Professional Documents
Culture Documents
LP For Online Demoangeles1
LP For Online Demoangeles1
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
B. Balik – aral
Noong nakaraang araw ay tinalakay natin
ang Awiting Bayan, ano ulit ang awiting bayan,
John? Ang awiting bayan ay mga awit ng mga
Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit parin.
Magaling!
At paano ito nakatutulong sa pang-araw-
araw na buhay natin, Dennis? Nakatutulong po ito sa atin sapagkat
marami po tayong mga magagandang asal
at aral na makukuha dito. Sa pagkanta din
ng mga awiting bayan ay naisasabuhay
natin ang diwa at napapanatiling buhay ang
ating kulturang Pilipino.
C. Bagong Leksyon
C.1. Pagganyak
Bago ang lahat mayroon muna akong
ipapakitang mga larawan, pagmasdan niyo
itong maigi.
Tama!
At sa tingin mo sino-sino ang mga iyan? :Sila po ay sina Zeus, Poseidon, Athena at
Aphrodite.
Mahusay!
Mula sa mga larawang inyong nakita, ano sa
palagay niyo ang ating magiging leksyon sa
araw na ito, Jiey? Sa tingin ko po ay tungkol sa mitolohiya.
Magaling!
Pero bago ang lahat mga mag-aaral gusto
kong basahin niyo muna ang ating mga layunin
sa araw na ito. Basahin ng may kalakasan at
sabay-sabay.
Magaling!
Napakahusay!
C.7. Paglalahat
Ngayon batid kong naintindihan ninyo ang
ating leksyon. Kung kaya’t mayroon akong
itatanong.
Anong mensahe at layunin ang nais
ipabatid ng nabasang mitolohiya,
Nelson? Ang mensahe po ay kung may maitutulong
po tayo sa’ting kapwa ay gawin natin o
kahit sa ating mga pamilya,
nagsasakripisyo po tayo para sa ikabubuti
ng ating mahal sa buhay.
Napakahusay!
Napakagaling!
C.8. Pagpapahalaga
Batid kong naisapuso’t damdamin niyo na
ang ating leksyon ngayon kaya’t ako ay labis na
nasisiyahan.
C.9. Paggamit
Dahil naintindihan niyo na ang ating paksa
sa araw na ito. Gusto kong gumawa kayo ng
isang balangkas.
Panuto: Kung susuriin mo ang iyong
pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig na
kinabibilangan, may kakilala o personalidad ka
bang maihahalintulad kay Prometheus? Ilapat
sa sumusunod na balangkas kung sino ito at
ang mga katangian ng pagiging bayani na
taglay niya. Huwag lang masyadong habaan,
isulat lamang ang mga importanteng bagay.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto sa
paggawa, pagkatapos ay basahin niyo ito sa
harap ng monitor. Bago ang lahat narito ang
mga pamantayan sa paggawa ng inyong
balangkas.
K.10. Pagtataya/Ebalwasyon
Lubos akong nasisiyahan dahil ang
gaganda ng mga sagot ninyo, kung kaya ay
gusto kong sagutan ninyo ang mga sumusunod
na katanungan.
IV. Kasunduan
Magsaliksik sa aklatan o sa Internet ng
isang halimbawa ng mitolohiya. Suriin ito batay
sa mga ibinigay na paraan at pamantayan ng
pagsulat. Magkaroon ng buod at gumawa ng
“audio record” at ipasa sa ating “gc” (group chat
sa messenger).