You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nakikilala ang mga tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay
 Natutukoy ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang
tuluyan
 Naisasakatuparan ang maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga
tauhan sa isang akda
 Naipadadama ang kahalagahan ng isang tauhan sa isang akdang pasalaysay

II PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Tauhan bilang element ng akdang pasalaysay


B. Sangunian: Pinagyamang Pluma 9 - Pahina: 126-127
C. Kagamitan: Projector, Laptop, PowerPoint, Presentation, Accordion, Endless Square,
Aklat at Kartolina
D. Pagpapahalaga: Naipadadama ang kahalagahan ng isang tauhan sa isang akdang
pasalaysay
E. Integrasyon: Literature at Values Education

III PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

 Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
 Bago po tayo magsimula sa ating aralin magsitayo  Lahat ay tatayo at manalangin.
po muna tayo para sa ating panalangin. Sa ngalan ng ama ng anak….
 Magandang umaga/hapon sainyong lahat.  Magandang umaga/hapon din po
Ma’am/Sir.
Pagtala ng Liban
 Ngayon naman leder pakitsek po kung sinu-sinu ang  Leder ang magtsetsek ng
attendance.
mga liban para sa araw na ito.

Pagtala ng Takdang-Aralin
 Ngayon naman ay tingnan natin kung sinu-sino ang  Mga leder ang magwawasto ng
nagsipag-gawa ng takdang aralin. Mga leder takdang aralin.
pakiwasto naman po ng mga takdang aralin ng
inyong mga ka-grupo.
B. Balik-Aral
 Ngayon naman po bago tayo magsimula sa ating
bagong paksa balikan muna natin ang ating paksa
kahapon.
 Pagganyak
Pagtuklas
 Magtatanong ang guro ng ilang mga katanungan.  Sir! Si Pagong at Matsing, Si
Tanong: 1. Ano-ano ang alam ninyong kwento, pabula, Malakas at Maganda at ang
parabola at alamat? parabola ng Mabuting
2. Sino-sino ang mga naging tauhan dito? Samaritano po.
Paglilinang
 Matapos masagutan at makapagbigay ang mga mag-
aaral ng iba’t ibang alam nilang kwento, pabula,
parabola, alamat at kong sino-sino ang mga tauhan
dito ay tatalakayin ng guro ang Tauhan Bilang
Elemento ng Akdang Pasalaysay.
Pagpapalalim
 Matapos talakayin ang Tauhan Bilang Elemento ng
Akdang Pasalaysay, bibigyan ng guro ang mga mag-
aaral ng isang gawain.
Gawain
 Batay sa mga tinalakay na mga karaniwang
bumubuhay sa anumang akdang tuluyan, itatanong
ng guro ang isang katanungan
Tanong:  Sir! Lahat ay nakataas ang
1. Kung ikaw ang tatanungin anong uring tauhan ang kamay
 Sir! Tauhang Lapad po dahil po
madalas na maging ikaw? Ipaliwanag ang iyong sagot.
ako ay mabait.
Pagpapahalaga
Tanong sa Pagpapahalaga
(VI) Pagkakaisa
(VIQ)
1. Ano ang mahalagahang ginagampanan ng mga  Sasagutin ng mga mag-aaral ang
tauhan sa isang kwento o akda? bawat katanungan
2. Ano ang ginawa ng bawat miyembro upang
maisagawa nang maayos ang gawain na ibinigay sa
bawat pangkat?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaisa?

IV Paglilipat
Batay sa tinalakay na mga karaniwang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan, bibigyan ng
guro ang mga mag-aaral ng isang Gawain.

Pangkalahatang Gawain:
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa 4 na pangkat. Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng mga
Gawain.
A. Sasagutan ng unang pangkat ang mga katanungang na ibibigay ng guro na nakasulat sa isang
kartolina.
Mga tanong:
1. Ano ang iba’t ibang uri ng tauhan? Isa-isahin ang mga ito.
2. Bakit mahalaga ang bawat tauhang nabanggit?
3. Ano kaya ang posibleng mangyari sa akda kung iisang uri lang ng tauhan mayroon ito?

B. Susuriin kung anong papel ang ginampanan sa napiling akda o kuwento at ipaliwanag kung
bakit ito ang inyong sagot. Sa huli ay bumuo ng kritikal na paghuhusga sa pagiging epektibo
ng bawat tauhan.

C. Bumuo o magsadula ng isang kuwento sapamamagitan ng mga larawan sa accordion at


tukuyin ang mga tauhang bumuhay sa kuwento.

D. Isulat sa Endless Square ang pinakagusto ninyong linya o diyalogo nila at saka bigkasin ito
sa harap ng klase ng may paglalapat sa kanilang katauhang ginagampanan.

Takdang Aralin

 Isulat sa kwaderno ang pagkakaiba ng tauhang bilog sa tauhang lapad. Alin sa dalawa ang sa
palagay mong makatotohanan ang karakter?

Inihanda ni:

G. NOEL A. HERMIDA JR
Mag-aaral

Pinagtibay ni:

DR. SALVACION ESPEDIDO


Guro

You might also like