You are on page 1of 14

Banghay Aralin sa Filipino II

(Pagbasa at Pagsulat ng Teksto tungo sa Pananaliksik)

I. Layunin: Pagkatapos ng klase, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:


a. matukoy ang iba’t ibang bahagi ng konseptong papel;
b. mabigyang kahalagahan ang ideya ng estudyante kung paano isasagawa ang konseptong papel; at
c. makabuo ng sariling proposal batay sa kanilang kursong kinuha gamit ang mga ibat-ibang bahagi ng konseptong
papel.
Paksa: Pagbuo ng Konseptong Papel
Mga nakapaloob: Apat na bahagi sa pagbuo ng Konseptong Papel .
Sanggunian: Internet (Documentary), Aklat
Kagamitan: Projector, Marker, Panidkit at laptop.
Kasanayan: Nalilinang ang kasanayan sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.

Konsepto: Ang pagbuo ng Konseptong papel ay nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay
liwanag sa mga paksang inilalahad upang mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan.

II. Pamamaraan Kagamitan Gawain ng Guro Gawain ng Estudyante


A. Karaniwang Gawain
Guro: Magsipagtayo ang lahat para sa panalangin na Mag-aaral: Magandang
- Panalangin pangungunahan ni ________________. umaga din maam.
- Pagbati Guro: Magandang umaga sa lahat.

- Pagtawag sa mga lumiliban sa Klasrekord Guro: Lumiban sa klase si _____________.


klase
Guro: Naalala niyo pa ba kung ano ang pinag-aralan Mag-aaral: Opo maam, ito
natin noong nakaraang tagpo? ay patungkol sa
Pananaliksik.
- Balik- aral
Guro: Tama; ano nga ba ulit ang Pananaliksik? Mag-aaral: Ang
pananaliksik ay isang
paggawa ng isang pag-
aaral o riserts maam.
.
Guro: Maraming Salamat! Tama kayong lahat.
Ngayong umaga, ang ating paksa ay ang pagbuo
ng Konseptong Papel, aalamin natin kung ano nga ba
ang mga bahagi ng konseptong papel Ngunit bago ang
lahat, magkakaroon tayo ng gawain na kung saan
hahatiin ko kayo sa dalawang grupo.
B. Pagganyak (5 minuto)
Magpapakita ang guro ng mga ginupit na mga papel
Buuin Mo Ako! Papel na bahagyang naglalaman ng Salitang “Konseptong
Gunting Papel".
Pandikit
(Magkaroon ng pagpapangkat hahatiin sa dalawang
grupo ang mga mag-aaral at tatayo ang mga
representante sa bawat pangkat upang pumunta sa
harapan), pagkatapos ay mag-uunahan silang mabuo
ang mga salita. DAPAT HINDI MASYADONG
PAMBATA,

Pagkatapos ay magtatanong ang guro,

1. Ano ba ang salitang nakadikit sa pisara? Mag-aaral 1: Konseptong


papel maam.

2. Ano ba ang unang salitang maiisip ninyo kung Mag-aaral 2: isang


kayo ay makabasa o makarinig ng salitang ito? paghahanda sa pagbuo ng
pananaliksik o “Research”
mam.

3. Kayo ba ay may karanasan na sa paggawa ng Mag-aaral 3: Opo maam!


ganito?

4. Sa tingin ninyo ano nga ba ang nakapaloob sa Mag-aaral 4: May


pagbuo ng konseptong papel? introduksyon na
nakapaloob nito!

5. Gaano ba kahalaga ang pagbuo ng konseptong Mag-aaral 5: Mahalaga ito


papel? maam, sapagkat
nakakatulong ito upang
mapadali ang paggawa ng
pag-aaral.

Guro: Maraming Salamat! Tama kayong lahat.


C. Presentasyon ng Aralin Magpapakita ang guro ng kabuuang halimbawa ng
konseptong papel.

Guro: Ang Halimbawa na ito ay mula sa Beda College


na pag-aaral nina Camille B. Villaruz at Samuel M.
Villena. .

Dapat Konektado sa Ginawang Paganyak


D. Pormal na Talakayan Magsisimula na ang guro sa Pormal na Talakayan.
Eslayd
Prodeyektor
Laptop Guro 1: Ngayon, ang itatalakay natin ay patungkol sa
konseptong papel. Maraming titser ang hindi na
humihingi ng konseptong papel na isusumite ng mga
estudyante matapos silang makatiyak sa paksang gusto
nilang gawan ng pananaliksik. Maari rin ito ngunit
kadalasang ang mga estudyante ay walang katiyakan
sa dapat nilang gawin sa pagbuo ng panahunang papel.
Para silang nangangapa at ang paggawa nila ng papel
ay ang tinatawag na prosesong hit and miss na walang
direksyon.

Guro 1: Ang konseptong papel ay nagsisilbing


proposal ng estudyante sa kanyang gagawing
pananaliksik. Maaring maging simple lamang ito na
bubuuin ng 1 hanggang 3 pahina o maging
detalyaldong aabot sa mga 10 pahina. Simple man ito
o detalyado, ang konseptong papel ang magsisilbing
patnubay ng estudyante upang mayroon siyang
pangkalahatang ideya ng kanyang gagawing
pananaliksik para sa kanyang panahunang papel.

Guro: Ayon kay Constantino at Zafra (1997),


tinatawag nila ang konseptong papel bilang
Framework ng paksang tatalakayin. Ayon pa sa kanila,
ito ang pinaka-istruktura at pinaka-ubod ng isang
ideya na tumatalakay sa ibig patunayan, linawin o
tukuyin.
Guro 1: At ngayon dadako tayo sa apat na bahagi ng
konseptong papel nina Constantino at Zafra 1997.
Ayon sa kanila , ito ang pinaka-istruktura at pinaka-
ubod ng isang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan,
linawin o tukuyin.

Guro 2:Maraming salamat Sir, ngayon tatalakayin ko


ang unang bahagi ng pagbuo ng konseptong papel, ito
ay ang Rasyunal-

Guro2: Sa inyong sariling opinyon ano nga ba ang ibig Mag-aaral 1: isang ideya
ipapakahulugan ng salitang rasyunal? ng paksa maam.

Guro2:Maraming salamat! Sino pa ang Mag-aaral2: Ito ay


makapagbibigay sa inyo ng sariling opinyon patangkul tumutukoy sa kaligiran ng
sa rasyunal? suliranin maam.

Guro2: Maraming Salamat! Ang lahat ng sagot ay


tama.
Samakatuwid, ipinapahayag nito ang kasaysayan o
pinagmulan ng ideya at dahilan kung bakit napili ang
partikular na paksa. Dito inilalahad ang kahalagahan at
kabuluhan ng pag-aaral na gagawin.
(Magpapakita ang guro ng isang halimbawa ng
konseptong papel na nakabatay sa itaas,ituturo ng guro
kung saan makikita ang rasyunal).
Guro 2: Mapapansin sa bahaging ito na nakapokus
lamang sa mga impormasyon na may kinalaman sa
paksang nais talakayin. Nag-uumpisa ito sa mga
sitwasyon sa pangkalahatan hanggang sa partikular na
lokasyon (general to specific). At saan mo nakuha ang
inspirasyon upang piliin ang paksang iyong
gustong siyasatin.

Guro 2: Ang susunod na bahagi sa pagbuo ng


konseptong papel ay ang layunin na tatalakayin ni Bb.
Yonson.

Guro 3: Maraming Salamat Maam! Sa


pagpapatuloy,ang ikalawang bahagi ng konseptong
papel ay ang Layunin tinutukoy ng layunin ang pakay
o gustong matamo sa pananaliksik ng napiling paksa.
Mag-aaral 1: Para
Guro 3: Bakit ba mahalaga ang layunin sa pagbuo ng mapadali ang gagawing
konseptong papel? pag-aaral o pananaliksik
maam.
Mag-aaral 2: Para
Guro 3: Maraming Salamat! Sino pa ang malaman kung ano talaga
makapagbibigay ng ibang dahilan kung bakit ito ang pangunahing pakay ng
mahalaga? pag-aaral maam.

Guro 3: Maraming Salamat! Ang lahat ng sagot ay


tama. Sa pangkalahatan ito ang hangarin o pakay ng
pag-aaral na nais matamo ng mapiling paksa. Maaari
itong pangkalahatan (general) o tiyak (specific). Sa
pangkalahatang layunin, ipinahayag nito ang kabuuang
layon, nais gawin, mangyari o matamo sa
pananaliksik. Sa tiyak nalayunin, ipinahahayag nito
ang ispesipikong pakay sa pananaliksik sa paksa.
Maaaring ang layunin ng paksang nais siyasatin ay
puwedeng isulat sa paraang patanong. (Magpapakita
ang guro ng halimbawa ng konseptong papel na
nakabatay sa itaas,ituturo ng guro kung saan makikita
ang layunin).
Guro 3: Ang susunod na bahagi ng konseptong papel
ay ang Metodolohiya na tatalakayin ni Bb. Cornitez.

Guro 4: Maraming Salamat Maam! Ngayon, sa tagpong ito


aalamin natin ang pangatlong bahagi sa pagbuo ng
konseptong papel. Ito ay ang Metodolohiya inilalahad
dito ang pamaraang gagamitin ng mananaliksik sa
pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin
sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na
impormasyon. Mag-aaral 1: Para
magkaroon ng malinaw na
Guro 4: Sa tingin ninyo bakit ba kinakailangan ang ideya, kung paano
pagkakaroon ng metodolohiya sa pagbuo ng kukunin ang mga
konseptong papel? kinakailangang datos.

Guro 4: Tama ang iyong sagot. Maraming salamat.


Samakatuwid tinutukoy ditto ang pamamaraan na
gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling
paksa sa pananaliksik. Maraming paraan ang
ginagamit sa pagkuha ng datos, gaya ng Sarbey,
paggamit ng kwetyoneyr, case study, obserbasyon,
analisis ng dokumento, at iba pa. Sa pagsusuri naman,
maaaring gamitin ang empirikal na paraan,
komparatibo, semiotika( pagsusuri sa kahulugan),
hermenyotika( interpretasyon), at iba pa. Dipende ito
sa larangan at paksa sa pag-aaral. (Magpapakita ang
guro ng halimbawa ng konseptong papel na nakabatay
sa itaas,ituturo ng guro kung saan makikita ang
Metodolihya).
Guro 4: Makikita sa halimbawa ang mga pamamaraan
na ginamit sa pag-aaral. Sa pangkalahatan hindi dapat
makaligtaan ang mga ito.
a. Ano ang metodo na karapat-dapat gamitin sa aking
pagsisiyasat?(descriptive o experimental)
b. Sinu-sino ang aking mga respondents (tagatugon) o
sinu-sino angmga dapat kong pagkuhanan ng mga
datos?
c. Kalian ko dapat isagawa ang pagsisiyasat o
pangangalap ng datos?
d. Anu-ano ang mga instrumentong aking
kakailanganin upangmakalap ang mga kinakailangan
kong datos?
e. Ano ang aking gagawin sa mga nakalap na datos.
Paano nitomasasagot o matutugunan ang mga layunin
ng pagsisiyasat?

Guro 4: Ito ang mga pangunahing sangkap ng isang


Metodolohiya, upang magkaroon ng malinaw na
pamamaraan sa pagkuha ng datos at para mapadali ang
gagawing pag-aaral.

Guro 4:Ang panghuli ay ang Inaasahang Output o


resulta na itatalakay ni Bb. Boligor.
Mag-aaral 1: Upang mas
makabuluhan ang
Guro 5: Maraming Salamat maam. Sa pagpapatuloy ginawang pag-aaral.
ang panghuling bahagi ng konseptong papel ay ang
Inaasahang Output o Resulta. Bago ang lahat sino
ang makapagbibigay sa akin kung bakit mahalaga ang
bahaging ito? Mag-aaral 2: Dahil hindi
matatapos o matagumpay
Guro 5: Maraming Salamat! Sino pa ang mayroong ang pag-aaral kung wala
ideya, kung bakit mahalaga ang bahaging ito? ito.
Guro 5: Maraming Salamat! Tama. Samakatuwid dito
ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging
resulta ng pananaliksik o pag- aaral. Dahil patuloy pa
rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring
magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang
resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng
pagkalap ng datos. Mag-aaral: Opo Maam,

Guro 5: Maraming salamat! At sa puntong ito ay nais .


kong magisip-isip mo na kayo ng mga paksa na sa
tingin ninyo ay magandang pag-aaralan. Tatlong
halimbawa lamang.

E. Paglalahat (Papatayin ang prodyektor)


PAGBABALIK TANAW SA GINAWANG
TALAKAYAN ARTS OF QUESTIONING Mag-aaral 1: Wala na po
Guro: Wala na bang kayong mga katanungan maam.
patungkol sa aking tinalakay o di kaya mga kalituhan,
mga hinanaing upang ng sa ganon ay aking masagutan
ang inyong mga dinaramdam diyan.
Mag-aaral 2: Opo maam.
Guro: Yung totoo klaro na ba sa inyo? Naunawaan ba
ng lahat?
Mag-aaral: (pumalakpak
Guro: Nais kong palakpakan ninyo ang inyong mga lahat ang mga mag-aaral)
sarili sapagkat mga matatalino kayo talaga dahil ang
bilis ninyong natutuo lahat.
Mag-aaral 3: Opo maam.
Guro: Sa puntong ito alam kong kayo ay handa na sa
ating gagawin ngayong umaga. Tulad ng sinabi ko
kanina ang mga paksang iniisip ninyo ay maari na
ninyong isulat.Handa na ba ang lahat?

F. Ebalwasyon (Magkakaroon ng pasulit patungkol sa pagpili ng


napapanahong paksa. Papangkatin ng Guro ang buong
klase sa bawat pangkat ay may limang miyembro
lamang).

Guro: (Babasahin ng guro ang panuto)


Una, dapat kaugnay rito ang iyong kursong kinukuha.
Pangalawa, siguraduhing makapagbibigay aral sa iyo
ang paksa at magagampanan ng paksa ang iyong
pangangailangan sa kurso. Pangatlo, dapat alalahanin
na ang paksa ay kailangang gawing limitado o tiyak
upang mapadaling matapos sa loob ng 15 minuto
lamang. Kumuha ng kalahating papel. Inaasahang
hindi dapat gagamit ng celpon sa pagkuha ng paksa at
huwag hayaang makopya ang iyong nasulat sa iyong
katabi. Matapos magkaroon ng paksa, pumili ng isang
representante upang ibahagi ang nagawang paksa sa
harap ng buong klase.
Mag-aaral: Opo maam.
Guro: Kung mayroon man kayong hindi naintindihan
sa panuto ay maaari kayong pumunta dito sa harapan,
huwag lamang kayong magtanong sa inyong mga
katabi. Naintindihan ba?

Guro: Sige maaari na kayong magsimula.

G. Takdang Aralin: Guro: Gumawa ng konseptong papel batay sa paksang


napili ng inyong grupo. Dapat kakikitaan ito ng apat
na bahagi sa pagbuo ng isang konseptong papel. Ilagay
ito isang buong papel(Bond paper) Lagyan ng criteria
katulad ng Font Size, Font style, Margin,at iba pa.

You might also like