You are on page 1of 12

9

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG
NOLI ME TANGERE
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI
ME TANGERE

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anu mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: CARLA MAE D. REGALA, LORAINE M. YAP
Editor: Venicar P. Eltanal
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin, Vincent Gee R.
Abrasado, Crispina P. David
Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, Ed.D. Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis, JD, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Renante A. Juanillo, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
ALAMIN

Magandang buhay! Kumusta ka na? Binabati kita sapagkat


matagumpay mong natapos ang unang tatlong markahan sa ikasiyam na
baitang. Ngayon ay maglalayag ka na sa huling markahan sa taong-
panuruang ito. Sa markahang ito ay pag-aaralan mo ang tungkol sa isa sa
pinakatanyag na nobela sa buong kasaysayan ng panitikang Pilipino.
Sisimulan natin sa modyul na ito.
Ang modyul na ito ay tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli
Me Tangere. Nakapaloob dito kung paano at bakit nabuo ang isang di-
malilimutang nobela ng ating pambansang bayani. Mahalagang pag-aralan
mong mabuti ang modyul na ito sa tatlong pangunahing kadahilanan: una,
upang mas makilala mo pa ang ating pambansang bayani; pangalawa,
upang mas mapayaman mo ang dati mo nang kaalaman tungkol sa Noli
Me Tangere at; pangatlo, upang maging handa ka sa pag-aaral ng
kabuuan ng nobela sa mga susunod na modyul. Alam kong makakaya mo
ito.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng


akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito; at
- pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;
- pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa
kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino.

• Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos


isinulat ang akda.
F9PB-IVa-b-56
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. Nakatutukoy sa mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng nobelang


pag-aaralan;
2. Nakapagtatala ng mga kalagayang panlipunan bago at matapos
naisulat ang akda; at
3. Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa bayan sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga sitwasyong nagpapatunay na ang kalagayang
panlipunan ng Pilipinas noong naisulat ang akda ay umiiral pa rin
hanggang sa kasalukuyan.

SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat sa kwaderno ang titik ng iyong
napiling sagot.

1. Ito ay isang anyong pampanitikan na kinilala bilang isang modernong pag-aanyo


ng klasikong epiko na naglalaman ng mga kabanata.
A. Talambuhay C. Talaarawan
B. Nobela D. Pabula
2. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ano ang unang nobelang naisulat ni Jose Rizal?
A. Noli Me Tangere C. Sa Aking Mga Kabata
B. El Filibusterismo D. Florante at Laura
3. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Noli Me Tangere?
A. Nobela C. Maikling Kuwento
B. Parabula D. Alamat
4. Ang nobelang gumising sa mundo sa pang-aabuso ng pamahalaang Espanya sa
Pilipinas at naging daan upang makamit ang kapayapaan sa isang mapayapang
paraan imbes na sa madugong labanan.
A. Noli Me Tangere C. Uncle Tom's Cabin
B. Iliad at Odyssey D. El Fuego
5. Sa anong taon nailathala ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. 1884 B. 1887 C. 1885 D. 1886
6. Saang lugar sinimulan ni Jose Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tangere?
A. Berlin C. Madrid
B. Paris D. Manila
7. Ang Noli Me Tangere ay mula sa wikang Latin. Ano ang salin nito sa wikang
Filipino?
A. Uncle Tom’s Cabin C. Touch Me Not
B. Panlipunang Kanser D. Huwag Mo Akong Salingin
8. Para kanino isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Para sa tatlong paring martir C. GOMBURZA
B. Para sa mga Pilipino D. Para sa mga Espanyol
9. Anong nobela ang naging inspirasyon ni Rizal upang maisulat ang Noli Me
Tangere?

A. Uncle Tom’s Cabin C. Moby Dick B. A Time To Kill D.


The Lawyer
10. Sa anong sakit inihalintulad ni Rizal ang sitwasyon ng lipunang Pilipino noong
panahon ng mga Espanyol?
A. Hika C. Ulcer
B. High Blood D. Kanser
11. Kaninong aklat sa Bibliya hango ang istorya ng Noli Me Tangere?

A. San Juan C. San Mateo B. San Lukas D. San Markus

12. Anong bansa ang sumakop sa Pilipinas noong panahong isinulat ni Rizal ang
Noli Me Tangere?
A. Japan C. Spain
B. China D. Germany
13. Ano ang tanyag na katawagan sa Tatlong Paring Martir ng Pilipinas?
A. GomBurZa C. BurGomZa
B. GomZaBur D. Plaridel
14. Alin sa mga sumusunod ang sagisag-panulat ni Jose P. Rizal?
A. Plaridel C. Joseng Sisiw
B. Laong-Laan D. Joseng Batute
15. Ano ang petsa ng kamatayan ni Jose Rizal?
A. Hunyo 19, 1861 C. Nobyembre 30, 1896
B. Disyembre 30, 1896 D. Hulyo 19, 1861
TUKLASIN

Gawain 1: Kaalaman Mo, Ilahad Mo!

Panuto: Pamilyar ba sa iyo ang Noli Me Tangere? Gayahin ang dayagram sa iyong
kuwaderno at isulat sa mga biluhaba sa paligid ang alam mo tungkol sa
salitang nasa gitnang biluhaba.

NOLI ME TANGERE

Gawain 2: Larawan Ko, Suriin Mo

Panuto: Suriin ang mga larawan. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong nalalaman
o obserbasyon sa bawat larawan.
Larawan 1 Larawan 2 Larawan 3

https://images.app.goo.gl/apYzrX5hokHmae3N8 https://images.app.goo.gl/Q66kv1oHk2WaEsgK6
Larawan 4 Larawan 5

https://images.app.goo.gl/GGuxhNQHVTH21hoA9 https://images.app.goo.gl/342H3tn3H2Xy8YRy8

Larawan Sagot

1 - ________________________________________________
2 - ________________________________________________
3 - ________________________________________________
4 - ________________________________________________
5 - ________________________________________________

SURIIN

Ang Noli Me Tangere ay isang halimbawa ng nobela. Ano ba ang nobela?

Ang nobela ay isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon. Sa


isang pagkakataon, kinilala ito bilang isang modernong pag-aanyo ng klasikong
epiko, kung saan madalas may bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran. Sa
literal na pagpapakahulugan, ang ibig sabihin ng nobela ay “bago” (novel or new sa
Ingles, novella sa Latin).

https://www.slideshare.net/images/jmpalero/filipino-9-kaligirang-pangkasaysayan-ng-noli-me-tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Alam mo ba na ang nobelang Noli Me Tangere ay isinulat ni Dr. Jose Rizal


hindi rito sa Pilipinas?
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilathala ito noong 26 taong
gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo
ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan,
nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa
pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado
noong panahong yaon.
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me
Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang
makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang
pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa
"Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng
mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting Amerikano. Inilarawan dito
ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito
sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan
niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niya upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng
katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang
katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr.
Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang Noli Me Tangere.
Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa
Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan
Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok o kanser sa lipunan na nagpapahirap sa
buhay ng isang tao.
Sa simula ng nobela, magandang pag-ukulan ng pansin ang siniping epigrape
ni Rizal, maging ang kaniyang paghahandog. Ang epigrape ay mula sa “Anino ni
Shakespeare” ng manunulat na Aleman na si Freidrich Von Schiller. Mahalaga ang
tanong na iniwan nitong epigrape hinggil sa abang bansang ito, na kinakatha ni Rizal
sa kaniyang nobela: “Ngunit ang tanong ko, Kaibigan/ sinong Dakila ang lilitaw/ Sa
ganitong mga Hamak? Anong/ Kadakilaan ang mangyayari/ sa pamamagitan nila?”
Sa kaniyang paghahandog naman, inilalarawan niya na ang “nakasulat sa
kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan ay isang kanser na may katangiang
napakalubha kaya nagpupuyos sa galit. Munting masaling ay nanggigising ng
matatalim na kirot.” Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong
dinaranas din ng bansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya
at binabata ang lamig at pangungulila: “Nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na
kalusugan din namin, at hinahanap ang pinakamabuting panlunas.”
Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao na naglalantad ng mga
maysakit sa “baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunas ang sinumang
dumating na mananawagan sa Bathala.” Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng
nobela. Nais niyang “ilarawan” ang kalagayan ng bayan “nang buong tapat at walang
pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen ng lambong na “tumatabing sa
karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga pagdurusa ng kaniyang bayan.
Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang ganitong pagtatanghal
ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng lipunan.

-http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan
Mga Gabay na Tanong:
1. Anong kalagayang panlipunan mayroon ang Pilipinas sa kamay ng mga
dayuhang iyon?
2. Bakit kaya isinulat ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
3. Kung ang paraan ni Rizal ay sa pamamagitan ng pagsulat ng nobela, sa paanong
paraan mo naman maipakikita ang pagmamahal mo sa bayan? Patunayan.

PAGYAMANIN

Panuto: Isa- isahin ang mga kondisyong panlipunan ng Pilipinas bago at


pagkatapos naisulat ang Noli Me Tangere. Gayahin ang pormat ng talahanayan sa
ibaba sa iyong kuwaderno.

KONDISYONG PANLIPUNAN NG PILIPINAS


Bago Isinulat ang Noli Me Tangere Pagkatapos Maisulat ang Noli Me Tangere
ISAISIP

Ang nobelang “Noli Me Tangere” ay isang nobelang


panlipunan na naglalayong gisingin ang natutulog na
damdamin ng mamamayang Pilipino sa malubhang “kanser sa
lipunan”. Ito’y sumasalamin sa mga pangyayari sa lipunan sa
panahon ng mga Kastila. Hindi naging madali ang
pagsasakatuparan sa pagsulat nito gaya ng hirap at
pagsasakripisyo ng ating mga ninuno makamit lamang ang
kasarinlan.

ISAGAWA

Katulad ka rin ba ni Jose Rizal pagdating sa pagmamahal sa bayan?


Narito ang Panatang Makayaban na sabay-sabay nating binibigtas tuwing Flag
Raising Ceremony sa ating paaralan. Tumayo ka muna sandali, itaas ang kanang
kamay at bigkasin nang malakas ang tula. Batid kong saulado mo na ito ngayon.

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas


Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi
Kinukupkop ako at tinutulungan
Upang maging malakas, masipag, at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas
Diringgin ko ang payo ng aking magulang
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan
Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, at pagsisikap sa bansang Pilipinas.
GAWAIN

Magaling! Sa wari ko’y sa pagbabasa mo nang madamdamin sa “Panatang


Makabayan” ay mas lumalim pa ang pagpapahalaga mo sa Inang Bayan. Ngayon,
gumawa ka ng sarili mong panunumpa sa ating bayan. Gawin ito sa isang talata
lamang.

Rubrik para sa pagbibigay ng marka sa gagawing panata sa bayan:

KRAYTERYA NAPAKAHUSAY KATAMTAMAN HINDI


(5) (3) MAHUS PUNTOS
AY (1)
NILALAMAN Napakahusay ng Mahusay ang Hindi malinaw
pagkalahad ng pagkakalahad ng ang
mga nilalaman at mga nilalaman at pagkakalahad
impormasyon impormasyon. ng mga
nilalaman at
impormasyon.
ORGANISAYON Napakaayos ang Maayos ang Hindi maayos
pagkakasunod- pagkakasunod- ang
sunod ng mga sunod ng mga pagkakasunod-
detalyeng detalyeng sunod ng mga
inilahad. inilahad. detalyeng
inilahad
GRAMATIKA Lahat ng ginamit Karamihan sa Kaunti lamang
na mga salita at mga ginamit na sa mga ginamit
bantas ay akma mga salita at na mga salita
sa tema ng bantas ay akma at bantas ang
susulating sa tema ng akma sa tema
Panata sa Bayan susulating ng susulating
Panata sa Bayan Panata sa
Bayan
KABUUANG
PUNTOS

TAYAHIN

Panuto: Unawaing mabuti at ibigay kung sino o ano ang hinihingi ng bawat
pahayag. Kopyahin sa kuwaderno at isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.

__________1. Ako ay isang nobela na di-direktang tumutuligsa sa kalupitan ng mga


Espanyol noon.
__________2. Ang salin sa akin sa Filipino ay “Huwag Mo Akong Salingin”.
__________3. Ako ay nobela na naging inspirasyon sa pagkakasulat ng Noli Me
Tangere.
__________4. Ako ang sumulat ng Noli Me Tangere.
__________5. Ipinanganak ako noong Hunyo 19, 1861.
__________6. Edad ni Jose Rizal noong nailathala ang kanyang Noli Me Tangere.
__________7. Ito ay isang anyong pampanitikan na kinilala bilang isang
modernong
pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan madalas may bayaning
dumaraan sa mga pakikipagsapalaran.

8-10. Ano-ano ang tatlong lugar kung saan isinulat ni Jose Rizal ang Noli
Me Tangere?

(simula)  (pagpapatuloy) (nalimbag)


11-15. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

11. Ang Noli Me Tangere ay mula sa wikang Latin. Ano ang salin nito sa Filipino?
A. Uncle Tom’s Cabin C. Touch Me Not
B. Ang Panlipunang Sakit D. Huwag Mo Akong Salingin
12. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Noli Me Tangere?
A. Nobela C. Maikling Kuwento
B. Parabula D. Alamat
13. Sa anong sakit inihalintulad ni Rizal ang sitwasyon ng lipunang Pilipino noong
panahon ng mga Espanyol?

A. Hika C. Ulcer B. High Blood D. Kanser

14. Anong nobela ang naging inspirasyon ni Rizal upang maisulat ang Noli
Me Tangere?
A. Uncle Tom’s Cabin C. Moby Dick
B. A Time To Kill D. The Lawyer
15. Para kanino isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Para sa tatlong paring martir C. GOMBURZA
B. Para sa mga Pilipino D. Para sa mga Espanyol

REFLEKSIYON

Binabati kita sapagkat kaunti na lang at matatapos mo na ang modyul na ito.


Ngayon, dugtungan mo ang bawat pahayag sa ibaba.
Ang natutuhan ko ___________________________________________________
___________________________________________________________________.
Dahil sa mga nalaman ko, napagtanto ko na____________________________

You might also like