You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Region V
POLANGUI COMMUNITY COLLEGE
Polangui, Albay

NAME: MALATE, DENNIS M.


COURSE, YEAR&BLOCK: BSED – FILIPINO 3
SUBJECT: INTRO. SA PANANALIKSIK SA WIKA AT PANITIKAN
INSTRUCTOR: GNG. MYRA O. LIPNICA

Modyul 1:
Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Panitikan

Mga Gawain sa Pagkatuto


A.Pagtuklas/ Balik -aral:
 Ito ay isang dokumentong pang akademya.
 2. Matalino at maingat na isinusulat.
 3. Isang mapanagutang gawain ang pananaliksik.
X 4. Maaring kunin kahit saan ang ipapaloob sa pananaliksik
X 5. Isang pasibong gawain ang pananaliksik.

Balikan ang Panimulang Lingwistika at ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod


na hakbang o proseso:
1.Pagmamasid/Obserbasyon
 Pagtitipon ng obhetibo at walang kinikilingang datos at mga obserbasyong hindi
nakukulayan ng emosyon.
2. Pagtatanong
 Ang paglalahad ng suliranin o ng tanong ay maaaring sabay, sunod o unang proseso.
3. Pagklasipika
 Tinatangka ng isang lingwistika na maisaayos ang bunga ng pananaliksik o pagsusuri sa
isang sistematikong paraan.
4. Paglalahat
 Ang pagtitipon o pagkulekta ng mga datos at pagkaklasipika sa mga ito ay kailangang
humantong sa paglalahat, pagbubuo ng mga hypothesis ng mga teorya at prinsipyo ng
mga tuntunin o batas.
5. Pagberipika at Pagrebisa
 Kailangan na patuloy na maipasailalim sa pagsubok upang mamodipika o marebisa kung
kenakailangan.
Gawain:
Sumulat sa inyong Dyornal ng tig dadalawang pangungusap tungkol sa bawat
proseso na maaring magamit sa pananaliksik.
Pagmamasid/Obserbasyon
 Maging mapagmasid sa kapaligiran upang makakuha ng ng mga mahahalaga at
natatanging datos na maaring magamit sa iyong Pananaliksik o gagawing
Pananaliksik.
 Dapat na magkaroon ng maingat at matalinong obserbasyon lalo sa mga
komplikadong bagay o usapin.
Pagtatanong
 Kung gagawa ka pa lamang ng Pananaliksik at ika’y naguguluhan ay maaari kang
magtanong sa iba sa kung anung maaaring gawan ng Pananaliksik. Maaring sa mga
guro, nakatatanda, skolar, mga propesyunal atbp.
 Sa paggawa ng mga katanungan, kailangan maging malinaw at konektado sa iyong
sinasaliksik.
Pagklasipika
 Isaayos ang mga datos na nakalap ayun sa klasipikasyon ng mga ito, kung ito ay mga
pangalan siguraduhin ito ay alphabetically arranged.
 Kailngan ay nasa ayos ang pagkakasunod sunod ng mga datos.
Paglalahat
 Matapos ang pagkalap ng lahat ng datos ay maari na itong iklasipika, sa gayun mas
mapapadali ang paglalahat.
 Bilang mananaliksik ang paglalahat ay kinakailangang sumakto lamang sa lahat ng
datos na nakalap.
Pagberipika at Pagrebisa
 Kinakailangan ang matalinong pag aanalisa ng lahat ng datos na nakalap.

Gawain:
Humanap pa ng ibang babasahin tungkol sa kalikasan ng Pananaliksik o Nature of
Research. Banggitin ang mga awtoridad nito (3). Isulat ito sa iyong Dyornal. Gawing gabay ang
mga susmusunod na tanong sa paghahanap ng mga karagdagang babasahin:
1. Kailan nagsimula ang gawaing pang-akademikong pananaliksik?
2. Ano ang pinaka malinaw na kahulugan ng Pananaliksik?
3. Ano ano ang mga hakbang sa pananaliksik sa wika at panitikan?
4. Saan maaaring makakuha ng mga katotohanan o karunungan na magagamit
sa pananaliksik?
Ayon kay Atienza, et. al. (1996), ang Pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko,
mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral, tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon kay Jocson et al. (2005), ang Pananaliksik ay pagtuklas sa isang teorya, pagsubok
sa teoryang iyon at paglutas sa isang suliranin.
Ayon kay Sauco (1998), ang Pananaliksik ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at
masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga at hindi
apurahang pagkuha ng mga datos sa pangunahing maaaring pagkunan.
Mga hakbang sa Pananaliksik:
1. Pagpili ng Paksa
2. Pagbuo ng balangkas
3. Paghanda ng Bibliyograpiya o Sanggunian
4. Pangangalap ng datos
5. Pagbuo ng konsepto
6. Paggawa ng Dokumentasyon
7. Pagsulat ng burador
8. Pagwawasto at pagrerebisa ng burador
9. Pagsulat ng pinal na sulating Pananaliksik
Ang mga katotohanan o karunungan na maaaring magamit sa Pananaliksik ay makukuha
sa mga aklatan, museo, laboratory, paaralan at sa natukoy na lipunan kung saan makakuha
ang mga tiyak na impormasyon. Gayundin sa pakikipanayam sa mga dalubhasa at/o sa mga
tao sa lipunan na may mapapanaligang opinyon o aktuwal na karanasan.

PAGTATAYA:
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG:
1. Paano nagkakaiba ang ‘common sense’ o sariling pagkukuro sa pananaliksik?
 Ang common sense ay maayos, praktikal na paghatol patungkol sa pang-araw-
araw na usapin, o isang pangunahing kakayahang makilala, maunawaan, at
humusga sa paraang ibinabahagi ng halos lahat ng mga tao. Samantala, ang
pananaliksik (alt. pagsasaliksik) ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng
isang paksa, pangyayari, at iba pa." Ito ang proseso ng pangangalap sa mga
totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Ito rin ang "malikhain at
sistematikong gawaing ginagawa para mapataas ang kaalaman." Saklaw nito ang
pangongolekta, pag-oorganisa, at pagsusuri sa mga impormasyon para
mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol sa isang paksa o isyu.
2. Ano ano ang ibat ibang pinagmumulan ng karunungan?
 Ang karunungan o dunong, sa larangan ng pananampalataya, ay ang
pagkaunawang nanggaling sa Diyos. Isa itong marunong o matalinong pag-iisip o
kaisipan; o ang pang-unawa sa tama at mali, at pagkakaroon ng matinong pag-
iisip o pinag-aralan. May kaugnayan ito sa sentido kumon, talino, erudisyon, at
tining ng pag-iisip.

3. Ang tatlong uri ng pananaliksik ay maaaring makatulong sa pag-unawa ng lubusan sa


pagkatuto ng wika at kaganapan ng pagkatuto, ipaliwanag kung paano ito nagaganap.
Ito ay makatutulong sa pag-unawa ng lubusan sa pagkatuto ng wika
sapagkat ang tatlong uri ng Pananaliksik na ito ay maaaring gamitin upang
ipaliwanag ang wika sa malinaw at sistematikong pamamaraan. Ang tatlong
ito ay ang mga sumusunod; Basic Research--Ang resulta ng tinatawag na
basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din
ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa
isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan. Action Research--Ang action
research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong
problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang
mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay
ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng
Pananaliksik. Applied Research--Ang resulta naman ng applied research ay
ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.

LOOKING AHEAD/TAKDANG -ARALIN


Humanap ng 20 at itala o isulat ang pamagat ng pananaliksik o pag-aaral
sa wika at panitikan mula sa aklatan o internet.
1. Istratehiya ng mga mag-aaral sa paggamit ng diksyunaryong Filipino at ang
epekto nito sa bokabularyo.
2. Epekto ng paggamit ng Social media sa paggamit ng Wika.
3. Mag epekto ng salitang Balbal at salitang kanto sa Wikang Filipino.
4. Bakit ang paglilinang sa wika ay paglilinang sa sarili
5. Wikang Filipino, sa makabagong panahon
6. Mga mabisang istratehiya sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral sa
kolehiyo
7. Epekto ng pag-alis ng Asignaturang Filipino bilang midyum sa pagtuturo sa
kolehiyo
8. Pag-aaral ng wikang jejemon, isang rekwaryment sa pagbasa, pagsulat at
pagsusri ng iba’t-ibang teksto tungo sa pananaliksik.
9. Paano masasabing ang wika ang nagbubuklod sa isang bansa
10. Persepsyon ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng panitikan ng Pilipinas
11. Epekto ng pagkakaroon ng iba’t ibang Wikang Dayalekto ng bawat rehiyon ng
bansa
12. Panitikang Pilipino, sa makabagong panahon
13. Kahalagahan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa
14. Kahalagahan ng Akdang Pampanitikan sa aspetong kultural ng mga Pilipino
15. Pananaw ng mga mag-aaral sa epekto ng makabagong teknolohiya sa Wikang
Filipino
16. Paggamit ng Wikang Filipino vs. paggamit ng Wikang Ingles sa larangan ng
pagtuturo at pagkatuto
17. Persepsyon ng mga mamamayan sa kahalagahan ng kulturang Pilipino
18. Epekto ng mga suliranin sa paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo
19. Sitwasyong Pangwika sa Kabataan sa Kasalukuyang Panahon
20. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

MGA PAMANTAYAN: Lagyan ng bilang 1,2,3, o 4 ang bawat bilang


4 1. Angkop ang paksa at mga gawain sa layunin ng modyul
3 2. Madaling unawain ang mga panuto sa bawat gawain
4 3. Mataas na antas ng pag-iisip ang nalinang ng layunin at mga gawain
__4__4. Sapat ang mga gawain sa pagkatuto upang maging ganap ang pagsasakatuparan ng
mga
layunin
3 5. Ang mga paksa ng talakayan ay nailahad sa lohikal na paraan sa pagtupad ng mga
formative assessment
4 6. May kaisahan ang mga gawain tungo sa pagkatuto
3 7. Naging kaganyak-ganyak/kawili-wili ang pagtupad sa mga gawain dahil sa desenyo ng
modyul
4 8. Ang paglalahad ng modyul ay maisasakatuparan sa itiintakdang panahon
3 9. Ang lahat ng layunin ay naisakatuparan.

Iba pang mungkahi upang maging epektibo ang mga gawain sa modyul sa
pansariling pagkatuto:
10. Anong bahagi ng modyul ang nakatulong sa iyo upang matutunan ang aralin?
Paano ito nakatulong?
Nakatulong saakin ang bahaging pangnilalaman at ang mga gawain, sapagkat, sa
nilalaman ay nakakuha ako ng ilan mga ideya na nakatulong upang maunawaan ko ang ibang
parte ng Pananaliksik. At ang mga Gawain dahil sa pamamagitan nito ay nagkaroon ako ng oras
magsaliksik upang maghanap ng mga kasagutan, at mahubog din ang aking isipan.

11. Anong bahagi ng modyul ang nais mo pang paunlarin? Bakit?


Ang bahaging pangnilalaman dahil hindi gaanong sapat ang mga nakapaloob na
impormasyon na dapat magamit sa pagsagot sa mga gawain.

You might also like