You are on page 1of 4

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET

Solomon P. Lozada National High School


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang – Akademiks, Quarter 2 Week 5

PAGGAWA NG ABSTRAK
(Akademikong Sulatin sa Agham Panlipunan)

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan. (CS_FA11/12PU-0p-r-95)

Mga layunin: Pagkatapo ng isang lingo, ang mga mag-aaral ay inaasahan na


1. Natatalakay ang mga mahahalagang konsepto ng binasang akademikong sulatin sa larang ng agham
panlipunan;
2. Naihahambing ang abstrak ng akademikong sulatin sa huminidades at sa agham panlipunan; at
3. Nakabubuo ng abstrak batay sa nabasang papel-pananaliksik sa larang ng agham panlipunan.

Dahon ng Impormasyon

Agham Panlipunan - larangang akademiko na pumapaksa sa tao-kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito,
kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.

-isang pangkat ng mga disiplinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao
sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip
nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng
ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang) at
pangkatangian).

Ilan sa mga disiplinang nakapaloob sa Agham Panlipunan ay ang antropolohiya, arkeolohiya,


ekonomiks, heograpiya, agham pampulitika, sikolohiya, sosyolohiya, atbp.
Ang pag-aaral na isinasagawa sa akademya ay hindi nalalayo sa mga pang-araw-araw na pamumuhay
ng mga Pilipino tulad ng nakita sa Sillag Festival ng Humanidades at ngayon sa ekonomiks ng agham
panlipunan.

GAWAIN 1 Pagtatalakay
Mga Panuto:
1. Basahin ang artikulong Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari ni Tereso
Tullao, Jr. sa pahina 87 ng iyong Reader.
2. Sagutin ang mga sumusunod:
A. Bakit isinulat ng mananaliksik ang artikulo?
B. Ano ang kahalagahan ng artikulo?
C. Paano inilarawan ng mananaliksik ang konsepto ng ekonomiks sa lipunang Pilipino?
D. Ano-ano ang patunay na inilahad ng mananaliksik sa paglalarawan ng konsepto ng ekonomiks
sa diwang Pilipino?
E. Ano ang naging rekomendasyon ng mananaliksik sa kanyang artikulo?
F. Tingnang mabuti ang mga larawan:

Bottle vs. sachet Retail Load vs. Prepaid Card Load


Real vs. fake adidas mais con yelo vs. halo-halo

 ano ang kaugnayan ng mga ipinakitang larawan sa artikulong iyong binasa?

Gawain 2 Paghahambing
Mga Panuto:
1. Balik-aralan ang katangian at nilalaman ng abstrak. Basahin ang abstrak ng Ekonomiks sa Diwang
Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sariat at Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura
at Identidad ng mga Ilokano.
2. Pagkukumparahin ang dalawang tinalakay na mga artikulo at punan ng sagot:

Ang Wika ng Sillag Festival Ekonomiks sa Diwang


Titulo/ Nilalaman ng Abstrak Bilang Daluyan ng Kultura at Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi
Identidad ng mga Ilokano. at Sari-Sariat
Kaligiran
Layunin
Metodolohiya
Resulta
Konklusyon
 Paano nagkakapareho at nagkakaiba ang dalawang artikulo?
GAWAIN 3 Kaya ko Ito!
Mga Panuto:
1. Maghanap ng isang artikulo na nakasulat sa wikang Filipino na saklaw ng disiplina ng Agham
Panlipunan (antropolohiya, arkeolohiya, ekonomiks, heograpiya, agham pampulitika, sikolohiya,
sosyolohiya, atbp.) na galing sa mga nalathalang dyornal. Kailangang basahin ito nang mabuti at isama
rin ang abstrak ng artikulo.
Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na dyornal:

1. Social Science Diliman Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/index


2. Philippine Social Science Review Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/index
3. Malay Journal http://ejournals.ph/index.php?journal=malay
4. Daluyan Journal http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf

 Kung walang akses sa internet o sa kahit anumang dyornal, maaaring basahin ang papel-
pananaliksik na Ang Pagiging Deboto Bilang Pakikipagkapwa: Isang Panimulang Pagsusuri sa
mga Liham Pasasalamat ng mga Deboto sa pahina 88 ng iyong Reader.

2. Balik-aralan ang mga katangian ng abstrak batay sa mga nakaraang talakayan. Sumulat sa isang
buong papel ng 200- 300 salitang abstrak.
3. Dapat lagyan ng pamagat, ilahad ang kaligiran, layunin ng pag-aaral, metodolohiya, mga natuklasan/
resulta at konklusyon ng pag-aaral. Maaaring gamiting gabay ang abstrak na kasama ng artikulong
nahanap.
4. Kapag natapos na sa pagsulat, magkakaroon ng pagki-kritik ng isinulat na abstrak ng kaklase upang
mas mapaganda pa ang papel.
 Ang mga sumusunod ay iyong magiging gabay sa pagkritik:
a. Malinaw ba ang kaligiran ng pag-aaral? e. Malinaw ba ang ibinigay na konklusyon?
b. Nailahad ba ang layunin ng pag-aaral? f. Kung may bahaging hindi malinaw,
c. Natukoy ba ang metodolohiyang ginamit maaari rin itong itanong sa nagsulat na
sa pag-aaral? kaklase.
d. Natiyak ba ang (mga) kinalabasan ng
pag-aaral?

5. Lagyan ng iyong pangalan at lagdaan ang papel na nakritik at isuali ito sa may-ari.
6. Pagkatapos ay irebisa ang iyong ginawang abstrak batay sa mga komento ng iyong kaklase. Ipasa ito
sa guro kasama ang abstrak ng artikulong nahanap at ang mismong artikulo.
 Mga kahingian sa sulatin:
a) Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon.
b) May pamagat, panimula, 1-2 pangungusap tungkol sa kaligiran ng pagaaral, 1-2 pangungusap
tungkol sa layunin, 1 pangungusap tungkol sa metodolohiya, 3-4 pangungusap na naglalahad ng mga
natuklasan sa pagaaral at 1 pangungusap na nagsasaad ng konklusyon.

RUBRICS SA PAGGAWA NG ABSTRAK (Agham Panlipunan)


KATANGIAN 10 6 3 1
Pokus at May isang malinaw at May isang malinaw at tiyak May isang paksa. Hindi Hindi malinaw ang paksa
Detalye tiyak na paksa, na na paksa, ngunit hindi gaanong malinaw ang mga at ang mga argumento.
sinusuportahan detalyado ang mga suportang impormasyon
ng mga detalyadong suportang impormasyon o argumento.
impormasyon o o argumento.
argumento.
Pagpili ng Malinaw ang paggamit Malinaw ang paggamit ng Nasasabi ng manunulat Limitado ang paggamit
mga ng mga salita. Angkop mga salita bagaman sa ang nais sabihin, bagaman sa mga salita.
angkop at natural at hindi pilit. ilang pagkakataon ay hindi walang baryasyon sa
nasalita angkop at natural. paggamit ng mga salita.
Estruktura, Mahusay ang Mainam ang pagkakaayos Nakagagawa ng mga Hindi maayos ang
Gramatika, pagkakaayos ng mga salita at pangungusap na may mga pangungusap at
Bantas, ng mga salita at pangungusap. saysay. Maraming mga hindi maunawaan.
Pagbabayb pangugusap. Walang May kaunting pagkakamali pagkakamali sa gramatika, Lubhang maraming
ay pagkakamali sa sa gramatika, bantas at bantas at baybay. pagkakamal isa
gramatika, bantas at baybay. gramatika, bantas at
baybay. baybay

Mga Sanggunian

Ailene,Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix


Publishing 2016Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House,
Inc. 2016

Susi sa Pagwawasto
Mga maaring maging sagot. (Huwag kopyahin)
Gawain 1
A. upang makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi
gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.
B. makapag-ambag sa pag-unlad ng wikang Filipino at mas mapalakas ang intelektwalisasyon.
C. pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan
D. tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino.
E. Gmitin ang kaalamang sa Ekonomiks sa paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.
F. 1. may kaugnayan sa ekonomiks ang mga larawan 2. kaugnay ito ng mga konseptong tingi, sari-sari at hilig na
nakapaloob pa rin sa ekonomiks

Gawain 2
pare-pareho sa kahit anong disiplina at nagkakaiba-iba lamang batay sa nilalaman ng papel-pananaliksik o artikulo.

Gawain 3
(Ang score ay Base sa Rubrics sa pagsulat ng abstract)
Inihanda ni: Nasuri nina:

JOEWELLYN V. LIM KAY TRACEY A. URBIZTONDO JOHN ANTHONY LLANO


Guro Layout Gramatika/Linggwahe/ Nilalaman

You might also like