You are on page 1of 7

Pamagat: Sugid-Sugid: Narrative Inquiry ng mga Kuwentong Dormitoryo

Introduksyon
Ang dormitoryo ay isang bahay na pinaglalagihan ng mga mag-aaral na nasa kolehiyo
na malalayo ang mga lugar. Ito ay may mga pasilidad at silid na mayroong lima o anim na
okyupante na matitirhan ng pansamatala ng isang mag-aaral (Guiogguio, 2011). Maraming
mga mag-aaral ang piniling mangupa na lamang sa dormitoryo o kilala bilang boarding house
upang mas mapadali ang kanilang pamumuhay sa pag-aaral. Hindi lahat ng mga mag-aaral sa
kolehiyo ay malapit ang institusyong pinapasukan sa kanilang mga tahanan na nagiging
dahilan upang humanap ng pansamantalang matutuluyan. Kaugnay nito ang pag-usbong ng
iba’t ibang kuwento o sugid-sugid na maaari nilang maranasan sa kanilang pamamalagi sa
dormitoryo.
Ang mga kuwentong umuusbong sa isang lugar at panahon ay nakabatay sa mga karanasan
na hinaharap ng mga indibidwal lalo pa kung ito ay isang mag-aaral na nagdodormitoryo. Sa
global na konteksto, binigyang-kahulugan ni Hsu (2010) ang pagsasalaysay o pagkukuwento
bilang "ang paggamit ng boses, ekspresyon ng mukha, mga galaw, tingin sa mata, at
interaksyon upang makipag-ugnayan ng kuwento sa mga tagapakinig" (p.7). Isa sa mga
mahahalagang bahagi ng pagsasalaysay ay ang paggamit ng iba't ibang sangkap na
nagpapahayag ng mensahe at nagbibigay-buhay sa kuwento. Ang pagsasalaysay ay isang
makabuluhang paraan upang maibahagi ang mga karanasan, aral, at kultura ng isang
indibidwal.

Layon ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay makalikom ng mga kuwentong dormitoryo

upang makabuo ng mga tema na maaaring umusbong sa mga impormasyong makakalap. Ang

pag-aaral na ito ay magiging tulay upang maging bukas ang kamalayan ng mga tao sa mga

nagaganap o nararanasan ng mga mag-aaral na nagdodormitoryo. Dagdag pa, ito ay

magsisilbing kapaki-pakinabang at kawili-wiling babasahin na naglalaman ng mga

kuwentong may iba’t ibang tema na makatutulong sa pagpapayabong ng panitikan. Sa tulong

ng mga nakalap a\t pinagbatayang impormasyon, ang pag-aaral na ito ay magiging

instrumento upang mapanatiling buhay, mabigyang-halaga, at makapaghatid ng kamalayan

ukol sa mga kuwentong pandormitoryo.

1
Ang Paglalahad ng Suliranin

Sa pag-aaral na ito, nais ng mga mananaliksik na masuri ang mga pangunahing tema ng mga
kuwentong sugid-sugid sa dormitoryo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na maitala ang mga sugid-sugid o kuwentong


dormitoryo ng mga indibidwal sa lungsod ng Talisay. Ang anumang maitalang sugid-sugid
ay maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang mapalawak ang kanilang

mga kaalaman sa panitikan na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. Gayundin, maging

bukas sila sa mga kuwentong nangyayari sa loob ng dormitoryo at maaari itong magsilbing

gabay nila sa pagdedesisyon kung gusto nilang manirahan sa dormitoryo.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Bago ang Pagkalap

Ang mananaliksik ay nagpadala ng liham sa Dekana ng Kolehiyo para sa paghingi ng

permiso sa pagsasagawa ng pananaliksik na nagpapaliwanag ng prosesong gagawin na

kinabibilangan ng kaniyang mga mag-aaral bilang tagatugon ng pag-aaral. Matapos

mapahintulutan ng dekana, ang mga mananaliksik ay nagpadala din ng liham na paghingi ng

permiso sa mga tagatugon ng pag-aaral, ang mga mag-aaral sa kursong Batsilyer ng

Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino at mga baguhang guro na nakapagtapos sa

asignaturang Filipino. Nakasaad sa liham ng proseso ng pananaliksik na inaasahan ang

kanilang pagiging matapat at pakikiisa sa gawaing ito. Matapos sumang-yon ng mga

tagatugon, sila ay naglaan ng petsa kung kailan isasagawa ng mananaliksik ang pangangalap

ng datos.

2
Habang Nagkakalap

Sa mismong araw na inilaan ng bawat kalahok ay isinagawa ang pakikipanayam.

Pagkatapos mairekord ang pakikipanayam sa mga tagatugon sa pamamagitan ng pagbigay ng

isang pangkalahatang katanungan na “Ano ang hindi mo makakalimutang karanasan sa

pagdodormitoryo?”. Sa proseso ng pakikipanayam ang mananaliksik ay nagdugtung ng ilang

katanungan batay sa kasagutan ng mga kalahok para sa mas ikalilinaw ng datos. Ang mga

nairekord na datos sa pakikipanayam ay dumaan sa pag-transcribed para sa aktwal at

malinaw na apagsusuri ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang Narrative Inquiry. Ipinahayag ni Clandinin at Huber

(2010) na ang pagsasalaysay na pagtatanong (narrative inquiry) ay isang bagong pamamaraan

ng pag-aaral ng karanasan na nauunawaan sa pagsasalaysay. Itinatampok ng narrative inquiry

ang mga etikal na usapin gayundin ang paghubog ng mga bagong teoretikal na pag-unawa sa

karanasan ng mga tao. Dagdag pa ni Creswell et al. (2007) ang narrative research ay

sumusuri sa mga karanasan sa buhay ng mga indibidwal sa paglipas ng panahon. Ang

narrative inquiry ay isang anyo ng kwalitatibong pananaliksik kung saan ang mga kuwentong

nakalap mismo ang naging hilaw na datos o raw data. Ipinahayag ni Berg at Lune (2009) na

ang pagsusuri sa kwalitatibong pananaliksik ay nakasalalay sa kahulugan, konsepto,

katangian, metapora, simbolo, at paglalarawan ng mga bagay. Dagdag pa ni Babbie (2014) na

ang kwalitatibong uri ng pananaliksik ay maibibilang na pang-agham na pamamaraan na

nagtitipon ng mga di numerong datos sa pamamagitan ng mga obserbasyon. Ang

kwalitatibong pananaliksik ay angkop na gamitin sa pag-aaral na ito sapagkat ang mga nai-

3
transcribed na datos na sinuri sa pamamagitan ng pagpapakahulugan sa mga pahayag mula sa

pakikipanayam sa mga kalahok ukol sa mga kuwentong dormitoryo.

Respondente
Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa kursong Batsilyer ng

Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino mula sa paunang taon hanggang ikaapat na taon

sa kolehiyo na may kabuuan na labinwalong (18) mag-aaral at dalawang (2) baguhang guro

na nakapagtapos sa nabanggit na kurso.

Napili ang mga kalahok na maging tagatugon sa pag-aaral na ito sa pamamagitan

ng inclusion criteria. Ayon kay Garg (2016), ang "inclusion criteria" ay tumutukoy sa mga

pangunahing katangian ng target na populasyon na gagamitin ng mga mananaliksik upang

sagutin ang mga katanungan sa pag-aaral. Ang lahat ng mga mag-aaral na nagdodormitoryo

sa kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino at mga baguhang guro

na nakapagtapos sa asignaturang Filipino ang naging pamantayan sa pagpili ng mga

tagatugon. Naniniwala ang mananaliksik na ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay

makapagbabahagi ng mga makabuluhan at hindi makakalimutang karanasan sa dormitoryo

Instrumento

Ang instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral

ay unstructured interview. Ang unstructured interview ay isang malaya at hindi

istrukturadong pag-uusap sa pagitan ng tagapagpanayam at ng indibidwal na kinakapanayam.

Sa pakikipanayam, iisa ang tanong sa lahat ng kalahok at sila ang pipili kung paano sasagutin

ang mga ito. Nangangahulugan na hindi nila pinipili ang kanilang sagot mula sa isang

listahan ng mga pagpipilian ngunit malayang sumasagot batay sa kanilang kaalaman,

karanasan, at kaisipan. Ang karanasan ng mga mag-aaral na nagdodormitoryo ay gagawing

4
paksa sa pakikipagpanayam upang maipakita ang mga impormasyon na kinakailangan sa

pag-aaral ng mga mananaliksik. Ang pangkalahatang katanungan na binigyan ng pokus sa

pag-aaral ay: Ano ang hindi mo makakalimutang karanasan sa pagdodormitoryo? Sa

pakikipagpanayam, gumamit ang mga mananaliksik ng voice recorder para irekord ang tugon

ng mga kalahok upang may pagbabatayan sa pagtra-transcribe at walang impormasyon na

mapalampas.

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Pagkatapos Mangalap

Ang mga nai-transcribed na datos mula sa inirekord na pakikipanayam ay sinuri sa

pamamagitan ng Thematic Analysis. Inilarawan nina Braun at Clarke (2006) ang thematic

analysis bilang "isang paraan ng pagtukoy, pagsusuri, at pagsasalaysay ng mga kurbada o

tema sa loob ng mga datos". Dagdag pa ni Creswell (2014) ang thematic analysis ay isang

sistematikong proseso para sa coding ng data kung saan ang mga partikular na pahayag ay

sinusuri at ikinategorya sa mga tema na kumakatawan sa phenomenon ng interes. Ang

thematic analysis nina Braun at Clarke ay pinakaangkop na gamitin sa pag-aaral na ito dahil

sa higit na madali at mabisa ang patukoy ng mga tema. Tumutulong ito sa mga mananaliksik

na suriin ang malawak na saklaw ng mga datos na nakalap upang makahanap ng mga pattern,

matukoy ang ugnayan sa pagitan ng mga konsepto at makabuo ng mga tema.

Sa pag-aanalisa ng datos, ang unang hakbang na ginawa ng mga mananaliksik ay

naglaan ng oras sa pagbabasa ng nai-transcribed na datos at pagtala ng mga ideya mula sa

mga datos na nakalap mula sa pakikipagpanayam. Pagkatapos maitala ang mga ideya, ang

naging ikalawang hakbang ng mga mananaliksik ay ang pag co-coding ng mga salita na may

kaugnay na ideya sa pag-aaral na gagawin. Ang mga code na natunghayan sa pagbabasa ay

siyang magsisilbing batayan ng mga susunod na hakbang.

5
Sa ikatlong hakbang, pagkatapos matukoy at makilala ang mga pangungusap na

maaaring kilalaning mga kuwentong dormitoryo, kinolekta ng mga mananaliksik ang mga

codes na natunghayan na maaaring maging bahagi ng isang potensyal na tema. Sa ikaapat na

hakbang, bubuuin ng mga mananaliksik ang mga tema sa pamamagitan ng pagsasama at pag-

uugnay ng codes. Ito ay ang proseso ng pagsusuri at pagtukoy sa mga pangunahing tema na

naglalarawan ng mga datos. Maaaring gamitin ang mga kategorya, konsepto, o mga salita na

nahanap ng mga mananaliksik sa pagsusuri upang maipahayag ang mga tema sa isang

malinaw at sistematisadong paraan. Ang ikalimang hakbang, ito ay nagpapakita ng pagsasala

at pagtatakda ng mga tema at potensyal na mga sub-themes sa loob ng data. Ang patuloy na

pagsusuri ay kinakailangan upang mas mapahusay ang mga natukoy na tema. Ang

mananaliksik ay naglaan ng mga pangalan para sa mga tema at nagbigay ng malinaw na

depinisyon na sumusubok na maipahayag ang bawat tema sa maikling at makabuluhang

paraan. Sa puntong ito, isang pinagsamang kwento ng datos ang dapat lumitaw mula sa mga

tema.

Etikal na Konsiderasyon

Sa isinagawang pangangalap ng datos at sa pagpili ng mga magiging kalahok ng pag-

aaral ay malinaw na binigyan ang mga kalahok ng kalayaan sa ikabubuti nila kapag maging

bahagi na ng isinagawang pag-aaral. Ang mga kalahok ng pag-aaral ay ang mga mag-aaral ng

Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon medyor sa Filipino at ang mga baguhang guro sa

asignaturang Filipino kung saan ang may pinakaangkop na karunungan upang maging sapat

at buo ang detalye na ninanais na makalap. Sa pagsagawa ng pangangalap ng datos ay

nagsagawa ng informed consent ang mananaliksik na nagpahayag ng paksa ng pag-aaral

upang maging buo ang paghingi ng permiso sa mga kalahok na makasali sa pananaliksik.

Sanggunian:

6
Guiogguio. “KABANATA I Final.docx.” PDFCOFFEE.COM, 2011,
https://pdfcoffee.com/kabanata-i-finaldocx-pdf-free.html. Accessed 26 June 2023.

Hsu. “The role of storytelling in language learning: A literature review.” 2010,


https://www.readkong.com/page/the-role-of-storytelling-in-language-learning-a-literature-
1414970?
fbclid=IwAR0SaE6xTynrPpCFIKYRN529UszFWSzYdD_PZQ9PqRo1_PzBTR5CUNZeyN
0. Accessed 26 June 2023.

Howell, Kaitlyn. “Supernatural Studies; Doppelgangers.” Academia.edu, 6 January 2023,


https://www.academia.edu/24526386/Supernatural_Studies_Doppelgangers?
fbclid=IwAR2HkbwJ5ia1q4NboVTQEwoEE6U2VF0LpcKFos6R5d5zCyExiuSZcjfycHE.
Accessed 25 June 2023.
Hsu. “The role of storytelling in language learning: A literature review.” 2010,
https://www.readkong.com/page/the-role-of-storytelling-in-language-learning-a-literature-
1414970?
fbclid=IwAR0SaE6xTynrPpCFIKYRN529UszFWSzYdD_PZQ9PqRo1_PzBTR5CUNZeyN
0. Accessed 26 June 2023.

Jordyn, Marsha, and Mark Byrd. “The Relationship between the Living Arrangements of
University Students and Their Identity Development.” Living Away From Home and
Academic Performance, 2003, https://eric.ed.gov/?
id=EJ675895&fbclid=IwAR3RbnUpt627UNNbVyST38ba4B6MqPxxnmDficP
HTo8QBEuP5kIy7sNpk. Accessed 26 June 2023.

Joy, Cadiz-Menne M., and Robert E. Sinnett. “Proximity and social interaction in residence
halls.” APA PsycNet, 1971, https://psycnet.apa.org/record/1971-21751-001.

Perelli-Harris, Brienna. “Living Together Relationships; Towards A New Pattern of Adult


Life in Kathmandu.” International Journal of Social Science And Human Research, 6
January 2023, https://ijsshr.in/v3i10/Doc/3.pdf?fbclid=IwAR0ls-
htSfbmAhnAVe3zOFcxIYfSdHUBDMu3fCabmAlGF-E99EyKixIDmKo. Accessed 25 June
2023.

You might also like