You are on page 1of 14

*Layunin at Patakaran

*Bangko
*Uri ng Bangko
*Mga Institusyong pananalapi na Di-Bangko
Patakarang Pananalapi
 Ang patakarang pananalapi ay pinangangasiwaan ng BPS.
Ito ang nagtatakda kung gaano karami at kailan ilalabas
ang money supply sa ekomomiya.
 May kinalaman sa pamamahala o pagmamanipula ng
suplay ng salapi sa ekonomiya.
 ginagamit upang mapatatatag ang pambansang
ekonomiya, inaasahan na maiimpluwensiyahan ng salapi
ang produksiyon at ang pangkalahatang pagbabago ng
presyo
 tuon nito na maitakda ang dami ng salapi sa sirkulasyon ng
ekonomiya
 hamon nito ang mapatatag ang mga institusyong pinansyal
 money supply – ang salaping umiikot sa
ekonomiya (papel na pera, barya
(coins), pandepositong tseke (checking deposit) ).
 tight money policy – ang pagbabawas ng money
supply upang mabawasa ang labis na paggasta at
uoang mabawasan ang money supply.
 easy money policy – isinasagawa kapag labis na
matamlay ang ekonomiya bunga ng kakulangan
ng money supply. Layuning nitong pasiglahin ang
ekonomiya sa pamamagitan ng pagdagdag
ng money supply.
Layunin at Patakarang Pananalapi
-Batay sa mandato nito, maaaring uriin ang mga layunin
ng BPS sa dalawa:
 Pagpapatatag ng presyo at paglago. Upang
matupad ang mga layuning ito, tinatarget ng BSP na
magkaroon ng mga tamang lebel ng suplay ng pera, ng
tamang reyt ng interes, at ng tamang reyt ng
implasyon.
MGA TATANGNAN (Monetary Policy Handles) NG
PATAKARANG PANANALAPI
-tatangnan (handles) – ginagamit ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang makalikha
ng pagbabago sa dami ng money supply
 Reserve Requirement – isang paraan upang makontrol ng bangko sentral ang
suplay ng salapi kung saan ang lahat ng bangko ay inaatasang magtabi ng bahagi
ng kanilang deposito sa loob ng kanilang kaha (vault). Ang salaping ito ay hindi
maaaring gamitin o ipahiram ng bangko. Paniguro ito ng bangko sentral upang
hindi masaid ang salaping nasa kaha ng mga bangko upang matugunan ang
pangangailangan ng kanilang mga depositor tulad ng withdrawal ng salapi.
 Discount Rate – ay ang interest na ipinapataw ng bangko sentral sa mga
pautang sa mga bangko
 Open Market Operations — tumutukoy sa pagbebenta at pagbili ng
pamahalaan ngsecurities sa isang open market. Isinasagawa ito upang mapigil
ang pagdami o pagkaunti ng salapi sa pagkontrol ng bangko sentral sa dami
ng securities nito.
 open market – dahil ang pamilihan ng securities ay nakabukas sa public auction
 auction – tumutukoy sa subasta na nagpapataasan ng turingan sa presyo ng
ipinagbibili ang mga mamimili
 securities – ay mga substitute ng salapi (bonds at treasury bills)
SALAPI, PAG-IIMPOK, PAMUMUHUNAN
-Ang sektor ng pananalapi ay binubuo ng mga nag-iimpok at
namumuhunan. Halimbawa nito ay ang mga bangko,
kooperatiba, insurance company,pawnshop, at stock
market.
 asset – ay anumang ari-arian na may ekonomikong halaga
(lupa, pabrika, salapi o bonds)
 bonds – ay piraso ng papel na nagpapatunay na may
pagkakautang ang bahay-kalakal o pamahalaan
 salapi – ay ginagamit na puhunan ng bahay-kalakal o
pamahalaan
 maturity date o period – ang panahon ng pagbabayad ng
pagkakautang sa isang takdang panahon
 stocks – inilalarawan nito ang laki ng pagmamay-ari ng
isang indibidwal sa isnag bahay-kalakal.
 stock-holder – isang indibidwal na may stocks sa
isang bahay-kalakal; siya ay may bahagi sa tubo ng
bahay-kalakal
 dividend – ang tawag sa bahagi sa tubo
bonds at stocks – dalawang uri ng pamumuhunan na
maaaring ibukas sa sambahayan
 foreign investment – ang tawag sa pamumuhunan
ng mga dayuhan sa isang ekonomiya
 foreign direct investment – ang pangmatagalan na
pamumuhunan ng mga dayuhan sa isang ekonomiya
 foreign portfolio investment – ang panandaliang
pamumuhuna sa isang ekonomiya
Bangko
Ang bangko ay isang institusyong
pampananalapi na tumatanggap ng
mga deposito at ginagamit ang mga ito sa mga
pagpapautang; na maaaring tuwirang
pagpapautang o hindi tuwirang pagpapautang
gaya ng sa merkado ng mga kapital. Ang
bangko ang nag-uugnay sa mga kliyente o mga
namumuhunan na may kakulangang sa
puhunan o kapital, at mga kliyente na may
labis na puhunan.
Uri ng Bangko
1. Bangko ng Pagtitipid (Thrift Bank)
- tinatawag na “savings bank”, na humihikayat sa
mamamayan na mag-impok.
• Savings and Load Association
- magpapahiram ng salapi.
• Private Development
- tumatanggap ng deposito
• Saving and Mortgage Bank
- naghihikayat din na mag-impok at tumatanggap ng sangla
2. Bangkong Komersyal
- tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito
tulad ng savings deposits gamit ang tseke
3. Bangkong Rural
- layong tulungan ang mga magsasaka upang
magkaroon ng puhunan
4. Trust Company
- nangangalaga ng ari – arian at kayamanan
5. Mga Espesyal na Bangko
 Land Bank of the Philippines
- pangunahing bangko sa pamahalaan
 Development Bank of the Philippines
- tumutulong sa pamahalaan na mapaunlad
ang ekonomiya
 Al Amanah Islamic Investment Bank of the
Philippines
- pangunahing layunin ang tulungan ang
Muslim upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan
Pandaigdigang Bangko
- Itinatag upang matulungan sa
pinansyal na pangangailangan ang mga
papaunlad at mahihirap na bansa.
 Asian Development Bank (ADB)
 International Monetary Fund (IMF)
 World Bank (WB)
Mga Institusyong Di-bangko
- Itinatag upang magkaloob ng serbisyo sa kanyang
mga kasapi
 Pag-IBIG Fund
- pagtutulungan sa kinabukasan
 Government Service Insurance System ( GSIS )
- namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga
manggagawa ng pamahalaan
 Social Security System( SSS )
- panlipunang pangangailangan ng mga manggagawa
 Bahay-sanglaan
- nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral.
 Kooperatiba
- Binubuo ang kooperatiba ng mga kasapi na may
layuning panlipunan at pangkabuhayang
pagtutulungan at pagkakaisa.

You might also like