You are on page 1of 19

8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6
Napauunlad ang Kakayahang
Umunawa sa Binasa
GLYDELL P. CALAGO
MARILOU B. TAPALES

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)


A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikawalong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 6: Napapaunlad ang Kakayahang Umunawa sa
Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glydell P. Calago at Marilou B. Tapales


Editor: Ronna B. Laranjo
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang mag-aaral ng pag- Nabubuo ang isang makatotohanang


unawa sa mga akdang pampanitikan sa proyektong panturismo.
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


A. Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao
1. Epikong Bantugan

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


-paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
-dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

Inaasahan din na ikaw ay:


a. Nakikilala ang kahulugan ng mga salita ayon sa kasingkahulugan at
kasalungat nito.
b. Nakapagbibigay ng sariling pananaw hinggil sa kaisipang nahuhubog sa
epiko.
c. Nakakabuo ng isang pagsusuri sa nilalaman ng epiko; mga tauhan at
mahahalagang pangyayari.

1
Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA


Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan ang bawat
bilang.

Para sa Bilang 1-3.


Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may diin sa bawat bilang. Isulat ang
inyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Umalis si Prinsipe Bantugan dahil naramdaman niya ang pagkamainggitin
ng kanyang kapatid.
a. kontento c. masayahin
b. magagalitin d. seloso
2. Nang malaman ni Haring Miskoyaw ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan.
Agad silang lumusob at nagkaroon ng digmaan.
a. kaguluhan c. pagkakaunawaan
b. kasiyahan d. pagkakaisa
3. Dumating ang mga kawal ni Haring Miskoyaw at sumalakay sa kaharian ng
Bumbaran.
a. umabante c. umuwi
b. umatras d. umalis

Para sa Bilang 4-6.


Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may diin sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
4. Ang naging hari sa kanilang palasyo ay si Madali.
a. bahay c. kaharian
b. hangganan d. tahanan
5. Nabuhay si Prinsipe Bantugan habang siya ay nakaburol.
a. namatay c. pagkabuhay
b. nalibing d. pinaglamayang patay
6. Nawalan ng lakas si Bantugan at siya ay naging bihag ni Miskoyaw.
a. bilanggo c. kriminal
b. kalaban d. kasamahan

Para sa Bilang 7-15.


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.
7. Anong uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani
paniwala?
a. alamat c. nobela
b. epiko d. mitolohiya

2
8. Sino ang pangunahing tauhan sa Epikong Bantugan?
a. Bantugan c. Madali
b. Datimbang d. Miskoyaw
9. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw
araw na pamumuhay.
b. Kwentong bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano
malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay.
c. Ito’y pasalindilang tradisyon, tungkol sa pangyayaring supernatural o
kabayanihan ng isang nilalang.
d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala sa paglikha sa daigdig at iba pa.

Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan ang


kanyang mga nasasakupan dahil sa sobrang inggit.

10. Anong katangian ang ipinapakita ni Haring Madali?


a. desperado c. makasarili
b. magalaitin d. walang pakialam

Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa


Kaharian ng Bumbaran.

11. Ano ang pinapakita ni Bantugan?


a. takot sa Hari
b. tunay na gumagalang sa Hari
c. walang kapangyarihan
d. walang pakialam sa mga kanyang responsibilidad

Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si


Haring Madali upang bawiin ang kaluluwa nito.

12. Anong bahagi ng banghay matatagpuan ang pangyayaring nasa itaas?


a. simula c. wakas
b. gitna d. tauhan

Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari


kaya’t nakipagpulong sila sa konseho.

13. Ano ang mahihinuha sa ginawang desisyon ni Prinsesa Datimbang?


a. malilituhin
b. maingat sa kanyang pagdedesisyon
c. hindi makapagdesisyon sa kanyang sarili
d. walang tiwala sa kanyang sarili
14. Sino sa mga tauhan sa Epikong Bantugan ang may taglay na kakisigan at
kabaitan?
a. Bantugan c. Miskoyaw
b. Datimbang d. Madali
15. Sa anong aklat nagmula ang Epikong Bantugan?
a. Darangan c. Iliad at Homer
b. Odyssey d. Marangan

3
Modyul Napauunlad ang Kakayahang

6 Umunawa sa Binasa
Bantugan (Epiko ng Mindanao)

Ang mga mamamayan sa Mindano ay mayroon ding mayamang panitikan.


Nagpapatunay nito ang Katipunan ng aklat na nagtataglay ng Epikong
pinamagatang “Darangan” ang mga epikong ito ay binubuo ng 25 na kabanata. Ito
ay naglalaman ng kabayanihan, kagitingan at kahanga-hangang gawain ng mga
Merañao.
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang isa sa tatlong mahalagang akda ng
Darangan- ang Bantugan, na orihinal naitala sa wikang Merañao na sinasabing
isang wikang Malayo-Polynesian. Ito ay buong tiyagang inilagay sa katitikan ni Dr.
Frank Laubach noon lamang 1930 na nagpapasalin-salin lamang sa isip at bibig
noon.

Sanggunian:
Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag Et. Al, pahina 52

Balikan

Sige nga! Tignan natin kung naalala mo pa ang nakaraang


talakayan sa modyul. Bibigyan kita ng maikling gawain ukol sa sanhi
at bunga. Handa ka na ba?

Gawain A: IBA-BALITA MO!


Manood o makinig ng isang balita ng iba’t ibang balita (video clip) at
magbigay ng mga pangyayari mula dito. Magtala ng isang pangyayari at
isulat ang mga sanhi at bunga nito.

Sagot:

4
Tuklasin

Gawain A: ANG PABORITO KONG SUPERHERO!


Panuto: Alam kong mayroon ka ring paboritong superhero na iyong
sinusubaybayan. Ngayon gamit ang grapikong nasa ibaba nais kong isulat mo sa
sagutang papel ang iyong napiling superhero. At ang dahilan kong bakit ito ang
napili mo. Handa ka na bang ipagmayabang ang iyong superhero?

https://www.canva.com/design/DAECm6S9ivA/QWa8Y4KBTdP_fk43HLqTqw/view?utm_content=DAECm6S9ivA&
utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink

Gawain B: KAPE-REHAS TAYO!


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang magkapares na salita sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
1. sigaw a. kalapit
2. pinakamagaling b. kasiyahan
3. natamo c. nagkakagusto
4.protesta d. nobya
5. matapang e. hiyaw
6. bitak f. pinakamahusay
7. nahuhumaling g. nakuha
8. nagdiwang h. alyansa
9. karatig i. magiting
10. katipan j. lamat
k. bukambibig

5
Ngayon basahin mo nang tahimik at isapuso ang mensaheng nais ipabatid ng
Epikong si Bantugan. Simulan na ang pagbasa at higit sa lahat huwag kalimutan
ang mga hakbang sa pagbasa ng tahimik. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!

Bantugan
(Buod ng Epiko)

May isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang
anak na lalaki. Ang nakakatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si
Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng
magagandang katangiang higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe
Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan
ay napakatalino. Mabilis siyang matuto kahit sa paggamit ng espada at palaso.
Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-
manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang
mapatay niya mag-isa ang isang malaking buwayang pumatay sa ilang taong bayan.
Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang Nakita pagkatapos ng
pagtutuos.

“Napakalakas niya!” ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang
patay na buwaya.
Paano na kaya ng isang taong ganito kabata na patayin ang buwaya?
“Sinasapian siguro siya ng mga Diyos!” sabi naman ng isa.
“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay sa halimaw!” sabi ng
pinuno ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging
pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga
sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang
kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit
na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kahariang nangahas kumalaban sa kanila.
Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil sa natamo nilang respeto
at pagkilala ng mga kalapit na kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakakatandang kapatid na si


Prinsipe Madali ang hihirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa
ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari kahit ang mga
ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-
dapat maging hari sa dalawang Prinsipe.

“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas. Kaya niya tayong protektahan


laban sa mga kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.

6
“Sang-ayon ako sa’yo!” sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni
Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na
tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa.
Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-
aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno,” sabi niya sa kapwa niya
sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya kung paano ang pamamalakad sa
ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang
buhay ng bawat mamamayan!”
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng
isang bitak sa pagitan nina Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si
Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas siya rin ay napakakisig.
Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang
mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na Prinsipe na si Madali ay sumuko sa
kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit nagpahayag ang hari ng kautusan. “Hindi
ko gusto na nakikipag-usap ang na kahit sino sa aking kapatid na si Prinsipe
Bantugan. Sino man ang makitang nakikipag-usap sa kanya ay ipakukulong o kaya
ay paparusahan nang malubha.”
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya
ang sariling parang may nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit
ang mga kababaihan. Kahit ang taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap
sa kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya
matagalan ang mga ito, nagpasya ang Prinsipeng lisanin ang kaharian.
Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya ng matinding sakit at inabot siya
ng kamatayan sa pintuan ng kaharian ng Lupaing Nasa Pagitan Ng Dalawang Dagat.
Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsisa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila
kilala si Bantugan. Tumawag sila ng tulong ng mga tagapayo.
Habang pinapagpupulungan ng konseho ng hari kung ano ang kanilang
gagawin, isang loro ang biglang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol
ay si Prinsipe Bantugan, ang magbunyi at balitang Prinsipe ng Bumbaran.
Pagkatapos ibalita ng loro ang tungkol kay Prinsipe Bantugan, bumalik naman siya
sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali, ang kanyang kapatid, ang
pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Nang malaman ni Haring Madali ang nangyari
kay Prinsipe Bantugan ay nanaig ang pagmamahal niya rito at naalis ang kinimkim
niyang inggit sa kapatid. Agad na lumipad sa langit ang hari kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Samantala’y ang
bangkay ni Bantugan ay dinala naman ni Prinsesa Datimbang sa Bumbaran.
Pagbalik ni Haring Madali ay pilit na isinauli ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang
katawan at muling nabuhay si Prinsipe Bantugan. Nagdiwang ang lahat at bumalik
ang dating mabuting pagtitinginan ng magkapatid.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, ang dating kaaway ni Haring Madali
na si Bantugan ay namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na
sandatahan upang salakayin ang Bumbaran. Nang sumalakay sina Haring
Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay ni Prinsipe
Bantugan.

7
Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay na muli si Bantugan kaya nagkaroon ng
pagdiriwang. Natigil ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian ay naglaban.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at sa pamamagitan ng kanyang kampilan
ay pumatay ng maraming kaaway. Buong tapang na lumaban si Prinsipe Bantugan
ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling lang niya sa kamatayan, kaya siya ay
nabihag. Iginapos siya ngunit nang manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya
ang gapos at siya’y nakawala. Buong bangis siyang nakipaglaban hanggang sa
mapuksa ang mga kaaway.

Pagkatapos niyang magtagumpay sa labanang ito ay dinalaw lahat ni Prinsipe


Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran at pinakasalan ang lahat ng
Prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa Bumbaran. Buong galak siyang
sinalubong ni Haring Madali at nag-utos ng panibagong pagdiriwang. Ang buhay ni
Prinsipe Bantugan ay naging maligaya hanggang sa mga huling sandal.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Gawain B: PINOY HENYO!


Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Sino sino ang mga pangunahing tauhan sa akda? Paghambingin ang katangian
ng dalawang magkapatid?
Sagot:_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit lumisan si Prinsipe Bantugan sa kanilang kaharian?


Sagot:______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Kung tuluyang namatay si Prinsipe Bantugan, sa tingin mo ano kaya ang


mangyayari sa kanilang kaharian?
Sagot:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Bakit binalikan ni Haring Madali si Prinsipe Bantugan ng malaman niyang ito ay


nabuhay?
Sagot:_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Sa paanong paraan naipapakita sa akda ang inggit o selos sa isang relasyon?


Sagot:_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

8
Gawain C: KOMIKS-APAN

Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa Epiko na iyong nagustuhan at bumuo ng


isang usapang napapaloob ang inyong sariling pananaw sa napiling pangyayari.
Gamitin ang komik strip sa ibaba.

https://www.canva.com/design/DAECm00ISLA/tef3xrBpzy12lwjZ_u6ZGQ/view?utm_cont
ent=DAECm00ISLA&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publish
sharelink

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

9
Magaling at palakpakan ang sarili sa ginawang pagpili sa iyong paboritong
supehero. Alam mo ba na may kaugnayan ito sa modyul na iyong babasahin.
Tungkol sa mga kababalaghan at kapangyarihan ng isang tao. Upang mas lubusan
mong maintindihan kung ano ito. Basahin ng tahimik ang “Alamin Mo”
Alamin Mo!

EPIKO
Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan
at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-
paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari.
Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na
nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong
patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol
sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong
pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga
paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. Ang haba ng mga epiko ay mula
sa 1000 hanggang 5000 na linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaring
abutin ng ilang oras o araw. Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may
maipagmamalaking epiko.
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging
aliwan ito, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura.
Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang
lugar upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga
kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana
ng ating mga ninuno.

MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO

Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma. Ang mga ito


ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng
kahulugan ang mga idyoma.

Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay-


ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari itong payak o komplikado. Makikita
rin na maraming mga pangyayari sa epiko ang hindi kapani-paniwala o hindi
makatotohanan.

Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa


paksa, sa banghay, at sa tauhan.

Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di


pangkaraniwang kapangyarihan.
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

10
Pagyamanin

Gawain A: Kilalanin Mo Ko!


Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, suriin ang mga tauhan sa binasang epikong
Bantugan.

Pangalan ng Tauhan Paglalarawan sa Ginawa ng tauhan


Tauhan
Prinsipe Bantugan

Haring Madali

Prinsesa Datimbang

Haring Miskoyaw

Gawain B: E-PICK-KO
Panuto: Magsaliksik ng mga halimbawa ng mga epiko. Pumili at isulat ang pamagat
nito sa tsart sa ibaba.

• _____________
Luzon • _____________
• _____________

• ____________
Visayas • ____________
• ____________

• ____________
Mindanao • ____________
• ____________

11
Isaisip

Panuto: Itala ang mga kapanipani-wala at di kapanipaniwalang mga pangyayari dito.


Isulat sa T-chart ang inyong kasagutan.

1. Kapanipaniwala Di-kapanipaniwala

2. Kung ikaw ay magiging isang tauhan sa epiko, ano ang pipiliin mong
kapangyarihan at bakit?
Sagot:___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain A: STORY FRAME


Panuto: Sa pamamagitan ng story frame, ibuod ang napanood/nabasa mong epiko.
Suriin ang epiko batay sa hinihingi sa kahon.

TAUHAN TAGPUAN

SIMULA GITNA
WAKAS

12
Mga 1 2 3 4
Krayterya

Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyon, pagkakasunod-
organisasyon ng ngunit hindi pagkabuo ng sunod ng mga
mga ideya masyadong talata ideya sa kabuuan
mabisa ng talata

Lalim ng Napakababaw na Mababaw at Malalim na Napakalalim na


Refleksyon walang pag- hindi gaanong nakikita ang nakikita ang pag-
uugnay ang dati nakikita ang pag-uugnayan uugnayan ng
at bagong pag-uugnayan ng dati sa dating kaalaman
kaalaman ng dati sa bagong at karanasan sa
bagong kaalaman bagong
kaalaman kaalaman

Paggamit ng Kailangang Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay


wika at baguhin dahil dahil maraming kakaunti dahil walang mali
mekaniks halos lahat ng mali sa lamang ang sa gramar,
pangungusap ay gramar,baybay mali sa gramar, baybay at gamit
may mali sa at gamit ng baybay at ng bantas may
gramar,baybay bantas gamit ng mayamang
at gamit ng bantas bokabularyo
bantas

Presentasyon Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Malinis at


dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay maayos ang
maayos at pagkakasulat at maayos ang pagkakasulat ng
malinis na ng pangungusap pagkakasulat talata
pagkakasulat at ang mga
pangungusap

https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-panlipunan

Tayahin

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan ang bawat
bilang.

Para sa Bilang 1-3.


Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may diin sa bawat bilang. Isulat ang
inyong mga sagot sa sagutang papel.

13
1. Umalis si Prinsipe Bantugan dahil naramdaman niya ang pagkamainggitin
ng kanyang kapatid.
a. kontento c. masayahin
b. magagalitin d. seloso

2. Nang malaman ni Haring Miskoyaw ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan.


Agad silang lumusob at nagkaroon ng digmaan.
a. kaguluhan c. pagkakaunawaan
b. kasiyahan d. pagkakaisa

3. Dumating ang mga kawal ni Haring Miskoyaw at sumalakay sa kaharian ng


Bumbaran.
a. umabante c. umuwi
b. umatras d. umalis

Para sa Bilang 4-6.


Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may diin sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

4. Ang naging hari sa kanilang palasyo ay si Madali.


a. bahay c. kaharian
b. hangganan d. tahanan

5. Nabuhay si Prinsipe Bantugan habang siya ay nakaburol.


a. namatay c. pagkabuhay
b. nalibing d. pinaglamayang patay

6. Nawalan ng lakas si Bantugan at siya ay naging bihag ni Miskoyaw.


a. bilanggo
b. kalaban
c. kriminal
d. kasamahan

Para sa Bilang 7-15.


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.

7. Anong uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay sa mga kabayanihan at


pakikipagtunggali ng isang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani-
paniwala?
a. alamat c. nobela
b. epiko d. mitolohiya

8. Sino ang pangunahing tauhan sa Epikong Bantugan?


a. Bantugan c. Madali
b. Datimbang d. Miskoyaw

14
9. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw
araw na pamumuhay.
b. Kwentong bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano
malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay.
c. Ito’y pasalindilang tradisyon, tungkol sa pangyayaring supernatural o
kabayanihan ng isang nilalang.
d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala sa paglikha sa daigdig at iba pa.

Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan


ang kanyang mga nasasakupan dahil sa sobrang inggit.

10. Anong katangian ang ipinapakita ni Haring Madali?


a. desperado c. makasarili
b. magalaitin d. walang pakialam

Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa


Kaharian ng Bumbaran.

11. Ano ang pinapakita ni Bantugan?


a. takot sa Hari
b. tunay na gumagalang sa Hari
c. walang kapangyarihan
d. walang pakialam sa mga kanyang responsibilidad

Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si


Haring Madali upang bawiin ang kaluluwa nito.

12. Anong bahagi ng banghay matatagpuan ang pangyayaring nasa itaas?


a. simula c. wakas
b. gitna d. tauhan
Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari
kaya’t nakipagpulong sila sa konseho.

13. Ano ang mahihinuha sa ginawang desisyon ni Prinsesa Datimbang?


a. malilituhin
b. maingat sa kanyang pagdedesisyon
c. hindi makapagdesisyon sa kanyang sarili
d. walang tiwala sa kanyang sarili
14. Sino sa mga tauhan sa Epikong Bantugan ang may taglay na kakisigan at
kabaitan?
a. Bantugan c. Miskoyaw
b. Datimbang d. Madali
15. Sa anong aklat nagmula ang Epikong Bantugan?
a. Darangan c. Iliad at Homer
b. Odyssey d. Marangan

15
Karagdagang Gawain

Gawain A: LIKE, LOVE KO TO!

Manood at pumili ng isang seryeng may kwentong epiko tulad ng Encantadia


o iba pa. Kung LIKE mo ang napanood ay ilahad ang layunin ng serye. Kung LOVE
mo ito ay ipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa Epikong
Bantugan. Gawing gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

https://www.facebook.com/GMAEncantadia

Gawain B: EPIKO-CHALLENGE
Magsaliksik ng mga epiko mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas,
kompletuhin ang chart sa ibaba.
Rehiyon Pamagat Tauhan

16
Susi sa Pagwawasto

15.B 15.B
14.A 14.A
13.A 13.A
12.A 12.A
11.B 11.B
10.C 10.C
9. C 9. C
8. A 8. A
7. B 7. B
6. A 6. A
5. D 5. D
4. C 4. C
3. A 3. A
2. B 2. B
1. C 1. C

Tayahin Subukin

Sanggunian
Ikalawang Edisyong Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et.al , pahina
51-70
https://www.canva.com/design/DAECm6S9ivA/QWa8Y4KBTdP_fk43HLqTq
w/view?utm_content=DAECm6S9ivA&utm_campaign=designshare&utm_me
dium=link&utm_source=publishsharelink
https://www.canva.com/design/DAECm00ISLA/tef3xrBpzy12lwjZ_u6ZGQ/
view?utm_content=DAECm00ISLA&utm_campaign=designshare&utm_medi
um=link&utm_source=publishsharelink
https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-
panlipunan
https://www.facebook.com/GMAEncantadia
https://www.pngfuel.com/free-png/nmauf
https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-bbnbe

17

You might also like