You are on page 1of 6

FINALS: MGA KASANAYANG SA AKADEMIKONG PAGSULAT

Pagbuo ng Konseptong Papel


 Isang paglalahom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin
o tukuyin.

Mga Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel


1. Rasyonale- ito ang unang bahagi ng papel. Nakatala dito ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa paksa. Inilalahad sa paunang bahaging ito kung saan at paano
nagsimula ang ideya.
2. Layunin- sa bahaging ito inilalahad at inilalarawan ang suliraning nais tutukan.
Inilalahad dito ang mga impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paksa.
3. Metodolohiya- ibigay ang pangkahalatang metodolohiyang nais gamitin upang
maisakatuparan ang proyekto- lahat ng mga makabagong dulog, pamamaraan, o mga
proseso na maaaring gamitin.
4. Inaasahang Bunga (Output)- ito ang pangkahalatang anyo ng konseptong papel. Ang
font ay kailangang malinaw na mabasa at ang mga margin ay sumusunod sa
pamantayang sukat.

Tatlong Uri ng Balangkas


1. Pa- pangungusap- ang paksa at ang mga pansuportang detalye ay nakalahad o
isinusulat bilang mga pangungusap.
2. Pa- talata o pa- pangkat- ang bawat paksa ay hinahati sa isang bilang Romano,kung
saan ang mga pansuportang kaisipan ay nakalahad sa bawat titik alpabeto at bilang
arabiko.
3. Pa- paksa- nakalahad bilang pangngalang diwa (main idea) o mga pandiwaring
gumaganap sa tungkulin ng pangngalan. Nabububo ito sa pamamagitan ng panglapi ng
“pang” o ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat.

Pagkuha ng mga Datos


1. Konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos- ang pagkilala sa ideya ng
tao ay mahalaga. Nakakatulong ito sa kredibilidad ng isang teksto o anumang sulating
pananaliksik.

2. Direktang sipi- ginagamit ito kapag nais bigyang- diin sa sulating pananaliksik ang
ideya at pagkakapahayag ng manunulat. Maaring eksaktong salita o pahayag,
kinokopya ng direkta, salita sa salita, mula sa sanggunian.
3. Paggamit ng Ellipsis (…)- ito ay karaniwang gumagamit ng tatlong tuldok na sunod-
sunod na nagpapakitang may bahaging hindi na sinipi sa isang pangungusap o talata.
Nangyayari lamang ito kapag hindi na gaanong mahalaga o kailangan ang bahaging
inalis sa pangungusap o talata.
4. Synopsis (buod)- ito ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito ay nasa anyong
patalata at hindi sa anyong pabalangkas.
5. Presi (precis)- ito ay isang maikling pagbubuod o paglalagum ng mahalagang ediya ng
isang mahabang teksto. Binibigyang- diin dito ang pinakamahalagang detalye. Layunin
ng presi ay muling maipahayag ang pinakamahalang detalye lamang para malaman ng
mambabasa ang pangunahing nilalaman ng akda.
6. Parapreys (paraphrase)- ito ay muling paguulit ng talata sa sariling pangungusap na
hindi gaanong teknikal subalit kasinghaba rin ng orihinal na talata.
7. Abstrak- ito ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula o
introduksyon ng isang tesis o disertasyon.
8. Sintesis- ito ay isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebedinsya ng isang pananaliksik at sa
opinion ng isang eksperto sa isang particular na paksa na ginamit upang makatulong sa
pagpapasaya sa pagbuo ng mga patakaran.

Ikalimang Bahagi: PANANALIKSIK

Santiago (1987), ang pananaliksik ay pagtuklas at paglinang ng mga bagong kaalaman,


pagbibiripika, pagpapalawak o pag momodipika ng dati ng kaalamanp para sa
kapakinabangan ng tao.
Arrogante, et. al. (2007) sa aklat na pagbabasa at pagsulat tungo sa pananaliksik, ang
pananaliksik ay isang dukomentong sanaysay pang akademya.
Consuelo Sevilla (2001: 1), ang pananaliksik ay isang paraan ng pagpapaliwanag ng isang
teorya, pagbuo ng teorya o paglutas ng suliranin.
Kerlinger, (binanggit ni Espiritu, 2000: 1), ito ay isang sistematiko kontrolado, emperikal, at
kritikal na pagsisiyasat ng mga proposisyong haypotektikal tungkol sa relasyon ng mga
pangyayare.
Atienza at iba pa (1996) ng Unibersidad ng Pilipinas ay bumuo ng isang praktikal na
depinisyon ng pananaliksik. Ayon sa knila, ang pananaliksik ay matiyaga, maingat sestimatiko,
mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian
isyu o aspektong kultura at lipunan.
De Guzman (2005), ang pananaliksik ay isang proseso ng paghanap ng mga totoong
impormasyon na humahantong sa kaalaman.

Mga Katangian na Dapat Taglayin sa Pagbuo ng Pananaliksik


1. Ang Pananaliksik ay Sistematiko- ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang
proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, sulosyon sa suliranin o
anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.
2. Ang Pananaliksik ay Kontrolado- ito’y hindi isang ordinaryong problima na
madaling lutasin. Pinaplano itong Mabuti at ang bawat hakbang ay pinag- iisipan
kaya hindi pwede na manghula sa resulta ng pag- aaral ng isinasagawa.
3. Ang Pananaliksik ay Empirikal- ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos
ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o
mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
4. Ang Pananaliksik ay Pagsusuri- ito’y masusing pag- aarl sa mga datos
kwantitatibo o kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon
sa pagkalkula ng mga bilang na ginagamit samantalang ang kwalitatibo ay
tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro- kuro o interpretasyon.
5. Ang Pananaliksik ay Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal- ipinapakita sa
pahayag na ito na anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi
salig sa sariling opinion ng mananaliksik.
6. Ang Pananaliksik ay Ginagamitan ng Hipotesis- Aon kay Gay (1976), ang
hipotesis ay pansamatala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na
kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na magaganap pa
lamang.
Tunkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
A. Katangian ng isang mananaliksik
Ang mananaliksik ay:
1. Masigasig;
2. Masinop;
3. Masistema;
4. Mapamaraan;
5. Magaling magsiyasat; at
6. May pananagutan

B. Responsibilidad ng isang mananaliksik

1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. May


batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng impormasyon na hindi
kinikilala ang tunay na sumulat nito.tinatawag itong PLAGIARISM. Ayon kay
ateienza ang plagiarism ay:

a. Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginagamitan ng


bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan;
b. Pang hihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang
pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan;
c. Pamumulot ng mga ideya mula sa ibat ibang mananaliksik o manunulat at
pinag sama- sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang
pinaghanguang datos;
d. Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin
e. Pagnanakaw ng bahagi ng isang desinyo, banghay, himig na hindi kinikilalal
ang pinagbatayan ng ibang mananaliksik.
2. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa
pananaliksik.
3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathalang tekstong
pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon.
4. Gumawa ng bibliograpiya ng mga ginamit na sangunian bilang pagpapatunay na
may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.
5. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta ng isinasagawang pag- aaral.
6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

Mga Uri ng Pananaliksik

1. Pananaliksik ng Pangkasaysayan. Ito ay isang mapanuring pagsisiyasat sa mga pang


yayari, pagtalunton sa mga kabuluhan ng nakalipas na panahon, pagtaya sa
kahalagahan ng mga datos ng nakalipas.
2. Pananaliksik na Deskriptib. Ninanasa ng ganitong pananaliksik na mabatid ang
kasalukuyang nagaganap na pangyayari.
a. Pagsisiyasat o sarbey. Ito ay pinakagamiting paraan upang ilarawang ang mga
populasyon ng imbestigahan o tingnan ang kasalukuyang kondisyon at relasyon ng
mga pangyayari.
b. Case Studies- ginagamit ang ganitong pag- aaral kung ang layon ay magkaroon ng
higit na malalalim, komprehensibong pag- unawa sa kalagayan ng tao o lupon ng
mga tao gaya ng kamag- anakan, kaurian, samahan o pamayananan.
c. Pag aaral nga Nilalaman (content analysis)- ito ay madalas gamitin sa mga
gawaing pangkomunikasyon o pag- aaral na pampanitikan.
d. Feasibility study- ito ay isang pag- aaral na naglalayong Makita ang potensyal ng
pagbubukas ng isang negosyo, pagtayo ng isang establishimento, pagbuo ng isang
program, pagtayo ng isang organisasyon.
e. Pag-aaral na Pagpapahalaga (evaluation studies)- ang layon ng ganitong pag-
aaral ay Makita ang kinahantungan ng mga programang inilunsad ng isang
institusyon.
f. Pag-aaral pang Etnograpiya- nilalayon ng pag- aaral na etnograpiya madamulat
ang kakanyahan ng lupon ng tao hinggil sa kanilang pamumuhay, mga paniniwala,
gawi at kultura.
g. Paraang Ekspiremental- ang pamamaraang ito ng pananaliksik ay gumamit ng
makaagham na pamaraan kung saan ay inilalarawan kung ano ang hinahanap.
h. Genetic Study. Pinag- aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pagunlad ng isang
paksa.
3. Aksyon Riserts (action research). Ito ay may kinalaman sa pananaliksik na
nangangailangan ng kagyat na pagpapasya o desisyon at ito ay ginagamitan ng
makaagham na pamamaraan bilang pagtugon sa dagliang pagbabago sa kasalukuyang
kalagayan.
Mga Katangian ng Aksyon Riserts
a. People- oriented. Ito ay nilalahukan ng mga tao sapagkat sila ang higit na
nakadarama at nakakaalam ng suliranin.
b. Group- research. Binubuo ito ng grupo ng mananaliksik at mga kalahok upang lutasin
ang suliraning panlipunan mula sa pagpaplano hanggang sa lebel nang pagpapatupad.
c. Bid crowd. Nilalahukan ng malaking grupo sa panahon ng pangkalahatang asembliya
kasama ang grupo ng mananaliksik at mga kalahok.
d. Political involvement. Ang mga pinunong bayan ng isang pamayanan ay nararapat
na makilahok para sa madaling paglutas ng suliranin.
Mga Hakbangin sa Aksyon Riserts
1. Pagtitiyak sa suliranin at pamayanan
2. Paglalahad ng layunin
3. Pagtukoy sa mga kalahok
4. Pag- oorganisa ng grupo ng mananaliksik
5. Pagtatakda ng haba o panahon ng pag- aaral
6. Pagsasagawa ng pananaliksik
7. Pagsusuri sa kinalabasan ng pag- aaral
8. Pagpapahalaga sa mga natuklasan
9. Rekomendasyon
10. Implementsyon/ pagpapatupad

Mga bahagi ng pamanahong papel


1. Ang Pahina ng Pamagat. Dito nakatala ang pamagat ng pamanahong papel, pangalan
ng mga mananaliksik, kanilang apilyasyon (Pamantasan at kolehiyo), ang gurong
tagapatnubay at ang kanyang apilyasyon at ang petsa ng pagpasa.
2. Abstrak. Ito ang pinakabuod ng pag- aaral na nakapaloob sa isang talata.
3. Panimula/ introduksyon. Sa panimula inilalagay ng mananaliksik ang kanyang
intension kung bakit binuo amg papel at kalakip nito ang batayang teoretikal.
4. Mga Kagamitan at Pamamaraan. Sa bahaging ito dinodokumento ang espesyal na
kagamitang ginamit at mga hakbangin sa pagkuha ng datos.
5. Resulta ng Pag- aaral. Dito iniuulat ang mga datos na nakalap sa tulong ng mga
bilang, talahanayan, tsart, dayagram, larawan at grap.
6. Pagtalakay. Sa bahaging ito inilalagay ang iyong interpretasyon o pagpapakahulugan
sa mga datos na nakolekta.
7. Kongklusyon. Ito ang matibay na pagpapasya at pagpapalagay sa kinahantungan ng
iyong pag- aaral.
8. Ginamit na Sanggunian. Sa bahaging ito itinala ang lahat ng mga babasahin, gaya ng
aklat, dyornal, pahayagan, magasin at nalathalang pag- aaral.

Mga Preliminaryong Bahagi ng Pananaliksik

Pabalat ng Pananaliksik. Ito ang pinakabalot sa kabuuan ng sinulat na pananaliksik matapos


itong maidepensa at ma edit. Karaniwan pinabubukbaynd ito at ganito ang dapat na lamanin.
Fly leaf o Blangkong papel. Kailangang mayroong blangkong papel o tinatawag ng flyleaf
matapos ang pabalat ng aklat.
Dahoon ng Paksa. Katulad ng nakatala sa pabalat ay mayroon pang dahoon ng paksa na
kinapapalooban ng: paksa, saan isinumete ang pananaliksik, at kahingian ng anong kurso o
digra, pangalan ng mga mananaliksik at kung kalian naisakatupara ang pananaliksik.
Dahon ng Pagpapatibay. Dito makikita ang kumpirmasyon ng tagapayo na maipasa sa kanya
ang pananaliksik at iminungkahing mailatag sa oral na pagsusulit.
Dahon ng Pasasalamat. Isinusulat rito ng mga pananaliksik ang mga tao, intstitusyon at iba
pang tuwiran at di- tuwirang nakatulong sa pagsulat at pagkakabuo ng pananaliksik.
Dahoon ng Paghahandog (optional). May mga gawang pananaliksik na naglalagay ng
pahinang ito samantalang ang iba naman ay wala nito.
Talaan ng Nilalaman. Sa bahaging ito makikita ang kabuuan ng balangkas ng isang sulating
pananaliksik.
Talaan ng Talahanayan. Ang pamagat ng bawat talahanayang ginamit sa pananaliksik ay
sinusulat nang sunod- sunod at sa gawing kanan nito nakasaad kung saang pahina ito
matatagpuan.
Talaan ng Dibuho. May mga pananaliksik na kinapapalooban ng mga figyur, grapiko, o kaya’y
larawan. Upang madaling matunghayan ang mga ito ay nilalagyan din ito ng sariling talaan.
Abstrak. Pinakabuod o synopsis ng tisis ang abstrak. Ditto nakatala ang pamagat ng tisis,
dulog pananaliksik, pangalan ng mga mananaliksik, programang kurikulum, at ang nagsilbing
tagapayo.

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula- ito ay mababasa sa panimula ng presentasyon o paglalahad ng suliranin. Kabahagi


ng presentasyon ang kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili.

Kaligirang Kasaysasyan ng Pag- aaral


Paglalahad ng Sulirain- sa bahaging ito ng pananaliksik, inilalagay ang kahalagahan ng
paksang pagaaralan gayundin ang kaligirang pangkasaysayan.
Kahalagahan ng Pag- aaral- tinalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag- aaral
at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya.
Batayang Konseptwal/ Teorekal- ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang teorekal o
konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulatin pananaliksik ay tumutukoy sa set ng
mga magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na nagpapkita sa
sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pangtukoy sa relasyon on
kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag- aaralan.
Hipotesis o Asumpsyon- inilalahad ng mga bahaging ito ang mga teorya ng mga kaugnay na
literatura at pag- aaral na maaaring pinatotohanan o pinasubalian ng kasalukuyang
isinasagawang pag- aaral o pananaliksik.
Saklaw at Limitasyon- inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon
na gagamitin sa isasagawang pag- aaral, saan at kailan ito gagawin

Sa bahaging ito ay dapat na magkaroon ng ideya ang mambabasa sa sumusunod;


Paksa - maging pukos ng mga katanungang sisiyasatin;
Panahon - oras o panahong ginugol o isinagawa ang pagsisiyasat o pananaliksik;
Pamamaraan- ano ang ginamit na disenyo at pamamaraan sa pananaliksik;
Paggaganapan- saang lugar ang pinagganapan ng pananaliksik;
Populasyon - sinu- sino ang tao o mga taong tutugon o sasakupin

Kahulugan ng mga Katawagan- ang pagbibigay ng kahulugan ay may dalawang paraan.


Ang isa ay tinatawag na konseptwal na pagpapakahulugan na matatagpuan sa mga
diksyunaryo. Operasyonal (operational) pagpapakahulugan ang ikalawang paraan.

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Isa sa mga mahalagang bahagi ng pananaliksik ang pag- aaral sa mga kaugnay na literature.
Dito ginagawa ang paghahanap ng mga aklat, journal, magazine, tesis, disertasyon at iba
pang sanggunian na magagamit na batayan sa pagsusuri ng mga teorya.

Maaaring manggaling ang mga datos sa bahaging ito sa iba’t ibang salik tulad ng sumusunod;

a. Salik Pantao- maaaring magsagawa ng mga direktang panayam o interbyu ang


mananaliksik sa mga kinauukulan o awtoridad sa paksang tinatalakay o kaya naman ay
sa mga awtor ng nauna nang naisulat na pananaliksik.
b. Salik Pampapel- ang mga naisulat na dokumento tulad ng libro o pananaliksik ang
sekondaryang materyales na maaaring magamit.
c. Salik Pang- elektroniko- maaari ring gamitin ng mananaliksik ang mga ideya o datos
mula sa internet gaya ng nakukuha sa mga search engine na google, yahoo.com, at iba
pa.
d. Dapat na ihayag ang bahaging ito nang sang ayon sa paksa o thematically sang- ayon
sa format na (Lokal na Literatura, Global na Literatura, Lokal na Pag- aaral, Global na
Pag- aaral).
e. Wakasan ang bahaging ito sa pamamagitan ng sintensis o kaya’y lagom ng mga
kaugnayan ng mga hinangong literatura at pag- aaral sa magiging kinahihinatnan ng
isinasagawang pag- aaral.

You might also like