You are on page 1of 5

WESLEYAN

An Autonomous Methodist University


Mabini Ext., Cabanatuan City, Nueva Ecija 3100

KOLEHIYO NG AGHAM AT SINING

Instruksyong Modyular sa kursong


Fil 2- Filipino sa Iba`t Ibang Disiplina

MODYUL 11

ARALIN2: BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA

I. Introduksyon

Isa lamang ang pagbasa sa makro kasanayang dapat mabatid at mapagyaman ng bawat isa.
Napakahalaga ang pagbasa sa buhay ng tao ito ang lumilikha ng unawaan sa pagitan ng bawat isa.
Ngunit ang sabi nga ni Gustave Flaubert “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin
ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
Dahil ang pagbasa ay nagbibigay ng malawak na kaalaman at karanasan sa ibabaw ng daigdig. Sa
pagbabasa naman ng bibliya ay nakakatuklas tayo ng mga katotohanang aral mula rito. Ito ang
magiging daan natin upang mamulat tayo sa katotohanan, pagiging mabuting indibidwal at taga
sunod ng Diyos.
Sa modyul na ito tatalakayin ang kahulugan ng pagbasa, uri ng pagbasa, proseso at katangian
ng pagbasa, layunin at teorya ng pagbasa. Mabibigyan linaw ang mga paksang ito sa patuloy mong
pagbasa sa modyul na ito.

Mga inaasahang matutuhan sa kurso

1. Matukoy ang kahulugan ng pagbasa at ang kahalagahan nito.


2. Maiisa isa ang mga pananaw sa pagbasa.
3. Mabigyang pagkakaiba ang masining at mapanuring pagbasa.
4. At maiugnay ang pagbasa at pag-unawa.
II. Pagtalakay sa Aralin

Pagtalakay sa Aralin

Read

Panuto: Pumili ng isang patalastas na madalas napanonod sa telebisyon. Bumuo kayo ng grupo
5 na miyembro sa bawat grupo.
1. Isaisahin ang dahilan na nakahihikayat sa iyo bilang taganood.
2. Ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
3. Paano ito nakakatulong sa iyong buhay?
4. Ibahagi mo ito sa klase sa pamamagitan ng Synchronous session.

Basahin

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na paksa. Itala ang mga mahahalagang impormasyon.

Si Dr. William S. Gray (1885-1960) ay isang Amerikanong edukador at tagapagtangkilik ng


literasiya o kaalaman at kakayahan sa pagbasa at pagsulat. Tinagurian siyang "Ama ng Pagbasa" dahil
sa angking kahusayan sa pag-aanalisa ng mga bagay- bagay at dahil na rin sa kahusayan sa gramatika.

KAHULUGAN NG PAGBASA

• Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag at nakalimbag
upang mabigkas nang pasalita (Autero, et al., 1999).
• Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan ng kahanay ng pakikinig at pagsulat
(Bernales, et al.,2001).
• Ayo kay Goodman , ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game(Badayos, 2000).
- Pagbubuo ng bagong kaisipan
PROSESO/HAKBANG NG PAGBASA
Ayon kay Leo Fay ( sa Tuazon et.al 2007) may apat na hakbang ang kasanayan sa pagbasa at ito
ay ang mga sumusunod:

1. Persepsyon- pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga
simbulong nababasa.

2. Komprehensyon- pinoproseso ang mga impormasyong ipinahahayag ng mga simbulong


nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon- hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng
isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon- isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman.
5. Integrasyon – application (optional)

LEBEL NG PAG-UNAWA SA PAGBASA

➢ Interpretatibong lebel- ano ang talagang gustong sabihin ng awtor (implicit)


➢ Analitical na lebel- mga kakayahang makilala ang mga pamamaraang retorikal na ginamit ng
awtor. (applied)
➢ Kritikal na lebel- pagmonitor ng sariling pagbasa bilang mambabasa; ebalwasyon ng bisa ng
awtor. (applied)
MGA LAYUNIN NG PAGBASA
• Nagbabasa tayo upang maaliw
• Nagbabasa tayo upang tumuklas ng baging kaalaman at maiimbak sa ating isip. Mabatid ang iba
pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
• Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating.
• Napag-aaralan natin ang ibang kultura ng lahi upang mabatid ang pagkakkatulad at pagkakaiba
nito sa kulturang ating kinagisnan.

MGA PANANAW O TEORYA SA PROSESONG SIKOLOHIKAL NG PAGBASA

▪ TEORYANG BOTTOM-UP – Ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o naggaling sa


tagabasa kundi sa teksto. Tinatawag ito na “outside-in” o “data-driven”.
▪ TEORYANG TOP-DOWN -Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top)
tungo sa teksto (down). Naimpluwensyahan ng sikolohiyang Gestalt na nagsasabing ang
pagbasa ay isang “holistic process”. Tinatawag din itong “inside-out” o “conceptually driven”.
Ang proseso ng pagbasang ito ay nagmumula sa kaalaman at karanasan ng bumabasa patungo
sa layunin ng pagbasa at sa pag-unawa o komprehensyon ng teksto.
▪ TEORYANG INTERAKTIB – paggamit ng mga estratehiya para makabuo ng kahulugan. Ito ay pagu
nawa rin sa wika ng manunulat.
▪ TEORYANG ISKEMA – Pinaniniwalaan ang teksto ay walang kahulugang taglay sa sarili. Ang
dating kaalaman at mga kayariang balangkas ng dating kaalaman ang iskemata.

Upang higit na maunawaan ang halaga ng pagbasa basahin ang sanaysay ni Tyrone Van Kirk C. Regal
https://www.academia.edu/25529651/Kahalagahan_ng_Pagbabas a tungkol sa pagbasa

(Reflect)

Sa pagbasa ng sanaysay ni Tyrone Van Kirk C. Regal ipahayag ang pagkaunawa sa loob ng isang talata.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

Pagtataya

(Respond) Assignment

Ipakita sa pamamagitan ng illustrasyon (sequence chart, hierarchy chart, t-chart) ang bottom-up at
topdown. (5 puntos)

Pagbubuod

Ang pagbasa ay nagbibigay ng malawak na kaalaman at karanasan. Nagkakaroon ng tiwala sa


sarili ang isang taong palabasa. May lakas siya ng loob na makihalubilo o humarap sa mga kilalang tao
dahil meron syang sapat na kaalaman sa lahat ng bagay. May apat na hakbang ang pagbasa ayon kay
Leo Fay ito ay ang persepsyon, komprehensyon, reaksyon, asimilsyon. Ang hakbang na ito ay
nagpapakita kung paano nagaganap ang epektibong pagbasa. Tinalakay rin sa modyul na ito ang teorya
sa prosesong sikolohikal ng pagbasa. Ang bottom-up, top down,interaktib. Mayroon silang ibat ibang
katangian sa larangan ng pagbasa.

Sanggunian:

Angeles, cristina I. 2017, Panadaylahi 1. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Plipino.


Pandya-lahi Publishing House. Muntinlupa City.

Conatantino, Pamela C. At Monico M. Atienza (ed) 1996. Mga piling Diskurso sa wika at Lipunan.
University of the Philippines Press. Quezon City.

https://www.academia.edu/25529651/Kahalagahan_ng_Pagbabas a

You might also like