You are on page 1of 3

BITALAG INTEGRATED SCHOOL

Bacnotan, La Union

MASUSING BANGHAY ARALIN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 7 - Psalms

I. Layunin:
1. Nakapagbabahagi ng mga saloobin o karanasan.
2. Nalalaman ang mga paraan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan sa Paag-aaral
3. Nakilalahok sa talakayan sa klase.

II. Nilalaman:
a. Paksa: Halaga ng Pag-aaral para sa Pagnenegosyo o Hanapbuhay
b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 7
c. Kagamitan: sipi ng aralin

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
d. Pagtatala ng lumiban

e. Balik-Aral
Ano ang natatandaan ninyong ginawa ninyo noong Sulat/liham ni Rizal sa mga kababaihan sa
nakaraang linggo? Malolos
magaling

B. Pagganyak

Bakit kaya mahalaga ang pag-aaral? Upang magkaroon ng maayos na trabaho balang
araw.

Tama. Ano pa? Upang makamit ang mga pangarap.

Magaling.

C. Pagtalakay

Epekto ng kawalan ng Edukasyon sa Pamumuhay sa


Lipunan.

Lahat tayo ay apektado ng kawalan ng edukasyon sa


pamumuhay sa lipunan.

Pakibasa ang halimbawa. Halimbawa na lang sa isang barangay, kung ang


mga ito ay hindi nakapag-aral at naturuan ng
kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa
kapaligiran, isipin mo ang magiging kalagayan
ng paligid. Kahit na may iilan dito na nakapag-
aral ay may pagpapahalaga sa kalinisan at
pangangalaga sa kapaligiran, tiyak na
mangingibabaw parin ang uri ng pamumuhay ng
mas nakararami dito.

Ito ang epekto ng kawalang ng eduksyon


Pakibasa. Sa kabilang banda… Sa kabilang banda, ang taong nakapag-aral ay
waring bukas na silid sa mga pagbabago at mga
kaganapan sa daigdig. Ang kalidad ng yamang
tao ng isang bansa ay madaling mahuhusgahan
sa bilang ng mga nakapag-aral na populasyon
na naninirahan dito.

Salamat. Ang nakapag-aral ay bukas sa pagababago


samantalang ang taong hindi nakapag-aral ay hindi
bukas sa pagbabago.

Pakibasa. Sa madaling salita… Sa madaling salita, ang edukasyon ay


pangunahing sangkap upang magkaroon ng pag-
unlad ang isang bansa at gayundin upang
mapanatili ang pag-unlad na ito.

May mga Paraan sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa


Pag-aaral ( Study Skills)

Pakibasa ang una. 1. Isulat mo ang iyong mga takdang-aralin sa


iyong kuwaderno

Bakit kaya kailangang isulat sa kwaderno ang iyong Upang hindi makalimutang gawin.
mga takdang aralin?

Magaling pakibasa ang ikalawa. 2. Huwag kalimutang dalhin sa paaralan ang


araling-bahay.

Bakit kailangan dalhin sa paaralan ang araling- Upang macheck ng guro at responsibilidad kong
bahay? gawin ito.

Magaling. Pakibasa ang ikatlo. 3. Makipag-usap ka sa iyong guro.

Bakit? Upang malaman ang gusting malaman o


maintindihan ang hinaing o pinagdaraanan ng
bawat estudyante.

Ikaapat. 4. Magsaayos sa pamamagitan ng paggamit ng


kulay.

Bakit kailangang gumamit ng color coding? Upang maging maayos ang bawat asignaura.

Ika-lima 5. Magtalaga ng isang palagiang lugar para sa


pag-aaral at paggawa ng araling-bahay.

Bakit? Upang hindi maistorbo sa Gawain.

Magaling pakibasa ang sususnod. 6. Ihanda ang iyong sarili sa mga pagsusulit

Bakit kailangang maghanda? Upang makakuha ng mataas na marka.

Magaling sususnod. 7. Alamin ang iyong pangunahing paraan ng


pagkatuto (Learning Style)

Bakit? Upang mapadali ang pagkatuto.

Tama. Pakibasa 8. Itala ang mga mahahalagang puntos sa pinag-


aaralan sa kwaderno

Bakit kaya? Upang madaling maalala.

Magaling. Pakibasa. 9. Iwasan ang pagpapabukas-bukas


Ano kaya ang dahilan? Para hindi tamarind at hindi makalimutan

Panghuli. 10. Alagaan mo ang iyong kalusugan

Sa tingin ninyo bakit? Para hindi magkasakit.

Ano pa? Anong paraan ang iyong gagawin upang Pageehersisyo at kumain ng masustasya
maalagaan ang inyong kalusugan?

D. Pagpapahalaga

Paano mo iuugnay ang mga natuklasan mong Sa pamamagitan ng pagpaplawig ng aking


kakayahan at kahinaan sa pag-aaral sa gusto mong kahinaanat kakayahan upang maging angkop ito
kurso o negosyo? Ipaliwanag sa kursong aking ninanais.

Paano makatutulong ang pagpapataas ng marka sa Upang makamit o maging angkop ang inyong
mga asignatura sa paaralan sa paghahanda sa iyong marka sa kurso akademiko o teknikal
pinaplanong kuro akademiko o teknikal-bokasyonal bokasyonal na inyong ninanais sapagkat
o hanapbuhay o negosyo? Pangatwiranan. mayroong marking kailangang maabot upang
iyong makamit o makuha mo ang kursong
ninanais.
E. Pagtataya

Maglabas ng ½ crosswise. Sagutin ang


tanong.

Bakit mahalaga ang pag-aaral sa


paghahanda sa nenegsyo at
pagahahanapbuhay?

IV. Takdang Aralin


Magtala ng mga asignaturang kailangang pag-ibayuhin ang pagsasanay o pag-aaral upang mapalakas
ang mga kakayahang mahihina na kaugnay ng minimithing kurso akademiko o teknikal bokasyonal.
Ilagay sa isang kapat na papel.

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

ANGEL AMOR N. GALEA JANICE M. GACAYAN


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like