You are on page 1of 3

Del Rosario, Genavel V.

Activity 1
Pundasyon ng Pananaliksik

1. Ano ang Pananaliksik?

Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konspeto, bagay,
tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.

Ang pananaliksik ay isang pag-aaral, pagsisiyasat, may masusing proseso, nagbibigay-linaw,


nagpapatunay, at nagpapasubali ng mga partikular na paksa.

2. Bakit kailangan ang pananaliksik?

Kinakailangan ang Pananaliksik sapagkat sa bawat araw, buwan at mga taon na lumilipas ay
nagkakaroon ng maraming pagbabago at upang tayo’y makasabay sa mga pagbabagong ito,
kailangan nating magkaroon ng aral sa kung papaano tayo makasasabay dito at kung ano
ang mga dapat nating gawin.

Magkakaroon lamang tayo ng maraming kaalaman kung tayo’y mananaliksik. Walang pag-
unlad na magaganap kung walang pananaliksik at mananaliksik.

3. Anu-ano ang iba pang katangian ng Pananaliksik?

Ang Pananaliksik ay dokumentado sa mga materyales na ginagamit, obhetibo sa pagkuha ng


mga datos, masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at pagtimbang ng mga ideya.

Ang Pananaliksik rin ay maroong marami at iba’t ibang ginagamit na datos. Lahat ng
posibleng pagkunan ng datos ay kanilang kinukuhanan.

At ang Pananaliksik ay may pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong ikahuhusay


ng Pananaliksik.

Iba pang Katangian:

 Naglalahad ng Paksa ng Pananaliksik

 Sumasagot sa mga tanong na ano, bakit, paano at iba pa

 Nagpapakilala sa kabuuan ng pananaliksik

 Malinaw na naglalarawan sa ginawang pag-aaral

 Maaaring nakasulat din ang buod ng pananaliksik na ginawa


4. Saan nakakukuha ng Paksa?

Halos lahat sa paligid ay maaaring pagkunan ng Paksa basta’t ito’y mahalaga at importante
rin na gusto mo ang iyong Paksang sasaliksikin sapagkat mahirap manaliksik ng hindi mo
naman gusto ang iyong sinasaliksik sapagkat malaki ang posibilidad na ang kalabasan ng
iyong pananaliksik ay hindi ginamitan ng buong determinasyon at puso sa pananbaliksik.

Maaari tayong kumuha ng Paksa sa mga babasahing dyaryo, libro, magazine, journal, sa
internet, sa ting mga kamag-aral, sa kaibigan, sa pamilya, sa guro at pati na rin sa ating sarili.

5. Anu-ano ang sakop ng paglilimita ng Paksa?

Sa paglilimita ng Paksa ay kinakailangang isaalang-alang ang edad, kasarian, lugar o iba’t


ibang perspektiba. Ito ay naka depende sa iyong Paksang sasaliksikin.

6. Anu-ano ang bahagi ng Konseptong-Papel at katuturan ng bawat bahagi?

Ang Konseptong Papel ay binubuo ng Rational, Pagkalahatang Layunin, Pamamaraan o


Metodolohiya at Inaasahang Kabuuan o Resulta.

Rationale - ito ay ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling
talakayin ang isang paksa. Naglalaman din ito ng kahalagahan at kabuluhan ng Paksa.

Layunin – ito naman ay naglalaman ng kung ano ang hangarin o tunguhin ng Pananalik o
base sa paksang napiling saliksikin.

Pamamaraan o Metodolohiya – Inilalahad naman dito ang pamamaraang gagamitin ng


mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri ng mga
nakalap na impormasyon.

Inaasahang Kabuuan o Resulta – dito naman inilalahad ang inaasahang kalalabasan o


magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral.

7. Maglahad ng 3 paksang nais saliksikin ukol sa Wika o Panitikan

Paksa Dahilan/Halaga
st
1 Epekto ng Social Media sa Wikang Iba’t iba ang nagiging epekto ng Social Media
Ginagamit ng mga Batang may Edad 2-7 sa mga bata ngayon at kabilang na dito ang
gulang paggamit nila ng kanilang Wika.
2nd Implikasyon ng New Normal sa Pag-aaral Napakagandang aralin ng Panitikan kaya’t nais
ng Panitikan sa mga Mag-aaral ng Kolehiyo kong aralin ang implikasyon ng makabagong
paraan ng edukasyon sa pag-aaral ng
Panitikan.
3rd Mga Mabisang Istratehiya sa Pagpapaunlad Mahalaga na maging kapaki-pakinabang parin
ng Wikang Filipino ngayong New Normal ang bawat isa sa pagpapaunlad at
Education pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa kabila ng
pagkakaroon natin ng makabagong paraan ng
edukasyon.

You might also like