Professional Documents
Culture Documents
Modelo NG Pagpaplanong Pagtuturo
Modelo NG Pagpaplanong Pagtuturo
Ang iba’t ibang ay may iba’t ibang paraan ng pagpapalano. Maraming salik ang
nakaimpluwensiya sa isang guro bago makagawa ng Sistema na bagay sa kaniya. Ano pa at ang
bawat estilo ay masasabi nating dumaan sa proseso. Dapat pag-aralan ng isang mag-aaral sa
pagiging guro ang iba-ibang modelo na ginagamit bilang planong pang-instruksiyon upang sa
gayon ay makagawa siya ng sariling estilo na bagay sa kaniya kapag siya ay nagtuturo na. ngunit
hindi roon dapat nagtatapos ang lahat.
Kapag siya ay ganap na isang guro na, makabubuting ipagpatuloy ang pagtingin sa mga
available na planong pang-instruksiyon sapagkat ito ay batauan ng kaniyang patuloy nap ag-
unlad bilang guro. Wika nga, ang propesyon ng isang guro ay “walang katapusang pag-aaral”.
Mararanasan at makikita ng isang guro na ang pagdidisenyo ng epektibong banghay-aralinay
masalimuot at di-simpleng gawain. Ang pagtuturo ay isang gawaing “nakapananabik” at
ngangailangan ng mayamang imahinasyon.
Ang mga guro ay nasa posisyon upang madisenyo ng mga planong pang-instruksiyon na
gagamitin sa pagtuturos a klase. Hindi rin natatapos sa papaplano ang gawain ng isang guro.
Higit na mahalaga sa lahat ng ito ang aktuwalisasyon ng lahat ng kaniyang plano. Dito makikita
ng isang guro ang tunay na epekto, kung mayroon man, ng lahat ng kaniyang mabubuting iniisip
para sa kaniyang mga mag-aaral. Ang anumang pinakamagandang banghay-aralin ang
pinakakaluluwa ng propesyon sa pagtuturo.
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Kognitib
b. Apektib
c. Saykomotor
II. Paksang-Aralin
Paksa:
Kagamitan:
Sanggunian.
III. Pamamaraan
IV. Pagtataya
V. Takdang-Aralin/