You are on page 1of 12

Senior

High
School

Quarter 4: Week 5 - 8
Compiled by: Pinky P. Diputado

REMINDER: DO NOT WRITE ANYTHING IN THIS LEARNING MATERIAL.

DUMAGUETE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

1
Pangkalahatang Ideya

Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kanyang mamamayan, sa lahat


ng aspeto ng buhay. Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang
pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng iba’t ibang uri ng teksto. Ang pagpapalit-
anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang tradisyon hanggang sa kasalukuyan upang
manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa mga kabataan ang kayamanang angkin ng
Panitikang natatangi, ang Pantilikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang
pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa
pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng
mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-
aaral ang mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon
na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-
aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
Taos-pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga manunulat ng mga tekstong
ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang
pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi na rin
mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga teksto upang higit na mapagtibay ang
pagkakakilalan ng mga mag-aaral sa kanyang identidad bilang mamamayang Pilipino.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay naglalayong mapalawak ang kaalaman at malinang ang


kasanayang pagunawa ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Senior High School gamit ang iba’t
ibang uri ng teksto.
Ang mga gawain sa bawat paksa sa modyul na ito ay nakapokus sa kasanayang
pampagkatuto na nasusuri ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo. Ang
uri ng tekstong ito ay lilinang sa kasanayang pampanitikan at magpapalago sa kaisipan ng mga
mag-aaral. Mahalagang mauunawaan ang iba’t ibang teksto at ang layunin nito upang masuri
ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Ang pag-aaral sa
proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto ay makatutulong sa pagbuo at pagsulat
ng sistematikong pananaliksik.

Mga Layunin

Ang mga sumusunod na kasanayan sa pampagkatuto ang lilinangin sa bawat tekstong


nakapaloob sa modyul batay sa Gabay ng Pagtuturo sa Baitang 11:

MELC Kompetency

• Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa


Filipino batay sa layunin at metodo ng pangangalap ng datos at pagbuo ng draft.
(FIIPU-IVef-91)
• Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng
isang pananaliksik. (F11WG- IVgh_ 92)
• Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa. (F11EP – IVij -
38)

TIYAK NA LAYUNIN

• Naiaayos ang nakalap na datos para sa pagbuo ng burador at presentasyon ng


resulta sa pananaliksik.
• Natutukoy ang mahalagang nilalaman ng pangangalap ng datos at pagbuo ng
unang draft ng sulating-pananaliksik.
• Naisasagawa ang isang aktwual na pangangalap ng datos para sa isusulat na
pananaliksik.
• Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag na nasa ibaba at ibigay ang tinutukoy nito.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay kalansay ng mga ideya na pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong


gagawin.
A. Konseptong Papel
B. Balangkas
C. Papaksang balangkas
D. Layunin
2. Ito ay binubuo ng mga parirala o salitang taglay ang punong kaisipan.
A. Papaksang balangkas
B. Balangkas
C. Patalatang balangkas
D. Pangungusap na balangkas
3. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
A. Konseptong Papel
B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas
D. Layunin
4. Makikita rito ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon.
A. Paksa
B. Layunin
C. Metodolohiya
D. Rasyonale
5. Dito makikita ang kalabasan ng pag-aaral.
A. Layunin
B. Output/Resulta
C. Layunin
D. Rasyonale

PANGANGALAP NG DATOS

Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiya-nilalaman, diwa,
bigat at katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa ilalatag na mga
datos. Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na maaaring
pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik.
Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang datos. Kung walang datos, walang susuriin o
sasaliksikin.

Magiging madali ang paghahanap ng mananaliksik ng mga datos kung mayroon


siyang susunding gabay o guide. Makikita ang huwaran o pattern ng kanyang gagawin at
mapapadali pa ito. Makatutulong ang balangkas na ito upang malaman kung ano lang ang
hahanapin ng manunulat.

Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-
aklatan. Ito ay ang sumusunod:

Yugto 1: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga


aklat.
Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga
aklat at artikulo at ng pagpili ng sipi o
citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo,
kompyuter, printouts, at iba pang sanggunian. Nakakatulong ang mga
yugtong ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa
pangangalap ng mga impormasyon sa gagawing pagsusulat. Maliban sa mga aklat na nasa
loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga magasin, dyaryo at iba pang
babasahin (Bernales et al., 2009).
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Ayon kina Mosura, et al. (1999) sa Bernales, et al., (2012) ang mga hanguang
primarya (primary sources) ay:

• Mga indibidwal o awtoridad,


• Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o
mga minorya, negosyo, samahan, simbahan at pamahalaan,
• Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at
ekonomiks at iba pa, at
• Mga pampublikong sulatin o dokumento tulad ng konstitusyon, batas kautusan, treaty o
kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan
o diary.

Ang mga hanguang sekundaryo (secondary sources) naman ay:

• Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook, almanak at


atlas,
• Mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at newsletter,
• Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng feasibility, nailathala man ang mga ito o hindi,
at
• Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Maliban sa hanguang primarya at sekundaryo, may isa pang mapagkukunan


ng mga impormasyon o datos —ang hanguang elektroniko o mas kilala sa tawag na
internet

Mas angkop na gamitin sa pangangalap ng datos ang primaryang datos


sapagkat ang mananaliksik ay nakakukuha ng mga impormasyon mula mismo sa
mapagkakatiwalaang kinauukulan. Makatutulong din ito upang magkaroon ng orihinal
na impormasyon upang masabi na ang pananaliksik ay mapagkakatiwalaan (Simbulan,
2008)

Mga Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

1. Ang Survey ay isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pag-unawa ng


katotohanan bilang katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon. Layunin ng survey na maglarawan,
maglahad, magsalaysay, mangatuwiran ng tiyak na bilang ng kasagutan na nasasakop na
populasyon ng pag-aaral.

Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Survey

• Pagtatakda ng layunin sa pagsasagawa ng survey


• Paggawa ng disenyo ng pananaliksik
• Paghahanda ng maaasahan at balidong instrumento sa pagsasagawa ng survey
• Pagsasagawa ng aktuwal na survey
• Pagtatala at Pag-aanalisa
• Pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa survey

Halimbawa ng talatanungan sa survey

Pangalan (opsiyonal): ______________________________


Panuto: lagyan ng tsek (/) ang angkop na impormasyon.
Kasarian:
____ babae _____ lalaki
Katayuan sa buhay:
____ mag-aaral
____ may trabaho
Edad:
____ 15-20 taong gulang
____ 21-25 taong gulang
2. Ang panayam o interview ay isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos
mula sa pakikipag-usap. Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap.
Layunin ng panayam na makakuha ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam.
Samakatuwid, malaki ang gampanin ng epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan
upang mapagtagumpayan ang pamamaraang pakikipanayam.

3. Imersiyon, ito ay pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos Madalas itong gawing


paraan ng pangangalap sa disenyong qualitative. Karaniwang ginagamit sa dokumentasyon
upang mas maging buo at komprehensibo ang datos. Nais makuha ng imersiyon ang layuning
maipabatid ang panlabas, panloob, ibabaw at ilalim na kuwento sa likod ng datos. Naglalaan
ng matagal na panahon ang mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa komunidad

na pagkukunan ng datos. Isinasabuhay ng mananaliksik ang karanasang ginagawa ng mga


pagkukunan ng datos. Sa ganitong paraan mas nararamdaman ng mananaliksik ang mismong
pakiramdam ng kinunan niya ng datos kaya’t naipapahayag niya ang mas malalim na
interpretasyon sa paksang pinag-aaralan.

PAGSULAT NG UNANG BURADOR

Ang Burador o draft ay ang tentatibong kabuuan ng papel, isa ito sa unang hakbang
para sa aktuwal at mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik at nabubuo
ang mga datos sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito.

Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay kinabibilangan ng: panimula (kaligiran at ang
suliranin), katawan (nakapaloob dito ang mga impormasyon na magpapatibay o
magpapaliwanag ng iyong paksa at pinakamahaba na bahagi), at wakas (ang buod ng teksto
at konklusyon o resulta).
Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang hakbang na ito ang nakaaaliw at nakapapagod
na bahagi. Pagkatapos ng mga paghahanda bago sumulat, dito masusukat ang iyong
kasanayan sa pagsusulat. May mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na teksto:

• Magsimula sa isang paksang pangungusap. Simulan sa paksang pangungusap ang iyong


unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang bahagi
ng unang talata.

• Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan. Nararapat na


maipresenta ang mga tiyak na detalye— tulad halimbawa ng pangangatuwiran, ebidensya at
mga halimbawa sa iyong teksto upang maging kapani-paniwala at makahikayat ng mga
mambabasa.

• Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Obserbahan ang


pagkakaugnay- ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti upang hindi
maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong binabasa.

• Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang
mga tamang estruktura o kaayusan ng gramatika o maging simpleng paggamit ng mga
bantas. Hangga’t maaari ay error- free ang kabuuan ng ating teksto.

Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang sa
pagbuo ng burador.

• Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal na paraan


gamit ang grapikong pantulong.
• Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o konsepto,
posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter upang matukoy ang dibisyon ng
mga konsepto.
• Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o pananaliksik. Maikli,
malinaw, pormal, at intelektuwal na wikang gamitin.
GAWAIN 1

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ibigay ang hinihinging tamang sagot sa
bawat bilang. Piliin ang mga sagot sa mg pagpipiliang nasa loob ng panaklong.

1. Ang mga (datos, survey, panayam) ay maaaring nanggaling sa hanguang primarya,


sekundarya o elektroniko.

2. Anong yugto na may pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng


mga aklat? (yugto 1, yugto 2, yugto 3)

3. Ito ay mapagkunan ng impormasyon maliban sa hanguang primarya at sekundarya.


(elektroniko, survey, panayam)

4. Mas angkop gamitin sa pangangalap ng datos ang hanguang (eketroniko, primarya,


sekondarya).

5. Ang mga tesis at disertasyon ay halimbawa ng hanguang (primarya, sekundarya, elektroniko).

6. Ang (survey, imersiyon, pakipanayam) ay isang paraan ng pagtatanong upang makakakuha


ng datos mula mismo sa taong kinakausap.

7. Ang pamamaraang ito ng pagkuha ng datos ay sa pamamagitan ng pakikihalubilo at


pakikisangkot sa pamumuhay ng taong nais pagkunan ng datos. (survey, imersiyon,
pakipanayam)

8. Gaano kahalaga ang kawastuan ng mga datos na nakalap? Ipaliwanag ang sagot.

9. Ito ay ang tentatibong kabuuan ng pananaliksik, unang hakbang sa pagsulat .


10. Nakapaloob sa bahaging ito ang kaligiran at suliranin ng pananaliksik.

B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng hanguan ng datos napabibilang ang mga sumusunod.
Isulat ang A kung ito ay Hanguang Primarya, B naman kung ito ay Hanguang Sekundarya, at
C kung ito ay Elektroniko.

_____ 1. Interbyu sa isang saksi o witness sa banggaan ng motorsiklo at jip.


_____ 2. Tesis bilang hanguan
_____ 3. Sarbey kung sino ang sang-ayon sa same-sex marriage.
_____ 4. Programang Sineskwela
_____ 5. www.google.com
_____ 6.Dokumentaryo ng mga reporter o mamamahayag.
_____ 7. Department Order 58 s. 2017
_____ 8. Manila Bulletin
_____ 9. Tulang Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
_____ 10.1987 Philippine Constitution
GAWAIN 2

Panuto: Mula sa iyong napiling paksa sa nakaraang talakayan, umpisahan na ang paggawa
ng burador.
(Paksa)_____________________________________

A. Panimula
____________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

B. Katawan

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. Wakas
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbbibigay ng Puntos

Koherins – kakayahang maipakita ang 15


ugnayan ng mga ideya
Kaisahan – Malinaw na magkaugnay sa isa’t 20
isa ang ideya
Emphasis – Naka-highlight o nabigyang-diin 30
ang mahahalagang punto
Kasapatan – Sapat ang material – 20
halimbawa, detalye, paliwanag at mga
ebidensya/datos
Kasanayan sa pangungusap – wastong 15
gamit ng balarila gaya ng bantas, baybay at
maging pormat na ibinigay ng guro at
aspekto ng pandiwa
PUNTOS 100

ANG KONSEPTONG PAPEL

Ang Konseptong papel ay nagsisilbing panukala o proposal para maiihanda ang isang
pananaliksik. Ito ang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng
paksang bubuuin. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa mananaliksik na mailahad kung ano ang
mangyayari. Nagbibigay rin ito ng kaalaman sa guro sa tunguhin o direksyong ninanais ng
mananaliksik para sa sulatin.

Mga Bahagi o Template ng Konseptong Papel (Constantino & Zafra, 2000)

1. Paksa - nakasulat dito kung tungkol saan ang gagawing pananaliksik.


- Limitahan ang paksa gamit ang tinutukoy na batayan sa paglilimita.

2. Rasyonale - tinatalakay sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at/o
matuklasan ng mga mag-aaral sa pananaliksik.
- Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

3. Layunin - dito mababasa ang tunguhin o hangarin ng pananaliksik batay sa paksa.


- Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at matuklasan
ng mananaliksik.
- Maaaring isulat ang mga ito nang paisa-isang pangungusap o patalatang
pangungusap.
4. Metodolohiya/ Pamamaraan- inilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng
mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at sa pagsusuri sa nakakalap na mga
impormasyon.

5. Inaasahang Awtput O Resulta- dito inilalahad ang inaasahang kalalabasan o


magiging resulta ng pag-aaral.

Maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel batay
sa kalalabasan ng pagkalap ng datos dahil sa patuloy na pangangalap.

GAWAIN 3

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bahagi ng Konseptong Papel. Punan ang mga
blangkong kahon sa ibaba ayon sa hinihinging bahagi nito. Magsaliksik ng mga ideyang isusulat
sa bawat konseptong hinihinhi sa blangkong kahon.

1.
Paksa
Rasyonale
Layunin Aalamin ang karaniwang sanhi ng depression sa mga kabataan
Metodolohiya
Inaasahang Resulta Makabubuo ng isang sulating pananaliksik na tutugon sa kadalasang
sanhi ng depression sa mga kabataan ng bagong milenyo.

2.

Paksa New Normal Education


Rasyonale Bunga ng pandaigdigang krisis sa kalusugan na dulot ng COVID-19,
malaki ang naging pagbabago sa pamumuhay ng mga tao, ekonomiya
ng bansa at kahit na ang edukasyon ng mga kabataan. Kaya ang
tanong sa karamihan ng mga kabataan at mga magulang, ano ba
ang tinatawag na “New Normal Education”?

Layunin
Metodolohiya
Inaasahang Resulta

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at isulat naman ang MALI kung
ang pahayag ay mali.

__________ 1. Lahat ng mga impormasyong mula sa internet ay maaaring


magamit.
__________ 2. Ang mga datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing
pananaliksik.
__________ 3. Ang pahayagan ay hanguang sekundaryo o pumapangalawa
lamang.
__________ 4. Magkaiba ang burador at draft.
__________ 5. Nahahati sa yugto ang pananaliksik sa silid-aklatan.
__________ 6. Nararapat na lagyan ng katibayan ang susulating teksto.
__________ 7. Ang burador ay patalata ang pagkasulat.
__________ 8. Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbuo ng pananaliksik.
__________ 9. Hanguang tersiyaryo ang saligang batas.
__________ 10. Hindi mahalaga ang balarila sa pagsulat ng burador.
__________ 11. Hanguang primarya ang sarbey.
__________ 12. Maaaring gamitin ang lahat ng impormasyon mula sa internet.
__________ 13. Mahalaga ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya na isusulat.
__________ 14. Ang diksyunaryo ay maaaring gawing datos.
__________ 15. Magagamit ang mga datos na nakalap sa pagbuo ng unang burador.

TALASANGGUNIAN

AKLAT

Altes, J. A. et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Akademikong Pananaliksik.


Davao City: Blue Patriarch Publishing House, 2015

Bandril, L.T. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City:
Vibal Group, 2016

Bernales, R. A. et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik: Batayan


at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2012

Bernales, R. A. et al. Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at Sanayang- Aklat sa Filipino


2, Antas- Tersyarya. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc., 2009

Bernales, R. A. et al. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc., 2009

Bernardino, E. C. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc., 2016

Garcia, T. P. et al. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc., 2008

WEBSITE

https://modules.arvicbabol.com/files/FILI112/Lesson%2019%20Pagsulat%20ng %20Burador.pdf

https://www.slideshare.net/NicoleGala/kabanata-1-sa-pananaliksik-suliranin-at-kaligiran

https://www.academia.edu/30277619/PANGANGALAP_NG_DATOS_new

SUSI SA PAGWAWASTO SA PANIMULANG PAGTATAYA

1. A
2. B
3. A
4. A
5. C

TALASANGGUNIAN
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like