You are on page 1of 2

Name: _______________________________________________________________________________

FILIPINO IV
I. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin. Piliin ang
sagot sa kahon at isulat ang sagot sa patlang.

Pilitin biyaya yayain iwasan makamit

_______________1. Ang mga likas na yaman ay handog ni Bathala sa atin.


_______________2. Magtulong – tulong tayo upang kaunlaran ay ating matamo.
_______________3. Bata, hikayatin mo sana ang mga kapwa mo bata upang tumulong sa paglilinis ng
kapaligiran.
_______________4. Pagsikapan mo rin sanang makatapos ng pag – aaral.
_______________5. Ang katmataman at di – mabubuting ugali ay dapat nating iwaksi.
II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang hinihinging sagot.

Editoryal Pamanahon Taludtod Pamaraan Magkakatugma


Pangatnig Tula Talambuhay Saknong Panlunan
Pansarili Panimula Wakas Pang – iba Katawan

_______________1. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikang gumagamit ng matatalinghagang salita,


nagtataglay ng kariktan o kagandahang pinatitingkad ng himig o indayog.
_______________2. Ang bawat linya sa isang tula ay tinatawag na __________.
_______________3. Ang pinagsama – samang taludtod ay bumubuo naman ng ___________.
_______________4. Masasabing __________ ang mga salita kung magkakasintunog ang mga dulumpatig
ng mga ito.
_______________5. Ito ay isang salaysay tungkol sa buhay ng isang tao.
_______________6. Ito ang pinakaboses ng isang pahayagan. Mababasa rito ang kuru – kuro o pananaw
ng editor tungkol sa mga napapanahong isyu.
_______________7. Mga pang – abay na sumasagot sa tanong na kailan ginawa ang kilos.
_______________8. Mga pang – abay na sumasagot sa tanong na saan ginawa ang kilos.
_______________9. Mga pang – abay na sumasagot sa tanong na paano ginawa ang kilos.
_______________10. Mga kataga o salitang nag – uugnay ng mgaa salita, parirala, sugnay, o
pangungusap.
_______________11. Uri ng talambuhay kung saan ang manunulat mismo ang magsusulat mg tungkol sa
kanyang buhay.
_______________12. Bahagi ng editoryal kung saan ipinakikilala o sinasabi kung tungkol saan ang isyung
tatalakayin ng editorial.
_______________13. Dito mababasa ang panig na pinaniniwalaan at pinaninindigan ng patnugot at ng
pahayagan.
_______________14. Uri ng talambuhay kung saan iba ang magsusulat tungkol sa buhay ng isang taong
kilala o hinahangaan dahil sa mga nagawa o nakamit niyang maaaring kapulutan ng aral o inspirasyon
ng mga makababasa rito.
_______________15. Sa bahaging ito mababasa ang buod ng pinaninindigan ng editoryal. Nakasaad ito sa
nakapanghihikayat na paraan upang tumatak sa isipan ng mambabasa ang mensaheng nais itanim sa
kanilang isipan.
III. Panuto: Salungguhitan ang pang – abay. Pagkatapos, tukuyin kung Pamanahon, Pamaraan
o Panlunan. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______________1. Kailangang tayo ay maging maingat sa pagbibitiw ng salita para sa ating kapwa.
_______________2. Kapag palagi natin silang sinasabihan ng hindi nila kakayanin ang isang bagay ay
baka maniwala nga silang hindi nila ito kaya.
_______________3. Bigyan natin sila ng pagkakataong maipakitang sila’y mahusay gumawa ng
pinapangarap nilang gawin.
_______________4. Minsan ay sa hapag – kainan pa mismo nasisira ang pangarap ng isang bata dahil sa
negatibong komento ng mga kapamilya niya.
_______________5. Hindi na tuloy niya maipakita sa mundo ang kanyang natatanging galling.
_______________6. Mabilis kasing nasasabi ng ibang tao na hindi niya kayang gawin ang kanyang
pinapangarap.
_______________7. Masayang mangarap kaya huwag naman sana nating
_______________8. Agad kokontrahin ang pangarap ng iba.
_______________9. Ang kakayahan mo’y patuloy na linangin kahit madalas kang nakaririnig ng
pagkontra sa iyong mga pangarap.
_______________10. Sa tahanan nabubuo o nasisira ang magagandang pangarap ng isang bata kaya’t
dapat itong pag – ingatan ng mga nakatatanda.
IV. Panuto: Bilugan ang mga pangatnig na ginamit sa mga sumsusnod na pangungusap.
1. Ang mga Pilipino’y nagtataglay ng mabubuting kaugalian ngunit mayroon din namang hindi
nakakabuti.
2. Ang ilan sa mga ito’y ang pagwawalambahala at kakulangan ng malasakit sa bayan.
3. Kailangan ng bayan ang ating tulong subalit hindi natin ito ibinibigay.
4. Ang pakikiisa ng mga mamamayan ay mahalaga upang magtagumpay ang bayan.
5. Tutulong ba tayo o magpapabaya na lang?
6. Hindi rin mabuti ang ugali nating “ningas - kugon” at “bahala na”.
7. Kapag nagpilit siyang lumipad ay mapapahamak lang siya.
8. Mabuting matutuhan mo ang mga bagay na ito habang bata ka pa.
9. Huwag kang gagawa ng masama bagkus ay maging mabuti ka sana.
10. Si Pagong ay namulat sa pagkakamali niya kaya nakaiwas siya sa kapahamakan.

You might also like