You are on page 1of 26

MAGANDANGA

RAW KAIBIGAN!
Taos-pusong pagbati mula
sa inyong guro sa Filipino
10
Anong pamantayang moral o kabutihang-loob ang
ipinahihiwatig sa larawan?
Anong pamantayang moral o kabutihang-loob ang
ipinahihiwatig sa larawan?
Anong pamantayang moral o kabutihang-loob ang
ipinahihiwatig sa larawan?
Anong pamantayang moral o kabutihang-loob ang
ipinahihiwatig sa larawan?
Ano ang tawag sa akdang
pampanitikang nagtuturo ng
pamantayang moral o kabutihang-
loob?

Parabula…
Ano ang Parabula?

- Ang parabula o parable sa wikang Ingles ay ang tawag sa isang


akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang
moral o kabutihang-loob na karaniwang batayan ng mga
kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.

- Ito ay galing sa salitang Griyegong “parabole” na


nangangahulugang pagtabihin ang dalawang bagay upang
pagtularin.
Ano ang Parabula?
➢ Ang nilalaman ng parabula ay maikli, praktikal at
kapupulutan ng mga ginintuang aral.
➢ Gumagamit ito ng tayutay na simile at metapora o
matatalinghagang mga pahayag upang bigyang-diin ang
kahulugan.
➢ Kadalasan, ang mga kwentong parabula sa Bibliya ay ang
mga talinghagang binanggit ni Hesus na nagtuturo ng kung
ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Ano ang Parabula?

➢ Hindi tulad ng mga pabula na mga hayop o bagay ang


pangunahing tauhan, sa parabula ay mga tunay na tao ang
sumasalamin sa buong kwento.
Narito ang iilan sa mga halimbawa…

➢ Ang Mabuting Samaritano


➢ Parabula ng Nawawalang Tupa
➢ Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
➢ Parabula ng Sampung Dalaga
ANG PARABULA NG
SAMPUNG DALAGA

Parabula mula sa Bansang Israel


Layunin:

Nasusuri ang tiyak na bahagi ng


napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal
(F10PN-1b-c-63)
Alam mo ba?

Ang Israel ay isang bansa sa Kanlurang Asya na kabilang


sa tinatawag na Rehiyon ng Mediterranean dahil ito ay
matatagpuan sa bahaging timog-silangan ng Dagat
Mediterranean.
Ito ay isang bansa sa Gitnang Silangan na kinikilalang
Holy Land o Banal na Lupain hindi lamang ng mga
Kristiyano kundi maging mga Hudyo, Muslim, at
Baha’i(monoteistikong relihiyon na itinatag ni Baha’u’llah)
Alam mo ba?

Sa maraming bahagi ng Israel partikular sa lungsod ng


Herusalem namuhay at nangaral si Hesus. Ang marami sa
mga parabulang ginamit Niya sa pangangaral ay sa lugar
na ito ang tagpuan.
 Sa maraming pagkakataon, ginamit ni Hesus sa kanyang
mga parabula ang pagpapakasal ng binata at ng dalagang
Hudyo upang bigyang-diin ang kanyang relasyon at
pagmamahal sa ating mga mananampalataya.
Alam mo ba?

 Sa parabulang mapapanood mo ngayon, maraming


kultura at tradisyon ng kasalang Hudyo ang iyong
malalaman.
Sa mga Hudyo noong unang panahon…

 Ang kasalan ay nangyayari sa gabi.


 Tanging ang mga taong nag-aabang at may dalang sulo ang
pinapapasok upang maiwasang makapasok ang mga hindi
imbitado.
 Dito binigyan ni Hesus ang kahalagahan ng kahandaan ng
mga mananampalataya sa Kanyang pagbabalik. Kailangang
manatiling may langis ang ating mga “ilawan” sapagkat
hindi natin alam ang araw ng Kanyang muling pagparito.
Pag-unawa sa akda

1. Sino-sino ang itinalagang maghintay sa pagdating ng binatang


ikakasal?
2. Paano pinaghahandaan ng limang matatalinong dalaga ang
kanilang mahalagang tungkulin?
3. Bakit naman natawag na “hangal” ang huling limang dalaga?

4. Ano ang hiniling ng mga dalagang “hangal” sa matatalino?


Bakit hindi sila pinagbibigyan ng matatalino?
Pag-unawa sa akda

5. Ano ang nangyari habang ang mga hangal ay bumili ng langis?

6. Bakit tuluyan nang hindi nakapasok ang mga dalagang


hangal? Ano ang itinugon sa pakikiusap nilang papasukin sila?

7. Paano ba ang tamang paghahanda para sa sinasabing muling


pagparito ng ating Panginoon?
Pangkatang Gawain(KKK): Batay sa napakinggang parabula, magtala ng
mga kaganapang nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahang
asal ng isang tao.

Pangkat 1: Kaganapang nagpapakita ng katotohanan.


Pangkat 2: Kaganapang nagpapakita ng kabutihan.
Pangkat 3: Kaganapang nagpapakita ng kagandahang asal.
Paglalahat:

Ano ang ibinubunga ng pagiging laging handa?


Ano naman ang maaaring ibunga ng kawalan ng
kahandaan?
Bakit mahalagang maging laging handa tayo sa
mahahalagang pangyayari sa ating buhay?
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot

1. Ang kasalan ng mga hudyo ay kadalasang isinasagawa tuwing


_____.
a. umaga b. tanghali c. gabi d. madaling araw

2. Saan nagmula ang akdang “Ang Parabula ng Sampung Dalaga?


a. Pilipinas b. Espanya c. Israel d. Gresya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot

3. Ano ang dahilan ng panlulumo ng limang hangal na dalaga?


a. dahil sa hindi nakapasok sa piging
b. dahil hindi sila nakapaghanda
c. dahil sa hindi nila maiilawan ang kasalan
d. dahil sa kakulangan ng langis
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot

4. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon?


a. Ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal
b. Ang matatalinong dalaga
c. Ang dalagang ikakasal
d. Ang binatang ikakasal
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot

5. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nangyari sa mga tauhang


hindi nakapaghanda?
a. Sila ay pinarusahan at kinulong.
b. Sila ay hindi nakapasok sa kasalan.
c. Sila ay binigyan ng isa pang pagkakataon.
d. Sila ay umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan.
Takdang Aralin:

Mga Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay

You might also like