You are on page 1of 2

GROUP 1 ROLE PLAY SCRIPT

ALL: Magandang hapong sa aming mga kamag aral at sa aming guro. Eto po ang roleplay
ng aming pangkat.

NARRATOR (Andrea): Sa isang bayan sa lungsod ng Dasma mayroong isang lalaking


nagngangalang Jethro, sya ay isang tindero ng prutas at hirap buhayin ang kanyang
pamilya dahil sa liit ng kita. Ngunit dumating ang araw na nag bago lahat.

JETHRO: Bili na kayo oh! Murang murang prutas sariwa pa!

SARNO:Pabili nga ho ng dalawang kilong saging tapos dalawang pakwan at isang pinya.

JETHRO: Ah sige po sandali lang. Eto po oh 500 nalang po dating 540.

SARNO: Salamat, eto ang bayad (Binigay ang isang libo) Sainyo napo ang sukli.

JETHRO: Maraming salamat po!

NARRATOR(Andrea): Tuwang tuwa si jethro dahil napaka laking halaga ang sukling
dapat kanyang ibibigay sa lalaki, ngunit hindi katagalan napansin niyang parang may
mali. Agarang tinignan ni jethro ang binayad sakanyang isang libo at naluha sya nang
kanyang mapagtanto na sya’y naloko.

JETHRO:Nako naman! Pekeng pera ang binayad saakin. Kakaunti nalang nga ang kita ko
na scam pa ko!

NARRATOR(Andrea): Habang problemadong naiyak si Jethro, sakto namang dumaan


ang kanyang matalik na kaibigan. Si Michelle.

MICHELLE: Oh anong nangyari sayo? Bakit ka naiyak?

JETHRO: Naloko ako ng manong kanina.Pekeng pera ang binayad nya.

MICHELLE: Nako naman! Dapat ay pinagbayad mo muna sya at tinignan ng maayos ang
pera bago mo ibinigay ang kanyang binili.

JETHRO: Ano pa ang aking magagawa nabigay kona at saka wala na sya.
NARRATOR(Andrea): Hindi parin tumitigil sa pag iyak si Jethro, dahil sa awa ni Michelle
sya muna ang nag bantay ng kanyang mga paninda kahit saglit lamang. Sakto naman at
may bumili sakanya.

AIMELLE: Pabili nga po ng isang pinya.

MICHELLE: 150 lang po, (Ibinigay na sakanya ang bayad) Maraming salamat po!

AIMELLE: Maraming salamt din po, maaari po bang matanong kung bakit sya naiyak?

MICHELLE: Ah ang binayad po kasi sakanya kanina ay pekeng pera malaking halaga din
para sakanya ang nawala kaya napaka lungkot nya.

AIMELLE: Ay ganon poba? Kawawa naman po sya, eto po paki bigay nalang sakanya.
Tulong kona din po iyan.

NARRATOR(Andrea): Ibinigay na ni Michelle kay Jethro ang perang pinaaabot ng


mamimili nya kanina.

JETHRO: Napaka buti ng kanyang puso. Sana ay maraming katulad nya.

CHEYLINE: Magandang araw po! Naghahanap po kami ng taong mabibigyan ng isang


pangkabuhayan package at kayo po ang napili namin. Naranig din po kasi namin ang
nangyari sainyo kanina. Makakatulong po tong pangkabuhayan package na ito sainyo
lalo na sa pamilya nyo. Wag po kayong mag alala wala po kayong babayaran libre po ang
lahat ng yan. Tulong po namin yan sainyo.

JETHRO: Maraming salamat po! Napaka laking tulong na ng isang sari-sari store saamin.
Napaka buti nyo pong tao. Napaka saya kopo ngayon hindi ko inaasahang ganto ang
dadating saakin

CHEYLINE: Wag kayong mawawalan ng pag asa, may nakalaang mabuting plano ang
diyos sainyo.

ANDREA: At doon nag tatapos an gaming roleplay, maraing salamat po.

You might also like