You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Mindoro State College of Agriculture and Technology


Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing Banghay – Aralin sa Filipino 7


Nobyembre 20, 2018, 1:00 -2:00 ng hapon
Karaniwan at di-karaniwang pangungusap

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. naipaliliwanag ang karaniwan at di-karaniwang pangungusap;
b. natutukoy ang posisyon at gamit ng simuno at panaguri sa pangungusap;
c. nakikilahok na may kaisahan; at
d. nabibigyang-halaga ang paggamit nang wastong pagkakabuo ng pangungusap tungo
sa maayos na pakikipagtalastasan.

II. Paksang – aralin


Paksa : Karaniwan at di-karaniwang Pangungusap
Sanggunian : Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markhan
Pahina : 70-71
Awtor : Rowena del Castillo et, al.
Kagamitan : Laptop, Powerpoint Presentation, Marker, Manila paper, Cartolina

III. Pamamaraan

A. Pang-araw-araw na gawain
a. Panalangin
Magsitayo ang lahat!
Samantha, maaari mo bang
pangunahan ang panalangin sa
araw na ito? (Magsisistayo ang mga mag-aaral)
Panginoon maraming salamat po sa araw
na ito. Nawa’y ingatan nyo po kami kasama
ng aming mga mahal sa buhay na naiwan
sa aming mga tahanan. Ito po ang aming
samo’t dalangin sa pangalan ni Hesus.
AMEN!

b. Pagbati
Magandang hapon sa inyong
lahat! Magandang hapon din po Sir Castillo!

c. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo pakipulot
ng mga kalat at basurang
nakikita nyo sa inyong paligid at
pakiayos din ng linya ng inyong
mga upuan. (pupulutin ang mga kalat at aayusin ang
linya ng upuan.)

d. Pag-alam sa liban
Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Mayroon bang liban sa araw na


ito? Sir wala po!

e. Pagwawasto ng takdang aralin


Pakipasa ng inyong mga
takdang aralin at akin itong
mamarkahan. (ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang
mga takdang aralin)

f. Pagbabalik- aral
Marlyn Anne, maaari mo bang
ibigay ang pinag-aralan natin
kahapon? Sir, ang atin pong pinag-aralan kahapon ay
patungkol sa Taglish.

Magaling!
Ano naman ang inyong
natatandaan? Fiona? Sir, natutunan ko po na ang Taglish po pala
ay hindi isang lenggwahe.

Napakahusay!
Lubos nga kayong natuto sa
nakaraang aralin.

B. Pagganyak
Mayroon akong ipapakitang
larawan. Base sa larawang
ipinakita ko, nais ko kayong
bumuo ng isang pangungusap
patungkol sa larawang ipinakita
ko. Bubunot ako ng pangalan at
siya ang magbibigay ng
pangungusap na isusulat niya sa
pisara. Maliwang ba ang aking Maliwanag po!
tinuran?

(magpapakita ng larawan ang


guro.)
Ann, maaari ka bang
magbigay ng pangungusap
patungkol sa larwang ito?

Ang bata ay malusog.

Mahusay!
Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Marco, maaari ka bang


magbigay ng pangungusap
patungkol sa larawang ito?

Yakap ni tatay ang kanyang anak.

Napakahusay!

Mary, maaari ka bang


magbigay ng pangungusap
patungkol sa larawang ito?

Ang matanda ay malungkot.

Tama ang lahat ng inyong


puna sa mga larawan.
Mahuhusay rin kayong
bumuo ng mga
pangungusap.

C. Paglalahad

Batay sa ating ginawang Sir nagbigay po kami ng mga panungusap


gawain, ano ang inyong ayon sa larawang ipinakita ninyo.
napansin? Stephen?

Mahusay dahil ang


pangungusap ay may
kinalaman sa ating sunod na Sir, ang paksa po natin sa araw na ito ito ay
aralin. ang ayos ng mga pangungusap. Ang
karaniwan at di-karaniwang ayos ng
Ano kaya sa palagay ninyo pangungusap.
ang ating paksa sa arawa na
ito?

Napakahusay!
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang
Pero bago iyan narito muna mga mag-aaral ay inaasahang:
ang ating layunin sa araw na a. naipapaliwanag ang
karaniwan at di-
Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

ito. Pakibasa ng sabay- karaniwang


sabay. pangungusap;
b. natutukoy ang
posisyon ng simuno at
panaguri;
c. masiglang nakikilahok
sa mga gawain at
talakayan; at
d. nabibigyang halaga
ang paggamit ng
wastong pangungusap
sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Sir, ang pangungusap po ay lipon ng mga


Maraming salamat sa salita na mayroong simuno at panag-uri.
inyong sabay-sabay na
pagbasa.

Ngayon sino sa inyo ang


may ideya sa kung ano nga Sir ang simuno po ay ang bahagi na pinag-
ba ang pangungusap? uusapan sa pangungusap.

Mahusay!
Sir, ang panaguri po ay iyong nagsasabi
Ano naman kaya ang tungkol sa simuno. Sa tulong po nito
simuno? Samantha? malalaman o masusuri ang ayos ng
pangungusap.

Magaling!

Ano naman kaya ang


panaguri? Ann?

Napakagaling!

Tama ang iyong sinabi. 1. Panaguri + simuno = karaniwang


Makikilala ang ayos ng ayos ng pangungusap
pangungusap base sa 2. Simuno + panaguri = di-
simuno at panaguri. karaniwang ayos

Jake, maaari mo bang


basahin ang aking ipinaskil
Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

sa pisara?

Maraming Salamat!
Sir, kapag simuno naman po ang nauuna sa
panaguri ang pangungusap ay nasa di-
karaniwang ayos ng pangungusap.
Ibig sabihin nasa
karaniwang ayos ang
pangungusap kapag
panaguri ay nauuna kaysa
sa simuno.

At kapag simuno naman


kaya? Carlo?

Mahusay!
Opo sir!

Mayroon akong halimabawa


dito at suriin natin kung aling ba
ang panaguri at simuno sa
pangungusap. Bubunot ako ng
Mahilig kumain ng gulay si Ana.
pangalan na siyang sasagot sa
pisara. Guguhitan niya ng isang Sir ang simuno po ay si Ana at ang
guhit ng simuno at dalawang panaguri ay mahilig kumain ng gulay.
guhit naman sa panaguri.
Maliwanag ba?

Kaye Isabella, maaari mo bang Sir dahil nauna po ang panaguri sa simuno
basahin at sagutan ang ito po ay nasa di-karaniwang ayos.
halimbawang nakasulat?

Halos sirain na ng bagyo ang mga bahay sa


tabing dagat.
Mahusay!
Sir ang simuno po ay ang mga bahay sa
tabing dagat, samantalang ang panaguri po
Nasaang ayos kaya ng ay halos sirain ng bagyo.
pangungusap ito? Rhovie?

Sir dahil po mas nauna ang simuno sa


Mahusay! panaguri ito po ay nasa karaniwang ayos.

Ito pa. Misha Nicole, pakibasa.

Bigyang katarungan si Mang Gusting.

Sir dahil po nauna ang panaguri sa simuno


ito po ay nasa karaniwang ayos.

Nasaang ayos kaya ng


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

pangungusap ito? Mico?

Mahusay!

Mahilig kumain ng gulay si Ana.


Pakibasa naman Marlyn Ann.
Si ana ay mahilig kumain ng gulay.
2. Halos sirain na ng bagyo ang mga bahay
sa tabing dagat.
Ang mga bahay sa tabing dagat ay halos
sirain na ng bagyo.
Mahusay talaga kayo! 3. Bigyan ng katarungan si Mang Gusting.
Si Mang gusting ay bigyan ng katarungan.
Kung ang karaniwang ayos ng
pangungusap ay nais baguhin sa
di karaniwang ayos. Narito ang
halimbawa nito na nakasulat
nang pahilig.

Pakibasa John Russel

Opo sir!

D. Paglalahat
Magkakaroon tayo ng isang gawain.
Papangkatin ko kayo sa 7, na kung
saan pupunan ninyo ang kahon sa
ibibigay kong sagutang papel base
sa hinihinging sagot ng mga tanong Sagot:
na nasa ibaba. Mayroon lamang
kayong 5 minuto para sagutan ito.
1. PANAGURI
Nauunawaan ba ang aking tinuran?
2. PANGUNGUSAP
3. PANAGURI + SIMUNO
1. Ito ay tawag sa panungusap na
nauuna ang simuno. 4. SIMUNO
2. Ito ay binubuo ng mga lipon ng
salita na nagpapahayag ng 5. KARANIWANG AYOS
buong diwa.
3. Kalimitang ginagamit ng
karaniwang pangungusap
4. Ang pinag-uusapan sa
pangungusap.
5. Tawag sa pangungusap na
nauuna ang panaguri. Sagot:
Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

di-karaniwang ayos 1. Ang mga Pilipino


ay may malaking respeto kay Dr. Jose
Rizal.

di-karaniwang ayos 2. Hinihiling ng


mga mamamayan na nasalanta ng
bagyo na bisitahin sila ng Pangulo.

karaniwang ayos 3. Hinahangaan ng


mga Pilipino si Manny Pacquiao sa
husay nito sa larangan ng boxing.

di-karaniwang ayos 4. Siya ay nagpunta


E. Pagtataya sa Maynila upang magpakadalubahasa
sa siyensa.
Panuto: Tukuyin ang simuno at panaguri
sa mga pangungusap. Bilugan ang di-karaniwang ayos 5. Si Gng. Lolita ay
simuno at panaguri. Isulat sa patlang tinanghal na natatanging guro sa taong
kung ang pangungusap ay karaniwan o ito.
di-karaniwan.

__________1. Ang mga Pilipino ay


may malaking respeto kay Dr. Jose
Rizal.
__________2. Hinihiling ng mga
mamamayan na nasalanta ng bagyo na
bisitahin sila ng Pangulo.
__________3. Hinahangaan ng mga
Pilipino si Manny Pacquiao sa husay
nito sa larangan ng boxing.
__________4. Siya ay nagpunta sa
Maynila upang magpakadalubahasa sa Sir, mapapahalagahan ko po ito sa
siyensa. pamamagitan ng paggamit nito ng tama at
__________5. Si Gng. Lolita ay maayos upang magamit ko sa mabilis at
tinanghal na natatanging guro sa taong malinaw na pakikipagusap o komuniaksyon
ito. sa aking mga kaibigan at kapamilya.

Sir, mapapahalagahan ko po ang ang


wastong gamit ng pangungusap sa
pamamagitan ng paggamit nito lalo na sa
mga sulatin o mga pakikipag-usap sa aking
mga kaibigan.
F. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo
mapapahalagahan ang paggamit ng
mga pangungusap sa iyong pang-
araw-araw na pamumuhay? Wala na po sir!

Lorie Jane maaari mo banag ibigay


ang iyong opinion? Paalam na din po sir Castillo!

Ikaw naman Fiona?


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Mahusay!

May mga katanungan pa ba kayo?

Paalam na sa inyo Grade 7.

IV. Takdang-Aralin
Magsaliksik patungkol sa istruktura ng wika. Isulat ito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

EDGAR V. CASTILLO
Gurong Nagsasanay

Winasto nina:

Bb. LYKA JOY F. DE CASTRO


Gurong Tagapamatnubay

JOAN F. POLITICO
Gurong Tagapamatnubay

You might also like