You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 5

Guro: Clarissa Cacharro Baitang / Antas: 5


Petsa Asignatura :
Markahan : Ikalima

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa at iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
B.Pamantayang sa Pangganap
Naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa kuwentong binasa: nakapagsasadula ng maaarling
maging wakas ng kuwentong pinasa at nakapagsasagawa ng character ng mga tauhan.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Nailalarawan ang tagpuan at tauhan ng nabasang teksto (KSPB- llA- 4)
II . Nilalaman
A. Aralin : Nalalarawan ang tagpuan at tauhan ng nabasang teksto
B. kagamitang panturo: Biswal ,cartolina, at mga larawan.
C. Sanggunian: Mga pahinasa kagamitang pang- magaaral
Araling Filipino.. Pahina 10- 24

III. PAMAMARAAN
STRATEHIYA SA PAGTUTURO
 Technology – Based Interactive Teaching Stategy
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG BATA

Panimulang Gawain
-Panalangin
-Pagsasaayos ng mga upuan at pagpulot ng
mga kalat
-Pagtala ng lumiban

Magandang umaga mga mag-aaral Magandang umaga po ma’am

A.Balik -aral sa nakaraang aralin

bago tayo dumako sa ating paksang


tatalakayin, magbalik tanaw tayo sa nakalipas
na aralin,mga bata ano ang ating tinalakay
nung nakaraang aralin?

Magaling ito ay tungkol sa gamit ng


pang- abay at pang – uri sa paglalarawan

B. Panhahabi sa layunin ng Aralin

Sa pagsisimila ng ating bagong aralin ay


mayroon ako sa inyung ipapakitang mga
lawaran. Kinakailang ko ng ilang mag-aaral
para sagutan ito.

Ano ang ipinapakita ng bawat larawan? Ang ipinapakita ng bawat lawaran ay isang
pagdiriwang ng kaarawan at piyesta

Anong pagdiriwang ang ipinapakita nito ? Ang pagdiriwang na ipinapakita nito ay isang
Masayang handaan.
C, Pag-uugnay ng mga halimbawa sa layunin
Ng bagong aralin.

Ang mga larawan ng aking ipinakita ay may


kinalaman sa paksang ating tatalakayin

Handa naba kayong makinig ? Opo Ma’am

Kung gayun sisimulan na natin

Ngayong umaga ay magbabasa tayo ng isang


kwento. Ito ay tungkol sa piyesta ng agpamago. Nais Opo Ma’am
nyo bang malaman kung paano nila ipinagdiriwang
ang kanilang piyesta?

Ang piyesta ng Agpamago


“Letlet, gumising ka na! tawag ni lalay. Iminulat ni
letlet ang kaniyang mga mata. Nakita niyang nag-
aayos na ng higaan ang kaniyang kaibigan. “Piyesta
ng Agpamago ngayon!”
“Oo ng apala! Sabi ni letlet. Na napaupo sa
kaniyang banig. Taga-Batangas si Letlet, at
inanyayahan siya ng kanyang kaibigan na makisalo
sa kanilang Piyesta Agpamago. Ang agpamago ang
pinaka masayang pag diriwang para sa mga alagan
Mangyan sa Mindoro.GInaganap ito tuwing abril.

“Ano nga ulit ang ibig sabihin ng Agpamago ?”


tanong ni Letlet.

“Ang agpamago ay pasasalamat kay


kapwan.Kapwan Agalapet ang tawag naming sa
Diyos na ibig sabihin ay Tagapangalaga. O Narito na
pala ang mga pinsan ko! Halika, ipapakilala kita .”

Nang umagang iyon ay nakilala ni letlet ang lahat ng


mga lolo, lola, tiya, tiyo, at pinsan ni lalay, Ang ilan
sa kanila ay mula pa sa ibang mga barangay. Ang
bawat pamilya ay may dalang palay na pagsasaluhan
ng lahat. Masayang nagkwekwentuhan at
nagkakantahan ang matanda habang nagbabayo ng
palay, nagluluto ng pagkain, at nakikinig sa kanila
ang mga bata.
“Banggi ang tawag sa kantang naririnig mo.”
Paliwanag ni lalay . “Sa pamamagitan ng mga awit,
natatangfap naming ang mga kuwento o mga
pangaran ng nakatatanda. Minsan naman, may mga
banging nagpapatawa! Namangha si Letlet sa
kanyang mga narinig.

Pagkatapos ng kainan, tumayo sa gitna si aking Jose.


Siya ang pinakamatanda sa kanilang pamayanan.
Iginagalang ng lahat ang kaniyang kabutihan at
dunog, Ayon sa kanya, magiging Mabuti ang
kalusugan, kabuhayan, at Samahan ng lahat.
Sinasabi rin niya na dapat maging masipag ang
bawat isa upang maging masagana ang buhay ng
buong pamayanan.

Pag sapit ng hapon, nag paalan na isa’t isa ang mga


kamag-anak ni lalay. Masayang-masaya ang lahat
dahil na ipagdiwang nila ang kanilang Magandang
Samahan at ang tapat na pag-aalaga ni Kapitan.
Masaya rin si Letlet dahil sa kakaibang karanasan na
hinding-hindi niya malilimutan. Napakarami niyang
maikukuwento sa kanyang mga kapatid pag-awit
niya sa Batangas.

Mga bata Maganda ba ang kwento? Opo ma’am

D. Pagtalalakay ng bagong konsipto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

Magkakaroon tayo ng isang pangkatang gawain na


kung saan hahatiin ko ang klase sa dalawang (2)
pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng tig 6
na salita, at tutukuyin ito ng bawat pangkat kung ito
ay tauhan o tagpuan. Ang enyong mga sagot ay
ilalagay niyo sa kahon. Bibigyan kulang kayo ng (5
minuto) upang pag usapan ang inyong gawain.

Pangkat 1:
Ilagay sa tamang hanay ang sumusunod na mga
salita tukuyin kung ito ay tauhan o tagpuan

1. Letlet
2. Sabulubundukin
3. si Lalay
4. Noong unang panahon
5. sa bakuran
6. Ang lolo

Tauha tagpuan

Pangkat 2:

Ilagay sa tamang hanay ang sumusunod na mga


salita tukuyin kung ito ay tauhan o tagpuan

1. Si Jose
2. Si tiyohin
3. Sa Batangas
4. Sa bahay
5. Lunis ng umaga
6. Si karla

tauhan tagpuan

E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pagkatapos ng limang minutong pag uusap


tungkol sa Gawain,bawat pangkat ay
magpapaliwanag sa kanilang mga sagot. Mayron
lamng kayong limang minute para sa
presentasyun.

Ang bawat pangkat ay mamarkahan sa


pamamagitan ng rubrik.
Pamantayan 3 2 Puntos
Nakapag- Kulang sa
Bibigay ng kailangang
kumpleto. imporma-
Nilalaman Wasto at syon
mahalagang tungkol sa 5
impormas- paksa.
yon tungkol
Sa paksa.
Ang lahat Iian
ng lamang sa
miyembro miyembro 5
Kooperasyon ay Ang
nagsagawa nagsagawa
ng mga Ng
gawain . gawain.
Nailahad
ang Hindi
pangunahin lahat ng
g kaalaman kaalaman
Presentasyon sa paksa. ay
Wasto at nailahad 5
magkakaug
nay ang mga
impormasy
on
RUBRIKS

F.Paglinang sa kabihasaan

Tukuyin kung ang sumusunod na salita ay tauhan o


tagpuan. Ilagay sa kalahating papel ang inyong sagot

1. Sa bukirin

1. tagpuan
2. Si nina ay maganda

2. tauhan
3. Sa Kabundukan 3. tag puan

4. Si tipaklong 4.tauhan

5.Sa Malayong kaharian 5.Tag puan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw – araw ng


buhay

Nasubukan nyo na bang gumawa ng inyong sariling


kwnto? Tungkol saan ito ? Sino ang tauhan dito? ( Ang sagot ay naka dipindi sa sagot
Ano ang Tagpuan nito? Bakit mahalaga ang nang bata)
pagkakaroon ng tauhan at tagpuan sa kwento?

H. Paglalahat ng Aralin

Magkakaruon tayo ngayun ng pangkatang gawain na


kung saan gagawa kayo ng maikling kwento,
pagkatapos gumawa ng kwento ito ay eyong
sasagutan sapamamagitan ng
Bibilugan kapag ito ay tagpuan at kahon naman
kapag tauhan. Maliwanag ba mga bata?
at ito ay inyong sasagutan sa Isang buong papel.
Bibigyan ko lamang kayo ng sampong minute upang
gawin ang Gawain.

I.Pagtataya ng Aralin

Basahin ang teksto at kunan ang hanay ng hinihinging


sagot.
Isang lunes nang umaga, maagang nagising si Aling
tess. Agad siyang nagtungo sa kusina upang
maghanda ng alumusal ng kanyang dawalang anak.
Pagkatapos ay naglinis na siya ng bahy saka naligo.
Inihanda na nya ang mga natapos na modules ng
kaniyang mga anak upang ihatid ito sa
paaralan.Bago siya umalis ng bahay ay isinuot niya
ang kanyang face mask at face shield. Dinala rin
niya ang kanyang hand sanitizer para sa
karagdagang proteksyon laban sa Covid 19.

Tauhan:
Tagpuan:
Ilarawan ang tauhan
sa kwento:
Ilarawan ang tagpuan sa kwento:

Tapos naba mga bata ?

J.Karagdagang Gawain

Magbahagi ng iyong sariling karanasan tungkol sa


panahon ng pandemia. Ilarawan mo rin sa iyong
talata ang mga tauhan at tagpuan sa iyong karanasan

You might also like