You are on page 1of 12

Mahabang Banghay Sralin sa Pagtuturo ng Filipino-10

I. Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga kaisipang luting sa akda


( kabuluhan ng edukasyon at pamamalakad sa pamahalaan).
b. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga
kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda (pagmamahal sa
bayan at pamlya).
c. Nakabubuo ng paliwanag sa mga isyung panlipunan sa
Kasalukuyan na kaugnay sa buhay ng mga tauhang binanggit
sa kabanata.
II. Paksang Aralin

Paksa: El Filibusterismo Kabanata VII

Sanggunian: Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan ( Batayan at


Sanayang aklat sa Filipino).
May Akda: Dr. Jose P. Rizal
Kagamitan: Powerpoint Presentation . Laptop and WIFI
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.1 Panimulang Gawain
- Panalangin
Bago natin umpisahan ang
ating talakayan, sisismulan
muna natin ito ng isang
panalangin. Amara pakibasa
ng ating panalangin na nasa
monitor. O Diyos na dakila manlilikha sa lahat sa
mundong ito, puspusin niyo po kami ng
pagmamahal, pag-uunawa`t pagkakaisa.
Isahin niyo po kami ng matibay lalong-lao
na ang aming bayanay nahahati sa
pambansang krisis. Panatilihin niyo po
kaming matatag, malakas at masigasig.
Amen.
- Pagbating Guro at Mag-aaral
Magandang araw sa inyo mga
mag-aaral? Magandang araw din Po Gg. Apat!
Kumusta kayo sa araw na ito? Mabuti naman po.

- Mga Palatuntunin sa Online


Class
Mga mag-aaral dahil sa online
class tayo at kailangan nating
harapin ang new normal
scheme ng ating klase,
mayroon lang akong kaunting
bilin para maging maayos ang
ating talakayan ngayon.
1. Makinig ng mabui bawal
ang maingay.
2. Nakapokus sa inyong
monitor at kung maari ay
pakibuksan ang inyong
mga camera.
3. Sikaping magsalita ng
Wikang Filipino.
4. At itaas lamang ang kanang
kamay o isulat sa comment
box kung mayroon kayung
mga katanungan.

Nagkakaintindihan ba tayo?
Opo Sir.
-Pagtsetsek ng attendance/ulat Liban
Mayroon bang luimiban sa araw na
ito?
Wala po Sir.
A.2 Pagsasanay sa kayarian
Bago natin sisimulan ang ating
talakayan , ay mayroon muna akong
pasasagutan sa inyo.
Panuto: Sabihin ang angkop na
gamit na salita sa bawat
pangungusap.
1. Hinahangaan ko ang
pagbabalik ng dating (forma,
porma) ng mga kabataan noon
dahil marahil konserbatibo
ako. : porma
2. Napakahalaga ng sa mga
estudyante ang pagkakaroon
ng ( bakasyon, vacacion) kaya
lagi nila itong hinihintay. : bakasyon
3. 3. Maraming negosyi ang
hinahanapan ng (licencia,
lisensiya) upang maituloy ang
Operasyon nito. : lisensiya
4. May mga manlalaro ng (futbol,
putbol) na napakagaling kaya
kinuha ng pambansang
koponan. : futbo
5. Nakakuha ka na ba ng (visa,
bisa) sa ilang dayuhang
embahada? :visa

May alam ba kayo kung ano ang


tawag sa mga salitang tinatalakay
natin ngayon? : wala po Sir.

Ang mga salitang ito ay tinatawag


na mga hiram na salita kung saan ay
gamit na nagtin at nakaregister na
sa`ting diksyunaryo.

B.Balik-aral
Noong nakaraang araw ay
tinalakay natin ang ika-anim na
kabanata ng El Filibusterismo, sino
ang makapagsabi kung ano ang mga
kaganapan sa kabanatang iyon,
Jannah? Ang ika-anim na kabanata po ay
pinamagatang si Basilio na kung saan ay
umuwi siya sa kanilang bayan at doon ay
nabalitaan niya ang ama ng kasintahan
niyang si Juli ay nadakip ng mga tulisan.
Magaling!
C.Bagong Leksyon
C.1 Pagganyak
Bago ang lahat mayroon muna
akong ipapakitang mga larawan,
pagmasdan niyo itong maigi.

A
Ano ang iyong nakikita sa mga
larawan Jimmy? Ito po ay binata sa gitna ng kagubatan.

Tama!
Ano pang larawan ang iyong
nakikita Jane? Isa pong lalaking may bigote na may
hawak na armas na nakatuon sa binata.
Mahusay!

Mula sa mga larawang inyong


Nakita sino kaya sa [alagay niyo ang
tatalakayin nating tauhan sa araw na
ito . Kath? Sa tingin ko po ay si Simoun.

Magalin!

Pero bago ang lahat mga mag-


aaral gusto kong basahin niyo muna
ang ating mga layunin sa araw na ito.
Mga Layunin sa pagtatapos ng aralin, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:

a.Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga


kaisipang luting sa akda (kabuluhan ng
edukasyon at pamamalakad sa
pamahalaan).
b.Naipapahayag ang sariling paniniwala at
pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda (pagmamahal sa bayan
at pamlya).
c.Nakabubuo ng paliwanag sa mga isyung
panlipunan sa Kasalukuyan na kaugnay sa
buhay ng mga tauhang binanggit sa
kabanata.
Tandaan niyo ang ating mga layunin
sa araw na ito dail magsisilbing
gabay ito sa ating talakayan.
C.2 Pag-aalis ng Sagabal
Bago tayo magpatuloy sa ating
paksa mayroon muna akong
pasasagutan sa inyo. Ito`y napakadali
lamang. Magtatawag ako at kung
sino man ang aking matawag ay
siyang sasagot.

Panuto: Piliin ang tamang


kahulugan ng mga nakasalungguhit
na salita.
1.Mayroong pag-agam-agan si
Simoun na paalisin si Basilio
a.alinlangan c. natinag
b.nabahala d. kinabahan
2. Natigatig si Simoun ng biglang A.
nagpakita si Basilio sa gubat.
a. alinlangan c. nalilito
b. nabahala d. Nawala
3. Ang mga sagot ni Basilio ay lihis sa B.
kasgustuhan ni Simoun.
a. sang-ayon c. tutol
b. salungat d. nanglalait
4. Layunin ni Simoun na hindi B.
dumanak pa ang mga dugo sa
kanyang kababayan.
a. lumawak c, dumaloy
b. kumalat d. lumaganap
5. Nagkikibit-balikat na lang si C.
Simoun sa pag-alis ni Basilio.
a. nagwawalang bahala
b. balikat
c. walang kibo
d. paa
A.
Mahusay mga mag-aaral at
nasagutan niyo ng maayos,
palakpakan natin ang ating mga sarili.
(Nagpalakpalam)
C.3 Paglalahad ng Bagong Leksyon
(Pagbasa sa Nobela Kabanata VII)

Ngayon mga mag-aaral tatalakayin


na natin ang ika-pitong kabanata
gusto kong mayroon ba kayong mga
katanungan tungkol dito?
Kabanata VII: Si Simoun
Ngayon mga mag-aaral at tapos
niyo ng nabasa ang ika-pitong
kabanata, mayroon ba kayong mga
katanungan tungkol dito?
Wala po Sir!

Kung ganun ay ako ang


magtatanong sa inyo tungkol sa ating
binasang kabanata ngayon.

C.4 Pangkaisipang Talakayan


Narito ang mga tanong na aking
inihanda:
 Paano nakilala ni Basilio na si
Simoun at si Ibarra ay iisa,
Marie?
Nakilala niya ito dahil naabutan niya ito sa
gitna ng gubat na may hinuhukay at doon
niya napagtanto na si Ibarra at Simoun ay
iisa dahil tonulungan na siya nitong ilibing
Mahusay! ang kanyang ina noon.
 Bakit hindi binaril ni Simoun si
Basilio sa pagtatag ng
Akademya ng Wikang Kastila,
Greg?
Dahil batid ni Simoun na pareho sila ni
Basilio ng napagdaanan, naghirap at
nagtiyaga. Na tulad niya ay mau utang din
na dapat singilin sa lipunan at unaasa si
Simoun na nakipagtulungan si Basilio sa
Napakahusay! kanyang mga adhikain at paghihiganti.
 Ano ang pananaw ng mga
estudyanteng tulad ni Basilio
sa pagtatag ng Akademya ng
Wikang Kastila, Chris?
Ang Panananaw ng mga estudyante ay
inaakala nilang makakamit ang pantay na
pagtrato sa lipunan. Hinahangad din nil
ana magkaisa ang bawat pilo sa
Tama! pamumuno ng Espanyol.
Ano ang pananaw ni Simoun na
taliwalas sa paniniwala ng mga
kabataan Ella?
Pananaw ni Simoun na isang malaking
kamalian ang pagkakaroon ng Akademiya
ng Wikang Kastila dahil ayon sa kanya
kailanman ay hindi magiging wikang
Pambansa ang Wikang Kastila sapagkat
ito ay hindi kayang salitain ng tao. Dagdag
pa niya na ang wika ang diwa ng bayan at
habang angkin ng bayan ang kanyang
sariling wika ay taglay niya ang sariling
Napakagaling! pag-iisip.
C.6 Magandang Talakayan
Sa pagbabasa, pagsusuri, at
pagsulat ng isang nobela tulad ng El
Filibusterismo, mahalaga ang pag-
uugnay-ugnay ng mga pangungusap
gayundin ang mga talata. Ang lahat
ng mga sulatin ay may tatlong
bahagi:

a. Simula-ang paksang pinag-


uusapan. Ideya kung ano ang
magiging asahan ng mga
mambabasa sa artikulong
babasahin.
b. Gitna- naglalahad ng
pangunahing kaisipan at
mahalagang impormasyong
sumusuporta sa paksa.
c. Wakas- nagbibigay kaisipan o
pahayag na maghihikayat sa
mga mambabasa na maging
higit na mapag-isip.

Mula sa kabanatang ating


tinalakay, alin doon ang pinakapaksa
o ideya, Marve?
Ang ideya po ng ika-pitong kabanat ay
tungkol po kay Simoun, ang kanyang mga
Magaling! plano at layunin.

Saan naman doon ang gitna o


ang sumusuporta sa paksa, Niel?
Ang sumusuporta po s a paksa ay ang
pag-uusap nina Basilio at Simoun tungkol
sa pagkakaroon ng Akademoya ng Wikang
Mahusay! Kastila.

At ano naman kaya ang naging


wakas sa tingin mo , Jason?
Ang naging wakas po ay hinayaan ni
Simoun na umalis si Basilio at iniisip kung
Napakagaling! ibubunyag ba nito ang kanyang lihim.

C.7 Paglalahat
Sa puntong ito mga mag-aaral ay
may mahalaga akong katanungan

 Kung ihahalintulad mo ang


Sistema ng edukasyon noon,
anong kabuluhan nito sa
Sistema ng edukasyon
ngayon, Kaye?
Para sa akin ang sistema ng edukasyon ay
noon mahirap sapagkat hawak tayo noon
ng mga Espanyol kung kaya`t obligado
tayong maytuto ng kanilang wika. Mahigpit
ang mga propesor. Ang kabuluhan nito sa
sistema ng edukasyon ngayon, may
naitulong ito sa atin sapagkat marami
taong natutuhan sa kanola ng lahat, tulad
na lamang ng natutunan nating mga salita
mula sa kanila. Nagkaroon ng disiplina sa
sarili at pagrespeto sa mga guro sa kabila
ng kanilang kabangisan at hanggang
ngayon ay dala-dala parin natin ang
Napakahusay! kaugaliang iyon.
 Ano-anong mga pamamalakad
sa pamahalaan noon ang
nagbago o dala-dal pa rin sa
kasalukuyan, Jude?
Ang pamamalakad ng pamahalaan noon
hanggang ngayon ay dala-dala parin ay
ang korupsiyon at ang Nawala naman ay
ang pagkakaroon ng bitay o death penalty
sa sinumang magkakasala. Nadala na din
natin ang pagkakaroon ng dinastiya pero
Napakagaling! mas nangingibabaw ang korupsiyon.
C.8 Pagpapahalaga
Ngayon mga mag-aaral ay may
mga tanong ulit ako

 Mula sa kabanatang nabasa.


Paano pinapahalagahan nis
IMOUN ang pagmamahal niya
sa bayan? Ano ang kanyang
paniniwala dito, Ken?
Pinapahalagahan niya ito sa pamamagitan
ng papili niya sa mga kabataan na
magkaroon ng Akademiya sa Wikang
Kastila sapagkat ayon sa kanya isa itong
malaking kamalian dahil kailanman hindi
magiging wikang Pambansa ang wikang
Kastila. Ang paniniwala niya kasi ay hindi
magiging tugon ang wikang Kastila sa
Napakahusay! kaisipan at damdamom ng mga Pilipino.

 Bilang mamamayan sa
liounan, paano mo
pinapahalagahan ang iyong
pamilya at ang bayan, Jacob?
Pinapahalagahan ko ang aking pamilya at
ang bayan sa pamamagitan ng aking
pagmamahak, sapagkat pagminahal mo
ang iyong pamilya at bayan ay nandiyaan
na ang pagrespeto at pagsunod sa mga
Magaling! alituntunon sayo at sa bayan.

C.9 Paggamit

Sa pungtong ito mga mag-aarak


ako ay may ipapagawa sa inyo.
Babasahin ko ang panuto.
Panuto: Tukuyin at ipaliwanag
ang mga isyung panlipunan sa
kasalukuyan na maaring iugnay sa
buhay ng mga tauhang binanggit sa
mga kabanat. Pumili lammang ng isa
at iklian lamang ang inyong sagot.
Kailangang masunod ang wastong
pagkakaugnay ng mga pangungusap.

a.Basilio Isyung Panlipunan_____


Paliwanag:

b.Simoun Isyung Panlipunan____


Paliwanag:

Batayan sa pagbibigay ng Iskor


 Maorganisa ang mga ideya-10
puntos
 Ang impormasyon ay angkop
sa paksa-10 puntos
 Makikita ang ugnayan sa isa`t-
isa ng mga ideya-10 puntos

KABUUAN -30 Puntos.

Bigyan ko kayo ng limang minute


sa paggawa. Umpisahan niyo na
mga mag-aaral
( kasalukuyang gumagawa)
K. 10 Pagtataya / Ebalwasyon
Lubos akong nasisiyahan dahil
ang gaganda ng mga sagot ninyo,
kung kaya ay gusto kung sagutan
ninyo ang mga sumusunod na
katanungan. May inihanda akong
maikling pasulit, kumuha kayo ng
sang-kapat na papel. Ipapaalam ko
lang mga mag-aarak na ang bawar
tanong ay may katumbas na
labinglimang Segundo, pag ito ay
natapos hindi ko na ibabalik pa.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang


sagot.

1.Sino ang naabutan ni Basilio na


naghuhukay sa gubat?
a. Ibarra c. lampara
b. Simoun d. Tandang Selo B
2.Ano ang binunot ni Simuon at
itinutok kay Basilio?
a. Pera c. lampara
b. Rebolder d. sanga
3.Ilang taon na ang lumipas mula ng B
huling pagkikita nina Simoun at
Basilio sa gubat?
a. Labingtatlong taon
b. Labing-apat na taon
c. Isangdaang taon
d. Labindalawang taon
4.Ano ang naging kabuhayan ni A
Simoun upang makapagbalat-kayo?
a. mangangalaha c. minero
b. kutsero d. enhinyero
5.Ano ang nilagdaan ng mga
kabataan kasama na si Basilio upang A
maisakatapuran?
a. Akademiya ng Wikang Ingles
b. Akademiya ng Wikang Pranses
c. Akademiya ng Wikang Kastila
d. Akademiya ng Wikang Filipino
6.Ano ang wika ayon kay Simoun?
a. diwa ng bayan C
b. utak ng tao
c. dila ng bayan
d. talion
7. Sino ang estudyanteng Pinaki-
usapan ni Simoun na magkaroon ng B
paghimok mula sa Espanyol?
a. Isagani c. Basilio
b. Makaraig d. Crispin
8. Ano ang dating pangalan ni
Simoun bago siya nawala? C
a. Pedro Caballero
b. Crisostomo Ibarra
c. Fernando Guevarra
d. Salvador Guerero
9. Anong katangian ang makikita mo
kay Simoun kung ang pag-uusapan B
ay tungkol sa bayan?
a. mapagmahal c. madamot
b. matulungin d. mapagbigay
10. Ano ang tawag sa ikalawang
nobela no Dr. Jose P. Rizal? A
a. El Filibusterismo
b. Noli Me Tangere
c. La Solidaridad
d. La Indeoendencia

Magalinf mga mag-aaral at A


nakakuha kayo ng mataas na iskor sa
ating pasukit

IV.Kasunduan
Magkaroon ng paunanf pagbasa
sa ika-walong kabanata ng nobela
at sagutan ang mga katanungan.

Ito lamamng sa araw na ito mga


mag-aarak sana ay may napulot
kayong aral at kaalaman.

Laging tandaan: Mag-aaral ng


Mabuti , dahil ang taong may
pinag-aralan ay hindi basta-basta
malalamangan. Alam kong
mahirap mag-aral, peroo mas
mahirap ang walang pinag-aralan.

Paalam na mga mag-aaral?

Paalam na po Gg. Apat!

You might also like