You are on page 1of 2

Name: Corpuz, Kevin Anthony D.

Section: BSIT-WAFT (CTEC 7)

Bigyan kahulugan at magsaliksik.


1. Pananaliksik
Ang pananaliksik ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa,
pangyayari, at iba pa.Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Ito rin ang malikhain at sistematikong gawaing ginagawa
para mapataas ang kaalaman. Saklaw nito ang pangongolekta, pag-oorganisa, at
pagsusuri sa mga impormasyon para mapalawak pa nang husto ang kaalaman tungkol
sa isang paksa o isyu. Ang isang proyekto sa pananaliksik ay maaaring isang
pagpapalawak sa napag-alaman na. Isinasagawa ang mga ito para mahusay pa lalo ang
pag-intindi sa isang partikular na paksa, o maaaring para sa edukasyon. Hinahanap ng
pananaliksik kung de-kalidad ba ang isang instrumento, mainam ba ang isang
pamamaraan, tama ba ang eksperimento, o di kaya'y totoo ba ang isang panukala at
teorya.
2. Katangian ng Pananaliksik
Imperikal – Ang pananaliksik ay nakabatay sa mga direktang karanasan o obserbasyon
ng mga mananaliksik.
Lohikal – Ang katangiang ito ay naka base sa mga tamang pamamaraan at mga
alituntunin.
Siklikal – Naglalarawan ito ng isang “cyclical” na proseso dahil nagsisimula ito sa isang
problema at nagtatapos sa isa pang problema.
Analitikal – Pinag-aralan ang mga paraang analitikal na pagkuha ng datos. Maaari itong
maging historikal, deskriptibo, o experimental.
Kritikal – Dito, ang pananaliksik ay sumasailalim sa maingat at tumpak na paghahatol.
Kakayahang i Kopya (Replicability) – ang disenyo at mga pamamaraan ng
pagsasaliksik ay kinopya o inuulit upang maabot ng pananaliksik ng wasto at kapani-
paniwala na mga resulta.
3. Mga uri ng Hanguan or Sources
Ayon kina Mosura, et al. (1999) may tatlong uri ng Hanguan:
Ang mga hanguang primarya (primary sources)
● Mga indibidwal awtoridad,
● Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity,
katutubo o mga minorya, bisnes, samahan, simbahan at gobyerno,
● Mga nakagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at
ekonomik at iba pa, at
● Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas-
kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte,
sulat, jornal at talaarawan o dayari
Ang mga hanguang sekondarya (secondary sources)
● Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensiklopedya, taunang-ulat o yearbook, almanac
at atlas,
● Mga nalathalang artikulo sa journal, magazin, pahayagan, at newsletter,
●Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi,
at
● Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Hanguang Elektroniko o Internet
● Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinaka malawak at pinaka mabilis
na hanguan ng mga impormasyon o datos.
● Sa isang pindot lamang ng daliri ay may mayaman na impormasyon ka ng
makukuha.
● Ang teknolohiya ng ito ay bunga ng kumbinasyon ng serbisyong postal, telefono,
at silid-aklatan.
● Sa internat ay maari ka ring magpadala ng liham-elektroniko o e-mail sa alin
mang panig ng mundo.
● Samakatuwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng informasyon sa
pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-
aklatan sa malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang
telefono.
● Kung ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos,
nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa pananaliksik.

4. Mga Bahagi ng Pananaliksik


MGA PANIMULANG IMPORMASYON
1. Pahina ng Pamagat
2. Liham Pagkilala at Pagtanggap sa Pananaliksik Bilang Bahagi ng Kurso
3. Pagkilala, Pasasalamat at Paghahandog
4. Talaan ng nilalaman
5. Talaan ng Talahanayan
KATAWAN NG PANANALIKSIK
Kabanata 1. Suliranin at Kaligiran
1. Rasyunal
2. Paglalahad ng Suliranin
3. Kahalagahan ng Talakay
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Kabanata 2. Metodo ng Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Respondent
3. Instrumento ng Pananaliksik
4. Tritment ng mga Datos
Kabanata 3. Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata 4. Paglalahad ng Resulta at ng Pananaliksik

5. Magbigay ng isang posibleng paksa (pamagat) ng Pananaliksik na akma sa iyong kurso.


➢ Kahalagahan ng Isang Welder

You might also like