impormasyon sa kanyang pananaliksik. Nangangahulugan ito na:
Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng
datos; 
Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng
karampatang tala;
(Atienza et. al., 1996).

BUMALIK SUNOD
(Bernales et al., 2008)
Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang
mananaliksik na kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng
pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o
impormasyon sa kanyang pananaliksik. Nangangahulugan ito na:
Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at
binibigyang ng karampatang pagkilala; at
Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o
pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang
pag-aaral sa isang partikular na pananaw (Atienza et. al., 1996).

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008)
Magkaroon ng panimulang kaalaman kung paanong
isinasagawa ang pananaliksik. Ang kaalamang ito ang
gagabay sa mga hakbanging isasakatuparan sa pananaliksik;
Alamin at pumili ng napapanahong paksa para sa isang
partikular, tiyak at napapanahong paksa para sa kanyang
magiging pagsasaliksik. Inaasahang siya ay may
kakayahang mapaghiwalay ang mga ideyang batay lamang
sa mga haka-haka o opinyon at sa iniisip lamang na
pangyayari;

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008)
Mabigyang-kahulugan ang suliranin ng pananaliksik. Tungkulin ng
mananaliksik na masuri niyang mabuti ang lahat ng aspekto ukol sa
suliranin ng pananaliksik. Ang pagtukoy niya sa lahat ng bagay ukol sa
mga suliraning nais niyang isama sa pananaliksik ay makapagbibigay-
linaw at balidong resulta sa mga nais niyang matuklasan;
Pumili ng mga impormasyong kailangan at mahalaga sa ikalulutas ng
mga suliranin. Tungkulin ng mananaliksik na gamitin ang kanyang
kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamamaraan sa pangangalap ng mga
datos at maging ang mga nakalap niyang mga datos ay kailangan pa
ring masuri;

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008)
Kumilala ng mga palagay/hinuha na may kinalaman sa suliranin ng
pananaliksik. Kailangang makita ng mananaliksik ang kaugnayan ng
kanyang mga hinuha sa ginagawang pananaliksik. Ang mga hinuhang ito
ang magpapalinaw sa direksyong tinatahak ng pananaliksik subalit dapat
tandaan ng mananaliksik na ang mga hinuhang ito ay hindi kailangang
mapatunayang tama o kaya naman ay mali;
Kakayahang gumawa ng makabuluhang kongklusyon mula sa kanyang
mga inaasahan, palagay o hinuha at mga mahahalagang impormasyon.
Ang isang di-makatwirang kongklusyon ay nabubuo kung ang
mananaliksik ay di-makatarungan sa kanyang paghuhusga at ang mga
paghuhusgang ito ay ayon lamang sa kanyang personal na batayan;

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008)
Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay. Ang mga mananaliksik ay
kailangang maingat sa pagsasagawa ng mga hinuha upang maging
makabuluhan ang mga hinuhang ito sa aktwal na proseso ng pananaliksik -
lalo na sa pananaliksik na may kasangkot na mga pagsubok o pagsasanay;
Sanay manghusga sa katumpakan ng mga ginamit na pamamaraan patungo
sa pagbuo ng kongklusyon. Sa isang siyentipikong pananaliksik, ang pagpili
ng pamamaraang gagamitin ay isa sa pinakamahalagang desisyong nararapat
pagpasyahan. Ganoon din, ang proseso ng paghihinuha ay gumagaganap ng
isang mahalagang tungkulin sa kabuuan ng pananaliksik. Ang kongklusyong
di-mabuti ang pagkakabuo ay nakapag-aalinlangan; at

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008)
Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay. Ang mga
mananaliksik ay kailangang maingat sa pagsasagawa ng mga
hinuha upang maging makabuluhan ang mga hinuhang ito sa
aktwal na proseso ng pananaliksik - lalo na sa pananaliksik na
may kasangkot na mga pagsubok o pagsasanay;
Maalam sa pagtataya ng kahalagahan ng nabuong
kongklusyon. Nararapat na mapatunayan ng mananaliksik na
ang nabuong kongklusyon ay makabuluhan, nababagay at
nagbibigay-linaw sa mga ginawang rekomendasyon; at

BUMALIK SUNOD
(Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008)
Sanay manghusga sa katumpakan ng mga ginamit na
pamamaraan patungo sa pagbuo ng kongklusyon. Sa isang
siyentipikong pananaliksik, ang pagpili ng pamamaraang
gagamitin ay isa sa pinakamahalagang desisyong
nararapat pagpasyahan. Ganoon din, ang proseso ng
paghihinuha ay gumagaganap ng isang mahalagang
tungkulin sa kabuuan ng pananaliksik. Ang kongklusyong
di-mabuti ang pagkakabuo ay nakapag-aalinlangan.

BUMALIK SUNOD
(Atienza, et .al.,1996)
Plagyarismo - pangongopya ng datos, mga ideya, mga
pangungusap, buod at balangkas ng isang aklat, programa,
himig at iba pa, na hindi kinkilala ang pinagmulan o
kinopyahan. Isang uri ito ng pagnanakaw at pagsisinungaling
dahil inaangkin mo ang hindi iyo. Ito ay paglabag sa R. A.
Bilang 8293 na kilala rin sa tawag na Intellectual Property
Code of the Philippines.

BUMALIK SUNOD
(Atienza, et .al.,1996)
Sa pananaliksik ay may sinusunod na etika. Katulad ito
ng ano mang disiplina na may istriktong code of ethics na
ipinatutupad. Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na
napakalaking kasalanan ang plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng
kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang
unibersidad, natanggalan ng digri ang isang nagtapos ng
doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang tanyag na iskolar,
inihabla sa korte ang prodyuser ng isang programa sa tv.

BUMALIK SUNOD
(Atienza, et .al.,1996)
Kamakailan, isang senador ang umani ng batikos sa mga
netizen nang kopyahin niya nang walang pagkilala ang isang
blog at isalin at angkinin ang bahagi ng talumpati ng isang
dating pangulo. Isang mag-aaral din ng tanyag na pamantasan
ang nalagay sa malaking kahihiyan nang mabunyag ang
pagsusumite niya ng larawang hindi niya kuha sa isang
timpalak sa potograpiya.

BUMALIK SUNOD
(Atienza, et .al.,1996)
Sa isang paaralan, akala ng isang pangkat ng mga
estudyante na nakalusot na sila nang hindi mapansin ng
kanilang guro (pabaya rin kasi ang kanilang guro!) na ang
kanilang pamanahong-papel ay konopya lamang sa ibang
pamanahong-papel. Ngunit sa kanilang oral defense, halos
mangilabot ang mga panelist (mga kasamahan din ng guro)
nang makumpirma ang kapalaluan ng mga estudyanteng
nabanggit.

BUMALIK SUNOD
(Atienza, et .al.,1996)
Halos perpekto kasi ang papel, malayo sa aktwal na
kaalaman at kakayahan ng mga estudyanteng notoryus na ang
kahinaan ng isip at kapabayaan sa pag-aaral. Ang hinala ng mga
panelist ay lalo pang tumibay nang hindi maidepensa ng mga
estudyante ang resulta ng pananaliksik na kanilang kinopya
lamang. Lumagpak ang mga estudyanteng iyon hindi lamang sa
kanilang defense kundi maging sa kanilang subject. Pasalamat
pa sila at hindi sila napatalsik sa paaralan at hindi na naghabol
pa ang orihinal na mananaliksik na kanilang pinagkopyahan!

BUMALIK SUNOD
Ilang Halimbawa ng Plagyarismo(Atienza, et .al.,1996)
 kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi
ipinaloob sa panipi (o hindi gumamit ng tipong italicized) o
hindi itinala ang pinagkunan;
 kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang
pagkakapahayag ngunit hidi kinilala ang pinagmulan;
 kung namulot ng mga ideya o mga pangugusap mula sa iba’t
ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi
kinilala ang mga pinagkunan;

BUMALIK SUNOD
Ilang Halimbawa ng Plagyarismo(Atienza, et .al.,1996)
 kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa
ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na salin ang
mga ito;
 kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig
at hindi kinilala ang pinagkunan ng “inspirasyon,” at
 kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na
pinahirapa ng iba at pinalabas niyang siya ang nangalap ng
mga datos na ito.

BUMALIK SUNOD
Mga Kaparusahang Maaaring Ipataw sa Plagyarista
(Atienza, et .al.,1996)
 pinakamagaang parusa na para sa mga estudyante na
mabigyan ng lagpak na marka para sa kurso;
 kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa,
maaaring patalsikin ang estudyante sa paaralan;

BUMALIK SUNOD
Mga Kaparusahang Maaaring Ipataw sa Plagyarista
(Atienza, et .al.,1996)
 kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang
nakalipas, ngunit natuklasan na ang kaniyang pananaliksik
ay kinopya, maaari siyang bawian ng diploma o digri; at
 maaari ring ihabla ang sino mang mangongopya batay sa
Intellectual Property Rights Law at maaaring sentensyahan
ng multa o pagkabilanggo.

BUMALIK SUNOD
Tagubilin Tungkol sa Plagyarismo (Atienza, et .al.,1996)
Walang nagtitiwala sa isang magnanakaw at sinungaling. Kung
matuklasan na ang isang mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala sa
kanyang pinagkunan, sapat na ito para mabura ang lahat ng iba pa
niyang pinagpaguran. Hindi na kapani-paniwala ang kaniyang saliksik at
hindi na mapagkakatiwalaan pa ang kaniyang gawain. Parang sinisira na
rin niya ang kaniyang pangalan at kinabukasan…
Alalahaning kung madali para sa sino mang estudyante ang
mangopya, magiging madali rin para sa kaniya ang gumawa ng
korapsyon kung siya ay nagtatrabaho na.

BUMALIK SUNOD
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik
Pagpili ng Batis ng Impormasyon
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu
Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik
Akademikong Publikasyon
Presentasyon ng Pananaliksik
Mga Gabay sa Rebisyon

BUMALIK SUNOD
Mga Katangian ng Maka-Pilipinong Pananaliksik (Sicat-De
Laza , 2016 sa aklat nina San Juan, et al., 2019)
1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang
Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa
mga paksang malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan.
2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong
pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at
kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino.
3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Pamimili ng Paksa (San Juan, et al., 2019)
 Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan.
 Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang saklaw.
 Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong
kaalaman.
 Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang
mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa
pananaliksik.
 Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa
paksa.

BUMALIK SUNOD
Mga Hanguan ng Paksa (Research Skill, n.d.)
 Sarili
 Dyaryo at magasin
 Radyo, tv at cable tv
 Mga awtoridad, kaibigan at guro
 Internet
 Aklatan

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al., 2018)
panahon;
edad;
kasarian;
perspektibo;
lugar;
propesyon o grupong
kinabibilangan;
anyo o uri:
partikular na halimbawa o kaso;
kombinasyon ng mga nabanggit na batayan

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al., 2018)
Batayan ng Pangkalahatang Nilimitahang Paksa
Paglilimita Paksa
A. Panahon Sistema ng Edukasyon Makabagong Sistema ng
Edukasyon na Inilatag ng
DepEd sa Pampublikong
Paaralan sa Taong panuruan
2020-2021

B. Edad Pagkalulong sa Sanhi ng Pagkalulong sa


Ipinagbabawal na Gamot Ipinagbabawal na Gamot ng
mga Kabataan Edad 12-19

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al., 2018)
Batayan ng Pangkalahatang Nilimitahang Paksa
Paglilimita Paksa
C. Kasarian Babasahing Kinahihiligan Mga Babasahing
Kinahihiligan ng mga
Kabataang Babae at Lalaki
Edad 15-18
D. Perspektibo Pagkalulong ng mga Epekto ng Pagkalulong sa
Kabataan sa Paglalaro ng Mobile Legends
Paglalaro ng Mobile Legends sa Pag-uugali at Atityud ng
mga Kabataan
Cyber Bullying sa Mga Karanasan at Saloobin ng
Kabataan mga Kabataang Nakaranas ng
Cyber Bullying

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al., 2018)
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa
E. Lugar Ekonomiya ng Maynila Epekto sa Ekonomiya ng
Maynila ng Balik-Probinsya
Program ng Gobyerno
F. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika Pag-aaral ng Wika ng mga
Kinabibilangan Taal na Taga Lipa Batangas
G. Anyo o Uri Parusang Kamatayan Persepsyon ng Mga Guro,
Pari at Ordinaryong
Mamamayan ng Lungsod ng
Batangas sa Napipintong
Pagbabalik ng Parusang
Kamatayan sa mga Nakagawa
ng Heinous Crimes

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al., 2018)
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa
H. Partikular na Halimbawa o Epektong Pangkabuhayan Epekto sa Kabuhayan ng mga
Kaso Batangueno: Kaso ng
Pagpapatayo ng Coal Fired
Power Plants sa Barangay
Pinamucan Lungsod ng
Batangas

BUMALIK SUNOD
Mga Batayan sa Paglilimita ng Paksa (Bernales, et al., 2018)
Batayan ng Pangkalahatang Nilimitahang Paksa
Paglilimita Paksa
Kumbinasyon Atityud ng mga Estudyante sa
1. Perspektibo mga Programang Kultural Preperensya ng mga Estudyante...
Preperensya ng mga
2. Uri Estudyanteng nasa Unang Taon
Preperensya ng mga
3. Lugar Estudyanteng nasa Unang Taon
sa BatStateU
Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang Taon
4. Anyo sa BatStateU sa mga Dulaang
Panteatro sa Kampus

BUMALIK SUNOD
Ang Pamagat-Pampananaliksik
Sa pananaliksik , ang pamagat ay kailangang maging
malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy) at tiyak
(hindi masaklaw). Kung tutuusin, ang mga konsiderasyon sa
paglilimita ng paksa ay maaari ring isaalang-alang sa
pagdidisenyo ng pamagat upang iyo’y maging malinaw,
tuwiran, at tiyak. Kung tutuusin din, ang nalimitang paksa,
maliban sa kaunting pag-aayos, ay maaari na ring gamitin
bilang pamagat pampananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Ang Pamagat-Pampananaliksik
May iminumungkahi ring bilang ng mga salita sa
pamagat, hindi kasama ang mga salitang pangkayarian tulad ng
pantukoy, pananda, at pang-ugnay. Hangga’t maaari, ang mga
salita ay hindi kukulangin sa sampu (10) at hindi hihigit sa
dalawampu (20).

BUMALIK SUNOD
Pagpili ng Batis ng Impormasyon
 Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko.
 Tukuyin ang uri ng sanggunian.
 Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekundarya.

BUMALIK SUNOD
Mga Uri ng Hanguan (Monsura, 1999 sa Bernales et .al., 2008)
Hanguang Primarya
 Mga indibidwal o awtoridad
 Mga grupo o organisasyon ( pamilya, asosasyon, unyon,
fraternity, katutubo o minorya, bisnes, samahan, simbahan at
gobyerno)
 Mga kinagawiang kaugalian (relihiyon at pagaasawa,
sistemang legal at ekonomiko)
 Mga pampublikong kasulatan o dokumento (konstitusyon,
batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na
tala, katitikan sa korte, sulat, journal, at talaarawan o dayari)

BUMALIK SUNOD
Mga Uri ng Hanguan (Monsura, 1999 sa Bernales et .al.,
2008)
Hanguang Sekondarya
 Mga aklat ( diksyunaryo, ensayklopedya, taunang-ulat o
yearbook, almanac at atlas)
 Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan
at newsletter
 Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng pasibiliti,
nailathala man o hindi, at
 Mga monograp, manwal, polyeto, at manuskrito at iba pa.

BUMALIK SUNOD
Mga Uri ng Hanguan (Monsura, 1999 sa Bernales et .al.,
2008)
Hanguang Elektroniko
 Internet - isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na
hanguan ng mga impormasyon o datos

BUMALIK SUNOD
Paraphrase
Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng
orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi
nababago ang tunay na kahulugan. Ang paraphrasing ay
nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan
sa binasang teksto. Sa pagsulat ng paraphrase inilalagay ang
pinagkunan ng orihinal na teksto (APA Style, n.d.) Basahin ang
halimbawa ng paraphrase sa ibaba.

BUMALIK SUNOD
Abstrak
Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at
teknikal lektyur, at mga report. Ito ay karaniwang makikita sa unahan
ng pananaliksik na naglalahad ng buod ng akdang akademiko o ulat.
Kinapapalooban din ito ng mga layunin ng pag-aaral at ang suliranin
ng ginawang pananaliksik. Ayon kay Koopman (1997), nagtataglay
ang abstrak ng introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon. Nakatutulong ang abstrak upang
madaling maunawaan ng mambabasa ang mahahalagang puntos sa
isang akademikong sulatin ng hindi na kailangan na basahin pa ang
kabuuan nito.

BUMALIK SUNOD
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak ( Gervacio, 2020)
1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng
papel.
2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng
mga datos para pahabain ito
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.
4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang
pagiging maligoy sa pagsulat ng abstrak.
5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan.
6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak
kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng
pananaliksik.
BUMALIK SUNOD
Rebyu
Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng
pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang
akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito.
Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa
personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu.
Gumagamit ang mga nagsusulat ng panunuri sa rebuy upang
magbigay linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon ay madaling
maunawaan ito ng mambabasa.

BUMALIK SUNOD
Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik
Hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung hindi ito
naibahagi at nailathala sa mga akademikong journal. Ang
pagkakabuo ng pananaliksik ay kasinghalaga ng pagbabahagi
nito sa pamamagitan ng paglathala o presentasyon. Naglalayon
itong pataasin ang kamalayan ng taong pinag-uukulan ng
pananliksik.

BUMALIK SUNOD
Akademikong Publikasyon
Hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung wala itong
publikasyon (De Laza, n.d.). Maaaring ilathala ang pananaliksik,
buod, pinaikling bersyon o isang bahagi nito sa pahayagan o
pampahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph,
aklat o sa refereed research journal. Ang pinakatanggap at balidong
paraan sa akademikong publikasyon ay mapapasama sa isang
refereed research journal sa anumang larangan ng pananaliksik.
Ang nabuong pananaliksik ay dumadaan sa peer review, isang
proseso kung saan ang manuskrito o artikulo ay dumadaan sa
screening o serye ng ebalwasyon bago mailimbag ang journal.

BUMALIK SUNOD
Inisyal na Hakbang sa Paglalathala ng Isang Research
Journal
1. Pumili ng angkop na journal para sa iyong pananaliksik.
2. Basahin ang mga pamantayan ng journal at magbasa ng mga
back-issue.
3. Rebisahin ang pananaliksik batay sa pamantayan ng journal.
4. Ipabasa at iparebyu ang artikulo sa iba at muling rebisahin.
5. Ipasa sa journal ang pananaliksik at hintayin ang feedback.

BUMALIK SUNOD
Presentasyon ng Pananaliksik
Ang presentasyon ng pananaliksik ay isang paraan ng pagbabahagi ng
ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa at pandaigdigang
kumperensiya (De Laza, n.d.). Ang pagpapalitan ng kaalaman sa
pamamagitan ng pampublikong gawain tulad ng simposyum, forum,
kumperensiya, at iba pa at mahalagang gawain na dapat linangin sa loob at
labas ng akademya. Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng
mga miyembro ng akademya na maghanap ng mas mataas na antas ng
kaalaman at uri ng pag-iisip. Sa pamamagitan din nito ay nagiging
makabuluhan at napapanahon ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at
nadadala sa loob ng silid-aralan. Sa ganitong gawain ay nailulugar din ang
papel ng akademya sa lipunan.

BUMALIK SUNOD
Rebisyon
Rebisyon ang pinakahuli sa proseso ng pananaliksik. Sa
pamamagitan nito, natutuklasan ng mananaliksik ang kahinaan
ng ginawang pananaliksik, pagkakamali sa padron ng gramatika
at sistematisasyon ng ideya. Sa rebisyon, nahahasa rin ng
mananaliksik ang analitikal na kakayahan sa pagbasa.
Nagagamit din ang kakayahan sa paraphrasing sa pagwawasto
ng ideya, napalalakas at napalalalim ang argumentong nabuo sa
pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Mga Gabay sa Rebisyon (De Laza, n.d.)
1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel pananaliksik.
2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at
kung ano ang mga layunin nito.
3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya.
4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik.
5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng papel-
pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Proseso ng
Pananaliksik

BUMALIK SUNOD
1. Pumili ng paksa
2. Ilahad ang paksa bilang isang katanungan
3. Paglilimita ng paksa
4. Ang pangangalap ng datos ay nakadepende sa pamamaraan o
uri ng pananaliksik na isasagawa
5. Paglalahad ng tesis ng pananaliksik
6. Pagbuo ng balangkas
7. Pagsasaayos at presentasyon ng mga datos
8. Pagsulat ng unang burador
9. Pagrerebisa at Pag-eedit
10.Pagsulat ng pinal na papel

BUMALIK SUNOD
Ang pagpili ng paksa ay pagkilala sa paksang nais gawan ng
pag-aaral.
Ito ay maaring ibigay ng guro o kaya ay pinili ng mag-aaral.
Tiyakin na magiging kawili-wili ang paksang mapipili at may
mapagkakatiwalaang hanguan ng impormasyon upang
maisagawa ang pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
 Nagkakaroon ng direksyon ang pananaliksik dahil itutuon ng
mananaliksik ang kaniyang pokus sa paghahanap ng sagot sa
katanungang nabuo.

BUMALIK SUNOD
 Makatutulong upang maayos na maisagawa ang
pananaliksik.
 Maiwasan ang masaklaw na pag-aaral.
 Mabigyan ng direksyon at pokus ang pananaliksik.
 Maiwasan ang padampot-dampot o sabog na pagtalakay sa
paksa.

BUMALIK SUNOD
 Ang paraan ng pangangalap ay karaniwang may tuwirang
kaugnayan sa ninanais na maging resulta ng pananaliksik.
 Mahalagang matutunan ang wastong pagtatala ng
impormasyon upang matiyak na hindi makakaligtaan ang
mahahalagang impormasyon tulad ng ngalan ng awtor,
pamagat ng aklat at ibang impormasyon na kailangan sa
bibliograpiya.
 Hindi dapat makalimutan ang pinaghanguan ng bawat
impormasyon na kanyang ninanais na ilagay sa kaniyang
likha.

BUMALIK SUNOD
 Ang tesis (The thesis statement, n.d.) ay binubuo ng isa o
dalawang pangungusap sa teksto na naglalaman ng pokus ng
sanaysay at naglalahad sa mambabasa kung natutungkol saan
ang pananaliksik
 Ang tesis ang gagabay sa mag-aaral sa direksyon ng kanyang
pananaliksik.
 Nararapat na fleksibol ang tesis kung saan maaaring
maragdagan kung sa proseso ng pagsulat ay mayroong
matuklasang bago na maaaring isama upang mapagbuti ang
pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Ang balangkas (A research guide for students, n.d.) ay
magsisilbing gabay ng mananaliksik kung hanggang saan ang
maaaring talakayin sa isusulat na teksto.

BUMALIK SUNOD
Pagsasaayos ng Balangkas
Kilalanin ang tesis at itala ito bilang pangunahing punto.
Itala ayon sa antas ng kahalagahan ang mga mahahalagang punto mula sa
iyong pananaliksik na sumusuporta sa iyong tesis.
Sa ilalim ng bawat mahalagang punto, itala ang mga ebidensyang
magpapatunay sa naturang punto.
I-edit ang iyong talaan.
Itala ang lahat ng mga ideya ayon sa antas ng kahalagahan.
Magdagdag ng pangunahing punto na siyang magpapakilala sa kongklusyon
na iyong nais na mabuo ng iyong mga mambabasa mula sa iyong inihaing
impormasyon.
Sa ilalim nito ay itala ang mga kadahilanan kung bakit.
(Concise guide to research writing, Ellison, 2010)

BUMALIK SUNOD
Makatutulong ang paglilimita ng impormasyon sa mga
lubhang mahahalaga lamang upang hindi maging daan ng
kalituhan ng mambabasa at magiging maayos ang
presentasyon kung limitado ito.
Ang pagsasaayos ng datos ay may tuwirang kaugnayan sa uri
ng pananaliksik na isinagawa. Anumang pamamaraan ay dapat
tumugon sa kahingian ng uri ng pananaliksik.
Sa paghaharap ng datos, kailangang walang pagkiling ang
mananaliksik sa resulta ng pag-aaral. Hindi dapat ikubli ang
ilang impormasyon upang palutangin ang ninanais na ideya.

BUMALIK SUNOD
 Sa pagsulat ng unang burador, hayaan muna ang mga
kamalian sa gramatika at ispeling.

BUMALIK SUNOD
 Mahalaga ang pagrebisa (Ellison, 2010) upang matiyak na
ang introduksyon ay nanghihikayat ng mambabasa at
malinaw na nagpapahayag ng tesis na tumutugon sa
kahingian ng pananaliksik; ang katawan ay sumusuporta sa
tesis at ang kongklusyon ay kinukumbinse ang mambabasa
sa halaga ng iyong pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
 Ang maingat na pagsasaalang-alang ng mga naunang
hakbang ay daan sa higit na mas matagumpay na
pananaliksik.

BUMALIK SUNOD
Mga Bahagi ng
Pamanahong
Papel

BUMALIK SUNOD
Pamanahong Papel
isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang
ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangan sa isang larangang akademiko. Kadalasang
nagsisilbing kulminasyon ito ng mga pasulat na gawain
kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o
asignatura sa loob ng isang panahon o term na kadalasa’y
saklaw ng isang semester o traymester. Kaya tinawag itong
term paper.

BUMALIK SUNOD
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Mga Panghuling Pahina

BUMALIK SUNOD
Mga Pahinang Preliminari o Front Matters
Fly Leaf 1
Pamagating Pahina
Dahon ng Pagpapatibay
Pasasalamat o Pagkilala
Talaan ng mga Nilalaman
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
Fly Leaf 2

BUMALIK SUNOD
KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula o Introduksyon
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Depinisyon ng mga Terminolohiya

May mga pamanahong papel na kakikitaan ng Theoretical o


Conceptual Framework, Hypotheses at Assumptions sa
Kabanata I.

BUMALIK SUNOD
KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Mga Kaugnay na Literatura
Mga Kaugnay na Pag-aaral

Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang gagamitin


ay yaong lokal at dayuhan. Tiyakin din na ang materyal na
gagamitin ay nagtataglay ng mga katangiang tulad ng: a)
obhetibo o walang pagkiling; b) nauugnay o relevant sa pag-
aaral; at c) sapat ang dami o hindi napakakakaunti o napakarami.

BUMALIK SUNOD
KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Tritment ng mga Datos

BUMALIK SUNOD
KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga
Datos
Tekstwal na Presentasyon
Tabular na Presentasyon
Grapikal na Presentasyon
Layn grap
Bilog na grap
Bar grap
Piktograp

BUMALIK SUNOD
KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon

BUMALIK SUNOD
Mga Panghuling Pahina
Listahan ng Sanggunian  
Apendiks

BUMALIK SUNOD
Dokumentasyon

BUMALIK SUNOD
Kahalagahan at at Tungkulin ng Dokumentasyon 
Estilong A.P.A.
Dalawang Pamamaraan sa In-text Citation
Pangkalahatang Tuntunin sa Estilong A.P.A.
Estilong M.L.A.

BUMALIK SUNOD
Kahalagahan at Tungkulin ng Dokumentasyon (Atienza, et
al., 1996)
Ang dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang
tungkulin sa isang papel-pampananaliksik.
Bukod sa manipestasyon ito ng katapatan ng isang
mananaliksik, nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos
at impormasyong ginamit.
Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o
impormasyong iyon kung binabanggit ng mananaliksik ang
awtor ng akdang kanyang pinaghanguan.

BUMALIK SUNOD
Estilong A.P.A.
 Dat-rati, footnoting o paggamit ng talababa ang
pinakagamiting paraan ng dokumentasyon ng mga
mananaliksik.
 Karaniwang ginagamit sa kasalukuyan ang estilong APA o
American Psychological Association. Ito ang tinatawag na
talang-parentetikal (parenthetical citation) na higit na
simple at madaling gawin kaysa footnote, bukod pa sa
nagagawa nitong maging tuluy-tuloy ang daloy ng teksto sa
pagbabasa.

BUMALIK SUNOD
Dalawang Pamamaraan na Maaaring Gawin sa In-text
Citation:
 Paggamit ng signal na kataga tulad ng: Ayon kay ... o
Nabanggit ni ...
 Talang parentetikal kung saan nakapaloob sa panaklong ang
mahahalagang impormasyon
 

BUMALIK SUNOD
Isang awtor :
Ayon kay San Juan (2005), “..........”

Dalawang awtor:
Ayon kina San Juan at Pasia (1979).....

Tatlo hanggang limang awtor:


Ayon kina San Juan, Cimafranca, Salvador at Durano (1987).....
 

BUMALIK SUNOD
*Tandaan na sa susunod na babanggitin ang teksto, ang ngalan
na lamang ng unang awtor ang ilalagay na susundan ng et .al.
 
Nabanggit nina San Juan, et al (1987) na .....

Higit sa limang awtor:


Nilinaw nina San Juan, et al (1987) na .....
 

BUMALIK SUNOD
Walang awtor:  
Isang pag-aaral ang naisagawa kaugnay ng .......(Understanding
Computers, n.d.)

Isang organisasyon ang tumatayong awtor ng teksto:


Ayon sa Mechanical Engineering Society { MES }
(1993) ..........

Dalawang awtor na magkatulad ang apelyido:


Ayon kina E. San Juan at F. San Juan (2004) .....

BUMALIK SUNOD
Di-tuwirang pinaghanguan:
Ayon kay San Juan (1987, sa Pasia, 2003) .....

Hanguang elektroniko:
Ayon sa Wikipedia.org.....
Ayon naman sa www.rabernalesliterature.com (n.d.) .....

BUMALIK SUNOD
Isang awtor:
o .......... (San Juan, 2005).

Dalawang awtor:
..... (San Juan & Pasia, 1979). 

Tatlo hanggang limang awtor:


..... (San Juan, Pasia, Cimafranca, Salvador at Durano, 1987).

BUMALIK SUNOD
*Tandaan na sa susunod na babanggitin ang teksto, ang ngalan
na lamang ng unang awtor ang ilalagay na susundan ng et .al.
..... (San Juan, et .al., 1987). 

Higit sa limang awtor:


.....(San Juan, et. al., 1987). 

Organisasyon ang tumatayong awtor:


.....(Mechanical Engineering Society { MES } (1993).

BUMALIK SUNOD
Dalawang awtor na magkatulad ang apelyido:
.....(E. San Juan & F. San Juan, 2004).

Di-tuwirang pinaghanguan:
.....(San Juan, 1987, sa Pasia, 2003).

Hanguang elektroniko:
.....(http//www.latinamerica.com, n.d.)

BUMALIK SUNOD
Pangkalahatang Tuntunin sa Estilong A.P.A.
Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na
lamang ng publikasyon ang isulat sa loob na panaklong.
Kung may ko-awtor (dalawa o higit pa), kailangang may et al. matapos
ang kanyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay rito, bago ang taon ng
publikasyon.
Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa
hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon. Paghiwalayin
ang dalawang entris sa loob ng parentesis sa pamamagitan ng kuwit (,).
Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng
publikasyon.

BUMALIK SUNOD
Pangkalahatang Tuntunin sa Estilong A.P.A.
Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing
awtor sa mismong teksto banggitin na lamang ang unang awtor sa
loob ng parentesis at sundan ng et. al. bago ang taon ng publikasyon.
Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang
apelyido, banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-
kaniyang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.
Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin
ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng
publikasyon. Ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya’y
iitalisado ang tipo ng font.

BUMALIK SUNOD
Pangkalahatang Tuntunin sa Estilong A.P.A.
Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum,
banggitin ang bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga
awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang
unang entri sa taon ng publikasyon.
Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin
na lamang ang mga akda at paikliin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o
iitalisado ang mga pamagat.
Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa aklat ng ibang
awtor, dapat banggitin ang dalawa.
Kung ang datos o impormasyon ay hango sa internet, banggitin na lamang
ang link kung walang awtor. Kung batid ang awtor, banggitin din ang awtor.

BUMALIK SUNOD
Tandaan: Agad na inilalagay ang talang parentetikal
pagkatapos ng salita o ideyang hiniram at ito’y ipinoposisyon
bago ang bantas sa loob o katapusan ng pahayag maging iyon
man ay tuldok (.), tandang-pananong (?), padamdam (!), kuwit
(,), tutuldok (:), tuldok-kuwit (;), tulduk-tuldok (...), o panipi (“
”). Maliban sa tuntunin g, laging kuwit ang ginagamit na bantas
sa paghihiwalay ng mga entris sa loob ng parentesis.

BUMALIK SUNOD
Estilong M.L.A.
Sa M.L.A., ang pangalan (apelyido) ng awtor at bilang ng
pahina ang inilalagay sa loob ng parentesis. Samantala sa A.P.A.

BUMALIK SUNOD
Listahan ng mga
Sanggunian

BUMALIK SUNOD
Tungkulin ng Listahan ng Sanggunian
Batayang Impormasyon ng Sanggunian
Mga Tagubilin

BUMALIK SUNOD
Ang listahan ng mga sanggunian ay matatagpuan sa
katapusan ng isang papel-pampananaliksik. Ito ang
pinakakatumbas ng Bibilograpi sa M.L.A. sa A.P.A., ang
pahinang ito ay maaaring pamagatang Listahan ng mga
Sanggunian, Mga Sanggunian o Talasanggunian.

BUMALIK SUNOD
Ang unang linya ng bawat entri sa listahan ng
sanggunian ay nagsisimula sa dulong kaliwa, samantalang ang
ikalawa at mga kasunod na linya ay nakapasok nang tatlong
espasyo mula sa kaliwang margin. Hanging indention ang
tawag dito. Ang mga entris ay nakaayos ng alpabetikal batay sa
apelyido ng awtor o unang awtor. (Para sa awtor ng aklat na ito,
opsyonal ang hanging indention dahil it does not serve any
purpose.)

BUMALIK SUNOD
Tungkulin ng Listahan ng mga Sanggunian
1. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga
ideya, ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales na
hinalaw,
2. Nagpapakita ng pagkilala sa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman,
3. Nagbibigayng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa na
nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik,
4. Nagbibigayng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may
katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik,
at
5. Nagbibigay ito ng kredibilidad sa pananaliksik na isinagawa.

BUMALIK SUNOD
Batayang Impormasyon ng Sanggunian
Awtor o mga awtor
Pamagat
Lugar ng publikasyon
Pablisyer/tagalimbag
Petsa/taon ng publikasyon/pagkakalimbag
Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na matatagpuan
sa http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni Burgess, 1995)

Aklat na may isang awtor


Simulan sa apelyido ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor (o buong
pangalan kung abeylabol ang datos na iyon), at tuldukan.
Isunod ang taon ng publikasyon. Tuldukan.
Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita ang nagsisimula sa
malaking tiitk at ang mga pangngalang pantangi at subtitle na karaniwang
sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.
Isunod ang lugar ng publikasyon at ang publisher. Paghiwalayin ang dalawa ng
tutuldok. Tapusin ang entri sa isang tuldok.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na matatagpuan
sa http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni Burgess, 1995)

Aklat na may dalawa o higit pang awtor


Simulan sa apelyido ng unang awtor, kuwit at inisyal o pangalan (kung
abeylabol). Huwag babaguhin ang pagkakasunud-sunod ng mga awtor na
nakatala sa aklat. 
Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor tularan ang pormat ng unang
awtor. Paghiwalayin ang mga pangalan ng awtor ng kuwit, maliban kung
dalawa lamang ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng
ampersand (&).
Sundin ang tuntunin A.2, A.3 at A.4.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)

Aklat na may dalawa o higit pang awtor


Ang et. al. (et alibi, and others, at iba pa) ay hindi
ginagamit sa listahan ng sanggunian kahit pa mahigit sa
dalawa ang awtor ng isang sanggunian. Sa dokumentasyon
(talang parentetikal) lamang ginagamit ang et. al.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na
matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni Burgess,
1995)

Inedit na bolyum ng isang aklat


Simulan sa apelyido ng editor ng bolyum. Bantasan katulad ng sa
awtor o mga awtor ng isang aklat. Kung dalawa o higit pa ang
editor, gumamit ng ampersand sa pagitan ng dalawang editor at
huling editor kung tatlo o higit pa. 
Isunod ang ed. (nag-iisang editor) o Eds. (dalawa o higit pa) na
nakapaloob sa parentesis. Tuldukan.
Sundin ang tuntunin A.2, A.3 at A.4.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)

Inedit na bolyum ng isang aklat


Halos ganito rin ang mga tuntunin sa mga isinalin at
kinumpayl na akda. Palitan lamang ang Ed. o Eds. ng Tran. o
Trans. Para sa translator/s at Comp. o Comps. para sa
compiler/s. Kung konsultant o mga konsultant naman ang
given, gamitin ang Con. o Cons. sa halip.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Mga hanguang walang awtor o editor
Simulan sa pamagat ng akda at tuldukan.
Sundin ang tuntunin A. 2, at A.4.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Multi-bolyum, inedit na akda
Sundin ang tuntunin C.1 at C.2.
Sundin ang tuntunin A.3.
Isunod ang bilang ng bolyum na nakapaloob sa parentesis.
Tuldukan.
Sundin ang tuntunin A.4.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Multi-bolyum, inedit na akda
Kung ang multi-bolyum na akda ay hindi inedit at sa
halip ay isinulat ng isang awtor, sundin lang ang tuntunin A.1,
A.2, A.3, E.4, at A.4. Kung dalawa o higit pa ang awtor, sundin
ang tuntunin B.1, B.2, A.2, A.3, E.4, at A.4.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Di-nalathalang disertasyon, tisis, pamanahong-papel
Sundin ang tuntunin A.1 at A.2.
Sundin ang tuntunin A.3 at salungguhitan.
Isunod ang salitang di-nalathalang disertasyon/ tisis/
pamanahong papel ( o ano mang anyo ng papel-
pampananaliksik o akademikong papel), sundan ng kuwit,
ng pangalan ng kolehiyo o unibersidad at tuldukan.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na
matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni
Burgess, 1995)
Mga artikulo mula sa journal, magasin, dyaryo, newsletter
 Sundin ang mga tuntunin A.1 kung nag-iisa ang awtor; B.1 at B.2
kung dalawa o higit pa.
 Isunod ang taon, buwan (kung abeylabol ang petsa, idagdag din ito)
na pinaghihiwalay ng kuwit. Tuldukan matapos.
 Isunod ang pamagat ng artikulo, tulad ng sa A.2. Tuldukan.
 Isunod ang pangalan ng journal, magasin dyaryo o newsletter,
sundaan ng kuwit, ng bilang ng pahina (huwag gagamit ng p. o pp.)
at tuldukan.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Pelikula, kaset, cd, vcd
Sundin ang tuntunin A.1. Palitan lamang ang awtor ng
direktor kung pelikula at artist/speaker/lecturer kung kaset,
vcd o cd.
Sundin ang tuntunin A.2.
Kung di-given ang mga pangalan sa H.1, magsimula na agad
sa H.4, tuldukan, isunod ang taon ng unang distribusyon at
tuldok muli.
BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Pelikula, kaset, cd, vcd
Sundin ang tuntunin A.3 ngunit bago tuldukan, isingit ang
salitang “Pelikula, Kaset, VCD,o CD” sa loob ng braket.
Isunod ang lugar kung saan prinodyus (kung given) sundan
ng tutuldok, isunod ang prodyuser at tuldukan. Kung di-
given ang lugar, isunod agad prodyuser at tuldukan.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A.
Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
Mga dokumento mula sa mga tanggapan ng gobyerno
Simulan sa pangalan ng ahensyang pinagmulan ng
dokumento at tuldukan.
Isunod ang taon ng publikasyon at tuldukan.
Isunod ang pamagat ng dokumento, ang bilang ng
publikasyon (kung mayroon) sa loob ng parentesis at
tuldukan. 
Isunod ang lugar ng publikasyon, tutuldok at pablisyer.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na
matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2 ni Burgess,
1995)
Mga hanguang elektroniko
 Kung nakapost sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor, at/o ang
pamagat, sundin ang tuntunin A.1, A.2 at A.3 at isunod ang
sinalungguhitang website o path. Tapusin sa tuldok.
 Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at
isunod ang website o path na sinalungguhitan.
 Kung hindi abeylabol ang datos sa J.1 at J.2, ilagay na lang ang
sinalungguhitang website.
 Tapusin ang entri sa pamamagitan ng paglalagay ng petsa kung kailan na-
retrieve ang datos sa internet. Tuldukan.

BUMALIK SUNOD
Pasulat na
Presentasyon

BUMALIK SUNOD
Sadyang napakahalaga sa isang pamanahong papel ang
nilalaman o ang mga ideyang ipinaaabot niyon sa mga
mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at masanay
ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito – ang
wastong pormat, margin, indensyon, at iba pa. Bahagi ito ng
disiplina ng isang mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang
kaniyang kultura sa pananaliksik at sinop sa paggawa.
Sa bahagi naman ng mambabasa, ang wasto at mabisang
presentasyon ng papel ay nakatutulong para higit na madali
niyang maunawaan ang mga kaalamang nais iparating sa
kaniya.

BUMALIK SUNOD
Mga Tagubilin Kaugnay ng mga Sangkap at/o Pangangailangan ng Pananaliksik

PAPEL, MAKINILYA/KOMPYUTER
PRINTER AT CORRECTION FLUID 
MARGIN, CENTERING, 
SPACING
FONT 
KAPITALISASYON, PAGDADAGLAT, PAGSULAT NG BILANG
BILANG NG PAHINA
PAGBABAYBAY AT PAGBABANTAS
PROOFREADING
EDITING

BUMALIK SUNOD
 Ang sukat ng papel ay 8 ½ x 11 na may katamtamang kapal
na maaaring substance 20-26. Huwag gumamit ng
napakanipis na papel.
 Hangga’t maaari, gumamit na ng kompyuter sa halip na
tayprayter dahil sa mga features nitong nakatutulong sa mga
mananaliksik sa pagpapadali ng pagsulat ng pamanahong-
papel.

BUMALIK SUNOD
 Kung kompyuter printer naman ang gagamitin, makabubuti nang
gamitin ang inkjet o laser na printer dahil mas mabilis ito at mas
episyente. Ngunit kung dotmatrix pa rin ang gagamitin,
iminumungkahing nylon cloth ang gamiting ribon sa halip na
carbon at cotton cloth.
 Ang correction fluid ay angkop gamitin sa makinilyadong kopya,
ngunit huwag abusuhin ang gamit nito. Kadalasan, mas
makabubuting itayp na lamang muli ang isang buong pahina sa
halip na tadtarin iyon ng correction fluid. Samantala, ang pag-eedit
sa kompyuter ay dapat gawin bago i-print ang isang kopya upang
maiwasan na ang paggamit ng correction fluid o manwal na
pagdaragdag o pagbubura sa final na kopya ng pamanahong papel.

BUMALIK SUNOD
 Ang tamang margin ay 1½ pulgada sa kaliwa at isang
pulgada sa itaas, sa kanan at sa ibaba. Ang dahilan nito ay
para sa binding lalo na kung gagamit ng plastic slide o
hardbound.
 Lahat ng mga kabanata bilang, pamagat ng kabanata at mga
kasangang-paksa o subtitles ay kailangang nakasentro sa
pahina ng papel. Gayundin ang lahat ng datos na nakapaloob
sa pamagating pahina.

BUMALIK SUNOD
 Doble ang espasyong dapat gamitin sa pagitan ng bawat linya sa
loob ng mga talataan at maging sa pagitan ng isang heading,
sub-heading at simula ng isang talataan. Ang tanging eksepsyon
sa tuntuning ito ay ang pagsipi ng isang buong talataan o
mahabang quoted material na isinusulat nang may tig-iisa
lamang na espasyo bawat linya at ini-indent pa sa magkabilang
panig, higit pa sa itinakdang margin sa mga karaniwang talataan.
 Ang isa pang ginagamitan ng isang espasyo ay ang listahan ng
mga sanggunian. Ang mga linya sa loob ng isang entri ay
kailangang tig-iisang espasyo lamang, ngunit ang espasyo sa
pagitan ng bawat bibliograpikal na entri ay kailangang dalawa.

BUMALIK SUNOD
 Ang isang ikinalalamang na feature ng kompyuter sa
makinilya ay ang bersatiliti ng font nito. Sa pagsulat ng
pamanahong-papel gamit ang kompyuter, kailangang pumili
ng simpleng tipo ng font tulad ng Times New Roman,
Tahoma, Calibri, o Arial. Huwag gagamit ng maarteng tipo.
Tandaang ang pamanahong-papel ay isang pormal na
sulatin.
 Huwag ding gagamit ng labis na maliliit at malalaking tipo.
Pinakaideyal na ang font na may sukat na labindalawa (12).

BUMALIK SUNOD
 Ang paghahaylayt o boldfacing naman ng font ay kailangang gamitin
lamang kung kailan kailangan. Ang mga bilang ng kabanata, titles at
sub-titles ng katawan ng pamanahong-papel ay kailangang i-bold.
Gayundin ang pamagat ng iba pang bahagi o pahina tulad ng Dahon
ng Pagpapatibay, Pasasalamat, Talaan ng mga Nilalaman, Listahan ng
mga Talahanayan at Grap, Listahan ng mga Sanggunian at Apendiks.
 Samantala, ang italics na font ay kailangan namang gamitin sa mga
dayuhang salitang binaybay sa orihinal na ispeling at ginamit sa loob
ng isang tekstong Filipino. Maaari din itong gawing sabstityut sa
panipi (“ “), halimbawa sa mga siniping pahayag, mga banggit na
pahayag at mga pamagat ng akdang binanggit sa loob ng teksto ng
pamanahong-papel.

BUMALIK SUNOD
 Ang tuntunin ng gramatika sa paggamit ng malaking titik ay
kailangang istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong
papel tulad ng sa simula ng mga pangungusap, pangngalang
pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong pantawag
tulad ng Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang tanging
eksepsyon sa mga tuntuning ito ay ang pamagat-bilang at
pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng pamanahong-
papel na isinusulat nang buo sa malalaking titik (all caps).

BUMALIK SUNOD
 Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t
maaari. Ang maaari lamang daglatin ay ang mga titulo tulad
ng G., Gng., Bb., Dr., Prof., Rev., Kgg., PhD., Jr.; mga
karaniwan nang akronim tulad ng USA, UNESCO, YMCA; at
mga salitang panukat tulad ng cm., mm., ft., lbs.,; mga
pormula tulad ng H2O, Fe. Huwag na huwag gagamit ng
mga pinaikling salita gaya ng nakagawian sa paggamit ng e-
mail at cellular phone.

BUMALIK SUNOD
 Ang mga buong bilang ay kailangang baybayin, sinusundan
lamang ito ng simbulong numerikal sa loob ng parentesis,
halimbawa: labinlima (15), anim na raan at dalawampu’t
isa (621), siyamnapung porsyento (90%), dalampung litro
(20 liters). Ngunit ang mga petsa, taon, bilang ng kalye,
serial at bilang na may praksyon o puntos-desimal ay maaari
nang isulat sa simbulo, halimbawa: Pebrero 16, 1969, 216
Daang Malvar, Bolyum 2, 1 ¼, 89.23.

BUMALIK SUNOD
 Ang bilang ng pahina ay kailangang ilagay sa itaas, gawing
kanan o upper right hand corner ng papel. Ang pahina ay
nagsisimula sa katawan ng pamanahong-papel o sa
Kabanata I hanggang sa mga huling pahina nito. Hindi na
nilalagyan ng bilang ng pahina ang Fly leaf, Pamagating
Pahina, Dahon ng Pagpapatibay, Pasasalamat, Listahan ng
mga Talahanayan at Grap at Listahan ng mga Nilalaman.

BUMALIK SUNOD
 Kailangangsundin ang mga alituntuning panggramatika sa
pagbabaybay at pagbabantas. Makatutulong kung muling
sasangguni sa mga aklat na tumatalakay sa gamit ng mga
bantas.

BUMALIK SUNOD
 Karaniwang hindi maiiwasan ang mga pagkakamali sa
pagsusulat. Maaaring ito ay sa pagkakamali sa gramatika,
ispeling, pagbabantas, o sa pagsipi ng mga datos. Maaari
ding ang pagkakamali ay tipograpikal o pagkakamali sa pag-
eenkowd sa kompyuter lalo na kung ibang tao ang nag-
enkowd o nagtayp ng teksto kung gayon, mahalaga ang
hakbang na proofreading sa pagsulat ng pamanahong papel. 

BUMALIK SUNOD
 Sa hakbang na ito, muling pinapasadahan ang teksto upang
salain at iwasto ang ano mang pagkakamali sa teksto. Isa itong
mahalagang tungkulin ng mananaliksik bago ipasa ang pinal na
kopya ng kaniyang pamanahong papel. Editing naman ang
tawag sa pagwawasto sa mga pagkakamali sa gramatika,
ispeling, pagbabantas o sa pagsipi ng datos.
 May mga pagkakataong ang mga mananaliksik na hindi gaanong
maalam sa gramatika o hindi nakatitiyak sa kawastuhan ng
kaniyang presentasyon ay kumukuha at nagbabayad pa ng
editor, ngunit ang gawain niyo’y kailangang ilimita lamang sa
gawaing pag-eedit ng mga pagkakamali sa teksto.

BUMALIK SUNOD
Talasanggunian

BUMALIK SUNOD
American Psychological Association. (n.d.) Paraphrasing.
Retrieved from
https://apastyle.apa.org/style-grammar-guidelines/citations/p
araphrasing

Averion, Elic & Garcia. (2015). Karanasan ng isang batang ina:


Isang pananaliksik. LPU Laguna Journal of Arts and
Sciences 2. (2). Retrieved from
http://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARA
NASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANANALI
KSIK.pdf

BUMALIK SUNOD
Bansuelo, J. (n.d.) Kahulugan ng Panannaliksik. Retrieved from
https://www.academia.edu/35822176/Kahulugan_ng_Pananaliksik)

Bernales, R. et. al (2018) Pananaliksik sa iba’t ibang disiplina.


Malabon City: Mutya Publishing House.

Broadway, M. S.D., at Zamora, C. L. (2018). Ang Filipino bilang wika


sa Matematika: Isang palarawang pagsusuri sa kaso ng isang
pribadong paaralan. The Normal Lights Journal on Teacher
Education, vol. 12, (1), 67-99. Retrieved from
http://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/arti
cle/view/761
.
BUMALIK SUNOD
Call for Papers for Daluyan: Journal ng Wikang Filipino
(2019). Retrieved from
https://upd.edu.ph/call-for-papers-for-daluyan-journal-ng-wi
kang-filipino/

De Laza, C. (n.d.) Presentasyon at paglalathala ng pananaliksik.


Retrieved from
https://www.academia.edu/38736971/Presentasyon_at_Pagl
alathala_ng_Pananaliksik

Enriquez, A. T. (2013). Ang pag-angkla ng sikolinggwistikang


Filipino sa kultura . Retrieved from
BUMALIK SUNOD
http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/09/1
3 Rebyu-Enriquez.pdf
Gervacio, E. (220). Abstrak. [scribd] Retrieved from
https://www.scribd.com/document/445123795/ABSTRAK

Pananaliksik. (n.d.) Retrieved from


https://www.slideserve.com/royal/pananaliksik

San Juan, D. M. et. al. (2019). Sangandaan: Filipino sa iba’t


ibang disiplina. Malabon City: Mutya Publishing House.

LUMABAS

You might also like