You are on page 1of 6

ANG PANANALIKSIK

Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pananaliksik sa kasalukuyang


panahon. Ang lahat na nakikita at nararanasan nating pagbabago at pag-unlad
sa kasalukuyan ay bunga ng walang hanggang pananaliksik.
Maituturing naang pananaliksik ay susi ng kaunlaran.
Dahil dito, nagkakaroon ng kabuluhan ang maraming bagay sa mundo: lumago
ang kabuhayan, bumilis at gumaan ang halos lahat ng maituturing na mabigat
na gawain ng tao.
Nagkaroon din ng makabagong kasangkapan tulad ng telepono, cellphone,
computer at fax machinena nagpapabilis ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa na
nasa malayong lugar kahit nasa ibayong dagat. Ang lahat ng ito ay bunga ng
patuloy na pananaliksik.

Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng


isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan.

Ayon kay Galang, ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng


phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyan ng linaw,
patunay at pasubali. Binubuo ito ng proseso ng paglilikom, pagtatanghal, pagsusuri, at
pagpapaliwanag ng mga pangyayari o katotohanan na na nag-uugnay sa espekulasyon
ng tao sa katotohan.

Ito ay pandalubhasaang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na


panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, at maingat, maayos at
malayuning pagsulat para mayari at makapangyari ito ng maganda, mabisa, at higit sa
lahat, kapaki-pakinabang na pagpupunyagi. (Arrogante, 1992)

Si Aquino, na may higit na detalyadong kaisipan, ay nagsasabi na ang


pananaliksik ay isang sistematikong pagsasaliksik ng mga mahahalagang impormasyon
tungkol sa isang tiyak na paksa o problema. Pagkatapos ng isang maingat,
sistematikong pagsasaliksik ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa isang
tiyak na paksa o problema, at pagkatapos na masuri at maipaliwanag ang datos ng
mananaliksik, muli niyang haharapin ang isang mahalagang gawain—ang paghahanda
mg ulat pananaliksik.
Ayon kina Treece at Treece, ang pananaliksik ay pangtatangkang makakuha ng
kalutasan sa mga suliranin. Sa katiyakan, ito’y paglilikom ng mga datos sa isang
mahigpit at kontroladong kalagayan sa layuning makapaghinuha o
makapagpaliwanag.

Ayon kay Manuel at Medel, ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng


mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa
isang siyentipikong paraan.

Ayon kay Parel, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o


pagsisisyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mga mananaliksik.

Ayon kay Atienza at iba pa ng U.P., ang pananaliksik ay isang matiyaga,


maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang
bagay, konsepto, kagawian, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

Bilang konklusyon, ang pananaliksik batay sa ibinigay na iba’t ibang kahulugan


ay isa ng sistematikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa
at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng mga suliranin, pagpapatotoo
ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong ginawa.

Mga Uri ng Pananaliksik

1. Payak na Pananaliksik

Tinatawag din itong puro o pundamental na pananaliksik na isinasagawa sa mga


laboratory o kilinikang pang-eksperimento.

2. Nilapat na Pananaliksik

Ito ay ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pananaliksik, o


paggamit ng mga kaalaman sa mga gawaing pananaliksik, o paggamit ng mga
kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang
dito ang mga protokol o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na
klinikal.

3. Pang-akademya

Iba ito sa pananaliksik na pang-edukasyon sapagkat isinasagawa ito ng mga


mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga
estudyante upang makapagsulat o makagawa ng mga takdang-aralin sa pamamagitan
ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa at nagtatala sila
sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawaing ito ng mga manunulat ng mga
hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga
impormasyong ginagamit sa pagsusulat.

4. Pang-agham

Tinatawag din itong pamamaraang siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi sa


pagsasaliksik ang maka-agham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang
mapainam ang mga pagkaunawa sa mga larawan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika,
kemika, at iba pa. Dahil sapang-agham na gawi ng pananaliksik, maaaring
maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamut na panlunas ng mga
karamdaman at kung paano makapag-aani nang mas maraming mga pagkain sa mga
bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon at mula sa
nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pananalapi sa ganitong uri ng mga
pananaliksik.

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Sa tulong ng mga pananaliksik, higit na napapaunlad at napapalawak ang


kasanayan ng isang tao para sa makabuluhang pag-aaral. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga layunin ng pananaliksik na makatutulong sa mga mag-aaral na :

1. Makatuklas ng bagong ideya, konsepto at impormasyon.


2. Makapagdagdag ng panibagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga
dating ideya o kaisipan.
3. Makapagbigay linaw sa usapin o isyung pinagtatalunan at tuloy
makapagbigay ng inaakalang solusyon sa problema.
4. Makapangatwiran sa isang ideya o pahayag sa tulong ng mga
mapapanaligang mga dokumento o materyales.
5. Makapagpatunay sa makatotohanang ideya, interpretasyon, palagay,
paniniwala o pahayag.
6. Makapagbahagi ng mga bagong kaalaman sa ibang tao base sa mga
nasaliksik.
7. Makatulong sa pagpapaunlad ng pansariling kaalaman.
8. Mapagbuti ang umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagay, instrumento
o produkto.
9. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan
10. Makadiskubre ng mga bagay at kaalaman hinggil sa mga batid na
phenomena.

Katangian ng Pananaliksik
Upang maisakatuparan ang mga layunin sa pananaliksik, ito ay kinakailangang
magtaglay ng mga sumusunod na katangian:

1. Sistematiko

Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin


tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang nilalayong
matuklasan na inihahanap ng kasagutan.

Sistematikong hakbang ng Pananaliksik


a. Pagtukoy sa suliranin
b. Pag-uugnay ng suliranin sa mga teorya
c. Pangangalap ng datos
d. Pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos
e. Pagbuo ng konklusyon, rekomendasyon, at paglalagom

2. Siyentipiko

Ito’y pagsasagawa ng masinsinang paglikom ng mga katibayan at datos.


Gayundin, ang pagsulat ng haypotesis ay isinasagawa upang mapatunayan o
mapabulaanan ang pag-aaral.

3. Kontrolado
Pinaplanong mabuti ang dapat gawin at ang bawat hakbang ay
pinagiisipan kaya hindi maaaring manghula sa resulta ng pag-aaral na
isinasagawa. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag, kinikilala
at pinipili ang mga baryabol. Kinakailangan na ang baryabol na sinusuri ay
hindi magbago. Dahil anumang pagbabagong magaganap dito ay maaaring
makaapekto sa buong pananaliksik. Ang rekomendasyon ay nakasalalay sa
resulta at kongklusyon ng isinasagawang pag-aaral.
4. Empirikal

Sa bahaging ito, ang lahat ng datos ay kompleto na at ang mga ebidensya


ay handa na upang mapatunayan o mapagsinungalingan ang binuong
haypotesis sa umpisa. Ang mga empirical na datos na ito ay magsisilbing
batayan sa pagbuo ng kongklusyon.

5. Mapanuri
Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kinakailangang suriin ng
kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng
interpretasyon sa mga datos na kaniyang nakalap. Ang masusing pag-aaral ay
maaaring kwantitatibo o kwalitatibo. Kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay
nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginamit. Kwalitatibo naman kapag
tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng mga kuro-kuro o
interpetasyon.

6. Walang Kinikilingan
Walang ‘biases’, walang manipulasyon at ang anumang resulta ng pag-
aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinion ng mananaliksik.
Hindi dapat baguhin ang resulta upang panigan o kampihan ng ang isang panig
o grupo. Isang malaking pagkakamali ang magmanipula ng resulta ng pag-aaral
kaya dapat sikapin na maging obhetibo.

7. Ginagamitan ng Haypotesis
Ang haypotesis ay pansamantalang pagpapaliwanag sa gawi o
pangyayari na naganap na o magaganap pa lamang. Ito ay tumutukoy sa tiyak
na suliranin ng isinasagawang pag-aaral.

Iba pang Katangian ng Pananaliksik

Isang Orihinal na Akda


Ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na nakalap ng isang
mananaliksik na nagmula mismo sa kaniyang pangangalap at pagtuklas dahil
kailangan na ang mga datos ay galing sa primary sources. Hindi galing sa pag-
aaral ng ibang mananaliksik.

Accurate na Pag-iimbestiga, Organisasyon o Deskripsyon

Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa nang


tama upang maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon
sa isang pag-aaral ay may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta
rito.

You might also like