You are on page 1of 8

SAINT ANGELO LEARNING CENTER

Ipil-ipil St., Tayud, Liloan, Cebu, Philippines


School I.D. no.: 447144
Website: www.saintangelo.school
__________________________________________________________________________________________
________________________________________________

FILIPINO 5

Kwarter 1 – Modyul 2 ng Mag-aaral

Madyik Lambat
(Dagli)

Pangalan:

Modyul 2
Madyik Lambat
(Dagli)

Tungkol saan ang Modyul na ito?


Kumusta! Ang modyul na ito ay nakalaan para sa iyo. Sa pamamagitan nito madadagdagan ang iyong
kaalaman tungkol sa wastong gamit ng pangngalan at pagpapahalaga sa estilo ng pagmamadyik. Nakapaloob
din sa modyul na ito ang isang kuwento na magbibigay sa iyo ng magandang aral tungkol sa ating buhay sa
mundo na maihahambing sa isang madyik.

Ano ang matutunan mo?


Inaasahang matututunan mo sa modyul na ito na mapahalagahan ang daloy ng ating buhay at magamit ng
wasto ang mga pangngalan. Narito ang tiyak na kasanayang inaasahang matamo sa modyul na ito.

1. natutunghayan ang mga pangyayari sa kuwento;


2. nasusuri ang wastong gamit ng pangngalan;
3. nakibabahagi ng sariling ideya sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong;
4. nakapagbubuo ng sariling karanasan batay sa binasang kuwento;
5. nagagamit ng wasto ang pangngalan sa gabay ng mga salita sa pangungusap.

Paano mo gagamitin ang Modyul na ito?


Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito sapagkat gagabayan ka nito tungo sa iyong pagkatuto.
Nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos at makabuluhan ang iyong pagtuklas ng kaalaman.

1. Basahing mabuti at komprehensibo ang mga pahayag sa bawat bahagi ng araling ito. Ang unang seksyon ng
modyul na ito ay magbibigay sa iyo ng aral at mahahalagang konsepto upang masagot ang mga pagsasanay
sa susunod na mga bahagi ng modyul na ito.
2. Siguraduhing nalagyan mo ng pangalan ang unang pahina ng modyul na ito.
3. Sagutan mo at huwag laktawan ang Panimulang Pagsusulit.
4. Huwag lumipat sa susunod na pahina maliban na lamang kung natapos mo na ang mga Gawain at
Pagsasanay sa kasalukuyang pahina.
5. Palagiang basahin ang mga anunsyo sa modyul na ito.
6. Tiyakin kung ganap mong naisagawa ang pagsagot sa mga kinakailangang Gawain.
7. Mangyaring sagutan ang modyul na ito nang buong katapatan. Pinakikiusapan ko ang iyong mga magulang/
tagapag-alaga na gabayan lamang kayo sa pagsagot.

Ano na ba ang nalalaman mo?


A. Panuto: Isulat ang T kung ang tinutukoy na salita ay Tao, B kung Bagay, H kung Hayop at L
kung Lugar.

_______1. baka _______11. Lisa


_______2. Ana _______12. bata
_______3. Hongkong _______13. nanay
_______4. Bb. Reyes _______14. langgam
_______5. lapis _______15. kapatid
_______6. bulaklak _______16. Japan
_______7. palengke _______17. pambura
_______8. parke _______18. halaman
_______9. aso _______19. pusa
_______10. bag _______20. kuwaderno

B. Panuto: Piliin sa Hanay B ang wastong kahulugan ng mga salita na nasa Hanay A. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa linya bago ang bilang.

__________1. ulila a. nakalimtan


__________2. napilitan b. sisidlan ng damit
__________3. nanangis c. uri ng isdang -tabang
__________4. mamalakaya d. umungol, sumigaw
__________5. lambat e. paghingi ng pera sa mga tao
__________6. limos f. isang material na ginagamit sa
__________7. naglaho panghuhuli ng isda
__________8. dalag g. pag-iyak
__________9. tampipi h. natukso, puwersahin
__________10. nakaligtaan i. abandonado, walang magulang
j. Nawala

Mga Gawain sa Pagkatuto

ARALIN 1 – PANITIKAN: MADYIK LAMBAT

Mahilig ka ba sa madyik? Ano-ano ang mga napanood mong palabas na nagpakita ng madyik. Alam mo
ba na ang madyik ay isang gawain o talento ng isang salamangkero na matatawag ding sining ng mahika. Sa
sining ng salamangka, may angking kapangyarihan ang isang natatanging tao upang makagawa ng mga
maituturing na pambihira at kagila-gilalas na mga bagay o himala.

Halika! Ituturo ko sa iyo kung paano pahalagahan ang isang madyik sa buhay ng tao. Basahin mo ang
isang kuwento na kaakit-akit. Ngayon, buksan mo ang iyong aklat sa pahina 15-19 upang magkaroon ka pa ng
ideya ng isang madyik tungkol sa lambat.

Ngayon naman, kilalanin natin kung ano ang ibig sabihin ng unang anyo ng maiklling kuwento na
tinatawag na Dagli. Ang Dagli ay nahihinggil sa pag-ibig at pagsingaw sa munting kasaysaysayan na lantarang
nanunuligsa o kaya’y nangangaral. Ang maikling kuwento rin ay waring umunlad na dagli.

ARALIN 2 – WIKA: PANGNGALAN

Basahin at kilalanin ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Ulilang lubos na si Pipoy.


2. Pinsan niya sina Betong at Nonoy.
3. Sa palengke siya nagtitinda ng isda.
4. Nawalan ng bisa ang madyik lambat.

Ano ang tawag sa mga salitang nakalimbag? Sa gramatika at kahulugang semantikal, ang pangngalan ay
tumutukoy sa mga salitang kumakatawan sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, katangian, at
kalagayan.

Halimbawa: bata, Dina, aso, palengke, Cebu, usapan, banggaan, pag-ibig,


katapangan, kasaganaan.

Gayundin naman, batay sa estruktural na pagkakabuo, tumutukoy ang pangngalan sa anumang salitang
isinusunod sa mga panandang ang/ang mga, ng/ng mga, sa/sa mga, si/sina, ni/nina, at kay/kina.

Halimbawa: ang /ang mga ibon si/sina Ana


ng/ng mga bata ni/nina Dario
sa/ sa mga bahay kay/kina Aling Maria

Gaano ka na kahusay?
Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano ang natutunan mo sa modyul na ito. Basahin mong
mabuti ang mga tanong upang masagot mo ito ng tama.

A. Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang bagay na ibinigay kay Pipoy na mayroong madyik?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Ano ang naging buhay ni Pipoy sa piling ng kaniyang tiyahin?


______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Bakit kaya binigyan si Pipoy ni Bathaluman ng bagay na mayroong madyik?


______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Ang madyik na ibinigay kay Pipoy ay katulad ba ng buhay niya na kapana-panabik at nasa
magandang kalagayan? Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay bigyan ng pagkakataong mabigyan ng isang talento sa pagmamadyik, paano mo


ito gagamitin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
B. Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook o pangyayari.

_______________1. Nahulog ang bata.


_______________2. Magbabakasyon si Lora sa probinsya.
_______________3. Kumain ng itlog ang bata.
_______________4. Maghanda tayo ng iba’t ibang pagkain sa darating na linggo.
_______________5. Sama- sama ang buong pamilya.
_______________6. Pupuntahan namin si Pedro sa ospital mamaya.
_______________7. Ang aso ay kumain ng hapunan.
_______________8. Dadalo sa kasal sina Sarah at Robin.
_______________9. Sasakay ng dyip ang isang batang lalake.
_______________10. Maghanda tayo para sa kaarawan.
_______________11. Si Dino ay may bagong sapatos.
_______________12. Nagbabasa kami ng aklat sa silid- aklatan.
_______________13. Tumawag ang kaibigan mo sa telepono kahapon.
_______________14. Nakita mo ba ang mga itlog ng manok sa ilalim ng bahay?
_______________15. Ang mga bulaklak ay nasa hardin.
_______________16. Ako ay may alagang pusa.
_______________17. Pumunta kami sa parke.
_______________18. Kami ay sasali sa parada kapag piyesta.
_______________19. Ang kanyang laso ay kulay dilaw.
_______________20. Si Sarah ay may mahabang buhok.

C. Panuto: Magbigay ng limang (5) halimbawa ng pangngalan sa bawat kategorya sa ibaba.


TAO BAGAY HAYOP
1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

POOK PANGYAYARI KATANGIAN


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Mahusay aking mag-aaral! Ikinagagalak kong natapos mo na ang mga gawain at pagsasanay sa modyul
na ito.
PAGSASANAY SA AKLAT

Nagagalak akong napagtagumpayan mo ang mga gawain at pagsasanay sa modyul na ito. Ngayon
naman ay pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa ng modyul na ito. Sagutan mo ang gawain
sa iyong aklat sa Pahina 20, Payamanin natin at Talakayin Natin A, Pahina 21-22, Tukuyin Natin at
Isabuhay Natin at Pahina 24, Gawain A at B.

ANUNSYO:

1. Ang modyul na ito ay nakalaan sa loob ng isang linggo. Pakisumite ito kasama ng aklat sa Setyembre 14,
2020 (Lunes) sa room 101para sa pagsusuri at pamamahagi ng susunod na modyul.
2. Ang Unang Yunit sa Pagsusulit ay sa Setyembre 17,18,19,2020. Inaanyayahan kitang mag-aral ng Mabuti
bilang paghahanda sa paparating na pagsusulit.

PAALALA:
1. Ang mga module ay ibinibigay tuwing Lunes. Kung sakaling maantala ang pagsusumite ng modyul,
mangyaring ipasa ito sa pamamagitan ng pagsilid nito sa loob ng kahon na itinilaga para sa iba’t-ibang baiting
sa school canteen.
2. Ang susunod na module ay ibibigay sa iyo sa sandaling natapos mo na ang pagsumite ng iyong modyul
kamakailan.
3. Ang mga marka ng modyul na ito ay ibibigay pagkaraan ng isang linggo pagkatapos masuri ng iyong guro.
4. Kung mayroon kang mga alalahanin sa modyul na ito ay huwag mag-atubiling dumulog sa aking numero sa
09387829716 (Talk N Text) or 0909773250607 (Globe) o hindi kaya’y mag-chat sa akin sa sumusunod na mga
email address na ito:
 fb/messenger – Jean Rose Y. Cueva
 gmail – cuevajeanrose@gmail.com

Mahusay! Natapos mo na ang modyul na ito.


Ngayon maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
------Binibining Jean Rose-----

You might also like