You are on page 1of 63

Filipino Bilang Larangan at

Filipino sa Iba’t Ibang Larangan


IKATLONG BAHAGI
MGA LAYUNIN:

1. Gamitin ang Filipino bilang unique na diskurso sa iba’t ibang larangan katulad
ng Pantaong Sining (Humanities), Agham Panlipunan (Social Sciences), at mga
kaugnay na larangan (related discipline);

2. Maipaliwanag ang mga teksto sa disiplina ng Pantaong Sining (Humanities),


Agham Panlipunan (Social Sciences), at mga kaugnay na larangan (related
discipline) gamit ang Filipino bilang wika ng pagtalakay;

3. Magsagawa ng diskurso sa Filipino sa Pantaong Sining (Humanidades), Agham


Panlipunan (Social Sciences), at mga kaugnay na larangan (related discipline)
alinsunod sa layunin ng kumpleto o holistikong General Education (GE).

4. Gumawa ng mga diskurso sa Siyensya, Teknolohiya, at mga kaugnay na


larangan gamit ang Filipino batay sa layunin ng kumpleto o holistikong General
Education (GE).
Pantaong Sining (Humanities)

• Inilalarawan sa pamamagitan ng mga kwento, ideya, at mga salita na


tumutulong sa atin upang maging higit na makabuluhan ang ating buhay
at ang mundo.

• Gumagamit ito ng mga metodo na kritikal o mapalaisipan at mayroong


makabuluhang elementong pangkasaysayan kung ihahalintulad sa mga
dulog na mula sa obserbasyon (empirical) at likas na agham (natural
sciences).

• Ang mga sangay na maaring gamitin sa parehong Pantaong Sining


(Humanities) at Agham Panlipunan (Social Sciences) ay kinabibilangan
ng mga sumusunod: kasaysayan, arkilohiya, antropolohiya, pag-aaral sa
komunikasyon, mga klasikong pag-aaral, batas at linggwistika.
Antropolohiya

• Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa pinagmulan ng iba’t ibang lahi


ng tao.

• Ito ay holistiko sapagkat tinitingnan sa dalawang kamalayan:


pag-alala sa lahat ng tao sa bawat panahon at bawat kasukatan
ng sakatauhan.

• Anthopo = pagiging tao

• Logia = salita
Arkiyolohiya (Archaeology)

• Ito ay tumutukoy sa mga gawain ng tao sa


pamamagitan ng pagbawi at pagsusuri ng mga
material na kultura.

• Ito ay maaaring ituring sa parehong Agham


Panlipunan (Social Sciences) at sangay ng
Pantaong Sining (Humanities).
Kasaysayan (History)

• Ito ay isang sistematikong kalipunan ng mga


impormasyon hinggil sa nakaraan na kung
gagamitan sa larangan ng pag-aaral ay tumutukoy
sa interpretasyon ng mga tala hinggil sa tao,
lipunan, institusyon at kahit na anong paksa na
nagbago sa loob ng panahon.
Linggwistika (Linguistics) at
Wika (Language)

• Ang linggwistika na itinuturing na siyentipikong


pag-aaral ng wika ay itinuturing na agham
panlipunan (social sciences), likas na agham
(natural sciences) o kognitibong agham, ang pag-
aaral naman ng wika ay nananatiling pinakapuso
ng pag-aaral ng pantaong sining (humanities).
Literatura

• Sinasabi na ang literatura ang sumasalamin sa kaluluwa


ng isang bansa.

• Ang salitang ito nanggaling sa salitang Latin na


litteratura na ang kahulugan ay pagsulat na binubuo ng
mga titik.

• Ang literatura ay masuri sa gawa-gawa (fiction) o


batay sa katotohanan (non-fiction), at maaari ring prosa
(prose) at patula (poetry).
Pilosopiya (Philosophy)

• Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa mga suliraning


may kaugnayan sa mga bagay na katulad ng pag-
iral (existence), karunungan, pangangatwiran,
katotohanan, katarungan, tama o mali,
kagandahan, utak, at wika.

• Ang pilosopiya ay nangangahulugan ng


pagmamahal sa karunungan o love of wisdom.
Tatlong Pangunahing Sangay ng
Karunungan

• Likas na agham (Natural Sciences)


• Agham panlipunan (Social Sciences)
• Pantaong sining (Humanities)

• Ang pantaong sining (humanities) ay mayroon ding praktikal na dugtungan na


tinatawag na transformative humanities o culturonics.

• Ang teknolohiya, politika, at culturonics ay dinisenyo upang baguhin ang mga


pag-aaral sa kani-kanilang mga disiplina.

• Transformative humanities ay kinabibilangan ng iba’t ibang kasanayan at


teknolohiya katulad ng pagpaplanong pangwika, pagbuo ng mga bagong wika,
pagbuo ng bagong sining at genreng pangliteratura katulad ng Romantisismo,
Simbolismo, at Surealismo.
Larangan ng Media
• Malaking papel na ginagampanan ng midya sa
buhay ng mga Pilipino at ng maraming tao saan
mang panig ng mundo.

• Nagsisilbi itong daluyan ng komunikasyon na


ang layunin ay magbigay ng kaalaman,
impormasyon, diskurso, libangan, at marami pang
iba.
Siyentipikong Pamamaraan sa Pag-aaral sa
Epekto ng Midya (Media)

1. Empirisismo (Empiricism) – ang direktang


karanasan ng isang tao ay makatotohanang daluyan
ng kaalaman hinggil sa epekto ng midya.

2. Pananalig sa Awtoridad (Authority) – ang ating


pananalig sa kahusayan ng mga doktor sa larangan
ng siyensya ay nagbubunga ng ating pagtuklas sa
lunas sa ating mga karamdaman.
3. Siyensya
– Tumutukoy ito sa tiyak na pamamaraan na
alamin ang isang bagay.

- Ang siyensya ay kombinasyon ng empirisismo at


lohikal na pag-iisip para sa higit kapani-
paniwalang obserbasyon o pagmamasid.
Layunin ng Siyensya

1. Pagbibigay ng Prediksyon – Tumutukoy ito sa


pagsasabi sa maaaring mangyari. Isa sa
pangunahing layunin upang matukoy ang epekto
ng midya ay ang pagkakaroon ng tiyak na
prediksyon.

2. Pagpapaliwanag – layunin ng siyensya na


ipaliwanag kung ano ang mga pangyayari, mga
dahilan kung bakit ito nangyari, at mga ugnayan
ng isang pangyayari sa iba pang pangyayari.
3. Pag-unawa – may kinalaman sa pag-alam sa
partikular na pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan
na nagbunga ng penomena ng interes.

4. Kontrol – kung ang mga siyentipiko ay kayang


magbigay ng tiyak na prediksyon, magpaliwanag, at
umunawa sa penomena, siya rin ay may kakayahan na
kontrolin sa ilang pagkakataon ang isang penomena.
Mga Metodo sa Pag-aaral sa Epekto ng
Midya (Media)

1. Pagsusuri ng Nilalaman (Content Analysis)


• Sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman (content analysis) ay
mailarawan ng mananaliksik ang kalikasan ng nilalaman ng
komunikasyon sa isang sistematiko at mahigpit na pamamaraan.

• Ang pagsusuri ng nilalaman ay isang pamamaraan ng pananaliksik para


sa obhektibo, sistematiko, at kwantitatibong deskripsyon ng nagpapakita
na nilalaman ng komunikasyon.

• Higit na pinahahalagahan ng pagsusuri ng nilalaman o content analysis


ang pagkokoda ng mga nakikitang nilalaman (manifest content) kaysa
mga hindi aktibong nilalaman (latent content).
• Ang mga mga nakikitang nilalaman (manifest content)
ay tumutukoy sa mga materyal na nakikita at
nangangailan ng minimum na pagpapakahulugan ng
nagkokoda.

• Ang mga hindi aktibong nilalaman (latent content) ay


mga nilalaman na maaaring makita matapos na bigyan ng
interpretasyon (o read between the lines) ng tagakoda ang
mensahe bago isagawa ang pagkokoda.
Sarbey (Survey)

• Ang paggamit ng sarbey (survey) ang isa sa pinakapopular at


gamiting metodO ng pag-aaral na kung saan ang mananaliksik ay
pumipili lamang ng sampol sa malaking bilang ng populasyon.

• Gamit ang sarbey (survey) ay nauunawaan na ng mga paham o


iskolar kung gaano karami ang tao na nanonood sa isang time slot,
anong uri o popular na programa ang nais ng tao, ano ang reaksyon
ng mga tao sa isang palabas.

• Nakatutulong ang sarbey (survey) upang mailarawan ang isang


phenomena, at gayundin ang pag-alam sa ugnayan ng isang
baryabol tungo sa ibang baryabol.
Gabay sa Pagbuo ng Talatanungan para sa
Sarbey (Survey)

1. Mga bukas na katanungan (open-ended) - Ito ay ginagamit


upang mabatid ng nagsasagawa ng pag-aaral kung ano ang
nararamdaman ng tao.
Halimbawa: Ano para sa iyo ang maayos na programang
pangtelebisyon? Gaano ito kahalaga para sa iyo?

2. Mga katanungan na maraming pagpipilian (Multiple Choice


Question)
- Karaniwang ibinibigay ang ganitong mga katanungan upang
alamin ang demograpikong kaligiran ng respondente ng pag-aaral o
ang sakop ng usapin (range of issues).
Halimbawa:
2. Mga Katanungang Iskalano Ordinal (Ordinal Scale Questions) -
Hinihingi ng talatanungang ito sa mga respondente na kanilang
iranggo ang mga baryabol na kasama o kaya naman ay ang mamili
ng sagot sa set-ng baryabol.

Halimbawa: Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na prayoridad


ng isang kandidato sa pagka-Pangulo na siyang salik sa pagpili mo
sa kanya bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Lagyan ito ng
ranggo gamit ang bilang 1 hanggang 5, na kung saan ay 1 ang
pinakamataas.
3. Mga Katanungang may Iskalang Interbal (Interval Scale
Question) - Ito ang pinakakaraniwang uri ng talatanungan.
Mahalaga sa ganitong uri ang espasyo sa bawat opsyon, ito man ay
sa anyo ng bilang o kaya ay ng interpretasyon.

Halimbawa: Ibigay ang antas ng iyong pagsang-ayon sa teleseryeng


Ang Probinsyano gamit ang sumusunod na iskala:
4. Mga Katanungan na Kinabibilangan ng Iskalang Ratio
- Ang mga katanungan sa ganitong uri ng talatanungan
ay madaling sukatin (measurable) katulad ng
katanungang hinggil sa dalas ng panunood ng
telebisyon sa isang linggo; oras na inilalaan sa
panunood ng telebisyon; buwanang kita.
- Ang lawak na ito ay maaari pa ring ituring na ratio sa
pagsusuri sa tugon ng mga respondente.
Ang Pamamaraang Eksperimental

• Ang disenyong eksperimental (experimental designs)


ay nakabatay sa maayos na paghahanda at binalangkas na
eksperimento na kung saan ang ilan sa tiyak causal na
ugnayan ay sinuri sa ilalim ng kontroladong kondisyon.

• Ang disenyong hindi eksperimental (non-experimental


research designs) ay tumutukoy sa mga pag-aaral na
kinasasangkutan ng pagmamasid katulad ng sarbey
(survey) o ng pagsusuri ng nilalaman (content analysis).
Mahahalagang Pamantayan sa Disensyo ng
Pag-aaral

1. Balidad (validity)
- Ay pagtatasa kung nasusukat ba ng pag-aaral ang
nararapat nitong sukatin.

2. Ang pagiging makatotohanan (reliability) ay isang


mahalagang pamantayan sa pananaliksik na kung saan
inilalarawan nito kung gaano katama ang isang sukatan at
maaari ring tawagin sa ingles na ‘reapeatability.’
Sinasagot nito ang konsistensi ng pagsukat mula sa isang
sampol at iba pa.
- Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga
pamamaraan upang sukatin ang pagiging makatotohanan
(reliability) ng isang pag-aaral:

1. Test-retest na kung saan ay sinusukat ang ugnayan ng


mga sampol sa mga sinuring katanungan;

2. Reliability na pagtataya na katulad ng Cronbach's


alpha.
Iba’t Ibang Uri ng Epekto ng Media

• Ang epekto ng media na maaaring malakas o mahina ay


nakabatay sa mensahe, midyum, manunood, at ng tipo ng
epekto na pinag-aaralan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng epekto


ng media:
1. Micro-level o Macro-level
2. Content-specific or Difuse-general
3. Alteration laban sa Stabilization
1. Ang Micro-level na epekto ng media ay kinasasangkutan
ng epekto sa bawat gumagamit ng media.

• Ang Macro-level na epekto ay maaaring kasangkutan ng


epekto ng media sa mas malawak na sakop o komunidad.

2. Ang Tiyak na Nilalaman (Content-specific) ay pagsukat


sa epektong ito ng media sa manunood ay nakatuon sa
impluwensyang naidudulot ng dalas na paggamit ng media sa
pag-uugali o kilos ng manunood.
3. Alteration - Ang madalas na paggamit ng media
ay maaaring magdu10t ng impluwensya sa publiko
na magbago kanilang pananaw o kaya naman ay
tangkilikin ang isang tiyak na pulitiko o maging ng
isang produkto.
Mga Bayolenteng Palabas sa Media

• Sa diskurso na ginawa ni Sparks (2010) sa kanyang


aklat, kanyang sinabi na maraming pag-aaral ang
nagsasabing mataas ang antas ng paniniwala na ang
panunood ng mga bayolenteng palabas ay
nakapagpapataas ng antas ng agresibong pag-uugali,
bagamat, sa punto ng estadistika, ang epektong ito hindi
gaanong malaki. Maraming mga salik na dapat isaalang-
alang sa pagigmg agresibo
ng tao, at ang panunood ng bayolenteng palabas ay isa
lamang sa mga ito.
Ilan sa mga Teorya na may Kaugnayan sa
Media

1. Normative Media - Ang teorya sa media (media theory) ay tumutukoy sa


isang komplikadong sosyo-politikal-piliosopikal na mga prinsipyo na kung
saan ay isinasaalang-alang ang ideya hinggil sa ugnayan ng media at
lipunan.

Narito ang ilan sa mga pangunahin nitong anyo:


1. Teoryang Authoritarian
2. Free Press
3. Social Responsibility
4. Development Media
5. Alternative Media
• Pinaniniwalaan ng teoryang Authoritarian na ang lahat
ng media at komunikasyong pampubliko ay kailangang
sumailalim sa superbisyon ng kinauukulanna kung saan
ang mga pahayag o opinyon na burnabangga sa matatag
na lipunan at poltika ay kailangang ipagbawal.

• Ang free press ay laging isinasaalang-alang na kung saan


ang ganap na kalayaan ng tao na magpahayag at ang
operasyong pang-ekonomiya ng media ay hindi
kailangang panghimasukan ng media sa kahit na anong
aspeto.
• Modipikadong mukha ng teoryang free press ang teoryang social
responsibility na kung saan ay binibigyan ng mabigat na tungkulin ang media
(lalong higit sa larangan ng broadcasting) sa lipunan. Sinasabi sa teorya na ito na
ang media ay malaya subalit kaakibat ng kalayaang ito ay ang tungkulin nito sa
kapakanan ng higit na nakararami.

• Ang teoryang development media na karaniwang ginagamit sa mga bansang


may mababang antas ng ekonomikong pag-unlad at may limitadong mga
pinanggalingan ay kinakikitaan ng ganitong anyo ng teorya na nagmumung- kahi
ng kalayaan sa media, bagamat kailangan, ay kailangang sumailalim sa kahingian
ng ekonomiko, panglipunan at pampulitikang pag-unlad.

• Ang teoryang alternative media mula sa kritikal na panlipunang perspek- tiba


ay nagsasabing ang dominanteng media ng matatag na lipunan ay maaaring hindi
sapat batay sa -kahulugan nito sa maraming pangkat ng lipunan o maaari namang
labis-labis sa ilalim ng kontrol ng estado at ibang awtoridad o mayayaman.
Epekto ng Media

1. Direct effects model - Ang modelo o teoryang ito ay nag-


ugat sa malawakang pangamba na ang mensahe na dulot ng
mass media ay makaimpluwensya sa kultura ng tao higit sa
impluwensyang maaaring magbuhat sa pamilya at komunidad.

2. Agenda-Setting Theory - Ang paniniwala ng teoryang ito


na siyang ganap na kabaligtaran ng direct effects model ay ang
mass media ang siyang tumutukoy sa sa mga usapin na may
pagpapahalaga sa publiko higit sa pagpapahalaga sa pananaw
ng publiko.
3. Teorya ng Uses at Gratifications - Pinaniniwalaan ng teoryang ito
na ang mga consumer ay gumagamit ng media upang mapagbigyan
ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan. Ang ugnayan ng
media at karahasan ay ang malinaw na larawan na mapaggagamitan
ng teoryang ito.

4. Symbolic Interactionism - Ang isa pang karaniwang teorya na


ginagamit Sa pananaliksik sa media ay ang symbolic interactionism
na kung saan ay pinangingibabaw na ang sarili ay kinuha o nabuo
sa pamamagitan ng interaksyon sa ibang tao.
- Ang teoryang ito ay nakatutulong sa mga mananaliksik ng media
upang kanilang maunawaan ang kanilang larangan dahil sa
mahalagang papel na ginagampanan ng media sa pagbuo at
pagpapaunlad ng shared symbols.
5. Teoryang Spiral Silence - Sinasabi sa teoryang ito na ang mga mangilan
ngilan na magkakatulad ang pananaw (minority opinion) ay nagpapasya
na manahirnik na lamang upang maiwasan ang pagsasa-isang tabi sa
kanila ng lipunan (social isolation), at ipinaliliwanag ang papel na
ginagarnpanan ng media sa pagbuo at pagpapanatili ng mga dominanteng
pananaw.

6. Media Logic - Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang karaniwang


format at istilo na media ay maituturing na pamamaraan sa pagbibibigay
ng pananaw sa mundo.

7. Cultivation Analysis - Ang teoryang ito ay naniniwala na ang sobrang


paggamit ng media ay maaaring magbigay sa tao ng isang ilusyong
pananaw ng katotohanan batay sa pinakamadalas ulitin at mga konsistent
na mensahe sa partikular na midyum.
Larangan ng Politika
Mga Pilosopiyang Pampulitika

• Kilala din ito sa tawag na teoryang political


(political theory) na kung saan ay pinag-aaralan
nito ang mga paksang may kaugnayan sa politika,
kalayaan, katarungan, pagmamay-ari, karapatan,
batas, at ang pagpapatupad sa batas ng mga
kinauukulan. Tumutukoy ito sa pangkalahatang
pananaw o tiyak na etika, paniniwala o
ideolohiyang pampulitika.
Mga Maimpluwensyang Pilosopo ng
Politika

1. Thomas Aquinas - Binigyan niya ng sintesis o pag-


uugnay ang mga turo ng Kristyano at mga turo ng
Peripatetic (Aristotelian) sa kanyang Treatise on
Law na kung saan ay kanyang binigyang-diin ang biyaya
ng Maykapal na higit na mataas ng na banal pag-iisip na
kabutihan (higher reason)- (divine virtues)- na makikita
binibigyang sa batas ng daan tao sa pamamagitan
asambleya ng makatwirang lóamamahala (righteous
government)
2. Aristotle – Siya ay kilala sa kanyang teorya na ang ay mga hayop sa
lipunan (social animals), at ang polis (Sinaunang Syudad Estado ng
Griyego) ay umiral upang magdala ng kabutihan sa buhay na angkop mga
hayop.

3. Jeremy Bentham – Siya ang unang nag-isip na suriin ang hustisyang


panlipunan (social jusctice) sa larangan ng pag-maximize sa pinagsama-
sama o pangkalahatang benepisyo ng mamamayan.

4. Confucius - Siya ang unang nag-isip na iugnay ang etika sa larangan ng


kaayusang pampulitika.

5. John Dewey - Kasama siya sa mga nagtatag ng pragmatism at nagsuri


sa mahalagang papel na ginagampanan ng edukasyon sa larangan ng
demokratikong pamahalaan.
6. Friedrich Hayek - Kanyang naging argumento na ang sentral na pagpaplano ay
hindi sapat (inefficient) sa kadahilanang ang mga kasapi ng sentral na pamahalaan ay
hindi kayang tumbasan ang kagustuhan o preferences ng mga kumukonsumo o
manggagawa sa kasalukuyang kondisyon.

7. Thomas Hobbes - Siya ang itinuturing na unang nagbigay ng artikulasyon kung


paanong ang konsepto ng kasunduan sa lipunan (social contract) ay binigyan ng
paliwanag o justification ang kilos ng mga namumuno o rulers ay maiuugnay sa
pagsilang ng soberenya (sovereignty).

8. Immanuel Kant - Naging argumento ni Kant na ang partisipasyon ng lipunan ng


sibilyan (civil society) ay isinagawa hindi para sa sariling kapakanan (Thomas
Hobbes), kundi isang moral na tungkulin. Siya ang unang makabagong pilosopo na
ganap na nagsuri sa istruktura at kahulugan ng obligasyon.

9. John Locke - Inilarawan ni Locke katulad ni Hobbes ang teorya ng kasunduan sa


lipunan (social contract theory) batay sa pundamental na karapatan ng mg a
mamamayan sa estado ng kalikasan.
10. James Madison - Siya ay isang Amerikanong politiko na sumunod sa
yapak ni Jefferson, ang a "Ama ng Saligang Batas" at "Ama ng Bill of
Rights" ng EstadOS Unidos. Pinaniniwalaan ni Madison ang hiwalay na
kapangyarihan 0 separation Of powers at nagmungkahi ng isang
komprehensibong set ng pagsisiyasat at balanse (checks and balances) na
kailangan upang maprotesyunan ang karapatan ng indibidwal mula sa
tiranya ng nakararami (tyranny of the majority).

11. Karl Marx - Siya ang bumuo ng konsepto ng ideolohiya sa


kahalagahan ng paniniwala na siyang humulma at kumontrol sa aksyon ng
lipunan. Kanyang sinuri ang pundamental na kalikasan ng klase ng
mekanismo ng pamamahala at interaksyon sa lipunan.

12. Plato - Isinulat ni Plato ang The Republic na kung saan ay kanyang
inilahad ang kanyang pilosopiya ng politika.
13. Adam Smith - Karaniwan na siya ang itinuturo na siyang nagtatag ng
makabagong ekonomiya; ipinaliwanag ang pagkakaroon ng benepisyong
pang-ekonomiya mula sa sariling interes na gawi (self-interested
behavior) ng mga mga manggagawa at mangangalakal.

14. Thomas Jefferson - Isang politiko at teorist noong American


Enlightenment. Pinalawig niya ang pilosopo ni Thomas Phane sa
pamamagitan ng Republicanism sa United States.

15. Dr. Jose P. Rizal - Si Rizal ay isang ilustrado na may pananaw na ang
sinakop na bansa katulad ng Pilipinas ay hindi dapat na pagsamantalahan,
sa halip ay nararapat itong paunlarin, gawing sibilisado, turuan, at sanayin
sa siyensya ng sariling pamamahala.
Larangan ng Teknolohiya
Teknolohiya

• Ang teknolohiya ay tumutukoy sa paggamit ng siyentipikong kaalaman upang


makalikha ng kapaki-pakinabang na mga kagamitan.

• Ang information technology ay malawak na klase ng teknolohiya batay sa


makina o machines na nagpoproseso ng mga datos at nagsasagawa ng
kalkulasyon sa mataas na bilis (high speed) na kilala sa tawag na computer.

• Sa kabilang dako, ang networks naman ay tumutukoy sa mga ugnayan o links


na kung saan ay hinahayaan ang mga devices na magbahagi ng datos.

• Ang internet of things naman ay tumutukoy sa mga kasanayan ng pagsa-sama


ng computer, sensor, at kapabilidad ng network sa pang-araw-araw na kagamitan
o Objects na katulad ng infrastraktura.
Kabutihan ng Teknolohiya sa Larangan ng
Kalakalan

1. Makapagliligtas ng oras, lakas, at salapi


2. Pagtaas ng antas ng produksyon
3. Pagpapabuti ng palitail ng impormasyon
4. Makatutulong ang teknolohiya upang makabuo ng mas
magandang bentahe (competitive advantage) sa
larangan ng kalakalan.
Negatibong Dulot ng Teknolohiya sa
Kalakalan
1. Ang pagbili ng mga kagamitang pangteknolohiya ay may taglay na
kamahalan na masakit sa bulsa ng mga nagnenegosyo, lalong higit
kung maliit na negosyo lamang ang ating pag-uusapan.

2. Bukod sa nabanggit na usapin sa itaas, dapat ding tingnan na ang


teknolohiya sa kasalukuyang panahon ay mabilis ding maluma.

3. Ang tao ang masyadong magaling na mag_ access sa mga remote na


database kung kaya nagagawa nilang magnakaw ng mga
mahahalagang datos sa isang negosyo upang ito ay gamitin sa
kanilang mga personal na interes at pangangailangan.
4. Ang labis na pananalig ng tao sa teknolohiya ang pumapatay sa
napakahalagang pundasyon ng isang kumpanya—ang human
resources at human relations. Ang paggamit ng email, telepono, text
messages, video conferencing at marami pang iba ang dahilan kung
bakit naisasantabi na lamang ang makipag-usap nang harapan o
face to face. Dahil din sa automation, nababawasan ang
partisipasyon ng tao sa pagbuo ng isang produkto na nagiging
dahilan kung nababawasan ang kaligayahan ng tao sa
kinalalabasang produkto.
Kabutihan ng Teknolohiya sa Larangan ng
Edukasyon

1. Ang teknolohiya ay nakatutulong sa indibidwal na proseso


ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.

2. Ginagamit na rin ang teknolohiya sa interaksyon ng mga


mag-aaral at daluguro sa loob ng klase.

3. Malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng


mga mag-aaral na magsulat at magbaybay.
4. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para
sa mga pangkatang gawain at pagkatuto ng mga mag-aaral.

5. Inihahanda ng teknolohiya sa klase ang mga mag-aaral sa


totoong mundo ng trabaho na kailangan nilang harapin sa
hinaharap.

6. Ginagawang simple ng teknolohiya ang trabaho ng isang


dalubguro.
Negatibong Dulot ng Teknolohiya sa
Larangan ng Edukasyon

1. Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang


gumamit ng teknolohiya dahil na rin sa halaga na kailangang
gugulin upang magkaroon nito para sa bawat mag-aaral;

2. Maaari itong makasagabal sa mga gawaing pagkatuto dahil


mga applications na taglay nito katulad ng facebook, youtube,
twitter, at marami pang iba.

3. Ang paggamit hg teknolohiya ay nangangailangan ng ibayong


pagsasanay o kasanayan ng parehong dalubguro at mga mag-
aaral.
Paggamit ng Teknolohiya Upang Sagutin
ang isang Usapin

Ang mga sumusunod ay ang proseso na dapat isaalang-alang


upang solusyunan ang isang suliranin gamit ang teknolohiya:

1. Pagtukoy at pag-unawa sa suliranin sa pamamagitan ng


obserbasyon;
2. Pagbuo ng plano kung paano dapat na bigyan ng solusyon
ang suliranin;
3. Pagpapatupad o implementasyon ng plano;
4. Pagsusuri o ebalwasyon sa isinagawang implementasyon ng
plano;
Mga Teorya na may Kaugnayan sa
Teknolohiya

1. Deskriptibo na teorya - ay isang pagtatangka na sagutin o


tukuyin ang kahulugan at kabuluhan ng teknolohiya,
pamamaraan kung paano ito nakilala o lumitaw, nagkaroon
ng pagbãbago o development, at ang ugnayan nito sa tao at
lipunan.

2. Kritikal na teorya - kadalasang ginagamit ang teoryang


deskriptibo bilang batayan ng artikulasyon ng kanilang
mga usapin, pagsusuri kung anong paraan ng ugnayan ang
maaari pang baguhin.
Mga Dulog Deskriptibo (Descriptive
Approach)

1. Panlipunang Pagbuõ ng Teknolohiya (Social


Construction of Technology-SCOT) - Pinaniniwalaan
ng teorya na ito na ang hindi ang teknolohiya ang
nagpapasya sa kilos o aksyon ng tao, bagkus ang kilos
o aksyon ng tao ang siyang bumubuo o gumagawa ng
teknolohiya.

Kasama sa pangunahing konsepto nito ahg mga


sumusunod:
a. Interpretative flexibility - nangangahulugan ito na mayroong pleksibilidad
kung paano nag-iisip ang tao o kung paano niya binibigyan ng interpretasyon ang
artifacts, maging kung paano nagkakaroon ng pleksibilidad kung paano ang
hinulma o binigyang disenyo ang artifacts;

b. Relevant social group - inilalarawan nito ang pangkãt na mayroong


magkakatulad na pagpapakahulugan hinggil sa artifact;

c. Closure and stabilization - dito naman ay ipinakikita kung paanong ang isang
mahalagang pangkat ay nakaaabot sa mabuting pagpapasya o consensus;

d. Wider context - Ang sosyo-kultural at kalagayang pampulitika ng isang


pangkat sa lipunan ay hinuhulma ang kanyang norms at values, na sa bandang
huli naman ay nakaiimpluwensya sa kahulugan na ibinibigay sa artifact.
2. Actor-network theory (ANT) - nagtataglay ito ng magkakahalong network
(heterogeneous network) ng mga tao at mga hindi tao (humans and non-humans)
bilang magkakapantay na magkakaugnay na mga aktor.

3. Structuration theory - binibigyan nito ng depinisyon o kahulugan ang


istruktura bilang panuntunan (rules) at pinanggagalingan (resources) na isinaayos
bilang pagmamay-ari ng sistemang panlipunan.

4. Systems theory - Itinuturing nito ang historikal na pag-unlad ng teknolohiya at


media na may emphasis o pagpapahalaga sa inertia at heterogeneity, binibigyang
diin ang koneksyon sa pagitan ng artifact na binubuo at ng lipunan, ekonomiya,
politikal, at mga kultural na salik na nakapaligid dito.

5. Activity Theory - Itinuturing nito ang buong sistema ng paggawa/aktibidad


(kasama ang pangkat, organisasyon, at iba pa) lampas sa ibang aktor o
gumagamit.
Dulog Kritikal

• Higit sa deskriptibong dulog ang pagtingin ng teoryang


kritikal kung paano umiinog ang mga bagay, at pag-aaral
kung bakit naging ganito ang paginog, at kung paano ito
hindi dapat na uminog sa ganitong paraan.

• Ang kritikal na teorya ay isang anyo ng arkeolohiya na


sinusubukan na maging malapit sa common-sense na pag-
unawa upang ilantad ang ugnayang kapangyarihan (power
relationships) at interes na tumutukoy sa tiyak na
teknolohikal na konpigurasyon at gamit.
Iba pang Paniniwala o Pananaw

• Maraming paham o mga author ang gumagamit ng


teknolohiya upang bigyan ng kritiko at bigyang diin ang
aspeto ng teknolohiya na tumutugon sa mga pangunahing
teorya. Mayroong gumamit ng teknolohiya bilang teksto
upang bigyan ng kritiko ang sosyolohiya ng siyentipikong
kaalaman (sociology of scientific knowledge) na ginagamit sa
teknolohiya at upang paghambingin ang tatlong tigon sa
nosyon na: instrumental na tugon (interpreive flexibility),
interpretivist na tugon (environmental/ organisasyunal na mga
inpluwensya (environmental/ organizational influences),
reflexive na tugon (double hermeneutic).
Teorya ng Pangkat - Maraming teorya na may kaugnayan sa
teknolohiya ang SUmasagot sa mga usapin kung paano ang
teknolohiya ng media ay nakaaapekto sa Proseso ng pangkat. Sa
malawak na pagtingin, ang mga teoryang ito ang tUmutukoy sa
epekto ng komunikasyon ng media sa lipunan.
Ilan sa mga Sabkategorya ng teorya ng pangkat ay ang sumusunod:

1. Presensya ng Lipunan (Social Presence)


2. Kayamanan ng Media (Media Richness)
3. Pagiging Likas ng Media (Media Naturalness)
• Pinaniniwalaan ng teorya ng presensya ng media (social presence) na
epektong panlipunan (social impact) ng midyum ng komunikasyon ay
nakabatay sa presensya ng lipunan na hinahayaan ng mga kasangkot
(communicators).

• Teorya ng kayamanan ng media (media richness). Pinaniniwalaan ng


teorya na ito na ang pangunahing layunin ng komunikasyon ay ang
masolusyunan ang kaguluhan at mabawasan ang hindi pagiging tiyak.

• Ang teorya ng pagiging likas ng media (media naturalness theory) ay


naniniwala na simula pa nang panahon ng bato (Stone age), ang ating mga
ninuno ay nakikipagtalastasan nang harapan (face-to-face), ang pwersa ng
ebolusyon ay nagbunga ng pag-unlad ng utak na nakabatay sa para sa
anyo ng komunikasyon.
Iba pang Teorya na may Kaugnayan sa
Teknolohiya
1. Techno-optimism - Ipinaliliwanag ng teoryang ito na ang pag-unlad ng
teknolohiya ay tama at positibo; higit na matimbang ang maibibigay ng teknolohiya
kaysa panganib na katambal nito; maitutuwid ng pag-unlad o progreso ang
anumang usapin o suliraning ibinigay ng kasalukuyan at nakaraang teknolohiya.

2. Techno-scepticism - Sinasabi ng teoryang ito na ang pag-unlad ng teknolohiya


ay isang maling konsepto; ang kontrol ng makapangyarihang mga korporasyon at
estado sa teknolohikal na pag-unlad ay labag sa demokrasya o anti-democratic; na
ang bisyon o paniniwala na laging solusyong teknolo hikal sa mga usaping
panlipunan at maging suliraning pangkalikasan ay isang delikadong sapantaha o
ilusyon.

3. Technological determinism - ay nag-ugat sa paglago ng bayolohikal at


panlipunang siyensya noong ika 18 at 19 na siglo at sa malawakang interes sa ideya
ng modernisasyon at pag-unlad.

You might also like