You are on page 1of 32

Magandang

Hapon!
Panalangin
Balik-Aral
Pagbuo ng isang
Banghay-Aralin
Alamin Natin!
Ano ang
banghay?
Banghay
Ang isang banghay ay naglalarawan sa
maayos at konkretong pagkakasunod-
sunod ng mga kaganapan sa isang paksa o
kwento.
Ang Banghay-
Aralin Ito rin ang sinusunod
ng guro sa kanyang
Ang banghay-aralin isasagawa na
ay isang plano ng guro sa pagtuturo. Nakapaloob
kanyang mga paksang dito ang mga layunin,
tatalakayin o leksyon paksang aralin, mga
nito. Kaya naman, kagamitan, pamaraan,
tinatawag itong “lesson at ebalwasyon.
plan” sa Ingles.
Ang Banghay-
Aralin Ang banghay-aralin ay
isang balangkas ng mga
Ang isang banghay- layunin, paksang aralin,
aralin ay maaring kagamitan at mga
tanawin bilang isang hakbang na sunod
script na sinusunod ng sunod na isinasagawa
guro sa pagtuturo ng sa pagsasakatuparan ng
isang tapik para sa isang layunin at ikakatamo ng
tiyak na oras o panahon. mga inaasahaang bunga.
Kahalagahan
1. Ito ay nagiging gabay ng mga guro para magkaroon ng
isang direksyon sa pagtatalakay ng mga leksyon sa mga
estudyante.
2. Ito ay nagsisilbing iskrip ng guro para sa kanyang
pagtuturo.
3. Dahil dito, natatantya na ng mga guro bago magklase
kung gaano katagal niya dapat talakayin ang mga parte ng
kanyang paksang tatalakayin.
Kahalagahan

4. Ito rin ay nagbibigay ng kumpyansa sa sarili ang guro


at siya ang nagiging handa dahil sa banghay-aralin.
5. Nagiging mabuting halimbawa ang guro sa kanyang mga
mag-aaral kung kaya niyang maging organisado lalo na sa
mga leksyon na dapat tatalakayin.
Bahagi ng Banghay-
Aralin
• Layunin
• Paksang-Aralin
• Pamamaraan
• Ebalwasyon
• Takdang-Aralin
• Layunin
• Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto
o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
• Makikita rin dito ang mga estratehiya na nararapat gamitin
at ilapat ng mga guro sa pagtuturo.
• Ang mga layunin ay dapat na nakatuon sa tatlong apseto: ang
kognitibong layunin na sumusukat sa pag-iisip ng mga mag-
aaral, ang apektibo para sa damdamin at saykomotor para sa
pagsasagawa ng mga natutunan.
• Paksang-Aralin
• Sa paksang-aralin naman nakalagay ang pamagat ng aralin na
tatalakayin, ang mga sanggunian o referens at ang mga
kagamitan upang higit na matuto ang mga mag-aaral.

Halimbawa:
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pagtukoy sa dinaramdam o mensahing ibig ipaalam ng
mga hayop.
B. Sangunian: Landas sa Wika at pagbasa pahina 9-12.
C. Kagamitan: Plaskard, mga larawan at libro
• Pamamaraan
III. Pamamaraan
• Ang pamamaraan ay
a. Panimulang Gawain
naglalaman ng mga gagawin (Panalangin, Pagbati,
ng guro at ng kanyang mga Pagsisiyasat sa Kapaligiran at
estudyante mula sa Pagtala ng mga lumiban sa
panimulang gawain, klase)
motibasyon, paglalahad ng b. Pagbabalik-aral
aralin, malayang talakayan, c. Pagganyak
paglalahat, paglalapat d. Paglalahad
hanggang sa pagsasagawa e. Pagtalakay sa aralin
at pangwakas na gawain.
• Ebalwasyon • Takdang-Aralin

Upang masukat ang Ang huling bahagi naman


natutunan ng mga mag-aaral ay ang pagbibigay ng
ay magibigay ang guro ng kasunduan o assignment para
ebalwasyon na binubuo ng sa sunod na aralin.
ilang mga tanong tungkol sa
napag-aralan.
Halimbawa:
Pagtataya, Pagsusulit
I. Masusing Banghay Ng
Kayarian ng Banghay-
Aralin: Pagtuturo
Ito’y ginagamit ng mga
bagong guro at mga gurong mag-
I. Masusing Banghay Ng aaral. Ginagamit din ito ng mga
Pagtuturo datihan nang guro kapag
II. Mala-masusing Banghay naaatasang magpakitang-turo. Sa

III. Maikling Banghay ganitong anyo ng banghay,


nakatala pati ang tanong ng guro
at ang inaasahang dapat na sagot
ng mga mag-aaral.
II. Mala-Masusing Banghay III. Maikling Banghay
Ito’y higit na maikli kaysa sa Ito’y talagang maikli lamang.
masusing banghay ng pagtuturo. Sa banghay na ito, sapat ng
Sa halip na mayroon pang bahagi banggitin kung anong pamaraan
ang Gawaing Guro at Gawaing ang gagamitin ng guro o di kaya’y
Mag-aaral binabanggit na lamang banggitin ang sunod-sunod na
nang sunod-sunod ang gagawin ng hakbang sa maikling pangungusap.
guro sa klase.
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-Aralin

Sa paghahanda at pagbuo ng banghay-aralin, ang guro


ay malayang magsasagawa ng anumang pagbabago ayon
mismo sa pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral,
ayon sa kapaligirang kultural at sosyal, at kahandaan ng
mga kagamitang panturo. Maaaring isagawa ng guro ang
sumusunod ayon kay Legaspe 2004:
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-Aralin

a. Inobasyon o pagbabago- sinasabi nito na ang guro ay maaaring


magsassagawa ng mga bagong metodo o teknik na paglalahad ng
mga aralin. Siya ay malayang makapag eksperimento ng iba pang
teknik na sa pagbigay niya ay nasa kahandaan at
pangangailangan ng kanyang mga tinuturuan.
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-Aralin

b. Pagpapalit- walang isang tiyak na gamit o teksto sa bawat


aralin. Ang malikhaing guro ay malaya ring gumamit ng anumang
aklat na mapagkukunan ng mga tekstong kailangan ng paksa.
Maaari niyang gamitin ang mga nakahandang materyales bukod
pa sa dating batayang aklat na ginagamit niya.
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-Aralin

c. Modipikasyon (Modification)- Ito ang pagpapakinis sa mga


gawain at mga pagsasanay na kailangan sa pagkaklase. Kung
kinakailangang ayusin at rebisahina ang mga nakagawiang gawain
at uri ng pagsasanay. Malaya ang gurong gawin ito upang
magkaroon ng baryasyon.
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-Aralin

d. Adaptasyon (Adaptation)- ang paglalapat sa mga bagong


ideya na nakalap ng guro o kaya ay nasaliksik ay makatutulong sa
guro upang lalong mapalawak ang nilalaman at istruktura ng
aralin.
e. Paglilipat (Rearranged)- maaaring ibahin ng guro ang
pagkakasunod-sunod ng mga gawain , ginagawa ito upang maging
natural at madulas ang dulog ng mga mag-aaral. Maaaring ilipat
ang hakbang ng isang metodo subalit hindi dapat nasisira ng
lohika ng pagtuturo.
Ang Kontekstwalisasyon ng Banghay-Aralin

f. Pagkakaltas (Deletion)- ang mahahaba, paulit-ulit, at pare-


parehong gawain ay dapat tanggalin ng guro. Ito ay maisasagawa
nang hindi naman nababawasan o masisira ang kinakailangang
kasanayan at kaalaman ng mag-aaral.
g. Kombinasyon (Combination)- Ang pagkakatulad na kasanayan
at aralin ay dapat pag-isahin. Isinasagawa ito upang mapaikli ang
magkakaugnay na impormasyon, kasanayan at nilalaman ng aralin.
Responsibilidad ng Guro sa Pagbuo
ng Banghay-Aralin
● Tukuyin ang layunin ayon sa pangangailangann, interes at
kakayahan ng mga mag-aaral. Ang layunin ay dapat na laging
nasa pananaw ng mag-aaral.
● Piliin ang mga kasanayang angkop at sapat sa pagkamit g
layunin.
● Isaayos ang gawain upang magkaroon ng tuloy-tuloy, mahusay
na kaayusan at kaisahan ng mga gawain.
Responsibilidad ng Guro sa Pagbuo
ng Banghay-Aralin
● Sukatin kung gaano ang natamo sa layunin
● Palagig isagawa ang disiplina at pagganyak.
● Isama palagi sa pagtuturo ang paglinang sa pagpapahalaga ng
mag-aaral.
Nakalimbag na
Kagamitan sa
Pagbuo ng
Banghay-Aralin
1. Batayang Aklat (Textbook)

Aklat para sa isang tiyak na asignatura at baitang.


Inihahanda at ginagamit ito bilang batayang kapwa ng guro at
mag-aaral.
2. Sanayang Aklat (Workbook)
Aklat na naglalaman ng mga pagsasanay at Gawain na
isinasaagawa ng mga mag-aaral. Mga mag-aaral ang gumagamit
ng aklat na ito.
3. Manwal ng Guro

Aklat na naglalaman ng balangkas ng aralin. Guro ang


gumagamit ng aklat na ito.
Kaugnay pa rin ng batayang aklat, inihahanda at ginagamit
ng guro ang manwal. Sa aklat na ito matatagpuan ang mga
mmungkahing banghay ng aralin tulad ng mga layunin, pamaraan,
estratehiya, kagamitan, at iba pang gabay sa pagtuturo.
4. Iba pang Aklat

Bukod sa mga aklat na nabanggit na may napakalawak na


koleksyon pa ng mga aklat ang maaaring magamit ng guro bilang
kagamitan tulad ng sangguniang aklat (diksyunaryo at
ensayklopedya), aklat tungkol sa isang tiyak na paksa, koleksyon
ng mga kwento, pabula at iba pa.
4. Iba pang Nakalimbag

Hindi lamang aklat ang makatutulong sa guro kundi ang iba


pang nakalimbag na bagay tulad ng pahayagan, magazine,
brosyur, at iba pa. Kung agiging kapaki-pakinabang ito sa
pagtuturo ng pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mga mag-aaral,
maituturing na mabuti itong instruksyunal na mga kagamitan.
Bilang isang guro sa
hinaharap, gaano
kaimportante ang isang
banghay-aralin sa
pagtuturo?
Maraming
Salamat!!!
Future Teacher’s
Kaya Natin ‘To!

You might also like