You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino

Gurong Nagsasanay: Glisa V. Sucgang Taon at Pangkat: BSED FILIPINO 2-2


Gurong Tagapagmasid: Bb. Ana Rhea Miculob Petsa at oras:

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan at napahahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng
Mediterranean
b. Nabibigyang kahulugan ang ibat-ibang uri ng akdang akdang pampanitikan, at
c. Nasasagutan ang pasulit na ibinigay tungkol sa mga inilahad ng guro.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean
b. Sanggunian: Filipino 10 Book: Modyul para sa Mag-aaral
(http://richardmr.blogspot.com)
c. Kagamitang Ginamit: Kagamitang Biswal
III. Estratehiya:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Paghahanda
o Masitayo ang lahat para sa
panalangin. Pangunahan ang
pagdarasal Bb. Zephaniah.  Panalangin
o Magandang umaga BSEd Filipino
2-2  Magandang umaga po Bb.
o Kamusta naman ang araw niyo Sucgang
klas?  Mabuti naman po Bb.
o Masaya akong marinig iyan
o Ngayon, bago tayo magsimula ay
ayusin niyo muna ang
pagkakahanay ng inyong mga
upuan at pulutin ang nagkalat na
papel.  (Gagawin)
o Lahat ba sa inyo ay nandito
 Opo Bb.
ngayon?
o Mabuti kung ganon.

 Pagbabalik aral
o Bago tayo magsimula sa ating
paksang aralin, sinong
makapagbabalik aral sa paksang
itinalakay kahapon?  Ang paksang itinalakay natin
o Yes Bb./G.? kahapon ay tungkol sa panitikan.
Nagsasabi ito o nagpapahayag ng
mga kaisipan, damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo
na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.

o Maraming salamat G./Bb. at


bigyan natin siya ng isang bagsak  (Gagawin)
klas.

o Ngayon, handa na ba kayo sa  Opo Bb.


ating panibagong paksa?
B. Pagganyak
o Bago natin sisimulan ang opisyal
na talakayan ay magkakaroon
muna tayo ng pagganyak.
Magsasabi ako ng pangalan na
isang character sa isang kilalang
akda. Tutukuyin niyo kung anong
kwento sila napapabilang. Unahan
lang sa pagsagot. Kung sino ang
makakasagot ay bibigyan ko ng
dagdag puntos sa ibibigay kong
gawain pagkatapos ng ating
talakayan  Opo Bb.
o Nakuha ba klas?  (Ginawa ang Gawain)

C. Paglalahad
o Ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw ay ang mga akdang
pampanitikan ng Mediterranean
gayundin ang ibat-ibang uri ng
akdang pampanitikan.
o Bago ang lahat ay pakibasa muna  Pagkatapos ng talakayan, ang
ang layunin. mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nauunawaan at napahahalagahan
ang mga akdang pampanitikan ng
Mediterranean
 Nabibigyang kahulugan ang ibat-
ibang uri ng akdang akdang
pampanitikan, at
 Nasasagutan ang pasulit na
ibinigay tungkol sa mga inilahad ng
guro.

o Maraming salamat
o Ngayon, may alam ba kayo kung
saan matatagpuan ang dagat ng
Mediterranean?  Ako po Bb.
o Yes Bb./G.?  Sa pagitan ng Europe, hilaga ng
Amerika at timog-kanlurang asya.

o Tama! Magaling!
D. Pagtatalakay
o Ang dagat Mediterranean ay
matatagpuan sa pagitan ng
Europe, hilaga ng Amerika at
timog-kanlurang asya. Sinasaklaw
ng Mediterranean ang
dalawampu’t dalawa na iba’t-ibang
bansa mula sa tatlong kontinente.
Ang mga bansang ito ay:  Algeria, Egypt, Libya, Morocco,
o Pakibasa ang nasa pisara Tunisia, na nasa kontinente ng
Africa, sa kontinente ng Asya –
Cyprus, Israel, Lebanon, Syria, at
sa kontinente ng Europe – Albania,
bornia, at Herzegovina, Croatia,
France, Greece, Italy, Malta,
Monaco, Montenegro, Slovenia,
Spain at Turkey.

o Okay, Maraming salamat.


o Sinasabing ang sinaunang
Mediterranean ang nakatuklas ng
Sistema ng pagsulat na
nagpabago at humubog sa
kasaysayan ng mundo. Ilahad ang o Unti-unting umunlad ang pagsulat
iyong ideya tungkol dito Bb./G? mula sa simbolong larawan,
simpleng komunikasyon tungo sa
likhang sining at panitikan. Ang
panitikan ng sinaunang
Mediterranean ay naging batayan
ng ibat-ibang uri ng panitikan sa
buong mundo.

o Tama! Magaling!
o Ano-ano nga ba ang mga akdang
pampanitikan ng Mediterranean na
nakaimpluwensya sa buong
daigdig?
o Basahin ang nasa pisara at isa-
isang maglahad ng iyong
nalalaman tungkol sa mga akdang
ito at ang iyong natutunan sa
storya na maaari ninyong e apply
sa totoong buhay.  Mga Akdang Pampanitikan mula
sa mga bansang Mediterranean:
 Mitolohiya ng Rome – “Cupid at
Psyche”
 Sanaysay ng Greece – “Ang
Alegorya ng Yungib”
 Parabula mula sa Syria – “Ang
Tusong Katiwala”
 Nobela at Maikling Kwento ng
France – Ang Kuban ng Notre
Dame”, “Ang Kwintas”
 Epiko ng Mesopotamia (Iran) –
“Epiko ni Gilgamesh”
 Tula ng Egypt – “ Ang Tinig ng
Ligaw na Gansa”

o Alam kong kayo ay pamilyar na sa o Ang “Cupid at Psyche”. Ito ang


mga akdang ito. kwento ng pag-iibigan nila Cupid at
o Ok Bb./G.? psyche at sa kabila ng balakid sa
kanilang pag-iibigan ay
nangibabaw parin ang kanilang
pagmamahalan. Sila ay ang diyos
at diyosa ng mitolohiya sa Roma.
Ang natutunan ko sa kwentong ito
ay dapat na mangibabaw ang
pagmamahal kahit ano mang
hadlang ang dadating. Sundin ang
bulong ng puso.

o Tama! Magaling!

o Maliban kay Bb./G. Sino pa ang


makakapagbahagi?  “Ang Tinig Ng Ligaw na Gansa” Ito
ay tungkol sa hindi inaasahang
o Yes Bb./G.? pagmamahal ng isang tao sa hindi
sinasadyang panahon at
pagkakataon. Sa buhay may mga
hindi inaasahang pangyayari ang
maaari nating maranasan. Kaya
dapat palagi tayong handa.
Handang tumanggap, magmahal,
masaktan at magpatawad.
o Magaling!
o Ipinapakita sa tulang ito ang mga
komplikasyon na dulot ng pag-
iibigan sa maling panahon at
pagkakataon. Gayunpaman,
maging komplikado man ang
panahon at pagkakataon ng ating
pag-ibig basta’t mananatiling
positibo lang tayo sa pagharap ng
mga komplikasyon at may  Opo Bb.
pagmamahalan walang pagsubok
ang hindi natin malalampasan.
o Nagkakintindihan ba tayo klas?

o Ngayon ay alamin naman natin


ang kahulugan ng ibat-ibang uri ng
akdang pampanitikan. Ano-ano
nga ba ang mga ito? o Ito ay ang mitolohiya, sanaysay,
parabula, nobela, maikling kwento,
epiko, tula at iba pa.
o Bb./G.?

o Magaling!
 Ang mitolohiya ay kwento tungkol
o Sino ang makapagbibigay ng ideya sa mga diyos at diyosa. Ang
halimabawa nito ay ang kwento ni
kung ano ang mitolohiya?
“Cupid at Psyche”
o Yes Bb./G.?

o Tama! Magaling!
 Ito ay kwentong madalas na hango
sa Bibliya at umaakay sa matuwid
o Ano naman ang parabola? na landas ng buhay.
o Yes Bb./G.?

 Ang Tusong katiwala po Bb.

o Tama! Magaling!
o Isa sa mga halimbawa nito ay
ang? Ibigay Bb./G.?  Ang epiko ay tumatalakay sa mga
o Tama! pangyayaring nagbibigay diin sa
o Ibigay naman ang iyong ideya pakikipagsapalaran, kabayanihan
kung ano ang epiko. Bb./G.? at di kapani-paniwalang bagay na
nagbibigay aral.

o Tama! May ideya ka!


o Ito ay tumutukoy sa kabayanihan
ng tao.  Epiko ng Gilgamesh
o Ano ang pinakamatandang epiko
sa daigdig?  Wala na po Bb.
o Yes Bb./G.?
o May mga katanungan ba kayo
tungkol sa paksang itinalakay?
o Kung wala ay ako ang
magtatanong sa inyo.

E. Pagpapahalaga  Mapahahalagahan ko ito sa


o Sa anong paraan ba pamamagitan ng pagtangkilik at
mapapahalagahan natin ang pagbahagi nito sa nakararami.
panitikan ng Mediterranean?
o Yes Bb./G.?

o Tama! Ang pagtangkilik nito ay


isang paraan upang
mapahalagahan natin ang
panitikan ng Mediterranean.  Opo Bb.
o Naunawaan niyo talaga ang ating
paksa ngayon.
o Nakamit ba natin ang layunin para
sa paksang ito?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Punan ang patlang, hanapin sa
Hanay B ang tamang sagot sa Hanay A.
Isulat lamang ang letra ng iyong sagot.

A
_____1. Cupid at Psyche
_____2. Gilgamesh
_____3. Alegorya ng Yungib
_____4. Ang Kuban ng Notre Dame
_____5. Ang Tusong Katiwala

B
a. Epiko
b. Mitolohiya
c. Nobela
d. Maikling kwento
e. Parabula
f. Sanaysay

V. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik ng isang akda at
tukuyin kung anong uri ng akdang
pampanitikan ito napapabilang.
Pagkatapos ay Ilahad ang inyong dahilan.
Isulat sa kalahating papel.

You might also like