You are on page 1of 11

LESSON EXEMPLAR SA GRADE-11 FILIPINO

I.LAYUNIN

A. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik F11PU-IVef-91

a.1.Natatalakay ang iba’t ibang desenyo ng pananaliksik na magagamit sa pagbubuo ng


pananaliksik.

a.2. Naiisa-isa ang mga teknik na magagamit sa pagpili ng mga respondyente.

a.3. Natutukoy ang mga instrumentong magagamit sa pangongolekta ng mga datos.

Paksa:
Paksang Aralin:Pagsulat ng Unang Draft ng Metodo ng Pananaliksik

Kagamitan: Laptop, Projector,Yeso at Pisara


Sanggunian: https://link.quipper.com

II. PAGPAPALAWAK NG ARALIN

A.PAGGANYAK (Minute to Win It)

Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral upang mapag-usapan ang maaaring
maging sagot sa mga sumusunod na sitwasyon. Kinakailangang maisagawa ito sa pamamagitan
ng isang minuto.

Unang Pangkat:
Papaano makakadaan ang isang pilay at isang kuba sa isang daan na bawal dumaan ang
may kapansanan? Anong paraan ang kanilang gagawin upang makadaan?

Ikalawang Pangkat:
Naatasan kayo ng inyong guro na magpasagot ng isang talatanungan sa 20 mag-aaral na
inyong isusumite ang resulta nito kinabukasan, gayunman, hindi ninyo ito naisagawa sa araw na
iyon dahil sa malakas na ulan. Ano ang paraang inyong gagawin upang makakuha ng 20 mag-
aaral?

Ikatlong Pangkat:
Ipapabasa sa inyo ang 20 uri ng prutas. Bibigyan kayo ng tatlong minuto upang mag-isip ng
paraan kung papaano ito matatandaan. Anong paraan ang inyong gagawin?

B. PAGBASA

ANG KAHALAGAHAN NG METODO O PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

Ang anomang sayantipikong gawain gaya ng pananaliksik ay nangangailangan ng


mabuting pamamaraan upang maisagawa ito nang tama. Ang pamamaraan ang magsisilbing
gabay kung papaano isasagawa ang isang gawain. Nakasalalay ang mabuting bunga ng isang
gawain sa isang angkop at mabuting pamamaraan na gagamitin.
Ang pagbubuo ng pananaliksik ay nangangailangan ng mabuting pamamaraan upang
matiyak ang pagkakaroon ng mabuting daloy sa pagsasagawa nito.
Ano ang Pamamaraan o Metodolohiya
Ang metodolohiya ay ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang mga
suliranin ng kanilang pag-aaral o para malaman ang kasagutan sa kanilang suliranin. Dahil sa
tamang pagpili ng metodolohiyang magagamit sa pananaliksik, magiging eksakto sa mananaliksik
ang makita ang sagot na nais niyang mabatid. Nakatutulong din ito sa pagbubuo ng tamang
intrerpretasyon sa mga nakalap na datos na magiging basehan ng mabubuong kongklusyon at
rekomendasyon.
Kabilang sa bahagi ng Metodolohiya ng pananaliksik ang mga sumusunod:

1. Desenyo ng Pag-aaral
2. Pagtukoy sa mga Respondyente
3. Teknik sa Pagpili ng mga Respondyente
4. Lugar ng Pag-aaral
5. Instrumento sa Paglilikom ng Datos
6. Istatistikong Panunuri/Panunuri gamit ang Graf o Talahanayan

Ano ang Desenyo ng Pag-aaral?

May iba’t ibang desenyo na maaaring magamit sa pananaliksik. Kabilang sa mga


gagamiting desenyo ang mga sumusunod:

1. Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive-survey Research)


Naglalayon ang desenyong ito na ilarawan ang epekto ng isang penomena.
2. Pangkasaysayang Pananaliksik (Historical Research)
Naglalayon ang desenyong ito na pag-aralan ang mga nakaraan upang maiugnay sa
kasalukuyang kaganapan. Kadalasang nakatuon ang desenyong ito sa pagsusuri sa
mga dokumento.
3. Pananaliksik na Eksperimental (Experimental Research)
Naglalayon ang desenyong ito na mapaghambing ang resulta ng dalawang baryabol
na ang isang ay sumailalim sa manipulasyon. Karaniwang pinapatnubayan ito ng
hipotesis.

4. Case Studies
Naglalayon ang desenyong ito na pag-aralan ang isang particular na kaso o gawi.
Kadalasang ginagamit ito sa isa o kakaunting respondyente upang mapag-aralan
ang particular na ikinikilos o ginagawi ng mga ito.

5. Correlational
Naglalayon itong malaman ang ugnayan sa isa’t isa ng dalawa o higit pang baryabol.
Nagagamit ito upang mahinuha ang posibleng mangyari sa hinaharap.

6. Etnograpiko
Karaniwang ginagamit ito sa mga pag-aaral na nakaugnay sa kultura.

Sino ang mga Respondyente at papaano sila pinipili?

Ang mga respondyente ay ang mga kalahok sa pag-aaral. Sa kanila magmumula ang mga
kinakailangang datos sa pag-aaral. Karaniwang sila ang sumasagot sa mga talatanungan,
pakikipanayam at sumasailalim sa obserbasyon ng mananaliksik. Ang anomang impormasyon na
magmumula sa kanila ay lubhang mahalaga sa mananaliksik upang maisagawa ang kanyang pag-
aaral. Papaano nga ba pinipili ang mga respondyente?
May iba’t ibang teknik na maaaring magamit sa pagpili ng mga respondyente.
Kinakailangan ito upang maging sistematiko ang pagpili. Malahaga rin ito upang hindi masabing
naging bias ang mananaliksik sa pagpili ng mga respondyente. Sampling ang karaniwang
ginagamit sa pagpili ng mga respondyente. Makikita sa talahanayan ang halimbawa ng mga ito.

Maliban sa mga nabanggit, maaari ring magamit ang purposive sampling at convenient
sampling. Ang purposive sampling ay ginagamit kapag ang mga respondyente ay pipiliin batay sa
tiyak na layunin ng pananaliksik. Samantala, ang convenient sampling naman ay masasabing
magaan sa mananaliksik dahil maaaring mga kakilala o kalapit-bahay lamang niya ang magiging
respondyente.

Ano ang Lugar ng Pananaliksik

Ang lugar ng pananaliksik ay tumtukoy sa particular na lokasyon kung saan isasagawa ang
pag-aaral. Tumutukoy rin ito sa haba ng panahon kung kailan ito isasagawa.

Ang Pangangalap at Paglikom ng Datos

Lubhang mahalaga sa pananaliksik ang mga datos dahil ito ang isasailalim sa istatistikang
pagsusuri upang mabigyan ng interprestasyon. Kaya naman, mahalagang maging sistematiko ang
isang mananaliksik sa paglikom ng mga ito. Papaano nga ba ang tamang paraan ng paglilikom ng
mga datos?

May iba’t ibang paraan na maaaring magamit sa paglikom ng mga datos. Ang ilan sa mga
ito ay ang mga sumusunod:

1. Paghahanap ng mga impormasyon sa mga aklat, internet at iba pang babasahin.

Sa pagsasagawa nito, kinakailangang isaalang-alang ang sumusunod:

 Tiyaking maging mapanuri sa pagkuha ng datos o impormasyon


 Gumamit ng maraming bilang ng sanggunian at huwag masiyahan sa iisang
sanggunian lamang.
 Tiyakin din ang pagiging napapanahon ng mga impormasyon.
 Kung maaari, tiyakin na ang mga otoridad na pinagmulan ng impormasyon ay
may kredibilidad o eksperto/dalubhasa sa kanyang larang.
2. Pagsasagawa ng sarbey

Ang questionnaire o talatanungan ang karaniwang ginagamit sa pagsasagawa ng


sarbey. Ito ang pinakamabilis na paraan sapagkat may tiyak na katanungan na
sinasagot ang mga respondyente. Karaniwan din ang pagkakaroon nito ng tiyak na
sagot na pagpipilian. Sa paggamit ng sarbey, kinakailangang isaalang-alang ang
mga sumusunod:

 Mainam na gamitin ito sa mas malawak na sakop ng respondyente.


 Tiyaking may pagpipiliang sagot ang respondyente upang maging konbinyente
sila sa pagsagot.
 Makakabubuti rin na nasa anyong tseklist ito.
 Tiyaking mababasa at mauunawaan ng mga respondyente ang diwang
nakapaloob sa bawat pahayag.

3. Pakikipanayam

Ito ang direktong paghahanap ng mga impormasyon na magkaharap ang


mananaliksik at ang taong magbibigay ng impormasyon. Mabuti ang ganitong
pamamaraan lalo na kung may nais linawin na kasagutan ang mananaliksik. Sa
pagsasagawa nito, kinakailangang isaalang-alang ang sumusunod:

 Makabubuting bigyan ang kinapapanayam ng letter of consent ng kanilang


pakikilahok sa pag-aaral
 Tiyaking may dalang interview guide ang mananaliksik upang maging mabuti ang
daloy ng pagtatanong.
 Planuhing mabuti ang itatanong.
 Tiyakin sa kinapapanayam na ang mga impormasyong kanyang ibibigay ay
magiging kumpidensyal at magagamit lamang sa pag-aaral.
 Humingi ng pahintulot sa napiling taong kakapanayamin bago ito isagawa.
 Humingi ng pahintulot sa kinapapanayam kung gagamit ng recorder o video.
 Maging magalang at mapagpasalamat matapos ang panayam.

Bakit mahalaga ng panunuring istatistika sa pananaliksik?

Hindi lahat ng pananaliksik ay ginagamitan ng istatistikang pagsusuri gaya ng mga


deskriptibong pag-aaral. Samantala, sa ibang pag-aaral lubhang mahalaga ang panunuring
istatistika upang maging katanggap-tanggap ang resulta ng pag-aaral. Masasabing ang mga
resulta ay hindi hinulaan dahil dumaan ito sa pagtutuos gamit ang iba’t ibang istatistikang
pamamaraan. Kabilang sa mga istatistikang panunuri na ginagamit ay ang pagkuha sa bahagdan,
mean, rank and percentile, Pearson R, at iba pa.

Bakit mahalaga ang mga hakbang na isasagawa upang maisakatuparan ang pananaliksik?

Bawat mananaliksik ay may mga hakbang na isasagawa upang maisakatuparan ang


kanyang ginagawang pag-aaral. Ito ang maituturing niyang proseso sa kanyang pagsasagawa.
Kinakailangang mailahad ang mga hakbang na ito upang maging maging malinaw sa sinomang
nagbabasa ng kanyang pag-aaral.
C. PAGPAPAYAMAN NG MGA TALASALITAAN

C.1. Paggamit ng Puno ng Morpema

Panuto: Mula sa salitang METODOLOHIYA o PAMAMARAAN , isulat mo sa loob ng


kahon ang mga konseptong nararapat mong bigyan ng higit na pansin o pag-aaral. Sa ibaba
ng puno ng morpema, isulat mo ang iyong pagpapakahulugan sa mga ito.

METODOLOHIYA O PAMAMARAAN

1. ______________________________________________________________

2. ______________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. ______________________________________________________________
c.2. Pagbuo ng Crossword Puzzle

Hatiin sa tatlong pangkat ang klase upang bumuo ng crossword puzzle batay sa mga
hinihinging kasagutan sa ibaba. Matapos maisagawa ang mga crossword puzzle, ibibigay ito
sa ibang pangkat upang masagutan.

 Unang Pangkat:

Sampling Baryabol Instrumento Desenyo Metodo

 Ikalawang Pangkat:

Talatanungan Intervyu Sarbey Respondyente Istatistika

 Ikatlong Pangkat

Historikal Deskriptibo Correlational Eksperimental Etnograpiko

D. PAG- UNAWA SA BINASA

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mahalagang gampanin ng metodolohiya o pamamaraan sa pagbubuo ng isang


pananaliksik?
2. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng desenyo sa pag-aaral at saang particular na pag-aaral
ginagamit ang mga ito?
3. Papaano maipapakita ang pagiging hindi bias sa pagpili ng mga respondyente?
4. Isa-isahin ang mga instrumento na magagamit sa paglilikom ng datos. Ano-ano ang
bentaha ng bawat isa?
5. Bakit mahalaga sa ibang pananaliksik ang panunuring istatistika?

III. MGA GAWAIN

A. Dalawahang Gawain

Desenyo Ko, Tukuyin Mo

Panuto: Sa tapat ng bawat pamagat ng pananaliksik, tukuyin kung anong desenyo ng pag-
aaral ang nararapat gamitin. Isulat ito sa patlang.

Pamagat ng Pananaliksik Uri ng Desenyo na Gagamitin

Ang Epekto ng Pagteteks sa Pormal na


Pagsulat ng mga Mag-aaral
Ang Ugnayan ng Istilo ng Pag-aaral sa
Academic Performance ng mga SH na
Mag-aaral
Ang Kabataang Pilipino sa Konteksto ng
Pelikulang Pilipino: Noon at Ngayon
Ang Paggamit ng Musika sa Pagtuturo
ng Matematika
Ang Ritwal ng mga Aeta: Implikasyon sa
Pagpapayaman ng Kulturang Pilipino

B. Pangkatang Gawain

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat, bawat pangkat ay kinakailangang punan ng
impormasyon ang talahanayan.

Unang Pangkat

Tukuyin ang mga datos na kinakailangan upang maisagawa ang mga sumusunod na
pananaliksik. Tukuyin din kung saan ito makukuha.

Pamagat ng Pananaliksik Datos na Kinakailangan Hanguan ng


Datos
Ang Epekto ng Pagteteks sa
Pormal na Pagsulat ng mga
Mag-aaral
Ang Ugnayan ng Istilo ng
Pag-aaral sa Academic
Performance ng mga SH na
Mag-aaral
Ang Kabataang Pilipino sa
Konteksto ng Pelikulang
Pilipino
Ang Paggamit ng Musika sa
Pagtuturo ng Matematika
Ang Ritwal ng mga Aeta:
Implikasyon sa
Pagpapayaman ng Kulturang
Pilipino

Pangalawang Pangkat

Tukuyin kung sino ang mga respondyente at papaano sila pipiliin.

Pamagat ng Pananaliksik Respondyente Teknik sa Pagpili

Ang Epekto ng Pagteteks sa


Pormal na Pagsulat ng mga
Mag-aaral
Ang Ugnayan ng Istilo ng
Pag-aaral sa Academic
Performance ng mga SH na
Mag-aaral
Ang Kabataang Pilipino sa
Konteksto ng Pelikulang
Pilipino
Ang Paggamit ng Musika sa
Pagtuturo ng Matematika
Ang Ritwal ng mga Aeta:
Implikasyon sa
Pagpapayaman ng Kulturang
Pilipino

Pangatlong Pangkat

Tukuyin kung anong instrumento ang gagamitin sa pagtitipon ng datos.

Pamagat ng Pananaliksik Mahalagang Datos Instrumento sa


Paglikom ng
Datos
Ang Epekto ng Pagteteks sa
Pormal na Pagsulat ng mga
Mag-aaral
Ang Ugnayan ng Istilo ng
Pag-aaral sa Academic
Performance ng mga SH na
Mag-aaral
Ang Kabataang Pilipino sa
Konteksto ng Pelikulang
Pilipino
Ang Paggamit ng Musika sa
Pagtuturo ng Matematika
Ang Ritwal ng mga Aeta:
Implikasyon sa
Pagpapayaman ng Kulturang
Pilipino
C. Paglalahat

Gamit ang akrostik na METODO, ilagom ang iyong napag-aralan sa araling ito.

M
E
T
O
D
O

D. Paglalapat

D 1.Dugtungan ang mga pahayag batay sa araling iyong pinag-aralan.

1. Mahalaga ang desenyo ng pag-aaral sa pananaliksik dahil


________________________________________________________

2. Nararapat isaalang-alang sa pakikipanayam ang


________________________________________________________

3. Upang maging hindi bias sa pagpili ng mga respondyente, kinakailangang maisagawa


ko ang ________________________________________

4. Sa pangangalap ng impormasyon gamit ang sarbey, kinakailangang isaalang-alang ko


ang sumusunod: ____________________________

5. Napakahalaga ng panunuring istatistika sa ibang pag-aaral upang maging


________________________________________________________.

D.2. Anong teknik sa pagpili ng respondyente ang iyong maipapayo sa iyong kaibigan na
magsasagawa ng :

1. Pag-aaral kaugnay sa suliranin ng mga gurong nagtuturo ng Matematika gamit ang


unang wika.

___________________________________________________________

2. Pag-aaral kaugnay ng ugnayan ng Istilo ng mga Pagrererbyu ng mga Mag-aaral sa


kanilang Academic Performance sa Asignaturang Agham.

___________________________________________________________
IV. PAGTATAYA

A. Isahang Pagtataya

Suriin ang pananaliksik na :Suliranin at Estratehiya ng Guro sa Pagtuturo Gamit ang


MTB-MLE, at punan mo ng tamang impormasyon ang talahanayan.

(Maaaring gumamit ng ibang pananaliksik na may available na kopya ang mga mag-aaral)

Desenyo ng Pananaliksik

Respondyente

Teknik sa Pagpili ng Respondyente

Lugar ng Pananaliksik

Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Panunuring Istatistika

B. Pangkatang Pagtataya

Gamitin ang pamagat na Ang Epekto ng Pagteteks sa Pormal na Pagsulat ng mga Mag-aaral
at punan ng mga impormasyon ang talahanayan na posibleng inyong magamit upang mabuo
ang bahaging Metodo ng pananaliksik.
Desenyo ng Pananaliksik

Respondyente

Teknik sa Pagpili ng Respondyente

Lugar ng Pananaliksik

Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Panunuring Istatistika
Pamantayan 3 2 1
Kaangkupan ng mga Angkop na Angkop ang ibang Maraming datos
Datos na angkop ang mga datos subalit may ang nararapat
Kinakailangan datos ilan na baguhin.
nangangailangan
ng pagbabago.

Inihanda nina:

DIBISYON NG ANGELES CITY, PAMPANGA


Nestor C. de Guzman
Aileen B. Yabut
DIBISYON NG BULACAN
Roberto L. Tibus
Ma. Dolores DJ. Pineda
Maria Victoria S. Villanueva
Melanie E. Lotino
DIBISYON NG CABANATUAN
Mary Grace E. Cruz
Jenny Rose A. Oronos
DIBISYON NG MABALACAT, PAMPANGA
Rodel J. David
DIBISYON NG NUEVA ECIJA
Ruth N. Pablo

You might also like