You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Mindoro State College of Agriculture and Technology


Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Pangalan: ____________________ Petsa: __________________


Baitang: __________ Marka:___________

I. Panuto: Tukuyin ang simuno at panaguri sa mga pangungusap. Guhitan ang simuno
at bilugan panaguri. Isulat sa patlang kung ang pangungusap ay karaniwan o
di-karaniwan.
__________1. Ang mga Pilipino ay may malaking respeto kay Dr. Jose Rizal.
__________2. Hinihiling ng mga mamamayan na nasalanta ng bagyo na bisitahin sila ng Pangulo.
__________3. Hinahangaan ng mga Pilipino si Manny Pacquiao sa husay nito sa larangan ng boxing.
__________4. Siya ay nagpunta sa Maynila upang magpakadalubahasa sa siyensa.
__________5. Si Gng. Lolita ay tinanghal na natatanging guro sa taong ito.
__________6. Nagtungo sa kantina ng paaralan si Dexter.
__________7. Ang lahat ng manlalaro ay kumain ng sabay-sabay.
__________8. Magaling umawit ng kundiman si Rona.
__________9. Si Anna ay pumunta ng Maynila kasama ng kanyang ina.
__________10. Sampung araw bago dumating ang hinihintay niya.
II. Panuto: Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa
pangungusap.
_______1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosa sa hardin.
_______2. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista.
_______3. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan,
_______4. Ipinagguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.
_______5. Ang mga basing damit ay isasampay natin sa bakuran.
_______6. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng araw-araw.
_______7. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo.
_______8. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.
_______9. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo.
______10. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.
III. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot. Isulat sa patlang ang tamang sagot..
_________1.Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap
ng kilos na isinasaaad sa paksa.
_________2.Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigayang-diin
sa pangungusap.
_________3.Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos.
_________4.Ito naman ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos na isinasaad ng
pandiwa.
_________5.Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos o
pandiwa na siyang paksa ng pangungusap.
__________6. Ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos. 
__________7. Pinatutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutongo ng kilos.

LAYON O GOL TAGAGANAP O AKTOR SANHI O KUSATIB LAYON O GOL


GANAPAN O LOKATIB
TAGATANGGAP O BENEPAKTIB GAMIT O INSTRUMENTAL
IV. Panuto: Gumawa ng isang sanaysay patungko sa isyung “ Bilang mag-aaral sa sekondarya
ano ang iyong pananaw sa planong pag-aalis ng asignaturang Filipino sa mga gawaing
pagtuturo sa kolehiyo? Hindi ito kukulangin sa 3 talata at di lalampas sa 5 talata. (20 puntos)
Paghusayan ang pagsasagot!
Good luck!
Inihanda ni : EDGAR V. CASTILLO
Gurong Nagsasanay

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece

You might also like