You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang - Akademik
Pagsulat ng Rebyu: Pagsusuri sa
Gawang Akademiko
Unang Kuwarter - Modyul 5

Lynette V. Mandap
Manunulat

Erlie A. Manzo
Tagaguhit

John Albert B. Colle, PhD


Tagasuri

John Albert B. Colle, PhD


Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
1
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo na:

1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko


CS_FA11/12PB-0m-o-90
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin CS_FA11/12PT-0m-o-90

Basahin ang sumusunod na halimbawang sulatin. Pag-isipan kung


ang mga ito ay halimbawa ng gawang akademiko o ibang uri ng sulatin.
Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na kolum. Pagkatapos, balikan ang mga
minarkahang halimbawa ng gawang akademiko.

Halimbawang Sulatin Gawang Iba Pang Uri


Akademiko ng Sulatin
1. artikulo
Sikaping sa isang journal
maipaliwanag sa pinakasimpleng paraan ang mga

2. lakbay sanaysay

3. inilathalang kabanata mula sa


isang disertasyon
4. lahok sa isang diary

5. isang nobela sa Wattpad

6. balita sa Inquirer

7. recipe ng adobo

8. liham pangkalakalan

9. bionote

10. rebyu ng isang pelikula

sumusunod na ideya.

Ideyang Inaasahang Natutuhan sa Sariling Paliwanag

2
Sinundang Aralin
1. Ang gawang malikhain ay may
mga katangiang dala kapag
nakaharap sa proseso ng
pagbabasa.

2. Ang mambabasa ay may mga


katangiang dala kapag
humaharap sa isang gawang
malikhain.

3. Ang pagbabasa o pagsusuri ay


tapatan ng mga katangian ng
isang gawa at ng mambabasa.

4. Ang pagrerebyu ay isang mas


masinsin at mas malalim na
paraan ng pagbabasa.

5. Ang pagbabasa ay isang


aktibong proseso.

Ayon kay Constantino at Zafra 2016, ang gawang akademiko ay


tumutukoy sa mga produkto ng pag-aaral o pananaliksik tungkol sa
mahahalagang paksa sa iba’t ibang disiplina o makabuluhang paksa
tungkol sa lipunan. Nakabatay ito sa mga sistematiko at obhetibong
proseso na pinamamayanihan ng kritikal na pag-iisip. Sistematiko ang
proseso dahil may sinusunod na mga hakbang at maayos na pamamaraan
para matamo ang inaasahang resulta. Obhetibo naman sa paraang
isinasaalang-alang ang iba’t ibang datos at pananaw tungkol sa paksa para
mailatag ang nagtutunggaling ideya tungkol sa paksa. Obhetibo rin sa
paraang ang kongklusyon ay nakabatay sa mapagkakatiwalaan at
puwedeng patunayang mga datos o ebidensya.
Narito ang ilang estratehiya at gabay na maaaring gamitin ng isang
rebyuwer ng gawang akademiko:

1. Pagtiyak sa pinagmulan o kasaysayan ng Gawang akademiko.


2. Pagtimbang sa Kahalagahan ng Paksa sa Gawang Akademiko

3
a. Kailangan ba talagang talakayin ang paksa?
b. Mahalaga o napapanahon bang usisain ang paksa dahil ito ay
napabayaan, maraming magkakainteres, pumupuno sa
kakulangan sa kasalukuyang lawas ng kaalaman?
c. Sa pagtalakay ng temang ito, may naiaambag ba ang gawang
akademiko?
3. Pagtatasa sa Linaw ng Pagpapalitaw ng Pangunahing Ideya ng Pag-
aaral
a. Malinaw bang naipahayag ang pangunahing ideya ng pag-aaral?
b. Nasusuportahan baa ng pangunahing ideyang ito sa kabuuan ng
pag-aaral?
4. Pag-uugnay ng pag-aaral sa Ibang Naunang Pag-aaral
a. Nagpapamalas ba ang pag-aaral ng sapat na kaalaman sa
kasalukuyang literatura sa larang na kinabibilangan ng pag-aaral?
b. Nagbabanggit ba ito ng mas naunang pag-aaral para mas
mapalalim ang pag-unawa sa paksa?
5. Pagsusuri sa Disenyo ng Pag-aaral
a. Mas malinaw ba ang disenyo ng pag-aaral?
b. Malinaw ba ang paliwanag kung paano nakuha ang datos,
ebidensiya, impormasyon, at ibang intelektwal na material para
suportahan ang mga ideya sa pag-aaral?
6. Pagsusuri sa Paggamit ng Datos
a. Mapagkakatiwalaan ba ang mga ginamit na datos?
b. Nagamit ba nang mabisa ang mga datos para isulong ang
pangunahing ideya ng pag-aaral?
7. Pagsusuri sa Paggamit ng Teorya
a. May malinaw bang teorya o konseptong ginamit ang pag-aaral?
b. Malinaw bang naiugnay ang teorya sa pagsusuri ng mga datos?
8. Pagtatasa sa Mapanuring Katangian ng Gawa
a. Naitampok ba ng pag-aaral ang mga alternatibo o
nagsasalungatang perspektiba tungkol sa paksa?
b. Naipapakita ba ng pag-aaral ang limitasyon ng sariling pag-aaral?
9. Pagtatasa sa Linaw ng Kongklusyon
a. Malinaw bang naipahayag ang kongklusyon ng pag-aaral?
b. Napagtatahi-tahi ba ng kongklusyon ang iba’t ibang bahagi ng pag-
aaral?
10. Pagtatasa sa Kalidad ng Komunikasyon
a. Malinaw ba ang pagkakasulat ng pag-aaral?
b. Angkop ba ang wika at estilo ng pagkasulat na ginamit para sa
inaasahang mambabasa?

Basahin ang halimbawang rebyu ng “Paghahanap ng Liwanag sa Gitna ng


Dilim: Rebyu ng Nawala ang Ilaw ng Tahanan: Case Studies of Families Left
Behind by OFW Mothers” ni Fanny A. Garcia. Sundan ang link sa ibaba
para sa kopya.

https://ejournals.ph/article.php?id=7933

4
I. Isulat sa unang kolum kung ano-anong estratehiya sa pagsulat ng
rebyu ang ginawa sa halimbawa. Ilista rin ang iba pang
estratehiya na di kabilang sa listahan ngunit napansin mong
ginawa sa halimbawang rebyu. Tukuyin din ang mga talata na
pinaggamitan nito.

Estratehiya sa Pagrerebyu Numero ng


Talata

II. Itala sa kasunod na talahanayan ang mga kalakasan at kahinaan


ng halimbawang rebyu sa Pagpapakilala sa Aralin.

Pamagat: _________________________________________________________________
Anyo o Literary Genre: ____________________________________________________
May-akda: ________________________________________________________________

Kalakasan Kahinaan

5
III. Naritong muli ang listahan ng mga proseso na ginagamit sa
pagsulat ng rebyu ng gawang malikhain at akademiko. Tiyakin
kung ang estratehiyang ito ay ginagawa sa gawang malikhain,
gawang akademiko, o pareho. Lagyan ng tsek ( ) ang angkop na
kolum.

Estratehiya ng Pagsulat ng Rebyu Gawang Gawang


Malikhain Akademiko
1. Tinutukoy ang paksa, pangunahing
ideya, o tema ng gawa
2. Pagtiyak sa pinagmulan o kasaysayan

3. Iniuugnay ang gawa sa iba pang mga


gawa
4. Tinutukoy ang mga elemento
kumbensiyon ng gawa
5. Tinutukoy ang mga batayang
impormasyon tungkol sa gawa
6. Sinusuri kung angkop o maayos ang
metodo ng pagbuo ng gawa
7. Nagbibigay ng ibang interpretasyon sa
gawa
8. Nagbibigay ng detalyadong buod ng
gawa
9. Natatasa kung malinaw ang

6
Estratehiya ng Pagsulat ng Rebyu Gawang Gawang
Malikhain Akademiko
kongklusyon
10. Sinusuri ang ginamit ng teorya na
pinagbatayan ng gawa

Sa pagrerebyu ng gawang akademiko at gawang malikhain nagaganap


ang pagtatapat at talaban ng kung anong mayroon sa teksto at kung ano
ang mayroon sa mambabasa. Ang pagrerebyu ay isang anyo ng pagbasa
kung kaya halos pareho ang mga hakbang o proseso ng pagrerebyu ng
gawang malikhain at gawang akademiko.

Tukuyin ang akmang estratehiya o gabay na ginagamit ng isang


rebyuwer batay sa sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.

A. Pagtimbang sa kahalagahan ng paksa


B. Pagtatasa sa linaw ng pagpapalitaw ng pangunahing ideya ng pag-
aaral
C. Pag-uugnay ng pag-aaral sa ibang naunang pag-aaral
D. Pagsusuri sa disenyo ng pag-aaral
E. Pagsusuri sa paggamit ng datos
7
F. Pagsusuri sa paggamit ng teorya
G. Pagtatasa sa mapanuring katangian ng gawa
H. Pagtatasa sa kongklusyon
_______1. Malinaw bang naiugnay ang teorya sa pagsusuri ng mga datos?
_______2. Sa pagtalakay ng temang ito, may naiaambag ba ang gawang
akademiko?
_______3. Malinaw ba ang paliwanag kung paano nakuha ang datos,
ebidensya, impormasyon, at ibang inelektwal na materyal para suportahan
ang mga ideya sa pag-aaral?
_______4. Nasusuportahan ba ang pangunahing ideyang ito sa kabuuan ng
pag-aaral?
_______5. Malinaw ba ang pagkakasulat ng pag-aaral?
_______6. Napagtahi-tahi ba ng kongklusyon ang iba’t ibang bahagi ng pag-
aaral?
_______7. Mapagkakatiwalaan ba ang mga ginamit na datos?
_______8. Nagbabanggit ba ito ng mas naunang pag-aaral para mas
mapalalim ang pag-unawa sa paksa?
_______9. Naitampok ba ng pag-aaral ang mga alternatibo o
nagsasalungatang perspektiba tungkol sa paksa?
_______10. Ano ang suliraning nais tugunan ng pag-aaral?

Naritong muli ang listahan ng mga proseso na ginagamit sa pagsulat ng


rebyu ng gawang malikhain at akademiko. Tiyakin kung ang estratehiyang ito ay
ginagawa sa gawang malikhain, gawang akademiko, o pareho. Lagyan ng tsek ( )
ang angkop na kolum.

Estratehiya ng Pagsulat ng Rebyu Gawang Gawang


Malikhain Akademiko
1. Tinutukoy ang paksa, pangunahing ideya, o

8
Estratehiya ng Pagsulat ng Rebyu Gawang Gawang
Malikhain Akademiko
tema ng gawa
2. Iniuugnay ang gawa sa personal na buhay

3. Iniuugnay ang gawa sa iba pang mga gawa

4. Tinutukoy ang mga elemento kumbensiyon


ng gawa
5. Tinutukoy ang mga batayang impormasyon
tungkol sa gawa
6. Sinusuri kung angkop o maayos ang metodo
ng pagbuo ng gawa
7. Nagbibigay ng ibang interpretasyon sa gawa

8. Nagbibigay ng detalyadong buod ng gawa

9. Natatasa kung malinaw ang kongklusyon

10. Sinusuri ang ginamit ng teorya na


pinagbatayan ng gawa

Mga Sanggunian

Bernales, Rolando, et. Al. Filipino sa Larangang Akademiko (Alinsunod sa K-


12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon para sa SHS). Mutya Publishing
House, Inc. Malabon City. 2017.

Constantino, Pamela at Zafra, Galileo. Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). REX Book Store, Inc. Quezon City. 2016.

9
10

You might also like