You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY NG PAGTUTURO SA FILIPINO

I – MGA LAYUNIN:

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A.
B.
C.

II – PAKSANG-ARALIN:

A. Paksa: Akdang Pampanitikan: Sanaysay


B. Sanggunian:
C. Kagamitang-Panturo:

III – PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:

Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin.


(Magsisitayo ang lahat.)
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral
upang pangunahan ang pagdarasal.)
(Ang napiling mag-aaral ay nagdasal.)
Magandang araw sa inyong lahat!
Magandang araw din po Bb. Lavega.
Maaari nang magsi-upo ang lahat.
Maraming salamat po. (Umupo na ang mga
mag-aaral.)
Mayroon bang lumiban sa klase ngayong
araw?
Wala po.
Mabuti kung gayon.

B. Balik-Aral

Bago natin simulan ang bagong talakayan, atin


munang balikan ang huling paksang tinalakay
natin. Ano ang huli nating tinalakay?
Ma’am, ang huli pong aralin na ating tinalakay
ay tungkol po sa Nobela.
Ano ang nobela?
Ang nobela po ay isang mahabang kathang
pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako
at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Mahusay! Mukhang handa na ang lahat sa
ating bagong aralin.

C. Pag-aalis ng Sagabal:

Ngayon, bago tayo magsimula nais kong


tingnan niyo ang mga salitang nakapaskil at
punan ang mga kulang na letra at tukuyin kung
anong salita ito.

P__RM_L
D_ _O_MA_
T_M_
B_LAN_K_S
S__AY_AY

(Nagsitaasan ng kamay)
Sige, sagot.
(Sasagot ang mga mag-aaral)
Pormal po.

Mabuti! Ano pa?


Di-Pormal po
Tama! At ano pa?
Tema po.
Magaling. Ano pa?
Balangkas po.
Tama! Ano naman ang sagot sa huling kulang
na salita?
Sanaysay po.
Mahuhusay! Ngayon, ano sa tingin niyo ang
ibig sabihin ng mga salitang inyong sinagutan.
(Magbibigay ng ideya)
Tama ang inyong mga sagot. Maya-maya
lamang ay atin iyang tatalakayin isa-isa.

D. Paglalahad ng paksa:

Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa


Sanaysay.
Sino sa inyo ang may ideya kung ano ang
sanaysay?
(Magsisitaasan ng kamay)
(Magbibigay ng ideya)

Aba mukhang marami na sa inyo ang may


alam kung ano ito.

Sino naman rito ang nakasulat o nakagawa na


ng sanaysay?
(Magsisitaasan ng kamay)
Mabuti kung gayon. Ngayon ay atin ng
sisimulan.

Handa na ba ang lahat?

Opo.
E. Pagtalakay:

Ano nga ba ang sanaysay?


Maaari mo bang basahin ang kahulugan?
(Tatawag ng mag-aaral na magbabasa)

(magbabasa)

Salamat. Maaari ka nang umupo. Ang


sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa
salitang Latin na exagium na nanggaling
naman sa pandiwa na exagere na
nangangahulugang “gawin, magpaalis,
magtimbang, magbalanse.”

Ito ay isang sulating komposisyon na


kalimitang naglalaman ng mga pananaw, kuru-
kuro o opinyon ng isang awtor o akda.

Nagmula ito sa dalawang salita:


ang sanay at pagsasalaysay
Kaya’t ayon kay Alejandro G. Abadilla ang
sanaysay ay “nakasulat na karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay.”

Alam niyo bang nagsimula ang tinatawag na


sanaysay noong huling bahagi ng ika-16 na
dantaon, sa pamamagitan ng inilathang sulatin
ng Pranses na si Michael de Montaigne na
pinamagatang Essais.

Noon ay mayroon siyang mga isinulat na akda


at nais niyang ilahad ito sa mundo. Subalit
hindi niya alam ang tawag sa mga iyon dahil
laman lamang ng mga ito ay ang kaniyang mga
opinyon, pananaw at kuro-kuro sa mga bagay-
bagay. At dahil sa kagustuhan niyang ipakita’t
malaman ng mundo ang kaniyang mga sulatin
o gawa ay pinangalan niya itong essai o sa
ingles ay essay at sanaysay naman sa tagalog.

Ngayon naman ay dadako tayo sa uri ng


sanaysay at ang katangian at layunin nito.

Maaari bang makibasa?


(Magtatawag ng mag-aaral na babasa)
(Magbabasa)

Salamat. Maaari ka nang umupo.

Mayroong dalawang uri ng sanaysay, ito ay


ang pormal at di-pormal. Malaki at marami
itong pagkakaiba kaya't hayaan niyong akin
itong ipaliwanag.

Una, ang pormal na sanaysay o kilala ring


maanyong sanaysay, ay naglalahad ng
makatotohang impormasyon at pili ang mga
salitang ginagamit dito.

Ang katangian nito ay may


maayos na balangkas kaya ito ay
makahulugan, matayutay at matalinghaga.

Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito’y


talagang pinag-aaralan.

Layunin nitong magpaliwanag, manghikayat,


at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at
moral ng mga mambabasa.

Pangalawang uri ng sanaysay naman ay ang


Di-Pormal o kilala ring Pamilyar na Sanaysay.
Ito ay maaaring tungkol sa mga
pangkaraniwang paksa o sa personal na
pananaw.
Ang mga katangian nito ay mapang-aliw,
mapagbiro, at nagbibigay-lugod sa mga
mambabasa. Idinidiin dito ang mga bagay-
bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa
kababakasan ng personalidad ng may-akda.

Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa


damdamin at paniniwala ng may-akda ang
pananaw.

Ang layunin nito mangganyak, magpatawa,


kaya ay manudyo o magsilbing salamin sa
lahat ng mga saloobin at kondisyong
pansikolohikal ng mga mambabasa.

(Ituloy)

Opo.
At dito nagtatapos ang ating talakayan.
Naintindihan ba ng lahat? Wala po.

May mga katanungan ba?

Mabuti kung gayon.

F. Paglalapat:

G. Paglalahat:
Opo, Ma’am.
H. Pagpapahalaga
Opo, Ma’am.
Naintindihan ba ng lahat ang aralin?
Opo, Ma’am.
Nasiyahan ba kayo sa ating ginawa?

Naunawaan ba ang aking mga paliwanag? Opo, Ma’am.

Tama lang ba ang lakas ng aking tinig? Narinig Wala po.


ba ng lahat?

Wala bang mga tanong?

Mabuti kung ganoon.

IV – EBALWASYON/PAGTATAYA

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

V – TAKDANG ARALIN

You might also like