Pagsulat ng Unang Burador Pagkatapos ng talakayan, ang bawat mag-aaral ay:
• Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng pagsulat ng balakas at draft;
• Napahahalagahan ang konsepto ng paggawa ng balangkas at draft;at • Nakasusulat ng unang balangkas at unang burador. Pangkatang Gawain: Pagsusuri Sa Konseptong Papel Ang pagsulat ng panimula ay maihahambing sa kakayahan ng bawat indibidwal na gumawa ng kwento sa iskolarling pamamaraan. Kailangan sa kwentong ito ang kapangyarihan ng makumbinsi ang mga mambabasa na ipagpatuloy ang nasimulang pagbasa. Mahalaga na bahagi ng pananaliksik ang panimula sapagkat ito ang nagbibigay tono sa direksyon na tatahakin ng kabuuan ng gagawing pananaliksik. Pahapyaw na tinatalakay sa bahaging ito ang dahilan o rationale ng pag-aaral. Kasama rito ang mga sanligang impormasyon na may pagpapahalaga sa kawastuhan ng mga suliranin sakop ng imbestigasyon. Masasabing ang panimula ay ang pangkalahatang paglalatag ng mga suliraning pag-aaral. Inilalarawan nito ang paksa.
Kaakibat ng magandang panimula ang maayos na sipi
buhat sa mga isinagawang pagbasa.
Si Pratt (2014) ay nagbigay ng ilang mungkahi upang
mapaganda ang panimula sa isang pag-aaral tulad ng mga sumusunod: 1. Iwasan na maging masyadong malawak ang pagtatalakay sa panimula. 2. Magbigay ng mga makabuluhan at may kaugnayang sanligan ng paksa. 3. Magbigay ng pangunahing argumento o thesis. 4. Magbigay lamang ng mga makatutulong at makabuluhang impormasyon. 5. Iwasan ang pagbibigay ng mga palasak na panimula. 6. Huwag pilitin ang sarili na unahin ang pagbuo ng panimula ng pag-aaral. 7. Kumbinsihin ang mga mambasa na ang kasalukuyang pananaliksik ay makabuluhan at nararapat basahin. Ang mahusay na istilo sa panimula ng isang pananaliksik ay maaaring magbigay ng magandang impresyon sa mga magbabasang isang pananaliksik. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga istilo na maaaring gamitin ng isang mag-aaral sa pagsulat ng kanyang panimula. 1. Analohiya (Analogy) 2. Alusyon (Allusion) 3. Paglalahad/Anekdota (Narration/ Anecdote) 4. Deskripsiyon (Description) 5. Pagbibigay ng Kahulugan (Definition) 6. Pagbibigay ng Halimbawa (Example) 7. Pagbibigay ng Katanungan (Question) 8. Sipi (Quotation) 9. Paggamtin ng Estadistika (Statistics) 1. Analohiya (Analogy) Upang makatawag ng pansin sa mga magbabasa ang pagpapakilala ng paksa ng pananaliksik, maaaring gumamit ng hambingan (comparison) bilang istilo. Kung ang pag-aaral ay may kaugnayan sa pagpapaganda ng sistema ng pamamahala sa Lokal na Pamahalaan, maaaring maglahad ng isang Lokal na Pamahalaan na may katulad na sitwasyon sa Lokal ng Pamahalaan na nais gawan ng pag-aaral. 1. Analohiya (Analogy) Sa pamamagitan ng hambingan ng sitwasyon ng dalawang Lokal na Pamahalaan ay mailalantad nang mabuti ng mananaliksik ang pangangailangan na makapagsagawa ng pag-aaral sa Lokal na Pamahalaan na nais gawan ng pag-aaralm gamit ang naunang pag- aaral sa Lokal na Pamahalaan bilang batayan o framework. 2. Alusyon (Allusion)
Sa pamamagitan ng istilong ito, ang kasalukuyang
pag-aaral ay naiuugnay sa mga naunang literatura o pag- aaral, tao, o mga pangyayari.Tingnan ang halimbawa ng panimula sa pananaliksik na may kaugnayan sa pagsusulong ng Pemenismo sa Panitikang Pilipino. 2. Alusyon (Allusion)
Apat na dekada na ang nakalipas nang isulat ni Betty
Friedan sa kanyang aklat na The Feminine Mystique ang tungkol sa mga kababaihang may mga pinagdaraanan na hindi alam ang katawagan. Pagod na pagod na silang maging pagod na pagod at mawalan ng sariling pagkakakilanlan.... Sa kasalukuyang pag-aaral, susubukan ng mananaliksik na hanapan ng solusyon ang mapait na pinagdaraanan ng kababaihan sa lipunan. 3. Paglalahad/ Anekdota (Narration/Anecdote)
Ang isa pa sa magandang istilo upang simulan ang
panimula ng isang pag-aaral ay ang paglalahad ng mga pangyayari na may kaugnayan sa desisyon ng mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral hinggil sa paksa. 4. Deskripsyon (Description)
Isa sa pinakamadaling pamamaran upang
makapagsimula ng pananaliksik ay ang pagbibigay ng deskripsyon sa pag-aaral. Sa ganitong pamamaraan, ang mambabasa ay magkakaroon ng ideya sa kung ano at para saan ang tinatahak ng kasaluyang pag-aaral. 5. Pagbibigay ng Kahulugan (Definition)
Mahalaga na maipaunawa ng mananalilksik sa
kanyang mga mambabasa sa pamamagitan ng panimula kung para saan ang isinasagawang pag-aaral. Hindi matatamo ang layuning to ng pananaliksik kung may mga terminolohiyang mahirap maunawaan. lto as dahilan kung bakit sa simula pa lamang ng pag-aaral ay maipaliwanag na ang mahihirap subalit mahahalagang terminolohiya. 5. Pagbibigay ng Kahulugan (Definition)
Dapat nga lamang tandaan ang terminolohiyang ito
ay dapat bigyan ng paliwanag sa paraan na ito ay ginamit sa pag-aaral at hindi sa depinisyon na nanggaling sa diksyunaryo. 6. Pagbibigay ng Halimbawa (Example)
Maaaring simulan ang pag-aaral sa pamamagitan ng
pagbibigay ng halimbawa. Mahalaga ito upang mabigyan ng maayos na ideya ang mga magbabasa ng pananaliksik sa direksyon na nais ng pag-aaral. 7. Pagbibigay ng Katanungan (Question)
Maaaring magbigay ng tanong o mga katanungan na
may kaugnayan sa pag-aaral bilang panimula ng pananaliksik. Tandaan lamang na ang bawat tanong ay kailangan na bigyan ng kasagutan pagtatapos ng talataan. 8. Sipi (Quotation)
Palasak din sa mga pag-aaral ang paggamit ng sipi o
quotation bilang lunsaran ng pagtalakay. Dapat siguraduhin ng mananaliksik na maiuugnay niya ang sipi sa paksa ng pag-aaral. Dapat itong himay-himayin para sa ganap na pagkaunawa ng mga magbabasa. 9. Paggamit ng Estadistika (Statistics)
Malaki ang kayang maitulong ng estadistika sa
pagpapatatag ng argumento ng isang pag-aaral. Ito ay maaaring maging sanligan na ang pag-aaral ay totoo at may sapat na batayan. Ang balangkas teoretikal ay tumutukoy sa mga teorya o konsepto na ginamit ng mananaliksik na may kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral.Sa pamamagitan ng mga teoryang ito, naipaliliwanag nang mabuti ng mananaliksik ang kaligiran at lawak ng pananalisik. Bilang balangkas, ito ang nagsisilbing estruktura ng pananaliksik na magpapaigting at susuporta sa pag-aaral.Bukod sa mga teorya, maaari ring gumamit ng mga metodo o pamamaraan mula sa mga dalubhasa na susuporta sa pag-aaral. Ang paksa ay ukol sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral sa haykul. • Teoryang Classical Conditioning- natuklasan ni Ivan Pavlov na nagsabing maaaring matutunan ang isang bagay sa pamamagitan ng pagkokondisyon. • Modelo ng Multiple Intelligence- Ayon kay Howard Gardner , may iba’t ibang uri ng katalinuhan bukod sa IQ .Sa teoryang ito ipinakikitang mas mainam na bigyan ng halaga ang taglay na katalinuhan ng isang tao sa halip na sukatin ang kanyang katalinuhan. Kaugnay ng paraan ng pagtuturo, mas magiging mabisa ang pagtuturo kung gagamit ang guro ng iba’t ibang estilo na makatutugon sa uri ng katalinuhan o kasanayan ng estudyante Nagsisilbing gabay ng mananaliksik ang balangkas na konseptuwal upang matugunan ang suliranin at layunin ng pananaliksik. May kaugnayan ang balangkas konseptuwal sa teoretikal na balangkas, sapagkat hango sa mga teorya o modelong tinukoy ang mga konsepto o ideyang gagamitin. Sa balangkas konseptuwal , kailangang maipakita ng mananaliksik ang relasyon ng mahahalagang konsepto na tinatawag na baryabol (variable). Maipapakita rito ng mananaliksik ang kanyang pagsusuri sa suliranin matapos matunghayan ang iba’t ibang teorya o modelong may kinalaman sa pag-aaral. Sa balangkas konseptuwal, mahalaga ang papel ng mga baryabol na kumakatawan sa mga konseptong tinutukoy sa pag-aaral. • nakapa-iisang variable (independent)- hindi nagbabago at ito ang dahilan kung bakit may pagbabagong nagaganap sa ibang baryabol. • di nakapag-iisang baryabol (dependent) ay maaaring magbago bilang epekto ng nakapag-iisang baryabol. Paksa : Antas ng Stress sa mga Empleyado ng Call Center Tekstong Pahayag : Nakapagdudulot ng stress sa mga empleyado ang paiba-ibang oras ng tulog at haba nito. Suliranin : Bakit mataas ang antas ng stress ng empleyadong nagtatrabaho sa call center ? Layunin: Tukuyin ang mga dahilan kung bakit mataas ang antas ng stress ng empleyadong natatrabaho sa call center. Nakapag-iisang baryabol – Oras ng tulog , haba ng tulog Di nakapag-iisang baryabol – antas ng stess ng mga empleyado na nagtatrabaho sa call center. Bago bumuo ng balangkas konseptwal, iminumungkahi ang mga sumusunod: 1.Pumili ng paksa. Ang pagpili ng paksa ang pinakamahalagang sangkap sa pagdidisenyo ng balangkas konseptwal na gagamitin sa pag-aaral. Magpasya sa paksa na malapit sa puso at nais na maging espesyalisasyon. Isaalang-alang din ang daming literatura at mga kaugnay na pag-aaral na maaaring magsilbing batayan ng mga baryabol na gagamitin sa konsepto. 2. Magbasa. Mahalaga ang mga literatura at mga kaugnay a pag-aaral sa pagbuo ng konsepto ng isang pag-aaral sapagkat napalalawak nito ang pananaw ng isang mananaliksik sa isang paksa na gagamitin sa pag- aaral. Kaugnay nito ang pagtugon sa kalidad ng mga bababasahin, literatura, at mga pag-aaral na gagamiting sanligan ng kasalukuyang pananaliksik. Hanggat maaari ay gumamit ng ng peer-reviewed na dyornal at iba pang siyentipikong dyornal sapagkat ang mga ito kinikilala bilang makatotohanang sanggunian. 3. Tukuyin ang mahahalagang baryabol na maaaring gamitin sa pag-aaral. Sa isasagawang rebyu ng mga literatura at mga pag-aaral, maaaring matukoy ng mananaliksik ang mahahalagang baryabol na pwedeng gamitin sa kasalukuyang pananaliksik na kanyang ginagawa. Hindi ito labag sa etika ng pananaliksik kung may rekognisyon sa sanggunian na pinanggalingan. Kadalasan na makikita sa mga sumusunod ang baryabol ng pag-aaral: abstrak, metodo, kinalabasan, kongklusyon, at rekomendasyon. 4. Bumuo ng balangkas konseptwal batay sa mga baryabol na nakuha sa mga binasang literatura at pag-aaral. Ang mga suliranin ng pag-aaral ang magsisilbing pamantayan sa pagbuo ng balangkas konseptwal. Ang iyong pananaliksik ay kailangang sumagot sa mga katanungan na hindi pa nasagot ng ibang pag-aaral na itong binasa ang iyong pananaliksik ay kailangang tumugon sa mga pangangailangan ng kaalaman (knowledge gap) Ang una at pinakamahalagang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ay ang pagtukoy sa suliranin o usapin ng pag-aaral (Bwisa, 2017). Kung walang suliranin o usapin, walang maibibigay na maayos na metodo sapagkat walang kinakailangan na bagong pagtuklas. Layunin ng paglalahad ng suliranin na: (1) ipakilala sa mga mambabasa ang kahalagahan ng paksa na pinag- aaralan; (2) dito nakabatay ang mga katanungan hinuha o hypothesis; (3) pagbibigay ng pagkakataon na maipaliwanag nang husto ang konteksto sa punto na mabibigyan ng linaw ang hangganan ng paksa na pag- aaralan; (4) makapagbigay ng balangkas upang maibigay ang resulta o kinlabasan ng pag-aaral Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglayin ng mga suliranin na (lalahad sa isang pananaliksik batay sa pamantayang teknikal at personal: 1. Dapat itong tumugon sa mga pangangailangan na hindi pa nasasagot sa mga pag-aaral. 2. Ang mga katanungan ay may kaugnayan sa kurso na pinagkakadalubhasaan. 3. Ito ay bago at wala pang ibang nakapag-aaral 4. Dapat itong maging batayan ng iba pang mga pag- aaral. 5. Ang mga suliranin ay mabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga imbestigasyon gamit ang pangangalap ng datos. 6. Ang paraan upang masolusyunan ang suliranin ay katanggap-tanggap sa etika ng pananaliksik. 7. Ang mga suliranin ay may katumbas na metodo upang mabigyan ito ng kasagutan. 8. Ang mga suliranin na nakalahad ay may kaugnayan sa bawat isa. 9. Ang mga usapin ay nasa interes ng mananaliksik at angkop sa kaniyang kakayanan, oras, at mga mapagkukunan ng mga pangangailangan. 10. Pagkakaroon ng mga instrumento/ kagamitan na makatutulong sa pangangalap at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga nakitang isyu sa pagbuo ng suliranin ng ibang mananaliksik:
1. Pangangalap ng datos kahit na hindi maliwanag ang
layunin ng pag-aaral. Dapat isaalang-alang ng mananaliksik ang layunin ng pag-aaral upang magsilbing gabay sa pagbuo ng ibang bahagi ng pananaliksik. 2. Paglalahad ng suliranin kahit na hindi pa dumadaaan sa mahalagang proseso ng pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Samakatwid, ang unang dapat isaalang-alang sa pananaliksik ay ang pagbabasa. Mahalaga itong pundasyon upang makapagbigay nang maayos na direksyon sa tunguhin ng pag-aaral. 3. Pagkuha ng mga datos na madaling kalapin at pagsubok na iakma rito ang mga katanungan para sa pananaliksik. 4. Paglalahad ng layunin sa malabong terminolohiya na dahilan upang hindi makabuo ng nararapat na kongklusyon sa pag-aaral. 5. Paglalahad ng mga katanungan na walang pamantayang konsepto o teorya. 6. Pagbibigay ng mga katanungan na kayang sagutin ng tama o mali. 7.Paglalahad ng mga katanungan nasa anyong katanungan para sa sarbey. Ang sakop ng pag-aaral ay tumutukoy sa mahahalagang detalye na kasangkot sa pag-aaral. Iniisa-isa nito ang kung anu-ano ang mga kasangkot sa pag-aaral gaya ng konsepto, bilang ng paksa ng pag-aaral, bilang ng populasyon o respondente kasama ang panahon na kailangang gugulin sa kabuuan ng pag-aaral. Sa aklat nina Price at Muran (2004) kanilang sinabi na ang limitasyon ay ang kakanyahan ng pananaliksik sa disenyo at metodo na nakaiimpluwensya sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos at resulta o kalalabasan ng pag-aaral pananaliksik. Ito ang mga salik na nakaapekto sa paglalahat (generability), paggamit sa kasanayan, o paggamit ng mga pamamaraan na yong pinili upang mapatatag ang kawastuhan ng mga datos na makakalap. Iminungkahi pa rin nina Price at Murnan ang mga sumusunod: 1. Tanggapin ang limitasyon ng pananaliksik; 2. Tandaan na ang limitasyon ay isang pagkakataon upang magbigay ng mungkahi para sa mga susunod pang pag-aaral; 3. Pagtanggap na ang limitasyon ay pagkakataon na ipakita ang yong malalim na pag-unawa sa paksa ng yong pag-aaral, pag-unawa sa mga literatura at mga pag-aaral na may kaugnayan dito, at masuri nang husto ang metodo ng pag-aaral. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay hindi lamang tumuklas ng bago, kundi harapin ang mga palagay at siyasatin ang hindi natin alam; 4. Ang pagbibigay ng limitasyon ay isang subhetibong proseso sapagkat. Mahalaga ang bahaging ito ng pag-aaral sapagkat dito inilalahad ang mga espisipikong indibidwal at samahan na maaaring makinabang sa pag-aaral. Bagamat sa Panimula ng pag-aaral ay nabigyan na ng ideya ang mga magbabasa sa kapakinabangan na kanilang makukuha sa pag-aaral, ang bahaging ito ay kailangan pa rin para sa higit na detalyadong pagtalakay. Bagamat napakaliit na bahagi ang inilaan ng pananaliksik upang talakayin at bigyan ng kahulugan ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral, malaki naman ang papel na ginagampanan nito upang higit na magkaroon ng matalinong pag-unawa ang mga magbabasa sa kasaluyang pag-aaral. Ang pitak o bahaging itong pag-aaral ang nagbibigay ng pagkakataon na bigyan ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ang karaniwan nitong kahulugan ay kakaiba sa paraan ng pagkagamit ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral. Sa wikang Ingles, ang tawag dito ay operational definition of terms. Bakit mahalagang interes mo o kinahihiligan mo ang iyong isinasagawang pananaliksik?