You are on page 1of 3

Pebrero 07, 2019

BITALAG INTEGRATED SCHOOL


Bacnotan, La Union

MASUSING BANGHAY ARALIN


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Baitang 7 - Psalms

I. Layunin:
1. Natutukoy ang pansariling salik na nakaiimpluwensya sa pagtatakda ng mithiin.
2. Nakagagawa ng ulat ng pagpapalakas ng kahinaan ayon sa MI o chart of abilities.
3. Nakagagawa ng ulat ng pagpapaunlad ng interest.

II. Nilalaman:
a. Paksa: Key Employment Generators
b. Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 7
c. Kagamitan: manila paper, larawan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

I. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati
Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtatala ng lumiban
Balik-Aral
Ano ang naaalala ninyong tinalakay natin Patungkol sa mga mithiin
noong nakaraang lingo?

Magaling. Tama. Ano bang ibig sabihn ng mithiin? Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais
marating o puntahan sa hinaharap
Napakahusay.

II. Pagganyak
Ano ang gusto mong kuning kurso o Maam, maging doctor.
negosyo o ano ang pangarap mong maging
10 taon mula ngayon?

Mahusay, mataas ang kanyang pangarap sa Maam maging teacher.


buhay. Ano pa?

Magaling, marami kang matuturuang Gusto ko maging arkitekto.


estudyante balang araw kung ganon. Ano
pa?

Wow, kung ganon marami kang


madedesenyong mga gusali.
Doctor, teacher, arkitekto ano ang tawag sa Propesyon
mga ito?

Magaling,bigyan natin ng tatlong bagsak.

III. Paglalahad
Ang ating tatalakayin ay patungkol sa mga
propesyon o kursong maari ninyong kunin
o pag-aralan ngunit bago iyon ating
munang tayain ang inyong kahinaan at
kalakasan ng inyong abilidad.

IV. Pagtatalakay
Maglabas ng isang buong papel at sagutan ang
mga katanungan batay sa larawan.

1. Iba’t iba ang mga motibasyon o dahilan nila sa


pagpili ng kurso o negosyong tatahakin. Itala mo
ang mga salik na nabanggit dito.
a. Halimbawa - D. Hilig o interes
b. ________________________________ A. Indemand
c. ________________________________ B. Talento
d. ________________________________ C. Kakayahan

2. Nakaiimpluwensya ba ang mga kakayahan,


kahinaan, pagpapahalaga at hilig o interes sa iyong
pagkakamit ng mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag.
_________________________________________ Oo dahil, ito ang nagsisilbing gabay
_________________________________________ natin sa pagpili ng kursong ninanais.
_________________________________________
_________________________________________
____________________________

3. Makatutulong ba ang kaalaman sa iyong mga


kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at hilig o
interes sa pagkakamit ng mithiin sa buhay?
Ipaliwanag.
_________________________________________ Oo, sapagkat ito ang gabay natin upang
_________________________________________ malaman kung naaangkop ang isang kurso o
_________________________________________ mithiin mo sa buhay.
_________________________________________
____________________________

4. Bukod sa mga pansariling salik mayroon pa


bang ibang mga salik na dapat isaalang-alang sa
pagpili ng kursong pang-akademiko o teknikal-
bokasyonal o negosyo? Anu-ano ang mga ito?
_________________________________________
_________________________________________ Meron, ito ay ang SMART A
_________________________________________ Ang ibig sabihain ay S-smart, M-measurable, A-
_________________________________________ attainable, R- relevant, T- time-bound, A –
____________________________ action-oriented

Ikaw ano ang pinapangarap mong karera o


negosyo balang araw? Isulat sa buong papel ang
iyong sagot.
1. Naaayon ba ito sa iyong mga mithiin? Oo, dahil magaling akong magsolve ng math
Pangatwiranan. problems.
2. Naaayon ba ito sa iyong layunin sa buhay? Oo
3. Ano-ano ang mga naging batayan mo sa pagpili Kagustuhan, kakayahan at mga taong malapit
ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sakin.
negosyo o hanapbuhay? Ipaliwanag.

Tatawag ng mag-aaral upang magbahagi sa klase.

V. Pagpapahalaga
Sa isang kapat na papel sagutan ang
tanong.

Nakakaimpluwensya ba sa iyong pagbuo


ng layunin sa buhay at pagpili ng kurso
akademiko o teknikal-bokasyonal o
negosyo ang mga naging pag-unlad na ito
sa iyong mga kahinaan at mga hilig o
interes? Ipaliwanag.

VI. Pagtataya

Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang


kasagutan

IV. Takdang-Aralin
Magsaliksik patungkol sa karera o negosyong inyong minimithi.

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

ANGEL AMOR N. GALEA JANICE M. GACAYAN


Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

You might also like