Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino
Ikatlong Markahan- Modyul 3:
Maikling Kwento ng Pilipinas
Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs tao, at tao vs sarili) sa kwento batay sa
nakinggang pag-uusap ng mga tauhan. (F9PN-IIId-e-52)
Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin. (F9WG-
lllb-c-53)
Balikan
Tuklasin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ng titik ng tamang
sagot. (1puntos bawat bilang)
Ang buong pangalan niya’y Sancho Pancho, pero ang tawag sa kanya ng
buong Brigada D ay Doy. Pandak si Doy, apat na talampakan at sampung dali
ang taas, maitim, matipuno ang katawan, usli ang mga buto sa mukha, malago
ang kilay, madidilat ang mga matang may kakatwang ningning, makapal ang
mga labing pinanunungawan ng patong-patong, malalaki at madidilaw na
ngipin. Kung hubad si Doy — at lagi siyang hubad — ay kapansin-pansin ang
dalawang pilat sa kaliwa niyang tagiliran.
“Dahil ba sa tingga ’yan, Doy?” usisa ko nang unang gabi ko sa Brigada D.
Magkatabi ang tarima namin, parehong pang-ibaba ng aapating katreng bakal.
“Baril man ine, ’noy,” sabi ni Doy.
“Ano’ng nangyari?” tanong ko. “Natiyempuhan ka ba ng mga lespu sa
pagtutok?”
“Di man, ’noy. . .” sabi ni Doy. At sa magkahalong Ilonggo at Tagalog ay ikinuwento
niya sa akin ang dahilan ng mga pilat na iyon. Umano, dahil sa kahirapan ng buhay sa
Negros ay lumikas siya sa Mindanao, kasama ng kanyang asawa at tatlong anak.
Humimpil sila sa isang kagubatan, naghawan ng sukal, nagbungkal ng birheng lupa.
Pagkaraan ng ilang tag-ulan at tag-init ay nakamtan ni Doy ang bunga ng kanyang
paghihirap at maligayang-maligaya siya sapagka’t hindi magugutom ang kanyang
asawa’t anak. Subali’t, isang araw ay dalawang lalaki ang dumating sa sinasaka niyang
bukid, inaangkin iyon. At ayon sa mismong pagsasalita ni Doy sa pagkukuwento niya:
“Akon ang lupang ine,” sabi niya sa dalawang lalaki. “Nang unang maggadto ako dire,
damo pang mga punungkahoy. Nalinis ko mang mag-isa. Maaga pa, nag-ubra na ako,
gabi na nag-ubra pa rin ako.
Iniladlad ng dalawang lalaki ang mga papeles na katunayan ng
pagmamay-ari sa lupa. “Way mang kuwenta sa akong mga papeles-papeles,”
sabi ni Doy. “Di man ako marunong magbasa. Basta akong lupa ine!” Umalis
ang mga lalaki pero ilang araw ay nagbalik, kasama ang isang pulis ng bayang
nakasasakop sa kagubatang iyon. Pinaalis si Doy sa kanyang bukid. Nagalit si
Doy. Tinaga niya ang dalawang lalaki. Binaril siya ng pulis. Napatay ang
dalawang lalaki, nabuhay si Doy at nahatulan siyang mabilanggo nang
habambuhay. Umuwi ang kanyang mag-iina sa Negros at ang lupang dati’y
madawag na gubat ay napasakamay ng kung sinong di niya kilala.
Siyempre pa, hindi ako naniwala nang ikuwento sa akin ito ni Doy. Kung
nasa bilibid ka, at kung ilang ulit na akong labas-masok sa city jail bago
tuluyang napasok sa Big House, para hindi mabilog ang ulo mo, kailangang ang
sinasagap ng isang tainga mo’y ilabas sa kabila.
Uto-uto si Doy, natuklasan ko nang sumunod na mga araw. Ipagawa mo
na ang gusto mong ipagawa, sabihin mo lang na “palo ako sa kaha mo, Doy,” at
gagawin niya. Kung ’ala kang pomada, sabihin mo lang na “palo ako sa buhok
mo, Doy” at ayos na’ng problema mo. O kaya’y “Yosi nga, Doy, ikaw lang ang
pag-asa ko e,” at hindi lang isang bilog ang ipahihitit sa ’yo.
Walang dalaw si Doy pero hindi siya nawawalan ng sigarilyo. houseboy siya
ng buong Brigada D.
Madaldal si Doy. Makuwento. Pero walang matinong bilanggo na nakikipag-
usap sa kanya. Ako, pagka’t magkatabi nga ang tarima namin at pagka’t
malakas ako sa sigarilyo, ang madalas sumagap ng mga kakuwanan ni Doy.
“Mahal mo ba’ng asawa mo?” isang gabi’y tanong sa akin ni Doy.
“Oo,” sagot ko kahit hindi niya binabangggit kung sinong asawa.
“Mahal mo rin ang mga anak mo?”
“Mahal ko,” sabi ko at pahapyaw kong itinanong sa isip kung ilan na kaya
ang nagiging mga anak ko.
“Di ko lang mahal, kundi mahal na mahal ang mga anak ko,” sabi ni Doy.
“Natural lang na mahalin mo ang asawa’t mga anak mo,” sabi ko
nakadarama na ng pagkainis.
Natahimik si Doy. Ang hagok ng mga bilanggong malapit sa amin ay
nakisaliw sa naulinigan kong pagbubuntunghininga ni Doy.
“Alam mo…” maya-maya’y narinig ko, “masaya sana kami kung way
nagkuha sa lupa ko. Siling ko sa kanila, akon ang lupang ’yon. Siling ko, di
nagugutom ang mga anak ko. Siling ko pa, kung gusto nilang mga usa at baboy-
ramo, maghatag man ako wag lang nilang kunin ang lupa ko.”
“Naikuwento mo na sa ’kin ’yan,” putol ko.
Natahimik uli si Doy.
“Noy…” pagkuwa’y narinig ko na naman. Lumingon ako at nakita kong ang
kakatuwang ningning sa mga mata ni Doy ay naparam at nahalinhan ng
malabong kislap na angkin lamang ng mga taong puno ng salaghati ang buhay.
“Bakit ganito’ng mundo? Bakit kahit imo na, kinukuha pa ng iba? Bakit nila ako
ginakulong? Way man akong kasalanan, a. Sila man ang me arang kasalanan,
a.”
“Matulog ka na!” sabi ko. Isang bagay iyong ipinagtataka ko kay Doy:
pagagu-gago siya pero may mga sandaling ’kala mo’y matino.
Isang hapong galing ako sa pagtatrabaho sa labas ng piitan ay naratnan
kong nakahilata sa kanyang tarima si Doy, nakasalpak sa bibig ang isang
makintab na silindro.
“Sa’n galing ’yan?” tanong ko.
“Akon ine,” sagot ni Doy. “Ginabenta sa akon.”
“Marunong ka ba?”
Dinala uli ni Doy sa bibig ang silindro. Hinipan. Tumunog. Hinigop.
Tumunog. Paulit-ulit niyang ginawa iyon.
“Turuan mo ’ko,” pagkuwa’y nakatawang sabi ni Doy.
Nakaawang ang bibig ni Doy kaya litaw na litaw ang malalaki, madidilaw
niyang ngipin.
“Gago mo!” suyang-suyang sabi ko.
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako ginambala ni Doy nang gabing
iyon ng mga walang kamuwangan niyang katanungan. Nang sumunod pang mga
gabi ay ang silindrong iyon ang naging kaulayaw niya. Ang malabong kislap sa
kanyang mata ay hindi ko na nakita.
“Pakinggan mo ine, noy.” isang japm ay sabi ni Doy. At ginagap ng kanyang
bibig ang silindro. Subali’t ngayo’y kakaiba, may tono ang kanyang tinutugtog:
Kung di ako nagkakamali’y ang tugtuging Ay, Ay Kalisud. Bigay-hilig sa
pagtugtog ang gago, papikit-pikit pa.
“Sa’n mo narinig ‘yan? tanong ko.
“Ine man ang ginaharana ko sa misis ko,” sabi ni Doy.
Tumugtog uli si Doy. Maharot. Yumuyugyog ang katawan ng gago. Pumapadyak-
padyak pa. Sa’n ko ba narinig ang himig na ’yon? A, ang A Hard Day’s Night ng
Beatles!
“Linsiyak ka’ ’wag mong sabihing ’yan din ang ipinaghaharana mo sa misis
mo.”
“Narinig ko man ’yan na ginatugtog ni Tsip.” Si Tsip ay isang dating pulis sa
isang bayan sa Pampanga. Kakatwa na siyang dating nagbabantay ay siyang
binabantayan ngayon!
Kung nakaligtas man ako sa pakikipag-usap kay Doy dahil sa pagkalibang
niya sa kanyang silindro ay higit na sakit naman ng ulo ang idinulot sa akin
niyon. Pagkakaing-pagkakain pa lamang—at alas-singko medya pa lang ay
naghahatid na ng rasyon sa brigada—ay uumpisahan na ni Doy ang pagtugtog.
At malalim na ang gabi, tahimik na tahimik na ang buong brigada’y tumutugtog
pa rin si Doy. Pati ang ibang bilanggo, lalo na iyong malapit sa amin ay
nagparamdam ng pagtutol.
“Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman” isinigaw ni Simon.
“Baka multuhin ka n’yang ginawa mo! Sasabihin naman ni Mon.
“Matulog na kamo, di man ako magpatulog sa inyo,” isasagot naman ni Doy
at lalo niyang lalakasan ang pagtugtog.
Nanlalalim ang mga mata ni Bruno, isang payat at balbasing lalaki na
siyang may hawak kay Rose (Rosauro) nang umagang iyon. Noo’y naglilinis ng
palikuran si Doy.
“Hayop talaga yang si Doy!” sabi ni Brunong nagngingitngit. “Magdamag na
nagsilindro. Di tuloy ako nakatulog.”
“Wag mong sabihing natutulog ka pa!” biro ni Ben.
Nag-usa-usa kami at nagkaisa kami ng hinaing: pinupuyat kami ng
pagsisilindro ni Doy. Naghain ng remedy; bimbangin si Doy o tuluyan nang
tepokin, pero maraming tumutol; mabait naman si Doy, marunong din namang
makisama. Kung nakawin kaya ang silindro? Nagkaisa kami sa mungkahing
iyon.
Noon din ay hinalungkat ko sa tarima ni Doy ang susi sa baul na
pinagtataguan niya ng silindro. Nang makuha ko ay ipinatago ko kay Ben na ang
tarima’y malayo-layo sa amin. Maaaring maghanap sa tarima ko si Doy.
Nang hapong iyon, sa makapasok pa lamang ng pintuang bakal ng brigada
ay sinalubong na ako ni Doy. Ang malabong kislap sa kanyang mga mata, na
matagal ding nawala ay muli kong nasinag sa kanya.
“Nawala man ang silindro ko,” sabi ni Doy. “Ginakaw man ang silindro ko!
Ginakaw man!”
“Sinong nagnakaw?” pagmamaang-maangan ko.
Hindi umimik si Doy; mataman lamang siyang tumingin sa akin, nanunuri
ang mga mata. Kinabahan ako. Tumalikod ako at nagsimulang humakbang.
“Noy,” pagkuwa’y narinig ko. Tumigil ako, lumingon at nakita ko ang
lamlam sa mata ni Doy ay nahalinhan ng magalaw at malikot na lisik. “Ikaw
man ang nagnakaw sa silindro ko,” sabi ni Doy nang makalapit sa akin. “Ikaw
man lang ang nakakaalam kung diin ko itago ang silindro. Ginakaw mo man ang
silindro ko!” At hinablot ng mga kamay ni Doy ang pitsera ko; naangat ang mga
paa ko sa baldosang sahig.
“H-hindi ko ninakaw. Doy…” sabi kong nanginginig ang boses.
“Akon man ang silindrong ‘yon… Ginabakal ko man ‘yon… Kung hingi ka
man sa kong sigarilyo, gahatag man ako pero di mo sana ginakaw ang silindro
ko. Bakit ginakaw mo man, di man iyo ‘yon? Akon man ‘yon! Akon man ‘yon!
Akon man ‘yon!” At isang bigwas ang dumapo sa mukha ko, pabalandra akong
tumihaya sa sahig. Saglit na hinamig ng karimlan ang diwa ko. Nang pagsaulan
ako ng malay ay nakita kong pigil-pigil si Doy ng iba naming kasamahan.
Nagwawala si Doy; nanlilisik pa rin ang mga mata. Palakad-lakad siyang dinala
sa kanyang tarima.
Inalalayan ako nina Bruno at Simon sa pagtayo. May bukol akong nasalat
sa noo. Malakas sumuntok ang gago.
Naroon pa rin kami sa may pintuan ng brigada, takot pa akong magbalik sa
aking tarima, nang humahangos na lumapit si Doy. Pigil niya sa isang kamay
ang silindro.
“Nakuha ko na sa ilalum ng aking brigada”, sabi ni Doy. Naroon na naman
ang kakatwang ningning sa kanyang mga mata. “Nakuha ko na ang silindro…”
Ang makinang na kislap sa kanyang paningi’y nabasag at gumuhit sa
matagihawat niyang pisngi. Umiiyak ang gago!
Naisip kong ibinalik ni Ben ang silindro nang makita ang ginawa sa akin ni
Doy. “Patawad mo man ako, ‘noy,” sabi ni Doy. “Kala ko man ikaw ang
nagnakaw sa silindro ko.”
Hindi ako umimik. Nasalat ko ang bukol sa noo. Masakit. “Suntukin mo ‘ko,
‘noy, para makaganti ikaw.”
Hindi pa rin umimik.
“Sige na ‘noy,” himig pakiusap pa ni Doy. “Kung di mo man ako suntukin, di
man ako matahimik. Isipin ko mang galit ka sa “kon.”
“Gusto mo talaga?” paniniyak ko.
“Gusto ko man,” sabi ni Doy.
Sinapok ko si Doy sa nguso. Nabiyak ang pang-ibabang labi niya, sumago
ang dugo. Pinunasan niya ng maruming laylayan ng kamiseta. Pagkuwa’y
nakangiting inilahad sa akin ang makalyong palad.
“Amigo uli tayo,” nakatawang sabi ni Doy.
Mahigpit ang pisil ni Doy sa palad ko. Napakurap ako.
Nang gabing iyon ay naiisipko si Doy. Naiisip ko ang ikinukwento niyang
naging dahilan ng mga pilat sa kanyang tagiliran. At naiisip kong ang pagkagalit
niya kanina ay siya ring pagkagalit niya noong kinukuha ng dalawang lalaki ang
bukid niya. Waring ang hinahanap niyang kung ano na hindi ko matalos kung
ano talaga ay nasumpungan niya sa silindrong iyon. At naisip ko rin na gaya ng
bukid niya, ay handa niyang ibuwis ang buhay sa pag-angkin sa silindrong
iyong kanya-kanyang lamang.
Bubuklatin ko na sana ang puslit na magasing puno ng larawan ng hubad
na mga babae nang marinig ang himig na nagmumula sa silindro ni Doy.
Malungkot ang himig; tila dumaraing, tila lumuluha: Basang sisiw. Lumukob na
nahihimlay nang brigada ang humihibik na tugtugin; mula sa rehas na bintana
ay nasilip ko ang gasuklay na buwan sa mabituing gadipang langit. Napapikit
ako. Mariin. At idinuyan ako sa pagtulog ng malambing na tugtuging
nagmumula sa makintab na silindro ni Doy. Batingaw III
Batnag, Aurora E. et.al. 2006
pp. 242-249
Alam mo ba na…
ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin
o emosyon sa paraang papataas ang antas nito? Nabubuo ito sa pamamagitan
ng sumusunod:
a. Paglalagay ng panlapi
Halimbawa: Nagalit, natakot, minahal madamot, naasar
Nagalit si Doy sa dalawang lalaki na umangkin sa kanyang
lupain.
b. Pag-uulit ng salita
Halimbawa: galit na galit, takot na takot, mahal na mahal, asar na asar
Takot na takot si Noy na bumalik sa kanyang tarima.
Pagyamanin
Gawain
____2. Bakit ginakaw mo man, di man iyo, iyon? Akon man ‘yon!
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng
talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. (1puntos bawat tamang sagot)
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. (1puntos bawat bilang)
_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

1. TT
2. TT
5. c
3. TS 4. b
4. TS 3. b
5. TT 2. c
Isaisip 1. a
maikling Kuwento Pagyamanin
akdang pampanitikan
Pangunahing tauhan 3. c
tunggalian Sarili 2. b
pagpapasidhi saloobin 1. a
panlapi salita
masidhing damdamin Tuklasin
Tayahin 2. c
1. a
1. c 2. d 3. d
4. b 5. a Balikan
Sanggunian:
Romulo N. Peralta, et al., Unang Edisyon 2014. Panitikang Asyano 9. Pasig City: Vibal Group Inc. pp. 211-212
Aurora E. Batnag, et al.,Karapatang Sipi, (2006). Batingaw III. Manila: REX Book Store, pp. 242-249
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...