You are on page 1of 3

Mindanao State University- Lanao Norte Agricultural College

Junior Laboratory High School


Unang Markahang Pagsusulit
Ikapitong Baitang

Pangalan: Iskor:

Pangalan ng Guro: Petsa:

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang. (2puntos bawat bilang)

____ 1. Sino ang mag-asawang naninirahan sa malayong bayan ng Agamaniyog.

a. Lokes a Babay at Lokes a Mama b. Lokes a Papa at Lokes a Mama

c. Loke a Babay at Loke a Mama d. Loke a Papa at Loke a Mama

____ 2. Kung ikaw si Lokes a Mama, ano ang gagawin mo sa sitwasyong iiwan ka ng iyong asawa?
a.maghahanap ng iba b.magpapaganda sa sarili

c. manirahang mag-isa sa bahay d.aalis nang hindi magpapakita kailanman

____ 3. Batay sa pakikitungo ni Lokes a Mama kay Lokes a Babay, anong klaseng asawa si Lokes a
Babay?

a.makasarili b. matapobre c.mapagtimpi d. mayaman

____ 4. Paano mo mailalarawan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa?

a.magulo b. masalimuot c.masagana d. masaya

____ 5. Bakit kaya nakaligtas si Pilandok sa kamay ni Baboy-ramo?

a. dahil pinakain niya ng kaning-baboy si Baboy-ramo

b. dahil kinaibigan niya si Baboy-ramo

c. dahil nakaakyat siya sa puno

d. dahil nakatago siya

____ 6. Bakit kaya hindi kinain ni Baboy-ramo ang mangangaso?

a. dahil mabilis itong nakapaputok ng kaniyang dalang riple at tinamaan niya ang baboy-ramo

b. dahil tumalon ito kaagad sa batis at lumangoy

c. dahil kinaibigan niya ang baboy-ramo

d. dahil mabilis itong tumakbo papalayo

____ 7. Tahimik na umiinom sa batis si Pilandok nang biglang may sumunggab sa kaniyang isang paa.
Anong hayop kaya ang sumunggab sa kaniyang paa?
a. usa b. ahas c. buwaya d. leon

____ 8. Bakit pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa Mantapuli?

a.dahil wala na itong halaga sa kaniya

b.dahil gusto niyang makapagpahinga

c. dahil kagagaling lamang nito sa kamatayan

d.dahil napagod siya sa paglalakad

____ 9. Ano kaya sa tingin mo ang naging dahilan nang madaling pagkahulog ng loob ng diwata kay
Haring Indarapatra?

a.matapang b. mahinhin c.malusog d. maputi

____ 10. Ano ang kaniyang ginawa matapos matalo ang ibon?

a.Hinanap niya ang mga taong naging dahilan upang matagpuan ang diwata.

b.Nagpahinga siya nang isang taon.

c.Namasyal siya sa kagubatan para makapagpahinga.

d.Nagpasalamat siya sa magandang diwata

II. Basahin at unawain ang pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Isulat sa patlang ang sagot.
(2puntos bawat bilang)

1. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


________________________
2. Elemento ng maikling kuwento na nagbibigay-buhay sa kuwento.
________________________
3. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento.
________________________
4. Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento.
________________________
5. Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot.
________________________
6. Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
________________________
7. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento
________________________
8. Sino ang nagsabi na ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay?
________________________
9. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o
kapanabikan.
________________________
10. Tumutukoy sa pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kahaharapin.
________________________
11. Dito makakamit ng pangunahing tauhan ang layuning ninanais.
________________________
12. Sa bahaging ito magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.
________________________
13. Isang masining na salita, parirala at pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag.
________________________
14. Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng
mga pangyayari.
______________________
15. Ito ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadahilanan ng
pangyayari.
________________________

III.Pagpapaliwanag (5 puntos bawat bilang)


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungang naaayon sa iyong sariling karanasan. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kailangan bang tumulong sa iyong kapwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Bilang isang batang pilipino, ano ang ambag mo sa pandemya ngayon?

Bb. AKPS 😊

You might also like