You are on page 1of 20

Filipino 9

1
Filipino – Ika-siyam na Baitang
Ika-apat na Markahan – Modyul 14: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Elias
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bulaklak P. Gordon, Christiel D. San Juan, Dianne N. Sanchez
at Emmarose D. Victorio
Editor: Jay-Ar Montecer at Imelda Tuano
Tagasuri: Bulaklak P. Gordon at Cindy C. Macaso
Tagaguhit: Jonathan F. Buctuan
Tagalapat: Dianne N. Sanchez
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ngTagulao EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ika-apat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ang Mahahalagang Pangyayari sa
Buhay ni Elias
Modyul 14

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Modyul 14 para sa
araling Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Elias.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Modyul 14 ukol sa Mahahalagang


Pangyayari sa Buhay ni Elias.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
• Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na
nakatutulong sa pagpapayaman sa kulturang Asyano.
• Naipaliliwanag ang mga kaisapang nakapaloob sa aralin gaya ng:
pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa
kapuwa, kayamanan, kahirapan at iba pa.

MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO:


• Naipamamalas ang pag-unawa sa mahahalagang pangyayari sa buhay
ni Elias.
• Naipapaliwanag at nabibigyang diin ang damdaming namayani sa
piling tagpo.
• Naihahalintulad ang mga sakit ng lipunan noon na binanggit sa
kabanatang tinalakay at kung ito’y masasalamin ba sa kasalukuyang
panahon.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon upang mabuo ang


kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Si Elias ang naging sugo ng mga sawimpalad para iparating ang


kanilang karaingan sa kinauukulan.

WLANGA ETERWSU

2. Ang mga taong humihiling ng pagbabago sa pamahalaan ay itinuturing


na salarin.
LAMINRIK

3. Ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay maaaring


likhang-isip ng ating guniguni.

HSOMINAIYNA

6
4. May isang babae na natagpuan na may tarak ng balaraw sa dibdib.

PALIMTA

5. May mga taong umaglahi sa kanya.

UMPIA

BALIK-ARAL

Panuto: Sa tulong ng grapiko sa ibaba, igawa ng krokis ang angkang


pinagmulan ni Elias. Isulat sa kahon sa ibaba.

Ang Angkan ni Elias

ARALIN

Sa bahaging ito ay inaasahan na lubos mong makikilala si


Elias at kung ano ang mahalagang papel na ginampanan niya sa
nobela at kung ano-anong katangian at kulturang Asyano ang
nangingibabaw sa kanyang pagkatao. Sa tulong ng araling ito ay
mapahahalagahan mo ang kulturang Asyano. Mababatid din ang
hinaing ni Elias na maaaring hinaing din ng marami sa kasalukuyan.

7
Alam mo ba…………

Si Elias ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me


Tangere ni Dr. Jose Rizal. Siya ang piloto/bangkero at magsasakang
tumulong kay Crisostomo Ibarra na imulat ang kanyang kaisipan para
makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.

Siya ay nagmula sa isang pamilyang nakaranas ng matinding pighati


sa ilalim ng mga Espanyol. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit matindi
ang kaniyang poot sa mga mananakop.
Sumapi siya sa mga rebelde (o sawimpalad). Kinatawan siya ng mga
mithiin ng mga sawimpalad na may hangaring makamit ang katarungan at
pagbabago. Nais niya ang ganap na katiwasayan ay paggalang sa dignidad ng
tao. Isinalaysay niya kay Ibarra ang lahat ng suliranin ng bansa at kung ano
ang maaaring gawin upang sugpuin iyon. Naniniwala siyang si Ibarra lamang
ang makatutulong sa kanya upang makamit ang mga iyon.

Si Elias ay tinugis ng mga guwardiya sibil sapagkat pinaniniwalaang


siya ang nagtulak sa Alperes sa isang maputik na lubak at umatake kay Padre
Damaso.
Sa kabila ng maraming balakid, sinikap ni Elias na iligtas si Ibarra sa
lahat ng maaaring maging banta sa kanya. Una, sa pamamasyal sa lawa
kasama sina Ibarra, Maria Clara at ng kanilang mga kaibigan, nagpamalas si
Elias ng katapangan nang siya’y lumusong sa ilog nang may nakitang buwaya
si Leon at hinuli ang hayop na isang malaking banta sa buhay nina Ibarra,
Maria Clara at mga kaibigan na sa huli’y lumabas na si Ibarra pa ang
nagligtas kay Elias. Pangalawa ay ang pagbagsak ng kabriya sa
ipinapatayong gusali ng paaralan ni Ibarra na muntikan na niyang ikamatay.
Pangatlo ay ang pagkakaroon ng pag-aklas sa bayan na siya ang
pagbibintangan. Tinulungan niya itong sunugin ang lahat ng liham na
maaaring ebidensya sa kanyang pagkakahuli. Nang mahuli si Ibarra ng mga
guwardiya sibil, sinunog niya ang buong bahay ni Ibarra upang tuluyang
mawala ang lahat ng ebidensyang maaaring gamitin laban sa kanya. Sa pang-
apat na pagkakataon, sa nalalapit na kasal ni Maria Clara, nagkaroon ng
salo-salo sa kanilang tahanan. Nagtungo si Ibarra at si Elias sa kanila sakay
ng isang bangka upang humingi ng tawad kay Maria Clara. Ang kanyang
presensya ay napuna ng mga guwardiya sibil. Upang isipin ng mga guwardiya
sibil na siya si Ibarra, tumalon si Elias sa ilog at siya’y pinagbabaril ng mga
tumutugis.

Sa huling kabanata ng nobela, nagtungo si Elias sa gubat na


pagmamay-ari ng mga Ibarra at doon natagpuan niya si Basilio at ang
kanyang yumaong ina na si Sisa. Dahil sa wala na siyang lakas at ilang
sandali pa’y mamamatay na, iniutos niya kay Basilio na kumuha ng mga
kahoy upang sunugin ang kanyang bangkay at bangkay ng kanyang ina
hanggang sa sila ay maging abo.

8
SIMBOLISMO:

Si Elias ay maihahambing kay Andres Bonifacio. Tulad ni Bonifacio,


siya ay kumakatawan sa isang ordinaryong mamamayan na nakaranas ng
pang-aabuso sa kamay ng mga Kastila sa kanyang panahon. Pinatapang siya
ng kanyang naranasang kawalan ng hustisya. Sa pamamagitan ng katauhan
ni Elias, malaya niyang naisalaysay ang lihim na himutok ng mga Pilipino sa
kamay ng mga mananakop.

Sa muling pagbabasa mo ng sumusunod na kabanata higit mong


makikilala si Elias. Ito ay ang mga kabanata:

• X - Si Elias at Salome
• XLV - Ang mga Pinag-uusig
• XLIX - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
• LII - Ang Baraha ng Patay at mga Anino
• LIV - Lahat ng Lihim ay Nabubunyag
• LV - Ang Pagkakagulo
• LVI - Barilan sa Lawa at;
• LXIII - Noche Buena

KABANATA X - Si Elias at Salome


o Mula sa piknikan ay nagtuloy sa saing panig ng lawa na malapit sa
kagubatan si Elias at doon naghihintay si Salome, isang dukhang
dalagang gandang kayumanggi.
o Hiniling ni Salome na isalaysay ni Elias ang nangyari sa piknikan at
napuna niya ang kalungkutan sa mukha ni Elias. Sa mga papuri ni
Elias sa kagandahan at kabaitan ni Maria Clara ay naluha si Salome.
o Magpapaalam na si Elias dahil lumulubog na ang araw ngunit
napansin niyang lumuluha si Salome. Ang pagluha ni Salome ay dahil
siya ay nakatalagang umuwi sa mga kamag-anakan sa Mindoro.
o Tinanong ni Elias ang dalaga kung nagsasawa na sa kanya. Tumutol
ang dalaga at sinabing wala daw siyang pinanaghiliang sino mang
mayaman sa likod ng kaniyang kahirapan dahil sa kasintahan niya si
Elias.
o Hiniling ni Elias na limutin na siya ni Salome. Hiniling naman ng
dalaga na sumama sa Mindoro ang binata.
o Nasabi ni Elias: “Sa araw na ito ay naglaho ang aking kalayaan!” Ito
raw ay dahil kay Ibarra.
o Hiniling na lamang ni Salome na sa kubong iyon manirahan si Elias
alang-alang sa alaala ng kanyang pag-ibig sa binata.
o Nababuntong hininga si Elias at sinabi niyang baka raw siya’y
makalimot. Kumalag sa pagkakayapos ng dalaga at mabilis na lumayo
si Elias.

9
KABANATA XLV - Ang mga Pinag-uusig
o Nagtungo si Elias sa Batangas upang hanapin si Kapitan Pablo, ang
ama ng dalagang hinalay ng isang pari at dalawa pang anak na
pinahirapan at namatay.
o Sinamahan siya ng isang lalaki at natagpuan niya ito sa pusod ng isang
gubat, natatalian ang ulo nito ng isang bigkis na may bahid ng dugo.
o Iminungkahi ni Elias na sumama sa kaniya si Kapitan Pablo sa
pamumuhay na kasama ng malalayang di binyagan sa hilaga at
magturingan silang mag-ama. Tumanggi ang matanda dahil hindi niya
matatalikuran ang buhay ng isang pinag-uusig ngunit lumalaban.
o Iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo at sa mga kasamahan niyang
mga api ay palingap kay Ibarra at habang iminumungkahi ni Elias ang
suliranin ng mga pinag-uusig ay hiniling ni Elias na huwag gagawa ng
kasalanan ang matanda na sukat ikasasawi nito.
o Apat na araw ang itinakda ni Elias na pagpapaabot sa Kapitan Heneral
ng karaingan ng bayan. Nagkasundo silang pag nabigo si Elias, ito ay
sasanib sa pangkat nina Kapitan Pablo.

KABANATA XLIX - Ang Tinig ng mga Pinag-uusig


o Tumupad sa kanyang pakikipagtagpo kay Elias sa tabi ng dagat si
Ibarra.
o Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias at sinabi niya kaagad kay
Ibarra na siya ang tinig ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang
napagkasunduan nila ni Kapitan Pablo nang walang pag-aalinlangan
at pagbabala.
o Ang kahilingan ng mga sawimpalad ay bawasan ang kapangyarihan ng
mga sibil at mga prayle.
(1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik ng gobyerno, tulad ng
ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle,
sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng
gobyerno.
(2) pagkakaloob ng kaunting dignidad sa pagkatao ng mga tao,
pagbibigay sa kanila ng kapanatagan sa pamumuhay.
(3) pagbabawas sa lakas at kapangyarihang taglay ng mga kura at sibil
na madalas na nagiging sanhi ng paglapastangan sa mga
karapatang pantao.
o Tumutol si Ibarra. Ang mga sibil at prayle daw ay masamang kailangan
“masasama ngunit kailangan”. Dagdag pa ni Ibarra na anumang
pagbabago, sa halip na makabubuti ay lalo pang makasasama sa
kasalukuyan.
o Nagpalitan sila ng kuro-kuro. Humanga si Ibarra kay Elias dahil
nakikita niya ang pag-ibig sa bayan.
o Hindi napapayag ni Elias si Ibarra sa kanyang pakiusap sa binata kaya
sinabi nitong pagpapayuhan niya ang mga sawimpalad na umasa na
lang sa Diyos.

10
KABANATA LII - Ang Baraha ng Patay at mga Anino
o Sa isang makipot na daan patungong libingan ng San Diego. May
tatlong anino na pabulong na nag-uusap sa ilalim ng pinto ng libingan
sila ay sina Pedro na asawa ni Sisa na sasalakay sa kumbento upang
maghiganti at sina Bruno at Tarcillo nama’y maghihiganti para sa mga
anak at kanilang ama.
o Itinanong ng isa kung nakausap na niya nang harapan si Elias. Hindi
raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra
ang buhay nito. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magiging 20
na katao ang sasalakay.
o Natigil ang usapan nang may narinig silang dumarating. Nabanaagan
nila ang pangingilid ng isang anino sa bakod at sa likod nito. Pagdating
sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila.
o Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya
kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at inutusan na tanggapin ang sandata
at sa gabi ang paglusob kasabay ng sigaw na “Mabuhay si G. Ibarra!”.
o Ang tatlong anino ay nawala sa likod ng mga pader. Ang bagong dating
ay naghintay naman sa sulok ng pintuan. Umaambon kaya’t ang
ikalawang anino ay sumilong sa pintuan at nagkita sila ng bagong
dating.
o Hindi raw makikipagsugal sa higit sa isa ang mga patay. Nagsugal ang
dalawa. Natalo ang huling dumating- si Elias. Naiwan ang isa- si Lucas.
Umalis na si Elias at di nagtagal ay umalis na rin si Lucas na may pilat
sa mukha.
o Dalawang guwardiya sibil ang naglalakd sa may tabi ng simbahan nang
gabing yaon. Nag-uusap ang dalawa sa paghuli kay Elias.
Nakasalubong nila si Lucas, pinatigil at itinanong kung kilala si Elias.
Hindi ang tugon ni Lucas at hinayaang siyang magpatuloy sa lakad
sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias.
o Ilang saglit lamang, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil.
Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol
niya ang lalaking may pilat sapagkat ito ay bumugbog sa kanyang
kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang
pinasukan ni Lucas.

KABANATA LIV – Walang Lihim na ‘Di Nabubunyag at Walang Nagkasalang


‘Di Nagkamit-Parusa
o Tumutugtog ang orasyon (Angelus). Maraming nagdarasal ngunit si
Padre Salvi ay matuling naglalakad patungo sa bahay ng Alperes.
o Nag-usap ang dating magkagalit. Sinabi sa Alperes na sa tulong ng
isang babaeng nagungumpisal ay natuklasan niyang may
isasagawang paghihimagsik ang bayan. Humingi ng kawal ang kura
at pinapaghanda ang Alperes.
o Sa kabilang dako, si Elias ay mabilis na nagtungo kina Ibarra.
Pinagsabihan ni Elias ang mayamang binata na ipagtatago o
pagsusunugin ang mga kasulatan na maaaring gawing
pampahamak sa binata.

11
o Ipinagtapat ni Elias na natuklasan niya ang pag-aalsa na
ipinanabing si Ibarra ang may panukala o balak.
o Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan sisirain,
may lagdang nabasa si Elias – Pedro Eibarramendia. Nanginginig
ang tinig ni Elias kay Ibarra nang itanong kung kilala nito ang
kaanak ng taong iyong matagal na niyang pinaghahanap. Sinabi ni
Ibarra na iyon ay kanyang nuno. Inihayag ni Elias na pananagutin
niya si Ibarra sa lahat ng kawasian ng kanyang pamilya dahil sa
nuno ng ama ni Ibarra.
o Kumuha si Elias ng dalawang balaraw (patalim) sa isang taguan at
naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit bigla siyang
natauhan. Binitawan niya ang hawak na balaraw at tulirong
tumingon nang tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng
bahay.
o Nagtaka si Ibarra. Itinuloy niya ang pagsunog sa mahahalagang
papeles at dokumento.

KABANATA LV - Ang Pagkakagulo


o Sa bahay ni Kapitan Tiyago sa oras ng paghahapunan. Naroon sina
Kapitan Tiyago, Tiya Isabel at Linares. May ibinulong si Sinang kay
Maria Clara, na nakaupo sa may piano at ayaw kumain. Si Padre Salvi
ay pabalik-balik sa magkabilang dulo ng salas.
o Dumating si Ibarra nang tumugtog ang ikawalo at ang kampana.
Nagtayuan at nagsipagdasal sila sa pamumuno ni Padre Salvi na
nangangatal ang tinig. Saka biglang nagputukan. Nagkani-kanilang
tago ang lahat. Nagkani-kanilang dasal.
o Nanumbalik ang katahimikan. Tumawag ang Alperes sa kura at tapos
na raw ang panganib. Si Ibarra ay nanaog at naglakad na mag-isa sa
ulilang lansangan pauwi. Maraming nagsisigawan at pinapalo sa
kuwartel. Iniayos ni Ibarra ang kanyang mga gamit at dadalhin.
Dumating ang mga sibil. Dinakip si Ibarra.
o Si Elias nang umalis kina Ibarra ay takbo nang takbong walang tiyak
na tunguhin. Nakaabot siya sa gubat. Naaalala niya ang nangyari sa
kanyang pamilya, ang kanyang uno, ang duguang ulo ni Balat, ang
bawat katisuran niyang bato at ugat ay waring sumisigaw ng “duwag!
duwag!”. Nakarating siya sa dalampasigan, tumingin sa ulap at
lumusong sa tubig. Hanggang sa dibdib na niya ang tubig. Noon niya
narinig ang putukan. Bumalik siya sa pampang, sa bayan. Walang tao
ni aso. Tinungo niya ang bahay ni Ibarra.
o Nakita ni Elias ang mga papeles, mga armas, sako ng kayamanang
salapi at hiyas. Natanaw niyang may dumarating na dalawang sibil.
Kinuha aang mga armas. Inilagay ang isang larawan ni Maria Clara sa
sako ng salapi. Tumalon sa bintana matapos sindihan ang bunton ng
damit at papeles.
o Nang makapasok ang mga sibil na pinigilan sana ng matandang
utusan, ay sinalubong sila ng makapal na usok. Nagkani-kaniyang
agap ng maililigtas ang lahat. Ngunit nakaabot sa laboratoryo ang apoy
at sumabog iyon. Nasunog ang matandang bahay ng mga Ibarra

12
LXI - Barilan sa Lawa
o Balak ni Elias kay Ibarra: Itago si Ibarra sa isang kaibigan sa
Manadaluyong at saka pangibang lupain. Niyaya ni Ibarra na sumama
sa kanya si Elias at mamuhay silang parang magkapatid sa ibang
bansa.
o Tumanggi si Elias. Maaaring kailanganin daw siya ng kanyang bayan.
Hindi na rin daw mangingibang bayan si Ibarra. Ibig ni Ibarra na siya’y
maging pilibustero, maghimagsik na.
o May napuna silang pagkakagulo sa bahay ng Kapitan Heneral
(Malacañang ngayon). Tila napuna na ang kanilang pagkatakas. May
daraanan silang tanod. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinabunan ng
damo. Nakaraan ang tanod.
o Sa halip tuloy na magbagtas sila sa ilog Pasig, lumiko muna sila sa ilog
Beata patungong Pandakan sapagkat wika ni Elias sa tanod ay
tagaroon siya at nagrarasyon ng damo sa mga kura sa Maynila.
o Naulit ang pag-uusap. Tutal si Elias na maghimagsik si Ibarra. Hindi
pa raw nakahanda ang bayan. Kung ayaw ninyong sumama sa akin ay
mag-isa kong gagawin ang pag-aalsa.
o Nakalabas sila ng lawa ng Laguna. Ngunit hinabol sila ng lawa o bangka
ng mga sibil. Mabilis ang lunday ngunit isa pang bangka ng mga sibil
ang humarang sa kanila.
o Tinugis ni Elias ang pulo ng Talim. Sinabi kay Ibarra na nakalubog sa
lunday ang balak nitong pagliligtas sa pinag-uusig. Sinabi ni Elias kay
Ibarra na magpapahabol siya sa mga sibil at magkita na lamang sila sa
libingan ng nuno ni Ibarra sa Noche Buena at tumalon na si Elias sa
lawa.
o Hinabol siya ng dalawang bangka ng mga sibil. Naiwan ang lunday at
si Ibarra. Sisid at litaw sa malayo ang ginawa ni Elias.
o Nagtagal ang paghahabulan. Minsa’y nagpakita si Elias na may
sampung dipa na lamang ang agwat sa pampang. Pinaulanan siya ng
putok. Tumahimik ang dagat sa nilitawan niya. Nakakita ng bahid ng
dugo ang mga sibil. Ibinalitang napatay nila si Ibarra.

LXIII - Noche Buena


o Sa isang gubat sa libis ng bundok ay may isang kubo ng isang mag-
anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay pangangaso at pangangahoy.
Sa paligid ng kubo ay maraming halamang gulay. Dalawang bata ang
naglalaro, si Huli at Tano. Titingin-tingin ang isang maputlang bata---
si Basilio.
o Binanggit ng matandang lalaki na may dalawang buwan na simula ng
matagpuan ka naming walang malay at sugatan at akala nila’y
mamamatay na.
o Sinabi ni Basilio nan ais niyang bumaba ng bayan upang makita ang
ina at kapatid dahil magpapasko na. Binawalan siya ng matanda.
Mahina pa raw ang kanyang inang ibig niyang makita at mahandugan
ng isang pamasko--- ng isang anak. Naantig ang kalooban ng matanda.

13
Ipinahahatid si Basilio sa apong dalaga—si Lucia. Nalungkot ang
dalawang bata.
o Narating nang paika-ika ni Basilio ang San Diego. Tinungo niya agad
ang tahanan ngunit Nakita niyang walang tao. Siya’y nagtanong.
Nalaman niyang baliw ang kanyang ina, palibut-libot sa mga
lansangan. Wala siyang nabalitaang kahit ano kay Crispin. Tumakbo
siyang paika-ika upang hanapin ang kaniyang ina.
o Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ng bagong Alperes sapagkat
narinig niya mula roon ang malungkot na pag-awit ng kaniyang ina.
Iniutos ng babaeng durungawan sa bantay na paakyatin si Sisa. Nang
makita ni Sisa ang kawal ay takot na tumakbo. Binato ng isang alilang
babae si Basilio at tinamaan siya sa ulo ngunit hindi siya tumigil sa
pagtakbo.
o Hinabol ni Basilio ang ina. Nakarating sila sa gubat. Pagod na pagod si
Basilio na himalang nakatakbo sa likod ng kalagayang iyon. Natanaw
ni Basilio na pumasok sa libingan ng nuno ni Ibarra ang ina. Sumunod
si Basilio. Di niya mabuksan ang pinto dahil nakatukod ang ulo ng
kanyang ina.
o Umakyat siya sa puno ng balete at mabilis na nagpatihulog si Basilio,
niyapos at pinaghahagkan saka nawalan ng malay. Nakita ang dugo sa
noo nito at biglang nabalik ang liwanag ng isip. Niyapos ang anak.
Pinaghahagkan at walang galaw sa pagyapos sa walang malay na anak.
o Nagkamalay si Basilio. Nabatid niyang patay na ang ina. Niyakap ang
bangkay at nanaghoy. Mula sa malayo ay narinig ang mga
magkakapiling noon, nagsasaya at umaawit. Lalong nag-iiyak si
Basilio.
o May dumating na lalaking duguan. Nais ni Basilio na ilibing ang ina
ngunit ang lalaki ay mamatay na rin at binilinan si Basilio na humakot
ng kahoy at isiga ito sa kanila ng kanyang ina hanggang sa sila’y
maging abo at kung walang makakita ay maghukay at ilibing silang
dalawa ng kanyang ina.
o Nabanggit na lamang ni Elias na “Mamamatay ako nang di nakikita ang
pagbubukang liwayway ng aking bayan! Kayong makamamalas sa
kanya, batiin ninyo siya…at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid
sa dilim ng gabi.” Saka ito dahan-dahang nalugmok sa lupa.

14
MGA PAGSASANAY

Upang makatiyak kung naunawaan mo ang aralin, magkakaroon


tayo ng mga pagsasanay. Kung sa tingin mo ay hindi mo pa ito gaanong
naunawaan, balikan mo ang aralin. (Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel)

Pagsasanay 1.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Sa pahayag ni Salome na “wala daw siyang pinanaghiliang sino mang


mayaman sa likod ng kaniyang kahirapan dahil sa kasintahang si
Elias” ang pahayag na ito ay nagpapakita ng ugaling
a. masipag
b. matiisin
c. mapag-angkin
d. masayahin

2. Napabuntong hininga si Elias at sinabi niyang baka raw siya’y


makalimot. Kumalag sa pagkakayapos ng dalaga at mabilis na lumayo
si Elias. Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay…..
a. pagkakahawak
b. pagkakayakap
c. pagkikipagkamay
d. pakikipagtitigan

3. Tumupad sa kanyang pakikipagtagpo kay Elias sa tabi ng dagat si


Ibarra. Ang ugaling ipinamalas ni Ibarra ay nangangahulugang:
a. may isang salita
b. nais humanap ng bagong balita
c. nawawalan ng gana
d. nais magliwaliw

4. Binanggit ni Ibarra na ang mga sibil at prayle raw ay “masamang


kailangan”. Ano ang ipinangangahulugan ng kanyang nabanggit
patungkol dito.
a. Ang mga ito ay magnanakaw ngunit kailangan.
b. Sa likod ng mga masamang gawain ay napapakinabangan pa
rin ang mga prayle’t sibil upang hindi gumawa ng masamang
gawain ang mga tao.
c. Ang mga yamang nakukuha ng mga ito ay nakukuha ng
taong bayan.

15
d. Ang pagpapakasakit ng mga prayle’t sibil ay para sa taong
bayan na hindi lamang nakikita ng mga tao nang mga
panahong iyon.

5. Pinagsabihan ni Elias si Ibarra na ipagtatago o pagsusunugin ang mga


kasulatan na maaaring gawing pampahamak sa binata. Ang dahilan ng
ugaling pinamalas ni Elias ay…
a. may lihim siyang binabalak kay Ibarra
b. nais niyang patayin at mawala si Ibarra ng walang
nakakaalam
c. nais niyang itago si Ibarra dahil ito na lamang ang kanilang
pag-asa
d. may sikreto syang nais mabura sa mata ni Ibarra

Pagsasanay 2

Panuto: Ibigay ang sariling paliwanag sa mga piling tagpo ng kabanata.


Isaalang-alang ang damdaming namayani sa bawat bilang.

1. Nasabi ni Elias: Sa araw na ito ay naglaho ang aking kalayaan!”


PALIWANAG: ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Kumuha si Elias ng dalawang balaraw (patalim) sa isang taguan at
naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra ngunit bigla siyang natauhan.
Binitawan niya ang hawak na balaraw at tulirong lumingon nang tuwid
kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog sa bahay.
PALIWANAG: ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Si Elias nang umalis kina Ibarra ay takbo nang takbong walang tiyak
na tunguhin. Ang bawat katisuran niyang bato at ugat ay waring
sumisigaw ng “duwag! duwag!”.
PALIWANAG: ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Tutol si Elias na maghimagsik si Ibarra. Hindi pa raw nakahanda ang
bayan.
PALIWANAG: ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. “Mamamatay ako nang di nakikita ang pagbubukang liwayway ng aking
bayan! Kayong makamamalas sa kanya, batiin ninyo siya… at huwag
ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”
PALIWANAG: ____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

16
Pagsasanay 3.

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag sa pangungusap batay sa


kabanata at M kung ito ay mali.

1. Nagtungo si Elias sa Maynila upang hanapin si Kapitan Pablo.


2. Dalawang araw ang itinakda ni Elias na pagpapaabot sa Kapitan Heneral
ng karaingan ng bayan.
3. Isa sa mga kahilingan ng mga sawing palad ay ang pagkakaloob ng
kaunting dignidad sa pagkatao ng mga tao, pagbibigay sa kanila ng
kapanatagan sa pamumuhay.
4. Nakita ni Elias ang mga papeles, mga armas, sako ng kayamananang
salapi at hiyas. Kinuha niya ang mga armas. Inilagay ang isang larawan
ni Maria Clara sa sako ng salapi.
5. Balak ni Elias kay Ibarra: itago si Ibarra sa isang kaibigan sa
Mandaluyong at saka pangibang lupain.

PAGLALAHAT

Mirror, Mirror On The Wall!

Paghahalintulad ng mga sakit ng lipunan noon na binanggit sa


kabanatang tinalakay at kung ito’y masasalamin ba sa kasalukuyang
panahon.

NOON NGAYON

17
PAGPAPAHALAGA

Matapos malaman ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni


Elias, mapapansin mong nanaig ang paksang patungkol sa
pagmamahal sa bayan, sa pamilya at sa kapwa. Ikaw bilang mag-aaral
at kabataan, paano mo naman maipakikitang mahal mo ang iyong
bayan? Ilahad ang iyong sagot gamit ang grapikong pantulong.

Maipakikita kong
mahal ko ang
bayan ko kung….

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Lagyan ng tsek ( / ) kung naganap ang mga pangyayari sa


buhay ni Elias at ekis (x) kung mali.

PANGYAYARI TAMA MALI


1. Isa si Elias sa may masamang balak kay Crisostomo
Ibarra.
2. Si Kapitan Pablo ang tinig ng mga sawimpalad.
3. Ang lahat ng kawasian ng pamilya ni Elias ay dahil sa
nuno ng ama ni Ibarra.
4. Hindi maipagtanggol ng mamamayan ang kanilang
sariling laban sa naturingang hustisya na
kinukunsinti ng lipunan.
5. Ang paaralang itinayo ni Ibarra ay para sa
kagalingang pansarili.

18
SUSI SA PAGWAWASTO

5. umapi

4. patalim
M 5.
3. imahinasyon T 4.
T 3.
2. kriminal
M 2.
1. walang suwerte M 1.

Paunang Pasubok Panapos na Pagsusulit

5. C
T 5.
4. B T 4.
mag-aaral. 3. A T 3.
M 2.
ng sagot ng mga 2. B M 1.
Malayang paglalahad 1. B III.
II. I. Mga Pagsasanay
Mga Pagsasanay

Balik-aral

Tenedor-de-Libro
(bookkeeper) Nuno ni Elias
Nuno ni Elias (Impo)
(Ingkong)

Ina nina Elias


Ipinanganak sa Anak
Unang Anak Ama nina Elias mayamang
Balat gubat, Sanggol na taga-Tayabas;
(tulisan) May sakit; malusog namatay sa
kaagad namatay panganganak

Kakambal na
Elias Babae;
nagpakaluno
d
19
Sanggunian

• Lourdes L. Miranda, et.al., Noli Me Tangere Obra Maestra III. REX


Printing Company, Inc., Sta. Mesa Heights, Lungsod ng Quezon, 2002

• Tomas C. Ongoco, Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere.


MAPUBCO Book Store, 613 Reten Street, Sampaloc, Manila, 1995

• Jose B. Bilasano, Ang Batikan Bolyum XVIII- Blg.4. Educational


Resource Corporation. Cubao, Quezon City, 2015

• Lorelie L. Vico, Noli Me Tangere. St. Augustine Publications, Inc.,


Sampaloc, Manila. 2002

• Nimfa Villalon De Veluz, et.al., Sanayang Aklat sa Noli Me Tangere ni


Dr. Jose Rizal. CSC Publishing, Inc., Mandaluyong City

20

You might also like