You are on page 1of 3

Ang Tamang Paggastos

Marami sa atin nahihirapan mag ipon. Studies show that Filipinos are one of the lowest
savers in Asia at ito ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit marami sa atin ang nahihirapan sa
buhay. Alam natin na ang tanging sagot para makaalis sa kahirapan ay ang tamang pag-iipon. The
most sensible advice we often give is this: it is not how much you make, it is how much you save.
Ang tamang pag-iipon ay ang pinakamagandang solusyon sa ating mga suliranin sa pera. With
proper savings, you can invest for the future and improve your financial condition which will
eventually allow you to appreciate the fruits of your hard work.

Ngunit marami sa atin ang nahihirapan makapag-ipon kahit na lumaki na ang ating kita sa
pag hahanap-buhay mula sa katas ng trabaho ang sa pagnenegosyo. Ang tanging susi para tayo ay
makapag-ipon ng maayos ay ang tamang paggastos. Kahit lumalaki ang ating kita pero lumalaki din
ang ating gastusin kaya hindi rin tayo nakapag-iipon ng maayos. For us to properly save, we need to
spend properly as well.

May dalawang uri ang ating paggastos, ito ay tinatawag na needs at wants. Ang mga
needs ay mga gastos para tayo ay mabuhay, sa ibang banda, ang mga wants naman ay mga gastos
para tayo maging masaya sa ating mga luho . It is a good idea to start determining our expenses
whether it is a need or it is a want. Ang mga gastos upang mabuhay (needs) ang ating pangunahing
prioridad bago ang mga luho (wants). Mga halimbawa ng needs ay rent, food, education, medicines
mga gastos na kinakailangan natin para mamuhay ng matiwasay. Samantala, ang mga gastusin na
wants ay mga regalo, pasalubong, gadgets na uso, shopping, sine, cell phone, load, restaurants,
laruan, etc. It is important that we are aware of our expenditures and categorize them according to
our needs versus our wants. As a general rule, needs should always be prioritized over wants.

Wala namang masama sa mga gastusin para maging masaya lahat tayo ay nangagailangan
matikman ang mga bagay na nagdudulot sa atin ng kasiyahan. Ang kailangan lang natin ay tamang
prioridad. Maganda kung mailista natin ang mga gastusin at paghiwalayin ang needs versus wants.
Makikita natin sa listahan kung saan napupunta ang mga gastos natin, maayos ang pagkakahati-hati
ng sahod o kita at maitatalaga natin ang amount na pwede natin itabi kada-buwan. Kung kailangan
natin maglaan para makapag-ipon ng tama, pwede tayo magbawas sa mga gastusin na wants. Ang
tamang pag-iipon, paggastos at sakripisyo ay ang tunay na susi para sa isang matiwasay na buhay.
Kahalagahan ng Pagnenegosyo

Marami akong kakilala ang naghangad na makapagtatag ng isang matagumpay na negosyo


ngunit nabigo dahil sa hindi wastong panimula, kawalan ng kaalaman sa negosyong pinasok, at
pagwawalang bahala o hindi pagbibigay ng sapat na pansin sa mga pinaka-importanteng aspeto ng
pagnenegosyo at pamumuhunan. Ibabahagi ko sa iyo ang aking karanasan at kaalaman sa tamang
paraan sa pagsisimula, paghawak at pagpapalago ng isang negosyo.

Tayo, bilang mga tao ay natural na negosyante. Gustuhin man natin o hindi, tayo ay
tagapagbenta ng mga bagay na may kinalaman sa ating pang-araw araw na buhay. Binebentahan
natin ang sino mang tao na nakakasalamuha natin. Kapag ikaw ay nanliligaw, binebenta mo ang
iyong sarili sa nililigawan upang mapasagot siya. Kapag ikaw ay may interview sa trabaho, binebenta
mo ang iyong kakayahan at propesyonal na karanasan upang matanggap ka sa trabahong
inaaplayan. Alam man natin o hindi, tayo ay mga negosyante na may kanya kanyang paraan sa
pagbebenta ng mga bagay na mahalaga sa atin at sa ibang tao.

Ang kailangan nalang natin ngayon ay mapag-aralan at matutunan kung papaano mo


magagamit ng epektibo ang iyong natural na kakayahan sa pagnenegosyo. Ang pinakaunang
hakbang sa pagnenegosyo ay ang pagbibigay sa iyong sarili ng matibay na pundasyon sa pananalapi.
Huwag kang pumasok sa ano mang negosyo ng hindi ka handa sa pananalapi. Kung wala pa sa ayos
ang iyong personal na pananalapi simulan mo na itong ayusin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
gabay at payo na nababanggit patungkol sa matalino at wastong paghawak ng pera sa blog na ito.
Ang numero unong dahilan ng pagbagsak ng isang negosyo ay ang kawalan nito ng kapital. Bago mo
simulan ang iyong negosyo, siguraduhin mo na may sapat kang pera na nakatabi upang magamit
bilang reserba. Ang ulirang halaga ng iyong reserba ay anim hanggang isang taong panggastos o
pangtustos sa mga gastusin ng iyong negosyo.

Pagkatapos mong maglatag ng pinansiyal na pundasyon para sa iyong negosyo. Gawin mong
produktibo ang iyong sarili sa pag-iisip ng mga ideya at mga bagay o serbisyo na maaari mong ibenta
sa iba. Tandaan, ang isang matagumpay na negosyo ay nagbibigay ng mga bagay at serbisyo na
kailangang kailangan ng iba. Halimbawa; pagkain, tubig, damit, sapatos, gamot, transportasyon,
kalusugan, utilities, at mga esensyal na bagay na kailangan ng ibang tao upang mabuhay. Maaari
mo ring pag-isipan ang mga bagay na gusto ng iba ngunit ito dapat ay may kaukulang halaga o
value at kagigiliwan ng marami.
Kapag may naisip kanang ideya o bagay at serbisyo na maaari mong ibahagi sa iba at sa
iyong tingin ito ay papatok sa karamihan at sa merkado. Isulat mo ang ideyang ito sa isang papel
upang hindi mo ito makalimutan. Minsan sa dami ng mga ideyang pumapasok sa ating isip nababaon
ang mga dakilang ideya na makakapagpabago ng ating buhay. Pagtuunan mo ng malalim na pansin
ang naiisip mong ito at pag-aralan mo ang ano mang bagay na nauukol sa ideyang ito.

Ang matagumpay na pagnenegosyo ay nakasalalay sa masinsinang pag-aaral at


paghahanda. Hindi ka magtatagumpay sa negosyo kung ikaw ay nagkukulang sa mga mahahalagang
aspetong ito. Ang kaalaman sa negosyong pinapasok mo ang magbibigay sa iyo ng talino sa tamang
pagdedesisyon sa mga importanteng bagay na may kinalaman sa pagpapatakbo ng iyong negosyo.
Ang kahandaan ang magbibigay sa iyo ng kaunlaran sa pagpaplano sa magiging hinaharap ng iyong
negosyo. Kaya naman ang dalawang aspetong ito ng pagnenegosyo ay dapat bigyan ng importansya
at pagtuunan ng pansin bago magsimula sa ano mang negosyo.

Pagkatapos ng iyong pagsasaliksik at paghahanda kasama ng iyong matibay na pundasyon


sa pananalapi at pagkakaroon ng magandang ideya sa negosyo, dito ka pa lamang magiging handa
sa pagbubukas ng iyong pinto sa napakalaking oportunidad na makapagsilbi sa ibang tao at
mabayaran sa ano mang bagay na makakatulong sa kanila. Marami kang isasakripisyo tulad ng iyong
oras, pamilya, at minsan ang iyong buhay upang mapagtagumpayan ang iyong karera sa negosyo.
Ngunit kung ikaw ay magtatagumpay sa larangang ito, ikaw ay mabibigyan ng napakalaking yaman
na kahit sa panaginip ay hindi mo napapanaginipan.

Habang ikaw ay nasa larangan ng pagnenegosyo manatiling kaaya-aya sa iba. Maging


palangiti at maging makatao. Suyuin mo ng husto ang lahat ng tao na makakasalamuha mo.
Tandaan, ang lahat ng taong makakasalamuha mo sa araw-araw ay iyong mga customers na
magbibigay tagumpay sa iyong negosyo at sa iyong buhay. Pahalagahan mo sila. Serbisyuhan mo
sila ng may buong puso at katapatan. Sa kanila manggagaling ang yaman na iyong inaasam.
Nakasalalay ang tagumpay ng iyong negosyo sa tamang pagtrato at pagbibigay ng magandang ugali
sa iyong customers.

Habang ikaw ay patuloy na nagtatrabaho upang makapagtatag ng isang matagumpay na


negosyo, huwag mong kalimutan ang iyong Amang Diyos na nagbibigay sa iyo ng talino, lakas at
puso upang magtagumpay.

You might also like