You are on page 1of 4

Meisters Learning Center

Executive Building
Ledesma Street, Iloilo City

Filipino – Grade 5
Second Grading – Periodical Test

Name: ________________________________________________________
I. Talasalitaan
A. Basahing mabuti ang depinisyon ng mga salitang nasa hanay A. Mula sa mga ito ay ibigay ang
kasingkahulugan ng mga salitang makikita sa hanay B. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa
patlang.
A B.
_____ 1. matinding damdamin at kaisipan ng kalungkutan at kawalan ng
a. Depresyon
pag-asa
b. Kakayahan
_____ 2. Paggawa ng mabuti sa kapwa na walang hinihintay na kapalit
c. Katiwalian
_____ 3. Tawag sa talino o abilidad na taglay
d. Kawanggawa
_____ 4. Balakin o naising pinag-isipan at pinagsikapang gawin. e. Plano
_____ 5. Naipong pera na inilaan sa isang particular na gugulin o f. Pondo
gastusin.

B. Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay sa loob ng kahon batay sa kasingkahulugan nito.

Diperensya ipinanganak kapansanan pakikibaka paniniwala

Hinaharap isinilang kinabukasan pananampalataya

1. ____________________ at ____________________
2. ____________________ at ____________________
3. ____________________ at ____________________
4. ____________________ at ____________________
5. ____________________ at ____________________

II. Aspekto ng Pandiwa


A. Salungguhitan ang pandiwa sa pangungusap. Isulat sa patlang ang aspekto nito.
____________________ 1. Si Jose Ma. Burgos ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas.
__________________ 2. Siya ay isa sa mga kinikilalang pinakamatalinong pari sa kanyang panahon.
____________________ 3. Ang karapatan ng mga Pilipino ay ipagtatanggol niya.
____________________ 4. Madalas siyang tumutulong sa mahihirap.
____________________ 5. Hindi niya pinagmamataasan ang kanyang kapwa.
____________________ 6. Sumulat siya ng mga akda para sa bayan.
____________________ 7. Paano siya pipigilin ng mga Espanyol?
____________________ 8. Nagpari siya para sa mga Pilipino.
____________________ 9. Papahirapan siya ng mga paring Espanyol.
____________________ 10. Siya ay namatay dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan.

B. Punan ang patlang ng wastong aspekto ng pandiwang bubuo sa diwa ng pangungusap.


(gising) 1. Maagang __________________ si Procopio kahapon.
(punta) 2. Mamaya ay ___________________ siya sa kanyang kuya.
(linis) 3. Ngayon ay __________________ sa bahay ang magkakapatid.
(laba) 4. Kasalukuyang naming __________________ sina Espiridiona at Maxima.
(kuwento) 5. Kagabi ay masayang __________________ ang magkakapatid na Bonifacio.
(simba) 6. Sila ay ___________________ sa darating na Linggo.
(dalaw) 7. _________________ sila sa puntod ng kanilang mga magulang sa susunod na araw.
(gawa) 8. Habang ___________________ sila ng abanikong pamaypay at baston ay napag-
uusapan din nila ang kanilang buhay.
(buo) 9. _________________ sila ng magandang plano sa kasalukuyan.
(sundo) 10. Noong nawala ang kanilang magulang ay __________________ silang
magkakapatid.

C.Isulat ang mga pandiwa sa aspektong Perpektibo, Imperpektibo at Kontimplatibo. Gamitin ang
mga katagang ibinigay.
Pandiwa Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
lisan (um)
saing (nag)
pahid (in)
sama (han)
Punta (han)

III. Pagsunod sa Panuto


Panuto - tagubilin o mga hakbang na dapat sundin sa pagsasagawa ng isang iniuutos na gawain. Ito
ay maaaring ibigay nang pasulat o pasalita.

Mga dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto.


1. May sapat na kaalaman.
2. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga panuto.
3. Simple at madaling maunawaan.
4. Maikli, deritso, at hindi paligoy-ligoy.
5. Paggamit ng mga pamilyar na salita.
Magbigay ng limang panuto na may limang hakbang.
Pangarap sa buhay: __________________________________________________
Panuto kung paano ito makakamtan.
1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________________

IV. Uri ng Pandiwa (Palipat at Katawanin)

Isulat ang P sa patlang kung ang pandiwang may salungguhit ay pandiwang palipat. Isulat ang K
kung ito ay pandiwang katawanin.
____ 1. Bumili ng pandesal si Totoy mula sa tindahan sa kanto.
____ 2. Ang presyo ng gasolina ay bababa nang bahagya.
____ 3. Si Juanito ay nagbiyahe patungong Cavite.
____ 4. Naghuhugas ng mga pinggan at kubyertos si Ate Mila.
____ 5. Ang batang pilyo ay sumisigaw nang napalalakas.
____ 6. Ang may-akda ay nagsusulat ng isang nobela.
____ 7. Humingi ng saklolo ang babaeng ninakawan.
____ 8. Ang tren ay tumirik bago ito makarating sa istasyon.
____ 9. Maraming malalaking industriya ang gumagamit ng uling atpetrolyo.
____ 10. Ang mga mag-aaral ay pumapasok nang maaga.
____ 11. Si Tatay ay nagtatrabaho mula Lunes hanggang Sabado.
____ 12. Kami ay nakaisip ng proyektong pantahanan namapakikinabangan natin.
____ 13. Ang uhaw na atleta ay uminom ng malamig na tubig.
____ 14. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka sumagot.
____ 15. Dapat tayong magsakripisyo kung ito ay para sa ikabubuting nakararami.
V. . Pokus ng Pandiwa
Bilugan ang paksa at ikahon ang pandiwa sa pangungungusap. Isulat kung aktor, layon, o ganapan ang
pokus ng pandiwa.
__________ 1. Pinag- aalisan niya ng pagod ang sariling tahanan.
__________ 2. Tayo ay kukuha ng pagsusulit sa Huwebes.
__________ 3. Ipinasa niya ang bola sa kanyang kalaro.
__________ 4. Ang aming katulong ay nagluto ng masarap na pagkain.
__________ 5. Ang simbahan ay pinagdausan ng misa.
__________ 6. Madalas namamasyal sa parke ang magkasintahang Bong at Bing.
__________ 7. Ang taniman sa bukid ang pinagkukunan namin ng aming pakain.
__________ 8. Kinuha ni Dale ang lapis ni Eureka.
__________ 9. Naghahabulan sa hardin ang mga paru-paro at bubuyog.
__________ 10.Ang kanyang bagong sapatos ay ibinigay ni Mars.
V. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Mekeni Food Corporation (MFC) ay ang korporasyong itinatag sa pangunguna ni G. Felix
Garcia at ng kanyang maybahay kasama ang kanyang limang anak na lalaki. Ito ay bunga ng naisin
ng pamilyang makatulong at makpagbigay ng hanapbuhay at pag-asa sa kanilang mga kababayan
lalo na nang pumutok ang Bulkang Pinatubo noong 1991.
Mula sa maliit na puhunan at kita ng MFC ay kumikita na ito ngayon ng daang milyong piso.
Kilala na ang kompanyang ito sa ibat’t ibang panig ng mundo. Nakapag-eexport na ito sa mga
bansang gaya ng United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Saudi Arabia, Australia, at iba pang Gulf
Cooperation Country (GCC). Sa katunayan, ang MFC ang kaisia-isa at kauna-unahang meat product
na na-export sa Japan.
Ilan sa ipinagmamalaking karangalan ng MFC ang pagkakatranghal sa kanila bilang Grandslam
Winner sa kategoryang Best Meat Processing Plant-AAA Category ng National Meat Inspection
Commission ng Kagawaran ng Agrikultura at sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya (DOH,
DENR, DILG) noong 2007 dahil sa tatlong taong sunod-sunod na pagkapanalo ng nasabing
karangalan (2004-2006). Ito rin ang kauna-unahang nabigyan ng ISO certification bilang Meat
Processing Plant sa Asya at pangalawa naman sa buong mundo. Sa Pilipinas, ito naman ang kauna-
unahang ISO certified bilang isang Food Processing Plant. Kinilala rin ang husay at antas ng kalidad
ng produkto at korporasyon ng MFC sa ibang bansa gaya ng Germany, at France.

1. Anong planta ang tinutukoy sa teksto na world class?

2. Bakit naitatag ang nasabing planta?

3. Ano-ano ang mga patunay na ito nga ay isang world class na planta?

4. Ano ang iba pang karangalang natanggap ng MFC na nagpaptunay na ligtas, malinis, at
mataas ang kalidad ng kanilang mga produkto?

__________________________________________________________________________________

You might also like