You are on page 1of 2

Santos, Anngelyn Joy M.

BSP-1A

PUTI NG ITLOG BILANG ALTERNATIBONG PAMPAGANDA

A. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang ekspositori,deskriptib at impormatib na pananaliksik. Ito ay napili ng mananaliksik upang mailarawan,maipaliwanag at mailahad ang mga impormasyon at kaalaman patungkol sa kanilang pag-aaral, kaya ang mananaliksik ay bubuo ng sarbey,obserbasyon, at eksperementasyon sa kanilang pag-aaral.

B. Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay isasagawa sa loob ng silid aklatan ng Centro Escolar University na kung saan maaring makakuha ng tiyak na impormasyon sa mga libro at kompyuter.Isasagawa rin ng mga mananaliksik ang pagaaral sa kanilang tahanan sa oras na magsara ang silid aklatan.Ang mga mananaliksik ay maaaring humingi ng permiso sa silid aklatan upang madala sa tahanan ang mga libro.Maaaring ring maisagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa kanilang tahanan sa pamamagitan ng kompyuter at internet upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa kanilang pag-aaral.

C. Mga Hakbangin sa Paglikom ng Datos Ang miyembro ng grupo sa pag-aaral ay hahatiin sa dalawa. Ang unang grupo ay magsasaliksik sa silid-aklatan upang makahanap ng nauugnay sa kanilang pagaaral sa pamamagitan ng mga lokal at banyagang babasahin.Samantalang ang isang grupo naman ay magsasaliksik sa pamamagitan ng lokal at banyagang artikulo gamit ang kompyuter at internet. Ang mga nakalap na impormasyon ng bawat miyemro ay pagsasamahin ng lider upang mabuo mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral sa isinasagawang pananaliksik.

D. Mga Kalahok sa Pag-aaral Kabilang sa pag-aaral na ito ay kapwa mag-aaral ng Centro Escolar University-Malolos na nabibilang sa Unang Taon Pangkat A ng Bachelor of Science in Pharmacy. Ang grupo ay kinabibilangan ng apat na miyembro,tatlong babae at isang lalake na may edad na labing anim hanggang labing-pitong taong gulang.

E. Istatistikal na Paglalapat

You might also like