You are on page 1of 22

11

FILIPINO 11
KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO

IKALAWANG SEMESTRE
IKAWALONG LINGGO
Modyul 8
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Semestre – Modyul 8: Introduksiyon sa Pananaliksik ng Wika at
Kulturang Filipino (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon,2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Gaudencio D. Suarez Jr


Editor : Bartolome M. Loresco Jr, Dr. Melchora N. Viduya
Tagasuri : Bartolome M. Loresco Jr, Dr.Melchora N. Viduya,
Dr. Dianne C. Baguio, Dr. Olivia P. Terrado

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao,


Pangasinan)
11
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Semestre – Modyul 8:
Introduksiyon sa Pananaliksik ng Wika
at Kulturang Filipino
(Ikalawang Bahagi)
ALAMIN

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga pag-aaral sa introduksiyon


sa pananaliksik sa wika at kulturang Filipino.
Masusing dinisenyo ang modyul na ito upang ibahagi ang kahulugan,
katangian, disensyo, at iba pang konseptong may kinalaman sa pananaliksik. Sa
pamamagitan ng babasahing ito ay matutukoy ang mga impormasyon at
kaisipang nararapat tandaan tungo sa malinaw na pag-unawa at bilang
paghahanda o paghubog ng kakayahan sa pananaliksik.
Malaking tulong ang modyul na ito upang madagdagan ang kaalaman at
lalong mapaunlad ang pansariling kasanayan sa pagtuklas ng mga datos na
nakakalap.

Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga


lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang
Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:

a. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-


ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin. (F11WG – IIh – 89);
b. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa. (F11EP – IIij – 35)
PAANO GAMITIN ANG MODYUL

Bago simulan ang modyul, kailangang isantabi muna ang lahat ng


inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.

1.Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.

2. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

3. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman


ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.


BAHAGI NG MODYUL

1. Alamin – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong


kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating


kaalaman at kasanayang nalinang na.

4. Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng


aralin

5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may


kapareha.

6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin

7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo


ang bagong aralin

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng


pagkatuto sa bagong aralin.

9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang


pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul
Aralin Introduksiyon sa

1 Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
(Ikalawang Bahagi)
Alamin

Magandang Araw!

Ang aralin sa modyul na ito ay magiging gabay mo upang matutuhan ang


mga kaalamang may kinalaman sa pananaliksik sa wika at kulturang Filipino. Ang
magiging kaalaman mo rito ay maghahanda sa iyo sa mas mataas na antas ng
karunungan patungo sa mga susunod na gawain.
Kaya naman, pagkatapos sa modyul na ito kayong mga mag-aaral ay
inaasahang:

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga


lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

Tiyak na layunin:

a. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang


mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin. (F11WG –
IIh – 89);
b. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa. (F11EP – IIij –
35)
Unang Pagsubok

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang


makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
a. komparatibo
b. normative
c. case study
d. historikal

2. Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,


lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao sa layuning angkin nito o magmukang
sa kaniya.
a. plagyarismo
b. panlilinlang
c. pagkopya
d. karapatang sipi

3. Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa ____________ at


maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo
a. nais ibigay na parusa ng may-akda
b. Intellectual Property Rights Law
c. Individual Property Rights Law
d. nais na parusa ng kinakasuhan

4. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri


ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan
ng mga lipunan, kultura at institusyon.
a. kwantitatibo
b. case study
c. komparatibo
d. normative

5. Ang lahat ng ng ito ay mga gawi na maituturing na plagyarismo maliban


sa isa
a. Hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng
ideya.
b. Hindi pag-uulit na pagpasa ng pananaliksik
c. Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag
d. Hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod at
hinalaw (paraphrase).

6. Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya sa sarili,”.


a. Tama, kung ang dati nang nailathalang akda ng mismong
manunuat ng sulatin ay kinopya at hindi binabanggit ang
pinaglathalaan na nito
b. Tama, hindi mo pwedeng ulitin ang pagpasa sa iba pa dahil naipasa
mo na ito noon
c. Mali, karapatan mo ito dahil iyon ay isinagawa mong pananaliksik
d. Mali, dahil ang muling pagsusumite ng isang papel sa ibat ibang
asignatura ay itinuturing ding plagiarism sa sarili at di-etikal.

7. Pinag-aaralan sa uri pananaliksik na ito inilalarawan at tinatasa ng isang


mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya,
at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan
a. case study
b. historikal
c. deskriptibo
d. action-reseach

8. Sa action research, kailangan hindi na kailangan ng mga serye ng


ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
a. tama
b. mali
c. maaari
d. walang patunay

9. May sinusunod na proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang ang


pananaliksik tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o
ano pa mang nilalayon sa pananaliksik. Ano nag katangian ito
a. kontrolado
b. empirikal
c. mapanuri
d. sistematik

10. Ang kuwantitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri


ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang pahayag ay...
a. tama
b. mali
c. maaari
d. walang patunay

Balik - Tanaw

Panuto: Isulat ang “FACT” kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan


at “BLUFF” naman kung ang pahayag ay opinyon lamang.

_____________1. "Madali lamang gawin ang pananaliksik basta't pagtutuunan


ito ng pansin."
_____________2. "Masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng
pangangalap ng mga datos o inpormasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan."
_____________3. "Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay
ang pagbuo ng pahayag ng tesis."
_____________4. "Pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon
at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao."
_____________5. "Mahalaga na maghanda ng tentatibong balangkas"
_____________6. "May apat na uri ng tala"
_____________7. "Hawig ang uri ng tala kung ito ay direktang sinipi mula sa
isang sanggunian."

Pagpapakilala ng Aralin

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga kahulugan, katangian at


disenyo ng pananaliksik, gayundin ang pananagutan at etika sa paggawa ng
pananaliksik. Sa pamamagitan ng araling ito ay iyong matutuklasan ang
malawak na gampanin ng pananaliksik. Magsisilbing gabay ito upang lalong
maunawaan ang wastong pamamaraan at konsiderasyon na marapat
isaalang-alang sa paggawa ng pananaliksik.

KAHULUGAN NG PANANALAKIKSIK

Ang pananaliksik ay isang komprehensibong Gawain. Bunga ito ng


sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga
bagong impormasyon na magagamit sa buhay ng isang mag-aaral.
Nararapat tanggapin ang isang makabuluhang hamon ng paggawa ng
pananaliksik dahil nagdudulot ito ng mabuting ambag sa pag-unlad ng
ating kakayahang maging matalino at mahusay sa larangan ng
pangangalap ng impormasyon o datos.

KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK


1. Ang pananaliksik ay sistematik.
 May sinusunod itong proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang
tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa
mang nilalayon sa pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado.
 Lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling konstant.
Hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong
maganap sa sabjek na pinag-aaralan ay maiiuugnay sa eksperimental
na varyabol
3. Ang pananaliksik ay emprikal.
 Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang
ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap
4. Ang pananaliksik ay mapanuri.
 Sa pananaliksik, ang mga datos na nalakap ay kailangang suriin nang
kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng
interpretasyon sa mga datos na kanyang nalakap.
5. Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling
 Lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal na
nakabatay sa mga empirikal na mga datos at walang pagtatangkang
ginawa upang baguhin ang resulta sa pananaliksik.
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwanttiteytiv o istatiskal na metodo.
 Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at
masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy
ang kanilang gamit at kahalagahan.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda.
 Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng
mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas
o lathala ng ibang mananaliksik.
8. Ang pananaliksik ay isang akyuret na investigasyon, obserevasyon at
deskripsyon
 bawat aktividad na pananaliksik ay kailangang maisagawa ng tumpak
o akyuret nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga
syentifikong panlalahat.
9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali
 kailangang pagtiyagaan ng mananaliksik ang bawat hakbang, sa
pananaliksik upang matiyak ang katumpakan o accuracy nito.
10. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.
 walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap, kaya
kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging
matagumpay.
11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat.
 lahat ng datos na nakalap ay maingat na maitala. Ang maliit na
pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas na
pananaliksik.
 Kalingan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang
papel, para sa angkop na dokyumentasyon at kadalasan sa pasalitang
paraan o ang tinatawag na oral presentation o defense.
PANANAGUTAN NG PANANALIKSIK
 KATAPATAN – ang pinakapangunahing pananagutan ng isang
mananaliksik. Ito ay kailangang maipamalas niya sa mga pagkilala ng
kanyang pinagkunan ng datos o impormasyon. Nangangahulugan ito
na:
 Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
 Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng
karampatang tala.
 Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at
binibigyan ng karampatang pagkilala.
 Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin
ang kanyang argument o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang
particular na pananaw.
 Ayon kay Atienza, ang pinakamahalagang pananagutan ay ang
pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng
interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at
maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.
Mga Etika sa Pagsulat na Dapat Malaman ng mga Mananaliksik
Plagyarismo
 Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,
lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao sa layuning angkin nito o
magmukang sa kaniya.
 Ayon kay Diana Hacker, tatlong paglabag ang maituturing na
plagiarism:
1. Hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng
ideya.
2. Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o
pahayag
3. Hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang
ibinuod at hinalaw (paraphrase).
 Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya sa sarili,” kung saan
ang dati nang nailathalang akda ng mismong manunuat ng sulatin ay
kinopya angn hindi binabanggit ang pinaglathalaan na nito.
 Kaugnay nito, ang muling pagsusumte ng isang papel sa ibat ibang
asignatura ay itinuturing ding plagiarism sa sarili at di-etikal.
Paghuhuwad ng Datos
 Imbensyon ng datos
 Sinadyang di paglalagay ng datos
 Pagbabago o modipikasyon ng datos
 Pagbili ng mga papel o pananaliksik
 Pag-subscribe upang bumili ng artikuo o pagkopya sa mga website
 Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ng papel, tesis at iba
pa.
Parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista
 Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan
ng 5.0 (lagpak na marka) para sa kurso.
 Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa,
maaaring patalsikin ang estudyante sa universidad.
 Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas,
ngunit natuklasan na ang kanyang pananaliksik ay kinopya, maaari
siyang tanggalan ng digri.
 Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual
Property Rights Law at maaaring sentensyahan ng multa o
pagkabilanggo.
Mga Disenyo ng Pananaliksik
a. Kwantitatibo
Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko
at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong
panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na
pamamaraan na gumagamit ng komputasyon. Kadalasang ginagamitan din
ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan sa pananaliksik
gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring estadistikal.

b. Kwalitatibo
Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng
mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-
uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang
disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay
laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at
ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang
pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

c. Deskriptibo
Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang
pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng
tugon sa mga tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman
sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit”
sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng
pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
Halimbawa
 Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro
sa kanilang pagtuturo.
d. Action Research
Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak
na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan
ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik
ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung
paanong makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon. Kailangan din
ang mga serye ng ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
Halimbawa
 Anong estratehiya sa pagtuturo ang pinakaepektibo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral na may suliranin sa pandinig?
e. Historikal
Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang
pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga
kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya,
pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang
mga bagay-bagay. At ang pinagdaanang proseso kung paanong ang
nakaraan ay naging kasalukuyan.
Halimbawa
 Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
f. Case Study
Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong
malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng
pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit
ito upang paliitin, maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang tiyak
na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
Halimbawa
 Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni
Prospero Covar (1978)
 Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados
Unidos
g. Komparatibo
Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing
ng anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na
gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo
upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga
lipunan, kultura at institusyon.
Halimbawa
 Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga
Tagalog at Bisaya
 Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine
Star at Philippine Daily Inquirer sa pagbisita ni Pope Francis sa
Pilipinas
h. Normative Study
Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik
ang disenyong normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang
paksa. Gayunpaman, naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang
simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi nagbibigay-diin sa
pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga
tanggap na modelo o pamantayan.
Halimbawa
 Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng
Magsaysay High School Batay sa Itinakdang Kompetensi ng DepEd
 Bumababang kakayahan ng mga guro sa Ingles sa pagsasalita
at pagtuturo ng wikang Ingles
i. Etnograpikong Pag-aaral
Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham
panlipunan na nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi
ng isang komunindad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay
ito sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong
naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga
pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at iba pa.

Halimbawa
 Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa
Banahaw
j. Eksploratori
Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang
gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang
pokus nito ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang
paksa na maaring magbigaydaan sa mas malawak at komprehensibong
pananaliksik.
Halimbawa
 Panimulang Pagu-nawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay
ng Usapang Pangkapayapaan sa Mindanao
Gawain 1

Panuto: Itala sa patlang ang hinihingi ng bawat pangungusap.


______________1. Ayon sa kaniya, ang pinakamahalagang pananagutan ay
ang pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng
interpretasyon ng kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na
pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.
______________2. Tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon
ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon.
______________3. Ito ay kailangang maipamalas ng mananaliksik sa mga
pagkilala ng kanyang pinagkunan ng datos o impormasyon.
______________4. Ang pag-subscribe upang bumili ng artikuo o pagkopya sa
mga website ay maituturing na ______.
______________5. Lahat ng varyabol na sinusuri ay kailangan mapanatiling
_______.
______________6. Lahat ng tuklas at mga konklusyon ay kailangang lohikal
na nakabatay sa mga empirikal na mga datos at walang pagtatangkang
ginawa upang baguhin ang resulta sa pananaliksik.
______________7. Isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-
iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang
komunindad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito.
______________8. Upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglapat ng
interpretasyon sa mga datos na kanyang nalakap,.kailangang niyang
taglayin ang katangiang ito.
______________9. Nagpahayag ng tatlong paglabag na maituturing na
plagiarism
______________10. Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginagawan
ng karampatang _____.

Gawain 2

Panuto: Bumuo ng tatlong Pamagat na angkop sa paggawa ng pananaliksik


at may kinalaman sa pag-aaral ng wika at Kulturang Filipino.
Tandaan

Ang pananaliksik ay isa sa mga mapanghamong talakayan sa mundo


ng pag-aaral. Isa ito sa mga aralin na nararapat pahalagahan at
maunawaan tungo sa pagtatamo ng kahusayan sa pagkalap ng mabisa at
akyureyt na impormasyon sa iba’t ibang larangan.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Batay sa tatlong pamagat ng pananaliksik na iyong nabuo sa


ikalawang gawain, pumili ng isa at gumawa ng pananaliksik ukol rito.
Isaalang-alang ang wastong mga hakbang at pamamaraan sa paggawa ng
pananaliksik ayon sa natalakay.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.

1. Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang


makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
a. komparatibo
b. normative
c. case study
d. historikal

2. Ito ang maling paggamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,


lengguwahe, at pahayag” ng ibang tao sa layuning angkin nito o magmukang
sa kaniya.
a. plagyarismo
b. panlilinlang
c. pagkopya
d. karapatang sipi
3. Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa ____________ at
maaaring sentensyahan ng multa o pagkabilanggo
a. nais ibigay na parusa ng may-akda
b. Intellectual Property Rights Law
c. Individual Property Rights Law
d. nais na parusa ng kinakasuhan

4. Madalas na gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri


ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan
ng mga lipunan, kultura at institusyon.
a. kwantitatibo
b. case study
c. komparatibo
d. normative

5. Ang lahat ng ng ito ay mga gawi na maituturing na plagyarismo maliban


sa isa
a. Hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng
ideya.
b. Hindi pag-uulit na pagpasa ng pananaliksik
c. Hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag
d. Hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang
ibinuod at hinalaw (paraphrase).

6. Ang mga sumusunod ay tamang pahayag patungkol sa disenyo ng


pananaliksik na normative study maliban sa isa.
a. naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa
b. nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong
pinag-aaralan
c. batay sa mga kasalukuyang pinag-aaralang modelo o pamantayan.
d. Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang
disenyong normative.

7. Alin sa sumusunod ang maituturing na paghuhuwag ng datos


a. imbensyon ng datos
b. Sinadyang di paglalagay ng datos
c. Pagbabago o modipikasyon ng datos
d. lahat ng nabanggit

8. "Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni Prospero


Covar (1978)". Ang disenyo ang ginamit sa pananaliksik na ito?
a. kwantitatibo
b. case study
c. komparatibo
d. normative

9. Tukuyin kung anong disenyo ang ginamit sa pananalisik na ito:


"Panimulang Pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usapang
Pangkapayapaan sa Mindanao"
a. exploratory
b. normative
c. case study
d. etnograpikong pag-aaral

10. Ano ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik


a. katapatan
b. kasipagan
c. dedikado
d. masinop

11. Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya sa sarili,”.


a. Tama, kung ang dati nang nailathalang akda ng mismong
manunuat ng sulatin ay kinopya at hindi binabanggit ang
pinaglathalaan na nito
b. Tama, hindi mo pwedeng ulitin ang pagpasa sa iba pa dahil naipasa
mo na ito noon
c. Mali, karapatan mo ito dahil iyon ay isinagawa mong pananaliksik
d. Mali, dahil ang muling pagsusumite ng isang papel sa ibat ibang
asignatura ay itinuturing ding plagiarism sa sarili at di-etikal.

12. Pinag-aaralan sa uri pananaliksik na ito inilalarawan at tinatasa ng


isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo,
polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong pamamaraan
a. case study
b. historikal
c. deskriptibo
d. action-reseach

13. Sa action research, kailangan hindi na kailangan ng mga serye ng


ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
a. tama
b. mali
c. maaari
d. walang patunay

14. May sinusunod na proseso o mag kasunod-sunod na mga hakbang ang


pananaliksik tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o
ano pa mang nilalayon sa pananaliksik. Ano nag katangian ito
a. kontrolado
b. empirikal
c. mapanuri
d. sistematik

15. Ang kuwantitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri


ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at
ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang pahayag ay...
a. tama
b. mali
c. maaari
d. walang patunay
Papel sa Replektibong Pagkatuto

Bumuo ng sanaysay ukol sa kahalagahan ng pag-aaral ng pananaliksik sa


wika at Kulturang Filipino.

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
______________________
Sanggunian
https://www.slideshare.net/mushthart/disenyo-at-pamamaraan-ng-
pananaliksik

https://quizlet.com/250088137/disenyo-metodo-at-uri-ng-pananaliksik-
flash-cards/

https://www.docsity.com/en/etika-sa-pagsusulat/5727907/?
fbclid=IwAR0P15rP-
TjzBKC1l4MTZK3gZ5LwGTU5OS6jYUKIIiwtDVEhPbdkir42EJg

Calimlim, Job Daniel Z.Komunikasyon at Pannaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino-Gawain at Aralin
Susi sa Pagwawasto
Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Semestre –Ikawalong Linggo,
Modyul 8

Paunang Pagsubok
1. D
2. A
Pangwakas na
3. B
4. C Pagsusulit
5. B 1. D
6. A 2. A
7. D Gawain 2
Maaaring magkaiba- 3. B
8. B
iba ng sagot ang mga 4. C
9. D
10. B mag-aaral. 5. B
6. C
Balik- Tanaw Pag-alam sa 7. D
1. BLUFF Natutuhan 8. B
2. FACT 9. A
3. BLUFF Maaaring magkaiba- 10. A
4. FACT iba ang kasagutan 11. A
5. FACT ng mga mag-aaral. 12. D
6. BLUFF
13. B
7. BLUFF
14. D
Gawain 1 15. B
1. Atienza
2. Kwantitatibo Papel sa
3. Katapatan Replektibong
4. Paghuhuwad ng Pagkatuto
datos Ang puntos ng
5. Konstant
mag-aaral ay
6. Objektiv, lohikal at
walang pagkiling
nakadepende sa
7. Etnograpikong pag- kanilang
aaral kasagutan
8. Mapanuri
9. Diana Hacker
10. Tala

You might also like