You are on page 1of 4

ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.

SAN MATEO CAMPUS


SENIOR HIGH
HPFP12
( Akademik)
Final Quiz

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________

Taon/Trak/ Istandard: ______________________________ Guro: ____________

Pangkalahatang panuto:

 Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan.


 Gumamit lamang ng itim at asul na panulat.
 Anumang uri ng pagbubura ay katumbas ng kamalian

Pagsusulit 3. Iskor: ____________

Pagsusulit 4. Iskor: ____________

Pagsusulit 5. Iskor: ____________

QUIZ NO.3

I. Panuto: Uriin kung paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at


pangangatuwiran ang mga sumusunod na sipi.

____________________ 1. Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing


_ isang pulgada lamang ang taas niya. Medyo bilugan
ang katawan niya pero hindi mataba. Maputi ang
kanyang balat at itim ang maikli niyang buhok na
medyo kulot. Palagi siyang nakabistida na mga kulay
pastel.

____________________ 2. Sa pagkamatay ng kanyang ina, lalong naging


_ mahirap ang buhay ng batang si Canuto.
Lungkot,gutom, hirap at sakit. Subalit kailangang
mabuhay kaya’t nagsikap siya. Naglimpiya bota siya,
sa pag-aakalang sa maliliit na kinikita nito’y
makasasapat na upang mabuhay siya.

____________________ 3. Bakit ayaw ko sa kakuwarto ko. Una, kinakain niya


_ ang pagkain ko sa repridyereytor at hindi niya ako
tinitirhan ng kahit kaunti. Pangalawa, hindi niya
hinuhugasan ang mga pinggan na ginamit niya.
Pangatlo, laging huli siyang magbigay ng kalahati ng
upa sa apartment namin. Pang-apat, naninigarilyo siya
sa loob ng kuwarto at nagpaparty sa apartment namin
kahit na alam niyang may eksamen ako kinabukasan.
Kung kaya sa darating na pasukan, lilipat na lang ako
ng ibang apartment at maghahanap ng ibang
kakuwarto.

____________________ 4. Noong unang panahon nang wala pa ang mundo, may


_ isang ibon na lilipad-lipad.

____________________ 5. Kapag kumukulo na ang mantika sa kawali, ilagay ang


_ bawang.

____________________ 6. “Ang unang ginawa ni Mang Ben ay nilagare sa tatlo


_ ang buong palayok. Pagkatapos ay pinaaandar niya
ang compressor. Kinuha niya ang isang bahagi ng
palayok, inilagay doon ang mga piraso ng tanso, at
isinalang sa apoy. Isang plais ang ginamit ni Mang
Ben upang ipitin at hanguin sa apoy ang palayok na
may nagbabagang tunaw na tanso.”

____________________ 7. Ang bahay ng mga Tagabili ay yari sa magagaang


_ materyales na nakaangat sa lupa ng lima o anim na
talampakan. Natutukuran ito ng 20 o mahigit pang
haliging kawayan, walang partisyo. Ang kabahayan ay
isang malaking silid na nagsisilbing tulugan, kainan
habihan at pagawaan.

____________________ 8. Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa


_ kanya ang nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng
bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang
ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa
lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
____________________ 9. Maganda ang kanyang mukha, paris ng sa anghel.
_
____________________ 10. Bakit dapat maghirap ang dukhang nagsisikap gayong
_ ang ilang tamad, nahihiga sa sarap?

QUIZ NO. 4

II. Panuto: Basahin at unawain mabuti ang katanungan. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.

___________________ 1. Tinatawag na sulawing, sulam, sulambi o antangan.

___________________ 2. Katawagan sa nakamaskara at nakabihis na mga


magagarang kasuotan.

___________________ 3. Kabuuang likha bunga ng talino ng isang tao.

___________________ 4. Ito ay isang proseso ng pagpapayaman,


pagpapayabong, at pagpapaunlad sa sining at
disenyo.

___________________ 5. Tawag sa taong nagdidisenyo sa isang sining.


___________________ 6. Ito ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman
at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo
sa pamamagitan ng pamamaraan nito.
___________________ 7. Lugar na sumikat dahil sa pag likhang sining mula sa
Burnay.

___________________ 8. Orihinal ang Morion sa anong lalawigan?

___________________ 9. Ito ay sulating kakikitaan ng paggamit ng limang


pandama.

___________________ 10. Ito ay isang anyo ng pagkukuwento tungkol sa


sariling karanasan o tungkol sa karanasan ng ibang
tao.

QUIZ NO. 5

III. TAMA O MALI: Isulat ang salitang Sining kung tama ang pahayag at
Disenyo naman kung mali.

________________ 1. Maituturing na isang larangan ng karunungan ang sining


_ at disenyo.

________________ 2. Ang akademikong sulatin sa sining at disenyo ay may


_ hatid na benepisyo.

________________ 3. Ang ugnayan ng apat na prinsipyo ay nakasalalay sa


_ malawak na kabatiran sa isang paksa kaugnay sa sining
at disenyo.

________________ 4. Bahagi ng kahinaan ng akademikong sulatin ang


_ simetrikal o pantay na ugnayan ng mga elementong
bahagi ng pagsulat.

________________ 5. Sa pagpapahayag ng tesis kinakailangang buo ang


_ pagpapahayag.

________________ 6. Ang epektibong pagpapahayag ay kaugnay ng


_ kasiningan at kabisaan gamit ang diskurso ng pagsulat.

________________ 7. Ang mga obrang sining at disenyo ang lunsarang paksa


_ upang manghikayat, magpamulat, at magpakulong.

________________ 8. Mayroon saysay ang isinulat na akademikong sulatin sa


_ sining at desinyo kung walang magbabasa nito.

________________ 9. Sa panimula, kadalasang itinatampok ang paksa,


_ layunin, at kahalagahan ng pagsulat.

________________ 10. Sining at disenyo’y saliksikin, impormasyong


_ makukuha’y marapat gamitin.

ANSWER KEY: AKADEMIK FINALS

Q.3
1) PAGLALARAWAN
2) PAGSASALAYSAY
3) PANGANGATWIRAN
4) PAGSASALAYSAY
5) PAGLALAHAD
6) PAGLALAHAD
7) PAGLALARAWAN
8) PANGANGATWIRAN
9) PAGLALARAWAN
10)PANGANGATWIRAN

Q4.

1) DISENYO
2) MORION
3) SINING
4) PAGLINANG
5) TAGADISENYO/ DISENYADOR
6) AGHAM
7) VIGAN
8) MARINDUQUE
9) PAGLALARAWAN
10)PAGSASALAYSAY

Q5.

1) SINING
2) SINING
3) DISENYO
4) DISENYO
5) SINING
6) SINING
7) DISENYO
8) DISENYO
9) SINING
10) SINING

You might also like