You are on page 1of 21

8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 7
Teknik sa Pagpapalawak
ng Paksa
VANETTE AISA S. BARINAGA
MA. LINA T. ESTRADA

A Joint Project of the


SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikawalong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vanette Aisa S. Barinaga at Ma. Lina T. Estrada


Editor: Ronna B. Laranjo
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang mag-aaral ng pag- Nabubuo ang isang makatotohanang


unawa sa mga akdang pampanitikan sa proyektong panturismo.
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


A. Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
Paksa: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

Mga Pamantayan sa Pagkatuto:


Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(MELC) F8PS-Ig-h-22)
 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
- paghahawig o pagtutulad
- pagbibigay ng depinisyon
- pagsusuri

Inaasahan din na ikaw ay:


 Naisa-isa ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa.
 Nasusuri ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa.
 Nagagamit ang iba’t ibang Teknik sa pagpapalawak ng paksa sa pagsulat ng
paraan.

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA


Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang kasagutan sa inyong sagutang papel.

1. Bakit mahalagang bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa? Upang higit


na maging ___________________.
a. mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad ng mga ideya.
b. mabisa at kahika-hikayat ang pagpapatalastas ng mga produkto.
c. kawili-wili ang binabasa ng mga mambabasa.
d. epektibo ang ginagawang pag-aanunsyo.

1
2. Ano ang isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng
katuturan upang mas maintindihan?
a. Pagpapaliwanag
b. pagsasaklaw
c. pagbibigay-alam o depinisyon
d. pagbibigay-katuturan o depinisyon

3. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing?


a. para mas madaling makita.
b. para mas nabibigyang pansin.
c. upang mapalitaw ang tiyak na katangian.
d. upang mapalitaw ang tiyak na kaugalian.

4. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkaiba ay pinagtatambis?


a. upang matandaan.
b. upang maibukod ang isa sa isa
c. para lituhin ang mambabasa.
d. para bigyang diin ang isang bagay.

5. Ano ang isang teknik ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi


lamang sa mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa?
a. pagsusuri
b. pag-iimbistiga
c. pagmamatyag
d. pagpapaliwanag

6. Paano nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa


pagtatalata?
a. nakapagbibigay ito ng inspirasyon
b. natutunan ang pagiging malikhain
c. madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay
d. madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay

7. Ano ang tatlong teknik ng pagpapalawak ng paksa?


a. pagpapaliwanag, paghahalaw at paghahawig, pagmamatyag
b. pagbibigay-katuturan, paghahalaw at pagtatambis, pagsusuri
c. pagbibigay-alam o depinisyon, paghahawig at pagtatambis,
pag-iimbestiga
d. pagbibigay-katuturan o depinisyon, paghahalaw at pagtatambis,
pagsusuri

2
Panuto para sa bilang 8-15. Basahin at suriin ang bawat talata at tukuyin
kung anong teknik ang ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

8. “Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o


sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong
panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa


kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating
magaling……”
- Ang Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar
a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis
b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. pagsasalin

9. “Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao


na mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at
sa kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at
pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan. Ito
ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati
ng mga apo at iba pang kamag anak.
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng
isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila
ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito,
at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.”
- Tungkol sa Pamilya ayon kay maraudersmap123

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. pagsasalin

10. “Ang relasyong pampamilya/mag-anak ay parang relasyon ng isang


mangangalaga ng ibon at kalapati. Ang nangangalaga ay ang mga magulang
na naghirap na palakihin at hasahin ang mga anak; ang mga kalapati
naman ay ang nagrerepresenta bilang mga anak. Papakainin, palalakihin,
aalagaan, hahanapan ng ikasasaya at pinapayagang umalis ng pakonti-
konti para mailahad sa mga nagliliitang mga kalapati ang malaking
mundong maaari nitong kaharapin. Hindi man tayo payagan ng ating mga
magulang lumabas ay nagpupumiglas tayong umalis dahil nasiyahan tayo
sa labas. Minsan natatagalan nang bumalik, kahit na hinahayaan tayong
lumabas ay nag-aalala parin sila kung babalik pa ba tayo o hindi na. Pero
unti-unti naring natatanggap ng mga magulang natin na kaya hindi tayo
nakakabalik agad dahil nawili na tayo at darating ang panahon na handa
na silang hayaan ang dating maliit, mahina, gutom, at nangungulilang mga
kalapati na inalagaan, pinalaki, pinakain at binigay ang kagustuhan para
sa kasiyahan ng kanyang mga alaga.”
- Kalapati https://malfredsoria.wordpress.com/

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

3
11. “Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa
Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ngayon, nagbago na
ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong nagging komplikado. Sa
bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga
gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng traabaho, inaasahang magagawa
nila kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan.”

- Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon,


Panitikang Asayano 9

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

12. “Sa Estados Unidos, ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng


sanhi ng kahirapan ang mga paliwanag na indibdwalistiko at istruktural.
Ayon sa paliwanag na indibidwalistiko (pagsisi sa biktima) sa loob ng
Estados Unidos, ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong
katangian na kinabibilangan ng katamaran, kawalang motibasyon, mga
lebel ng edukasyon at iba pa. Ang isang bersiyon ng paliwanag na ito ang
kultura ng kahirapan na nagsasaad na ang mga taong mahirap ay may
isang ibang hanay ng mga pagpapahalagang kultural na nagsasanhi sa
kanilang maging mahirap. Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay
inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga saloobin ng pagsuko
at pagsasatadhana sa kapalaran.”
- Mga Teorya sa Sanhi ng Kahirapan,
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

13. “Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay hindi mga


kwentong pag-ibig kundi isang paraan ng pagtutuligsa sa pamahalaan sa
ilalim ng bansang Espanya.

Ang mga tauhan ay sumisimbolo sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Si Rizal


ay hindi si Ibarra o kaya'y si Simoun, siya ay ang pinagsama-samang
karakter sa nobela sapagkat lahat ng nararanasan ng mga tauhan ay
ayon sa nararamdaman at nais ipahayag ni Rizal.”

- Noli at Fili: Ang Pagsusuri,


https://rizalkurokurosataginit.weebly.com/blog/noli-at-fili-ang-pagsusuri

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

4
14. “No man is an island, iyan ay ika nga ng karamihan. Ang tao ay ‘di
raw kayang mabuhay nang mag-isa o walang kaibigan. Ngunit, ano nga
ba ang kaibigan? Ito ba ay nakakain o gamit na laging nahahawakan? O
baka, ito ay isa lamang salitang walang magandang kahulugan? Inyong
alamin kung tunay at anong uri kang kaibigan.

Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa iba,
ito ay kadalasang tao. Ang kabigan ay isang taong mapagkakatiwalaan,
matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan.”

- Kaibigan, Chastevision

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

15. “Ang Pilipinas ay binubuo ng higit-kumulang na pitong libo, isang


daan at pitong (7,107) mga pulo at binubuo din ito ng malaking
populasyon, binubuo dn naman ng malaking populasyon ang Timog Korea
pero hindi ito kasing laki ng populasyon sa Pilipinas.
Ang Korea ay mayroong mahigpit na patakaran o alintuntunin,
mayroon din sa Pilipinas pero hindi kasing higpit ng sa Hilagang Korea o
Timog Korea. Tulad nalang ng patakaran sa pagkain, paglabas pasok ng
bahay, sa kasal o sa kahit na anong bagay, pero kahit na ganyang ang
pamamahala sa kanila ginagalang parin nila ito. Sa Pilipinas ganon din,
pero hindi magkatulad ang ugali sa paggalang ng mga Pilipino at Koreano.
Ngayon, karamihan na sa mga Pilipino ay sumusuway sa mga batas,
hindi na talaga pareho noong unang panahon. Kung magsasagawa man
ang Gobyerno ng mga patakaran babaliwalain lamang ito ng ibang tao,
parang walang silbi na sa kanila ang mga patakaran na iyon.”

- Pilipinas at Korea, https://juliaatega.weebly.com/

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

Modyul Teknik sa Pagpapalawak


7 ng Paksa
Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa epiko ni Bantugan. Dito
nalaman ang tungkol sa pangyayari sa buhay ng prinsipe. Ipinakita ang kanyang
katanyagan, kabutihan at katapangan para sa kanilang kaharian na naging dahilan
ng pagkainggit ng kanyang kapatid na si Haring Madali. Napaunlad ng dating aralin
ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: paghihinuha batay sa
mga ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman kaugnay sa binasa.

5
Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang modyul, sagutan ang
gawain sa bahaging “Balikan”.

Balikan

Gawain A: Punan ang diagram na nasa ibaba ng naaayon sa hinihingi. Isulat


sa iyong sagutang papel.

Karakter:
Haring Madali
Nararamdaman ng Nararamdaman
karakter? ng karakter?

Dahilan ng
Pagbago ng
NOON nararamdaman at
Pagkatapos
kilos ng karakter

Kinikilos o ginagawa Kinikilos o


ng karakter ginagawa ng
karakter

Larawang kuha mula sa google.com

Tuklasin

Gawain A: SURI KO, GAWA KO!


Basahin nang mabuti ang talata at sagutan ang mga tanong na nasa ibaba sa
sagutang papel.

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na


artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal
sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata
man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN,
ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT,
ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong

6
pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito,
samakatuwid lahat ay maaring umunlad.

Ako, noong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-
araw akong nakadungaw sa bintana na aming bahay nag-aabang na
namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong
gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at
hirap ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring
sumuko. Paisa-isang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos!
Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang auekdota na aking iingatan na hanggang
ngayong ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lipa. Pinag-


uukulan ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit
gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang
taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin namang nagtanim
ng ubas ng lumaki’t bumunga ay mangga. Ano nga ang iyong tinanim mabuti o
masama. Makakatuong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at
sundan natin ng gawa. Huwag tayong tumigil hangga’t di natin natutupad ang ating
pangarap. Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang
pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihin may pangarap at ‘pag
may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas,
makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tara na!

Sanggunian: Pinoy Collection. (2020). Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap.


https://www.google.com/search?q=how+to+cite+internet+article+apa&tbm=isch&ved=2ahUKEwidi5XD_eLqAhXYAaYKHcN
CAzwQ2-

Mga Gabay na Tanong:

1. Saan inihalintulad ang “pangarap” sa talatang nabasa? Bakit?

2. Ayon sa talata, paano mo makakamit ang iyong pangarap?

3. Ano ang salitang “pangarap” para sa iyo?

Suriin

Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na
ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong
kinakailangan malinang.

7
TEKNIK SA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA

Ang isang talata ay isang serye ng mga pangungusap na nakaayos at


magkakaugnay, at lahat ay may kaugnayan sa isang paksa. Ang talata ay
nagpapakita sa isang mambabasa kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga
subdibisyon ng isang sanaysay, at sa gayon ay matulungan ang mambabasa na
makita ang samahan ng sanaysay at maunawaan ang mga pangunahing punto
nito. Ang bawat talata ay may istraktura. Ito ay hindi isang random na koleksyon
ng mga pangungusap. Ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay may kaugnayan
sa bawat isa. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na
kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.
Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa,
buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang
pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.
May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon.
1. Panimula- ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang
paksa na na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang
ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o binibigyang-katwiran.
2. Gitnang Tala o Talatang Ganap- Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng
isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang
pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang
ganap na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng manunulat.
3. Wakas o Talatang Pabuod- ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang
komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa
gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng
komposisyon.
Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyan-pansin ang pagpapalawak ng paksa
upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May
iba’t ibang paraan o Teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga
ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon- may mga salitang hindi kaagad
maintindihan kaya’t kailangang bigyang depinisyon. Maraming
kaisipan na malawak kung iisipin kaya’t kinakailangang higit na
masaklaw ang pagpapaliwanag dito. Ang mga malawak na kaisipang
ito ay dapat binibigyang diin sa pagbibigay depinisyon (ang
kaantasan, kaurian, at kaibahan ng mga salitang ito) upang hindi
magkamali sa paggamit nito.
2. Paghahawig at Pagtatambis- may mga bagay na magkapareho o nasa
sa iisang kategorya. May mga bagay rin namang magkaiba.
Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing
upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang
ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman upang maibukod ang
isa sa isa.

8
3. Pagsusuri- ito ang nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng
kabuuan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga
bahaging ito sa isa’t isa. Dahil sa pagsusuri mas madaling
maunawaan ang kalikasan ng isang bagay. Halimbawa nito ang
konsepto ng isang akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang
kaugnayan ng mga bahagi ng akdang pampanitikan tulad ng tauhan,
tagpuan, banghay, at layunin ang pagkakasulat nito.
Sanggunian: Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8 (2017), Ailene Baisa-Julian et al.
Dela Cruz, J. (2018). Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa.
https://prezi.com/n7aiangshhsa/pagtatala-at-pagpapalawak-ng-paksa/
https://brainly.ph/question/553898

Gawain A: PINOY HENYO!

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang layunin ng isang talata?

Sagot:________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________.

2. Paano magiging mabisa ang pagsulat ng isang talata?

Sagot:_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________.
3. Ano ang kahalagahan ng mga teknik sa pagpapalwak ng paksa sa
pagsulat ng isang talata?

Sagot:_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________.

Pagyamanin

Ngayong marami ka nang alam tungkol sa ating paksa, ihanda ang sarili sa susunod
pang mga gawain.

9
Gawain A. Share It! Win It!
Marami ng isyu o pangyayari ang nangyari sa buong mundo sa mga nagdaang
panahon. Isa na dito ang pandemyang nangyayari sa kasalukuyan, ang COVID-19.
Dahil dito marami ang naantala at nagbago sa ating lipunan. Magsaliksik tungkol
sa “New Normal” na nararanasan natin ngayon at ipakita kung gaano kalawak ang
iyong kaalaman tungkol dito batay sa teknik na makikita mo sa ibaba. Bigyang diin
ang paksa sa pagsasanay na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagbibigay ng sariling depinisyon sa “New Normal na


Edukasyon sa Pilipinas”

Pagtutulad o paghahawig nito Kaibahan nito sa


sa ating “nakasanayang “nakasanayang edukasyon”.
edukasyon”.

Pagsusuri sa iba pang katangian ng “New Normal na


Edukasyon sa Pilipinas”.

Rubrik (Batayan sa Pagmamarka)


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Nilalaman
• lawak, lalim at linaw ng diwa
Gramatika
•wastong gamit ng wika/salita
•baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
Organisasyon
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga
ideya

10
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Gawain B. Reple-Guhit
Panuto: Batay sa iyong nasaliksik, i-guhit ang naging repleksyon mo tungkol
dito. Iguhit ito sa iyong sagutang papel.

Repleksyon Ko sa Aking Natutunan/Natuklasan

Isaisip

Panuto: Gumawa ng isang dayalogo na nagpapakita ng iyong natutunan sa paksa.


Kopyahin ang pormat sa ibaba sa iyong sagutang papel.

Imahe 2:
https://www.google.com/search?q=conversation+between+two+friends&tbm=isch&hl=en&chips=q:conversation+two
+friends,g_1:clipart:Pt1kUl7TeRQ%3D&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&hl=en&ved=2ahUKEwi_i5PSg-
PqAhVUAKYKHWWECG8Q4lYoAnoECAEQGQ&biw=1903&bih=888#imgrc=KjpqVxmKIP14GM

11
Isagawa

Gawain A: Panuto: Pumili ng isang paksang nais talakayin. Bumuo ng isang


komposisyon (tatlo hanggang limang talata) tungkol dito at gamitin ang mga teknik
na na natutunan sa araling ito. Isaisip din ang mga uri ng talata ayos sa kinalalagyan
ng komposisyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______________________________
Pamagat ng komposisyon

12
Rubrik

Mga 1 2 3 5
Krayterya

Nilalaman Maraming May ilang Kumpleto ang Kumpleto at


kakulangan sa kakulangan sa nilalaman ng komprehinsibo
nilalaman ng nilalaman na talata. Wasto ang nilalaman ng
talata. talata. ang lahat ng talata. Wasto ang
impormasyon. lahat ng
impormasyon

Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyon, pagkakasunod-
organisasyon ng ngunit hindi pagkabuo ng sunod ng mga
mga ideya. masyadong talata. ideya sa
mabisa. kabuuan ng
talata.

Paggamit ng Kailangang Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay


wika at baguhin dahil dahil maraming kakaunti dahil walang mali
mekaniks halos lahat ng mali sa lamang ang sa gramar,
pangungusap ay gramar,baybay mali sa gramar, baybay at gamit
may mali sa at gamit ng baybay at gamit ng bantas may
gramar,baybay bantas ng bantas mayamang
at gamit ng bokabularyo
bantas

Presentasyon Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Malinis at


dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay maayos ang
maayos at pagkakasulat at maayos ang pagkakasulat ng
malinis na ng pagkakasulat talata
pagkakasulat pangungusap at ang mga
pangungusap

Kabuuan 20 puntos

Tayahin:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin


ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot.

13
1. Bakit mahalang bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa? Upang higit
na maging ___________________.
a. mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad ng mga ideya.
b. mabisa at kahika-hikayat ang pagpapatalastas ng mga produkto.
c. kawili-wili ang binabasa ng mga mambabasa.
d. epektibo ang ginagawang pag-aanunsyo.

2. Ano ang isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng


katuturan upang mas maintindihan?
a. pagpapaliwanag
b. pagsasaklaw
c. pagbibigay-alam o depinisyon
d. pagbibigay-katuturan o depinisyon

3. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing?


a. para mas madaling makita.
b. para mas nabibigyang pansin.
c. upang mapalitaw ang tiyak na katangian.
d. upang mapalitaw ang tiyak na kaugalian.

4. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkaiba ay pinagtatambis?


a. upang matandaan.
b. upang maibukod ang isa sa isa
c. para lituhin ang mambabasa.
d. para bigyang diin ang isang bagay.

5. Ano ang isang teknik ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi


lamang sa mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang
kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa?
a. pagsusuri
b. pag-iimbistiga
c. pagmamatyag
d. pagpapaliwanag

6. Paano nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa


pagtatalata?
a. nakapagbibigay ito ng inspirasyon
b. natutunan ang pagiging malikhain
c. madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay
d. madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay
7. Ano ang tatlong teknik ng pagpapalawak ng paksa?
a. pagpapaliwanag, paghahalaw at paghahawig, pagmamatyag
b. pagbibigay-katuturan, paghahalaw at pagtatambis, pagsusuri
c. pagbibigay-alam o depinisyon, paghahawig at pagtatambis,
pag-iimbestiga
d. pagbibigay-katuturan o depinisyon, paghahalaw at pagtatambis,
pagsusuri

14
Panuto para sa bilang 8-10. Basahin at surrin ang bawat talata at tukuyin
kung anong teknik ang ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
8. “Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o
sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong
panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa


kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating
magaling……”

- Ang Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

9. “Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na


mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa
kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at
pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan. Ito
ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati
ng mga apo at iba pang kamag anak.
Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng
isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila
ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito,
at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.”
- Tungkol sa Pamilya ayon kay maraudersmap123
a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis
b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

10. “Ang relasyong pampamilya/mag-anak ay parang relasyon ng isang


mangangalaga ng ibon at kalapati. Ang nangangalaga ay ang mga
magulang na naghirap na palakihin at hasahin ang mga anak; ang mga
kalapati naman ay ang nagrerepresenta bilang mga anak. Papakainin,
palalakihin, aalagaan, hahanapan ng ikasasaya at pinapayagang umalis ng
pakonti-konti para mailahad sa mga nagliliitang mga kalapati ang
malaking mundong maaari nitong kaharapin. Hindi man tayo payagan ng
ating mga magulang lumabas ay nagpupumiglas tayong umalis dahil
nasiyahan tayo sa labas. Minsan natatagalan nang bumalik, kahit na
hinahayaan tayong lumabas ay nag-aalala parin sila kung babalik pa ba
tayo o hindi na. Pero unti-unti naring natatanggap ng mga magulang natin
na kaya hindi tayo nakakabalik agad dahil nawili na tayo at darating ang
panahon na handa na silang hayaan ang dating maliit, mahina, gutom, at
nangungulilang mga kalapati na inalagaan, pinalaki, pinakain at binigay
ang kagustuhan para sa kasiyahan ng kanyang mga alaga.”
- Kalapati https://malfredsoria.wordpress.com/
a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis
b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

15
11. “Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa
Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ngayon, nagbago na
ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong nagging komplikado. Sa
bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga
gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng traabaho, inaasahang magagawa
nila kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan.”
- Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon,
Panitikang Asayano 9

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

12. “Sa Estados Unidos, ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng


sanhi ng kahirapan ang mga paliwanag na indibdwalistiko at istruktural.
Ayon sa paliwanag na indibidwalistiko (pagsisi sa biktima) sa loob ng
Estados Unidos, ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong
katangian na kinabibilangan ng katamaran, kawalang motibasyon, mga
lebel ng edukasyon at iba pa. Ang isang bersiyon ng paliwanag na ito ang
kultura ng kahirapan na nagsasaad na ang mga taong mahirap ay may
isang ibang hanay ng mga pagpapahalagang kultural na nagsasanhi sa
kanilang maging mahirap. Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay
inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga saloobin ng pagsuko
at pagsasatadhana sa kapalaran.”
- Mga Teorya sa Sanhi ng Kahirapan,
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

13. “Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay hindi mga


kwentong pag-ibig kundi isang paraan ng pagtutuligsa sa pamahalaan sa
ilalim ng bansang Espanya.
Ang mga tauhan ay sumisimbolo sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Si Rizal
ay hindi si Ibarra o kaya'y si Simoun, siya ay ang pinagsama-samang
karakter sa nobela sapagkat lahat ng nararanasan ng mga tauhan ay
ayon sa nararamdaman at nais ipahayag ni Rizal.”
- Noli at Fili: Ang Pagsusuri,
https://rizalkurokurosataginit.weebly.com/blog/noli-at-fili-ang-pagsusuri

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

16
14. “No man is an island, iyan ay ika nga ng karamihan. Ang tao ay ‘di
raw kayang mabuhay nang mag-isa o walang kaibigan. Ngunit, ano nga
ba ang kaibigan? Ito ba ay nakakain o gamit na laging nahahawakan? O
baka, ito ay isa lamang salitang walang magandang kahulugan? Inyong
alamin kung tunay at anong uri kang kaibigan.

Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa iba,
ito ay kadalasang tao. Ang kabigan ay isang taong mapagkakatiwalaan,
matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan.”

- Kaibigan, Chastevision

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

15. “Ang Pilipinas ay binubuo ng higit-kumulang na pitong libo, isang


daan at pitong (7,107) mga pulo at binubuo din ito ng malaking
populasyon, binubuo dn naman ng malaking populasyon ang Timog Korea
pero hindi ito kasing laki ng populasyon sa Pilipinas.
Ang Korea ay mayroong mahigpit na patakaran o alintuntunin,
mayroon din sa Pilipinas pero hindi kasing higpit ng sa Hilagang Korea o
Timog Korea. Tulad nalang ng patakaran sa pagkain, paglabas pasok ng
bahay, sa kasal o sa kahit na anong bagay, pero kahit na ganyang ang
pamamahala sa kanila ginagalang parin nila ito. Sa Pilipinas ganon din,
pero hindi magkatulad ang ugali sa paggalang ng mga Pilipino at Koreano.
Ngayon, karamihan na sa mga Pilipino ay sumusuway sa mga batas,
hindi na talaga pareho noong unang panahon. Kung magsasagawa man
ang Gobyerno ng mga patakaran babaliwalain lamang ito ng ibang tao,
parang walang silbi na sa kanila ang mga patakaran na iyon.”

- Pilipinas at Korea, https://juliaatega.weebly.com/

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis


b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

Karagdagang Gawain

GAWAIN: KAHON NG PAGKAKAIBA


Panuto: Itala sa ibaba kung paano naiiba ang bawat teknik sa bawat isa. Isulat ang
sagot sa sagutang papel. (Tingnan ang rubrik sa bahaging Pagyamanin na maging
batayan sa pagmamarka).

17
18
Pagtataya Subukin
1. A 1. A
2. D 2. D
3. C 3. C
4. B 4. B
5. A 5. A
6. D 6. D
7. D 7. D
8. B 8. B
9. B 9. B
10. C 10. C
11. C 11. C
12. A 12. A
13. A 13. A
14. B 14. B
15. C 15. C
Susi sa Pagwawasto
Pagtatambis Depinisyon
Pagsusuri Paghahawig at Pagbibigay Katuturan o
Pagkakaiba ng mga Teknik
Sanggunian
Aklat:
1. Julian, A.B., Lontoc, N.S., at Del Rosario, M.G.G. et al., (2017) Ikalawang
Edisyon: Pinagyamang Pluma 8 (K to 12). Quezon City: Phoenix Publishing
House Inc.

Mula sa Internet:

2. Pinoy Collection. (2020). Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap.


https://www.google.com/search?q=how+to+cite+internet+article+apa&tbm=i
sch&ved=2ahUKEwidi5XD_eLqAhXYAaYKHcNCAzwQ2-
3. Semblantecherryflor. (n.d). Talata.
https://brainly.ph/question/553898
4. Imahe1:
https://www.google.com/search?q=bantugan&rlz=1C1CHBD_enPH839PH83
9&sxsrf=ALeKk01n7nX9x3QFDrtpO_dcZhtBn3-
hrA:1595492856157&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjI97qH-
uLqAhWVc3AKHZTWBAAQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1920&bih=937#imgrc=
9Gg_DOvXNO4VXM
5. Imahe 2:
https://www.google.com/search?q=conversation+between+two+friends&tbm
=isch&hl=en&chips=q:conversation+two+friends,g_1:clipart:Pt1kUl7TeRQ%3
D&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&hl=en&ved=2ahUKEwi_i5PSg-
PqAhVUAKYKHWWECG8Q4lYoAnoECAEQGQ&biw=1903&bih=888#imgrc=K
jpqVxmKIP14GM
6. Imahe 3:
https://www.google.com/search?q=computer+clipart&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&sxsrf
=ALeKk01gP2sWsR4d-
zpDeNMMxzpqAYz1Gg:1595566668094&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi
s-
N2DjeXqAhWVwosBHfOTDo0Q_AUoAXoECA4QAw&biw=1920&bih=937#imgrc=pHaj
CFv8zfyQfM
7. Imahe 4:
https://www.google.com/search?q=youtube+logo&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&tbm=isc
h&sxsrf=ALeKk02U_ftcPGlEmM_1-
ArlY6Pct_PQQw:1595566611719&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwiU_ezojOXqAhWG
GaYKHWgZBfQQ_AUIDigB&biw=1920&bih=937&dpr=1#imgrc=vWlIDxwLNJ7c8M
8. Imahe 5:
https://www.google.com/search?q=like+and+subscribe&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&sx
srf=ALeKk006b3fUXrmMaEcDrD_ISrpqxezCLA:1595566708032&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=2ahUKEwj-
0OOWjeXqAhUbyIsBHdZUD8IQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=937#imgrc=8dxl
pVPjzhYIjM

19

You might also like