You are on page 1of 8

1. Anong ugali ang ipinapakita ng kanilang ama sa kaniyang mga anak pagkatapos mamatay si Mui-Mui?

A. mapagmahal B.lasenggero C. iresponsableng ama D.walang pakialam sa mga anak

2. Anong pangyayari sa kanilang pamilya ang nakapagpabago sa ugali ng kanilang ama?

A. Ang pag-iyak ng kanilang ina C. Ang pagkaalis niya sa pinagtatrabahoan


B. Ang pagmamakaawa ng kanilang mga kapatid D. Ang pagkamatay ni Mui-Mui
3. Ano ang naging hanapbuhay ni Andres sa Amerika?
A. pagwawalis B.pagsasayaw C. paghuhugas ng pinggan D. pagtitinda ng mga prutas

4. Saan nangyari ang karanasang bumago sa takbo ng buhay ni Andres?


A. China B.Amerika C. Pilipinas D.Malaysia
1. “Mayroon ba namang gayung araw-araw ay nakabungguang-balikat ay di mo matawag na
kapalagayang-loob?” Anong uri ng tunggalian ang pahayag?
A. Tao laban sa tao
B. Tao laban sa sarili
C. tao laban sa lipunan
D. tao laban sa kalikasan
2. Ang babae lang ang dapat ang gumawa ng gawaing-bahay. Ano ang pahayag na ito?
A. opinyon
B. mensahe
C. ekspresyon
D. katotohanan
3. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang katotohanan?
A. Mabait ang bata.
B. Ang mga pulitiko ay ibinuto ng mga tao.
C. Ang babae lang ang dapat gumagawa ng gawaing-bahay.
D. Mas gusto kong magkaroon ng kapatid na babae kaysa lalaki.
4. Batay sa resulta umabot na sa anim na milyon katao ang nahawaan ng corona virus pandemic
sa buong mundo. Ang pahayag ay isang---
A. Opinyon
B. Katotohanan
C. Kasinungalingan
D. Walang katotohanan

5. Paano nakatutulong ang mga pahayag sa katotohanan sa isang pangyayari?


A. Nakapagdaragdag ng impormasyon
B. Mga pahayag batay sa sariling paniniwala lamang
C. Nakapagpapaisip sa mga taong nakakakita sa mga pangyayari
D. Mga pahayag na maaaring maging tulong bilang mga ebidensiya

6. Aminin natin na minsan o madalas ay nakagagawa tayo ng paghuhusga sa ating kapwa. Ano ang
iyong gagawin kung tawagin ka ng iyong kapwa na isang “Timawa”?
A. Masasaktan
B. Hindi ko papansinin
C. Pababayaan ko lang sila
D. Maging positibo sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay
7. _______________ mas mainam ang face to face kaysa pagsagot ng modyul sa bahay.
A. Sa aking palagay
B. Mababasa sa
C. Ganoon nga
D. Habang
8. ________________ ng sarbey, nangunguna ang bansang Amerika sa dami ng nabakunahan.
A. Mula kay
B. Tinutukoy sa
C. Mababasa sa
D. Batay sa resulta
9. Ang pagkain ng gulay ay ____________ na nakalulusog.
A. tunay
B. subalit
C. habang
D. sa tingin ko
10. Narinig ni Angela sa kapitbahay na na-covid ang doctor ng pamilya ng ka-opisina niya. Ngunit
di niya tiyak kung totoo o fake news. Nalilito siya kung sasabihin ba niya sa kaibigan o hindi.
Anong uri ng tunggalian ang pahayag?
A. tao vs tao
B. tao vs sarili
C. tao vs lipunan
D. tao vs. kalikasan
11. Aling salita sa pahayag ng bilang 10 ang nagsasaad ng opinyon?
A. tiyak
B. niya
C. ngunit
D. narinig

Para sa aytem 12-15


Daig pa si Hitler kung maturingan ang ama noong buhay pa. Di mapaknit sa kanyang gunita ang mukha ng
manliligaw na natunaw ang ngiti sa labis na kahihiyan nang maharap sa ama. Ipinamukha nito sa binata na
lalaking puti at di kayumanggi ang ninanais niyang maging manugang. Ngayon, ito si Luisa, dalaga at
pinaglipasan na ng panahon.

12. Batay sa akda, mahihinuhang ang ama ay__


A. mahigpit
B. magiting
C. mabangis
D. matapang
13. Kung ating bigyang-kahulugan ang mga pangyayari, si Luisa ay ___
A. mapiling dalaga
B. nawalan ng sigla
C. lumaking masaya
D. tumandang malungkot
14. Sa ika-3 pangungusap, mauunawaang nais ng ama na ang mapangasawa ng anak ay isang___
A. Indio
B. Negro
C. Pilipino
D. Amerikano
15. Ang natunaw ang ngiti ay nangangahulugang ____________.
A. nagalit
B. nawala
C. napahiya
D. nakasimangot

Para sa aytem 1-3. Basahin ang ilang saknong ng mga piling tula.
My Titser, My Hero

Bagot na bagot ang aking pakiramdam,


Nang pumasok ako sa paaralan, Minsan wala
pang laman aming tiyan,
Ngunit ‘di sumusuko sa anomang laban.

Silang mga personalidad dumaan kay titser,


Sinagip at inalagaan upang maging better,
Ordinaryong nilalang binigyang-kapangyarihan, Hindi
matatawaran kanilang kadakilaan.

Mapagod man, walang daing, walang katulad,


Susubukin, susuungin, kahit lumipad, Haharapin, saan man
mapadpad,
Maihatid lamang edukasyong nagpapaunlad.

1. Anong klaseng hanapbuhay ang binanggit sa tula?


A. Guro
B. Doctor
C. Abogado
D. inhenyero

2. Bakit tinaguriang dakila ang titser? A. May angking kapangyarihan


B. Marunong mag-alaga ng mga bata
C. Hindi sumusuko kahit may sakit
D. Hangad nito ang pagkatuto ng mga kabataan

3. Anong mga sakripisyo ang dinanas ng tauhan sa tula? A. Pumapasok sa paaralan kahit walang kain.
B. Gumagawa ng mga gawaing pampaaralan.
C. Pinupuntahan ang mga batang walang interes sa pag-aaral.
D. Pinauunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral upang maging mabuting mamamayan ng bansa.

Para sa aytem 4-6


PAG-ASA

Mula kamusmusan ako’y namulat,


Sa mundong kaligayaha’y salat, Pakiwari ko’y
mahirap mabuhay,
Lumaban nang di masadlak sa hukay.

Mga problema’y sadyang mapanghamon,


Pagsisikap ko’y sa pamilya nakatuon,
Walang humpay ang panalangin ko sa Poon, Sigaw ko
ngayon, buhay ay maiahon!

4. Ano ang isinisigaw ng persona sa tula? A. Mahirap ang buhay.

B. Lumaban at matuto sa buhay.


C. Maiahon sa kahirapan ang pamilya.
D. May pag-asa anumang hamon sa buhay.

5. Anong kahalagahan sa buhay ang nais ituro ng akda?


A. Maging matatag sa buhay
B. Maging kontento sa buhay
C. Manalangin upang mabuhay
D. Lumaban at matuto sa buhay

6. Ano ang nais ipahiwatig ng may-akda tungkol sa buhay?


A. itaguyod
B. makulay
C. ilaban
D. di-tiyak

Para sa aytem 7-12


Pagsintang Walang Katuturan

7. Kailan hindi
Taglay mo’y kakisigan na hindi mapapantayan
mapapantayan at
Angking talino’y hindi matutumbasan
matutumbasan ang
Paham sa iba’t ibang larangan
isang bagay? A. May
Sa isports o musika man
katulad siya.

B. Ngunit ang pag-irog ko sa iyo’y walang kaparakan Higit siya sa lahat.


C. Ang pagsinta ko’y pawang dulot ay kaguluhan Sapagkat pag-ibig Pantay ang katangian.
D. mo’y sa iba na inilaan Mas mababa ang antas.
8. Binigkis ng Diyos upang hindi maagaw kaninuman. Ano kaya ang isang
paham?
A. mapagpakumbaba
B. napakagaling
C. matapang
D. masayahin
9. Kanino kaya niya inialay ang kaniyang pagmamahal?
A. kaklase
B. kaibigan
C. magulang
D. Maykapal
10. Ano ang dahilan kung bakit hindi niya nakamit ang kaniyang minamahal? A. Siya ay magpapari.

B. Siya ay may asawa na.


C. Siya ay magsisilbi sa politika.
D. Ang lalaki ay may ibang nililigawan.

11.Ano ang pinakamasidhing damdamin ng may-akda? A. Puno ng galit.

B. Hindi sumusuko.
C. Kawalan ng pag-asa.
D. Naaawa sa minamahal.

12. Kung maharap ka sa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin mo? A. Maghahanap ng iba.

B. Ipaglalaban ang pag-ibig.


C. Susumbatan ang minamahal.
D. Hindi na magmamahal muli upang hindi maagaw ninuman.
Para sa aytem 13-14

Nang dahil sa iyo, lakas ko’y nag-uumapaw


Anomang tindi ng pagsubok ‘di aatrasan
Buhay may iisa lang handa kong iaalay
Hahamakin ang lahat huwag ka lang masaktan

13. Anong klaseng pag-ibig ang mahihinuha sa saknong?


A. pag-ibig na mapaniil
B. pag-ibig na mapusok
C. pag-ibig na marubdob
D. pag-ibig na mapagparaya

14. Ano ang pangunahing ideya na nais ipaunawa ng may-akda sa mga mambabasa?

A. Gagawin ang lahat para sa minamahal.


B. Nang dahil sa pag-ibig, masayang-masaya siya.
C. Dadaan siya ng maraming pagsubok para sa minamahal.
D. Handa niyang ialay ang kaniyang buhay para sa minamahal.

Para sa aytem 15
Kaysarap tingnan ang pamilyang masaya
Huwaran sa tuwina at nagkakaisa
Maging si ama, ina at buong pamilya
Nagtutulungan sa hirap at ginhawa

15. Anong klaseng pamilya ang mahihinuha sa tula? A. Buo ang kanilang pamilya.

B. Nagtutulungan at nagkakaisa.
C. Nagkakaisa dahil mayaman sila.
D. Nagbibigayan kahit sila ay mahirap.

Tayahin
Panuto. Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang sumusunod na tradisyon ay ang sinunod ng pamilya ni Estella Zeehandelaar maliban sa isa.
A. bawal magtrabaho ang kababaihan
B. hindi nakapag-aral ang mga babae
C. ipinagkasundo ang mga babae sa kanilang mapangasawa
D. hahayaang makapamili ang mga babae sa kanilang mapapangasawa

2. “Panahon na upang magbago ka.” Anong uri ng pang-ugnay ang may salungguhit? A. pangatnig
B. pang-ukol
C. pangawing
D. pang-angkop

3. Kung ikaw ay isa sa mga kabataang naging biktima ng COVID 19 sa inyong lugar, ano ang maipapayo mo sa
mga kabataang may matitigas na ulo?
A. hahayaan na lang sila dahil may sarili silang pag-iisip
B. payuhan na susunod sa mga protokol na ipinapatupad
C. bigyan ng kalayaan ang mga kabataan na maging masaya
D. iwasan ang makihalubilo sa mga kabataan upang walang gulo

4. Isang marikit na dilag ang bumibighani sa puso ni Andres. Alin ang pinakaangkop na kahulugan sa salitang
may salungguhit?
A. masipag
B. maganda
C. matapang
D. maalalahanin

5. Isa kang lider ng iyong samahan sa paaralan. May isa kang kasapi na gumawa ng hindi kaaya-aya at naging
sanhi ng kaguluhan sa loob ng kampus. Ano ang pwede mong gawin?
A. huwag makialam para hindi masangkot sa gulo
B. hahayaan nalang siya dahil siya ang gumawa nito
C. pagalitan siya upang hindi na mauulit ang kaniyang ginawa
D. kausapin nang maayos at magbigay ng payo para maiwasan ang gulo.

6. Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan. Anong uri ng pang-ugnay
ang salitang may salungguhit?
A. pangatnig
B. pang-ukol
C. pang-abay
D. pang-angkop
7. Isa sa matalik mong kaibigan ang nagsabi na ang pagpapaturok ng ineksiyon kontra covid ay may masamang
epekto sa katawan ng tao. Ano ang magiging reaksiyon mo tungkol sa iyong narinig? A. paniwalaan ang
sinabi ng kaibigan
B. huwag magpaturok para di- mapahamak
C. awayin dahil hindi totoo ang kaniyang sinabi
D. makinig sa mga balita at magbasa ng mga pahayagan upang malaman ang katotohanan

8. Buong kagalakan kong sinalubong ang pagdating ng aking sanggol sa aming tahanan. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. kalungkutan
B. kaginhawaan
C. kaligayahan
D. kapayapaan

9. Balang araw, maaaring lumuwag ang buhay ng bawat mamamayan mula sa pagkakautang.
A. maluwag ang tali B. makaahon sa hirap

B. malawak na tirahan
C. magiging malaki ang buhay

10.Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mayayaman, kundi sa piling ng aking mahirap na pamilya.
A. nauuri B. napasama C.nabilang D.nauugnay

You might also like