You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII - EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NORTHERN SAMAR
CATARMAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. DALAKIT, CATARMAN, NORTHERN SAMAR

Modyul 11: Pangangalap ng Datos at Pagbuo ng Unang Draft

Sa pagtatapos ng talakayan na ito, inaasahang makakamit mo ang sumusunod na kasanayang


pampagkatuto:

1. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin at metodo ng pangangalap ng datos at pagbuo ng draft. (FIIPU-IVef-91)

a. Naiaayos ang nakalap na datos para sa pagbuo ng burador at presentasyon ng resulta sa


pananaliksik.
b. Natutukoy ang mahalagang nilalaman ng pangangalap ng datos at pagbuo ng unang draft ng
sulating-pananaliksik.

2. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng isang
pananaliksik. (F11WG- IVgh_ 92)

a. Naisasagawa ang isang aktwual na pangangalap ng datos para sa isusulat na pananaliksik.

3. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa. (F11EP – IVij - 38)

a. Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.

SURIIN
ARALIN 1 - PANGANGALAP NG DATOS

Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiya-nilalaman, diwa, bigat at
katatagan. Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa ilalatag na mga datos. Kapag nakakuha ng
datos at naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na maaaring pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan
ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik. Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang datos. Kung walang datos,
walang susuriin o sasaliksikin.

Magiging madali ang paghahanap ng mananaliksik ng mga datos kung mayroon siyang
susunding gabay o guide. Makikita ang huwaran o pattern ng kanyang gagawin at mapapadali pa ito.
Makatutulong ang balangkas na ito upang malaman kung ano lang ang hahanapin ng manunulat.

Ayon kina Bernales, et al. (2009), may tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan. Ito ay
ang sumusunod:

Yugto 1: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat.


Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at
artikulo at ng pagpili ng sipi o
citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo,
kompyuter, printouts, at iba pang sanggunian.
Nakakatulong ang mga yugtong ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa pangangalap ng
mga impormasyon sa gagawing pagsusulat. Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan,
makabubuting sumangguni rin sa mga magasin, dyaryo at iba pang babasahin (Bernales et al.,
2009).

Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Ayon kina Mosura, et al. (1999) sa Bernales, et al., (2012) ang mga hanguang primarya (primary
sources) ay:

• Mga indibidwal o awtoridad,


• Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga minorya,
negosyo, samahan, simbahan at pamahalaan,

Address: Brgy. Dalakit, Catarman, Northern, Samar Page 1 of 4


Telephone No.: (055) 500-0881
Email Address: catarman.nhs@deped.gov.ph
Department of Education Schools Division of Northern Samar, Catarman National High School
• Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at ekonomiks at iba pa,
at
• Mga pampublikong sulatin o dokumento tulad ng konstitusyon, batas kautusan, treaty o kontrata at
ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan o diary.

Ang mga hanguang sekundaryo (secondary sources) naman ay:

• Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook, almanak at atlas,


• Mga nalathalang artikulo sa dyornal, magasin, pahayagan at newsletter,
• Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng feasibility, nailathala man ang mga ito o hindi, at
• Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Maliban sa hanguang primarya at sekundaryo, may isa pang mapagkukunan ng mga


impormasyon o datos —ang hanguang elektroniko o mas kilala sa tawag na internet

Mas angkop na gamitin sa pangangalap ng datos ang primaryang datos sapagkat ang
mananaliksik ay nakakukuha ng mga impormasyon mula mismo sa mapagkakatiwalaang kinauukulan.
Makatutulong din ito upang magkaroon ng orihinal na impormasyon upang masabi na ang pananaliksik ay
mapagkakatiwalaan (Simbulan, 2008)

Mga Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

1. Ang Survey ay isang pamamaraan o metodolohiya na magagamit sa pag-unawa ng katotohanan bilang


katibayan tungkol sa tiyak na sitwasyon. Layunin ng survey na maglarawan, maglahad, magsalaysay,
mangatuwiran ng tiyak na bilang ng kasagutan na nasasakop na populasyon ng pag-aaral.

Hakbang sa Pagsasakatuparan ng Survey

• Pagtatakda ng layunin sa pagsasagawa ng survey


• Paggawa ng disenyo ng pananaliksik
• Paghahanda ng maaasahan at balidong instrumento sa pagsasagawa ng survey
• Pagsasagawa ng aktuwal na survey
• Pagtatala at Pag-aanalisa
• Pagbabalita o pagpapahayag ng datos mula sa survey

Halimbawa ng talatanungan sa survey

Pangalan (opsiyonal): ______________________________


Panuto: lagyan ng tsek (/) ang angkop na impormasyon.
Kasarian:
____ babae _____ lalaki
Katayuan sa buhay:
____ mag-aaral
____ may trabaho
Edad:
____ 15-20 taong gulang
____ 21-25 taong gulang

2. Ang panayam o interview ay isang paraan ng pagtatanong upang makakuha ng datos mula sa
pakikipag-usap. Ito ay agad-agarang pagkuha ng impormasyon sa taong kinakausap. Layunin ng panayam
na makakuha ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam. Samakatuwid, malaki ang gampanin ng
epektibong pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan upang mapagtagumpayan ang pamamaraang
pakikipanayam.

3. Imersiyon, ito ay pakikihalubilo at pakikisangkot sa pagkuha ng datos Madalas itong gawing paraan ng
pangangalap sa disenyong qualitative. Karaniwang ginagamit sa dokumentasyon upang mas maging buo at
komprehensibo ang datos. Nais makuha ng imersiyon ang layuning maipabatid ang panlabas, panloob,
ibabaw at ilalim na kuwento sa likod ng datos. Naglalaan ng matagal na panahon ang mananaliksik sa
pamamagitan ng pakikipamuhay sa komunidad na pagkukunan ng datos. Isinasabuhay ng mananaliksik ang
karanasang ginagawa ng mga pagkukunan ng datos. Sa ganitong paraan mas nararamdaman ng
mananaliksik ang mismong pakiramdam ng kinunan niya ng datos kaya’t naipapahayag niya ang mas
malalim na interpretasyon sa paksang pinag-aaralan.

(055) 500-0881 | catarman.nhs@deped.gov.ph Page 2 of 4


Department of Education Schools Division of Northern Samar, Catarman National High School

ARALIN 2 - PAGSULAT NG UNANG BURADOR

Ang Burador o draft ay ang tentatibong kabuuan ng papel, isa ito sa unang hakbang para sa aktuwal at
mekanikal na pagsulat ng panimulang bahagi ng pananaliksik at nabubuo ang mga datos sa pamamagitan
ng pagsasama-sama at pag-uugnay nito.

Ang tatlong (3) bahagi ng teksto ay kinabibilangan ng: panimula (kaligiran at ang suliranin), katawan
(nakapaloob dito ang mga impormasyon na magpapatibay o magpapaliwanag ng iyong paksa at
pinakamahaba na bahagi), at wakas (ang buod ng teksto at konklusyon o resulta).

Ayon kina Bernales, at al. (2012), ang hakbang na ito ang nakaaaliw at nakapapagod na bahagi.
Pagkatapos ng mga paghahanda bago sumulat, dito masusukat ang iyong kasanayan sa pagsusulat. May
mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na teksto:

• Magsimula sa isang paksang pangungusap. Simulan sa paksang pangungusap ang iyong unang talata.
Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang bahagi ng unang talata.

• Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan. Nararapat na maipresenta ang mga
tiyak na detalye— tulad halimbawa ng pangangatuwiran, ebidensya at mga halimbawa sa iyong teksto upang
maging kapani-paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.

• Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. Obserbahan ang pagkakaugnay- ugnay ng
mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip nang mabuti upang hindi maguluhan ang mga mambabasa sa tekstong
binabasa.

• Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap. Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga tamang
estruktura o kaayusan ng gramatika o maging simpleng paggamit ng mga bantas. Hangga’t maaari ay error-
free ang kabuuan ng ating teksto.

Wika rin nina Brandil, et al., (2016), ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang sa pagbuo
ng burador.

• Magbalangkas sa paraang konseptuwal, pangungusap, patalata, o biswal na paraan gamit ang grapikong
pantulong.
• Ayusin o ihanay ang pangunahing ideya patungo sa mga tiyak na ideya o konsepto,
posibleng gumawa ng sariling pananda o highlighter upang matukoy ang dibisyon ng mga konsepto.
• Gumamit ng akmang salita batay sa hinihingi ng akademikong sulatin o pananaliksik. Maikli, malinaw,
pormal, at intelektuwal na wikang gamitin.

A. Tingnang mabuti ang talahanayan. Isulat ang angkop na datos na kailangan ng paksa ayon sa uri
ng hanguan. Sa huling bilang, punan mo ng sarili mong paksa. Ang unang bilang ay ginawang halimbawa.

Paraan ng Pangangalap
Paksa Hanguang Primarya Hanguang Sekondarya (Survey, panayam, Imersiyon)
1. Eleksiyon Kandidato sa eleksiyon Artikulo o balita Panayam at survey

2. Problema sa Kalikasan

3. Adiksyon sa Social Media

4. Epekto ng Online Game sa


Pag-aaral

(055) 500-0881 | catarman.nhs@deped.gov.ph Page 3 of 4


Department of Education Schools Division of Northern Samar, Catarman National High School
5. Impluwensiya ng K Drama

6. Sanhi ng Broken Family

7. Depresyon ng mga
Kabataan

8. Bullying

9. Makabagong Teknolohiya

TAYAHIN

Tama o mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at isulat naman ang MALI kung ang
pahayag ay mali.

__________ 1. Lahat ng mga impormasyon mula sa internet ay maaaring


magamit.

__________2. Ang datos na nakalap ang magpapatibay sa gagawing


pananaliksik.

__________ 3. Ang pahayagan ay hanguang sekundarya.

__________ 4. Magkaiba ang burador at draft.

__________ 5. Nahahati sa yugto ang pananaliksik sa silid-aklatan.

__________ 6. Nararapat na lagyan ng katibayan ang susulating teksto.

__________ 7. Ang burador ay patalata.

__________ 8. Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbuo ng pananaliksik.

__________ 9. Hangunag tersyarya ang saligang batas.

__________ 10. Hindi mahalaga ang gramar sa pagsulat ng burador.

Prepared by Checked by Noted by

EMILY E. PAJAC TROY NINO S. SOMORAY JOHN L. DELORINO


Subject Teacher Master Teacher 1 School Principal

(055) 500-0881 | catarman.nhs@deped.gov.ph Page 4 of 4

You might also like